"Isa kang Batang 90's kung alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng 'backmasking'."
Kapag ganitong nagsisimula na ang mga buwan ng “Ber”, nararamdaman ko na ang lamig ng Pasko lalo na sa pagligo sa umaga. Heto na ang mga panahong nagtatanda muna ako ng krus bago magbuhos ng isang tabong puno ng malamig-lamig na tubig.
Ito rin ang pinakaaantay ng mga istasyon ng radyo at mga damduhalang teevee networks upang masabi na nila ang “One hundred sixteen more days before Christmas!”. Langya, sa pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling-araw o unang araw ng Setyembre ay maririnig mo na ang pamaskong awit ni Michael Jackson, ang “Give Love on Christmas Day”.
Isa sa mga paborito kong Christmas albums ay ang “Fruitcake (1996)” ng Eraserheads. Laman ito ngayon ng aking Nokia 5310 at pinapakinggan ko ang mga kanta mula rito habang ako ay nagtatrabaho rito sa kaharian ng Saudi na kilala bilang isa sa mga lugar sa mundo kung saan hindi ipinagdiriwang ang Pasko. Sa tuwing pinapatugtog ko ito ay naaalala ko ang aking nanay noong mga panahong sinisigawan niya ako dahil sa pakikinig sa mga kanta ng Queen.
“Huwag kang makinig sa mga satanistang ‘yan!”, tiger scream ng ermats ko.
Connect the dots kung naaguguluhan ka sa aking munting palabok na binudburan ko pa ng malulutong na chicharong balat ng baboy.
Kung pakikinggan mo ang unang tatlumpung segundo ng "Fruitcake" album, may maririnig kang kakaibang tunog (na animo'y galing sa impiyerno) bago magsimula ang uang kanta. Kapag pinapakinggan ko ito ay naaalala ko ang music video ng Enigma na “Return to Innocence” kung saan pabaligtad ang galaw ng mga ipinapakita.
Ganitong istilo ang ginamit ng E-heads sa kanilang intro. Ang tawag dito ay "backmasking", o minsan ay "backward masking", isa itong teknik kung saan ang isang tunog o mensahe ay ni-record nang pabaligtad at may intensyong patugtugin sa normal na pamamaran.
Una itong ginamit noong Dekada Singkwenta, panahon ng "musique concrète". Ang konseptong ito ay pinasikat ng Beatles noong 1966 sa kanilang album na “Revolver” kung saan ginamitan nila ng "backmasked effects" ang kanilang mga kantang "Tomorrow Never Knows", "I'm Only Sleeping," at "Rain".

Naging kontrobersyal ang album na ito dahil sa isang tsismis na mas kilala ngayon bilang “Paul is Dead”. Kung hindi niyo alam ang tungkol dito ay magptulong kayo kay pareng Googs at pareng Wiki. Malalaman niyong may pagkakahawig ito sa Bongbong Marcos is Dead” urban legend. Oo, kung may mga patay tulad nila Elvis, Tupac, at Kurt ang sinasabing buhay pa, may mga tao namang ng buhay pa ngunit sinasabing patay na!
Nagsimula ang kontrobersya noong may tumawag na isang tagapakinig sa isang istasyon ng radyo at sinabing ang album na iyon ng Beatles ay may mga palatandaan sa kamatayan ni Paul. Sinabi ni "Tom" na ang mga "hidden messages" ay maririnig kapag pinatugtog nang pabaligtad ang ilang mga kanta ng Fab Four.
Halimbawa dito ay ang “Revolver” na kapag naka-backmask ay maririnig mo ang "Turn me on, dead man … turn me on, dead man … turn me on, dead man...". Isa pa dito ay ang awiting “I’m So Tired” kung saan maririnig naman daw ang "Paul is a dead man, miss him, miss him, miss him…".
“The Great Cover Up” ang tinawag sa ganitong hindi maipaliwanag na pangyayari. Nasundan pa ng ilan pang kontrobersyang may kinalaman sa backmasking ang industriya ng musika. Isa sa mga pinakasikat dito ay ang awiting "Stairway to Heaven" ng Led Zeppelin. May mga liriko daw itong may "satanic messages" kapag pinakinggan ng pabaligtad.
Normal:
“If there’s a bustle in your hedgerow, don’t be alarmed now
It’s just a spring clean for the May queen
Yes, there are two paths you can go by, but in the long run
There’s still time to change the road you’re on”
Backmasked:
“Oh here’s to my sweet Satan.
