Saturday, February 1, 2014

(Updated) Isa Kang Batang Nineties Kung...



Ano ang naaalala mo sa Dekada NoBenta?

Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy? Ang sumusunod na listahan (in no particular order) ay ilan lang sa mga nagawan ko na ng entry dito sa NoBenta.

Isa kang ganap na Batang Nineties kung:



1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanood ang "Montreal Screw Job" na nangyari sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.

2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.

3. alam mong si Dino Ignacio ang utak ng "Bert is Evil".

4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.

5. alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget.

6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa "Ang Dating Doon".

7. isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine.

8. nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi.

9. nakapanood ka ng kahit isa sa mga milyung-milyong massacre films ni Carlo J. Caparas.

10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.

11. nakaboto ka sa kauna-unahang SK Elections noong 1992.

12. nakita mo ang pag-usbong ng Megamall, Galleria, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA.

13. alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng "backmasking".

14. alam mong mas napalapit si Erap sa masa dahil sa kanyang "carabao English".

15. isa ka sa mga unang nanabik noong pumutok ang balitang magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads.

16. nakadalo ka sa mga astig na konsyerto tulad ng "MTV Alternative Nation Tour".

17. alam mong si Tito Sotto ang utak sa "Alapaap Controversy".

18. naadik ka sa kalalaro ng Family Computer.

19. may mga kanta kang paborito noon na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinagsasawaang pakinggan.

20. hanggang ngayon ay kabisado mo pa ang mga lyrics ng mga kantang sumikat sa Tate noong 90's.

21. may mga alam kang albums na produced ng Tone Def Records.

25. napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang "Rubber Shoes".

26. isa ka sa mga unang nakatikim ng instant pancit canton.

27. alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield.

28. nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa.

29. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.

30. isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda.

31. isa ka sa mga nakipila sa labas ng ABS-CBN para sumali sa "Pera o Bayong".

32. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida sa ilang music videos ng Aerosmith.

33. alam mong hindi original ng TGIS ang kantang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg.

34. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng kantang "Multong Bakla".

35. mahilig kang manood ng "Headbanger's Ball" ng sinaunang MTV sa Channel 23.

36. naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana.

37. inaabangan mo kung ano ang mga bagong laruang ipapakita sa "Uncle Bob's Lucky Seven Club".

38. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex.

39. bilib ka sa 4-peat ng "Growling Tigers" kahit na 'di ka taga-uste.

40. mayroon kang nakasukbit na beeper sa baywang mo.

41. naniniwala kang isang alamat ang kasaysayan ng Zagu.

42. alam mong "Kung walang knowledge, walang power".

43. bumili kayo ng matinding antenna para makasagap ng sinaunang UHF Channel.

44. alam mong tugtugin sa gitara ang "Plush (kahit intro lang)" ng Stone Temple Pilots.

45. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds at Winnie Cooper.

46. habit mo ang pagba-Batibot.

47. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay Culkin noong totoy pa siya.

48. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate kapag Pasko at balentaympers.

49. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino talaga ang pumatay sa mga Vizconde.

50. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan ng kanyang asawa.

51. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng event na may "palooza" sa hulihan.

52. alam mong rip-off ang kantang "Stay" ng Cueshet mula sa "The Greatest View" ng Silverchair.

53. nagluksa ka ng mawala sa ere ang NU107.

54. naka-attend ka ng "grand eyeball" ng mga crossliners.

55. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas.

56. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon noong July 16, 1990.

57. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.

58. nakikanta ka sa "Bed of Roses" ni bunjubi.

59. elibs ka sa galing ni "The Magician" sa paglalaro ng bilyar.

60. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco.

61. namimili ka sa kung ano ang panonoorin, "TGIS" o "Gimik".

62. alam mo ang istorya sa likod ng "Take it! Take it!" ng 1994 MFF Awards.

63. nalaman mong cool pala ang maging bobo nang makilala mo sina "Beavis and Butt-Head".

64. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms na "TF" at "ST" na isang genre ng pelikula.

65. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers. 

66. alam mo ang mga pamatay na awitin ng Yano.

67. nabalitaan mo kung paano nilait ni Claire Dane ang Pinas.

68. nangolekta ka rin ng mga tansan ng Pepsi para maksali sa "Number Fever".

99. nakarinig ka ng mga bumibirit ng "Zombie" sa videoke 

100. napanood mo ang interview ni Kris Aquino kay Bongbong Marcos sa "Actually...'Yun Na!" 

111. alam mo ang lahat ng mga kantang kabilang sa "90's Music Comes Alive" compilation album. 

112. kilala mo ang alamat na si Karl Roy.  

113. nasaksihan mo ang unang pagsulpot ng mga pirated CD's.

114. alam mong may kumalat na "Bongbong Marcos Urban Legend".

115. naniwala ka sa "Trespassing: 3-in-1 Reunion Concert" ng Eheads, Rivermaya, at Yano.

116. kilala mo ang nag-iisang rakistang doktor ng radyo.

117. kilala mo ang mga bida sa "Cebu Boarding House Scandal".

118. nalungkot at natuwa ka sa "In Love and War" album nina Ely at Francism. 

119. pinangarap mong Talunin si Takeshi para masakop ang kanyang kaharian. 

120.alam mong ang "Mayonaise" ay isang kanta mula sa The Smashing Pumpkins.  

121.  tinamaan ka sa lakas ng Siakol.  

122. kilala mo si Kevin Kosme. 

123. pinangarap mong maging miyembro ng Bioman. 

124. sinagupa mo ang bagsik ng habagat para lang mapanood ang konsiyerto ng The Smashing Pumpkins sa Araneta.  

125.  inakala mong may kaugnayan ang "Spoliarium" ng Eraserheads sa rape case ni Pepsi Paloma.

126. alam mong may milagro daw na naganap sa Agoo.

127. naalibadbaran ka sa magkakapatid na Hanson.  

128. alam mong ginawaan ni Weird Al ng parodya ang Teen Spirit nila Cobain. 

129. alam mo ang signature song ng Rage Against the Machine.  

130. isa ka sa mga unang nakagamit ng mga kung anu-anong social media sa internet.

131. alam mo ang mga 'hidden images' sa 'Use Your Illusion' album cover ng Guns N' Roses. 

132. alam mo ang compilation album na "Pinoy Bato". 

133. natakyut ka sa mga Teletubbies. 

134. kilala mo ang bokalista ng grupong nagpasikat kay Pedro.

135. namangha ka sa talento ni Bob Ross. 

136. alam mong Nike sneakers ang suot ng mga nagpakamatay na miyembro ng kultong Heaven's Gate.  

137. natatandaan mo pa ang convicted rapist Mayor Sanchez na may pamatay na hairstyle.

138. naalala mo pa ang mga taglines ng mga pelikula noong panahon natin.

139. natatandaan mo pa ang ilang mga batang naging cover ng mga music albums noong Dekada NoBenta.

140. napapaisip ka minsan kung nasaan na ang Nirvana Baby.

141. alam mo ang grupong nagpasikat kay Alicia Silverstone. 

142. narinig mong lahat ang mga versions ng 'Ikaw Pa Rin' na unang pinasikat ni Ted Ito.

143. natatandaan mo pa ang circus elections ng 1992.

144. alam mo kaagad na isang Batang 90's si Pinoy MasterChef JR Royol matapos mapanood ang kanyang panayam sa "Bottomline with Boy Abunda". 

145. kung isa ka sa mga nagulat sa anunsyong walang napiling "Best Picture" noong 1994 MMFF. 

146. alam mong ang Club Dredd ay ang mecca ng mga banda noong Dekada NoBenta.

147. alam mo kung sinu-sino ang mga kalaban ng Bioman.

148. alam mong si Sarah Balabagan ay isang OFW na masuwerteng pinalaya ng gobyerno ng UAE sa kasong pagpatay.

149. kung naitago mo ang mga laruang kinalakihan mo noong Dekada NoBenta.

150. naabutan mo ang mga cassette tapes at unti-unti nitong pagkawala 

151. marami kang naaalala sa tuwing nakakakita ng mga food chain newspaper ads mula sa Dekada NoBenta.

152. alam mong si Robert Javier ang bahista ng The Youth.

153. alam mo ang pangalan ng bokalista ng Teeth na nagpasikat ng "Laklak".  

154. minsan ay pinangarap mong makausap ang ilang bigating tao noong Dekada NoBenta katulad ni Ely Buendia.

156. nasaksihan mo ang pagiging patok sa takilya ng pelikulang "Ghost" sa Pilipinas. 


157. alam mo ang tawag sa sinakyan ni Pope John Paul II sa paglilibot niya sa Maynila noong 1995 World Youth Day.

158. alam mo ang pangalan ng grupong nagpasikat ng kantang 'Wannabe'.

159. alam mong muntikan nang hindi matuloy ang konsyerto ni Pavarotti sa Maynila.

160. alam mong walang nakaligtas sa trahedya ng Cebu Pacific Flight 387.

161. alam mong karamihan ng mga kalalakihan noong Dekada NoBenta ay mahahaba ang buhok.








24 comments:

  1. the best talaga ang nineties :) Iba ang magic niya. naaalala ko dati sa WWF, sikat na sikat si Undertaker, lalo na pag nagmomonolouge siya. Looking back sa mga old dvds, wala naman talaga palang sense ang mga pinagsasabi niya. hehehe

    Isa pang favorite ko nung nineties eh kasikatan ng EHEADS. lalo na yung lumabas yung circus, tas cutter pillow. Tape pa ang uso dati :)

    ReplyDelete
  2. kasama ako sa medyo batang nineties. naniniwala na nanganganak ang kisses. :D

    pero less lang knows ko sa music industry ng 90's.

    At favorite si rene requiestas :p

    ReplyDelete
  3. Isa akong fan ni brod pete pero hindi na ko bata kaya.... pwede bang tawagin mo na lang akong "matandang 90's? hehehe. Nice concept blog. - Sam

    ReplyDelete
  4. master, salamat sa pagdaan! kahit na matanda na tayo, we are still young at heart! \m/

    ReplyDelete
  5. welcome sa panahon namin khanto! sobrang asar ko dati sa kisses at hinati ko siya ng kutsilyo para dumami. ~ ganda lalake

    ReplyDelete
  6. da best talaga ang dekada nobenta parekoy!

    peyborit ko rin si undertaker. nakakatakot siya eversince the world began! di ko masyadong pinapansin ang mga sinasabi niya. basta gusto ko lang ang mga malufet nilang drama.

    eheads. wala nang papantay o hihigit pa. \m/

    ReplyDelete
  7. Cerified laking 90's ako!!! Take it take it!!!

    ReplyDelete
  8. ngayon alam ko nang hindi nalalayo ang pagiging oldies mo sakin parekoy! \m/

    ReplyDelete
  9. ako rn po..naniwala jan....lalo pg nilagyan ng pulbos...hehe

    ReplyDelete
  10. hahaha, naniwala ka rin pala jan!

    ReplyDelete
  11. isa akong bubuwit ng dekada nobenta.naging fan ako ng eheads ng hindi ko namamalayan that was 1994 grade 1 ako nun dahil yun lage ang naririnig kong tinutugtog ng mga pinsan ko.which is good naman. kinalakihan ko ng mahalin ang mga kanta ng eheads at umasang mabuo sila noong na MI si ely buendia..

    batang 20's ako pero malakas ang impact ng 90's sa murang edad ko..pinanuod ko ang vizconde massacre,nawili din ako ke undertaker at the rock,naglaro ako ng brick game at game boy at inantay na manganak ang kisses na binalot ko ng bulak at alam ko rin kung paano inabangan ng mga tao ang pag lethal injection ke echegaray..

    ReplyDelete
  12. batang nineties k kung ang buhok m dati ay 'kempee' ; alam mong sayawin ang 'chicken dance' ng tropang trumpo...paborito mo ang x-men, visionaries, inhumanoids, shirttales, rainbow brite, carebears, smurf at ang cute n cute n mga ewoks

    ReplyDelete
  13. ayun. sabi ko na nga ba't parang nabasa ko na 'to dati. update lang pala sa pagkamatay ni whitney houston. hehe. since late 80s ako pinanganak, maituturing na siguro akong batang 90s. sa katunayan, marami sa listahan ang sumapol sa gunita ko nung binasa ko 'yung listahan. mabuhay ang dekada nobenta, ser! \m/

    ReplyDelete
  14. batang 90's nga ako :) hehe
    daming relate sa listahan mo!
    parang halos 75% ay naranasan ko
    although yung iba ay wala talaga akong idea hehe.. :)

    padaan po.

    ReplyDelete
  15. i love nineties,nakakamiss talaga, ang dami kong relate sa 116 na yan..dagdag pa

    117.nahilig ka sa the adventure og tom sawyer.
    :)

    ReplyDelete
  16. Sumalangit nawa yung aking tamagotchi na maraming beses akong nilayasan dahil hindi sya masaya... at para sagutin yung tanong mo sa blog ko, oo batang nineties ako kasi 87 ako pinanganak so nung 90s may malay na ako nun hehehe gagawin mo pa akong sinungaling sa edad ah LOL!

    ReplyDelete
  17. hahaha. may tamagotchi pa ba ngayon? gusto ko mag-alaga ng virtual pet, anyamet. ang alam ko madaminghindi nabaentang mga brick game noon. yung 120 in 1. nasan kaya yung mga sobra nun? memorabilia mode ako ngayon. gusto irelive ang kabataan :P

    ReplyDelete
  18. Grabe yung Montreal Screwjob. Hangáng ñgayón di pa rin itó malimutan ng mğa wrestling fans.

    ReplyDelete
  19. Checked 14 items. teenage years ko kasi eh 2000s ero aware naman ako sa madami sa list pero I've heard or seen them all sa tv, books, movies, etc. Sobra talaga ang pagkahumaling mo sa 90s parekoy ah. Medyo sumakit eyeballs ko sa dami ng nakasulat sa listahan. haha

    ReplyDelete
  20. shet! maka-relate ako sa halos lahat ng nilista mo! hehe! isa nga 'kong batang 90's! hinahanap ko lang din sina bioman/maskman, pagkamatay ni yellow 4, si buknoy at machine man, yung gameboy na mataba na kulay gray, roller blades, pog ng coca cola, ewoks, sina princess sarah, nelo at patrasche. ayun. hehe. anyway, nice post tol! ah yeah!

    ReplyDelete
  21. isa kang batang nobenta pag-nagrunning man ka ang music "mga kababayan" francism, pag bumili ka din ng yoyo na may mga tatak ng brand ng softdrinks, pag kilala mo si pido dido, pag nakikipagpustahan ka sa karera ng bangka sa kanal,pag isa ka din sa nanalo sa pepsi fever 349, pag meron kang isang box ng sapatos na puno ng tex, pag nilalagyan mo ng thumbtax ang trumpo mo pra di makonyatan,pag nagpapa-ikot ka ng bimpo sa daliri mo, pag marunong ka sumipol ng pahigop, na-inlove ka sa kantang "more than words" , ang backpack mo sa skul made from ratan, alam mo kung panu paingayin ang tik-tak, naglaro ka ng sumpit ang bala matampusa, pag-kilala mo ang mastaplann, pag-nagbilyar ka sa coronado lanes at tambay sa padi's magkatapat lang yun ahaha!! dami pa eh sarap talaga ng generation natin

    ReplyDelete
  22. Hindi ako naalibadbaran sa magkakapatid na Hanson, instead naalibadbaran ako sa magkakapatid na Moffatts, hehehehe. :p

    ReplyDelete
  23. Batang 90's ka kung kilala mo din ang mga Batang X at Pintados? Medyo late 90's na ata yun. Hahaha! Tapos kilala mo yung mga anime na Zenki, Thunder Jet, BT X, Mojacko, at Blue Blink!

    ReplyDelete