The one whose little path would make me sad, whose power is Satan.
He will give those with him 666.
There was a little tool shed where he made us suffer, sad Satan.”

Kaya siguro sinisigawan ako ng nanay ko sa pakikinig ng Queen dahil kilala ang “Another One Bites the Dust” na isa sa mga satanic songs noong kanyang kapanahunan. Kapag pinakinggan mo ito nang pabaligtad ay “It’s fun to smoke marijuana…” raw ang iyong maririnig.
Maraming mga grupo at mga mang-aawit ang sinasabing may mga kantang sumikat dahil daw ito ay mga kasangkapan ni Satanas sa pagpapalaganap ng kasamaan. Mula noon hanggang ngayon ay hindi tinatantanan ng mga santong kabayo ang mga sikat na kantang kinahuhumalingan ng masa.
Noong Dekada NoBenta ay may mga grupong gumagawa ng propagandang kumakalaban sa mga awiting likha ng mga bandang nabibilang sa Alternatibong Pinoy. May religious (daw) group na nagpakalat sa media na kampon daw ng kadiliman ang mga bandang iniidolo ng mga kabataan. Kasama sa listahan ang Rivermaya, Eraserheads, at ang Yano. Heto ang mga interpretasyon ng mga pilosopo tsayong nagpakalat ng walang kuwentang balita:
"Banal na Aso, Santong Kabayo", normal: "...natatawa ako hihihihi... sayo!"
"Banal na Aso, Santong Kabayo", backmasked: "oyas... ihihihih awatatan" na ang interpretasyon nila ay "oh yesss... hehehe our satan...".
"Awit ng Kabataan", normal: "Ang awit ng kabataan, ang awit ng panahon...Hanggang sa kinabukasan, awitin natin ngayon..."
"Awit ng Kabataan", backmasked:"noo'y kami'y naniniwala, natatawa kaming dalawa...o, ama, walang tiwala, lahat na ay walang tiwala..."
"Overdrive", normal: "Gusto kong matutong mag-drive (kahit na walang kotse)...Gusto kong matutong mag-drive (kahit na wlang lisensya)..."
"Overdrive", backmasked: "puta mo, hesus...puta mo hesus..."
Nagkaroon ng isang episode na pinamagatang "Nakatagong Maskara sa Baligtad na Musika" ang Magandang Gabi, Bayan ni Noli De Catro noong January 1996. Kasama sa listahan nila ang ilang mga kanta mula sa "Cutterpillow" ng Eraserheads. Nang tanungin si pareng Ely B. tungkol sa isyung ito, ang depensa niya ay "Kahit anong kanta pag pinatugtog mo ng baligtad magtutunog demonyo.".
Sa kasagsagan ng kontrobersya ay nakasabay namin sila Dong Abay sa isang tugtugan sa UP Diliman. Wala siyang ibang kinakanta sa chorus ng “Banal na Aso” kundi “Ako si Satan…Ako si Satanas!”. Pang-asar sa mga nag-aasar.
Ayon kay Robert Sunico, gustong ipasara ng 700 Club ang Club Dredd sa EDSA sa dahilang sinusuportahan daw ng bar ang pagsamba sa demonyo. Ibang antas ng pag-iisip ang mayroon ang mga grupong ganito. Panalo sa kabalbalan!
May naaalala pa akong isang religious (daw) hotline na kapag tinawagan mo ay may isa silang paksa tungkol sa backmasking. Kinokondena nila ang mga grupo tulad ng Nirvana, Red Hot Chili Peppers, Eraserheads, at Yano. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang pakinggan pa nang pabaligtad? Bakit hindi nalang nila pakinggan ang mga death metal na mga grupo kung gusto talaga nilang makarinig ng mga salita ng demonyo?
Salamat sa grupong nagpasikat sa usaping ito at nakilala ang mga tropang nakasuot ng itim na t-shirt sa pagiging satanista. Paksyet na malagket, napakahirap pumasok sa Robinson’s Galleria at Megamall nang sabay-sabay dahil haharangin kayo ng mga mamang sekyu. Baka raw manggulo lang kami sa skating rink at sa food court.
Mabuhay ang mga hipokrito dahil mas pinasikat nila ang mga banda ng bayan. Wala namang gung-gong na makikinig nang pabaligtad kaya dinedma lang ng mga kabataan ang gusto nilang iparating.

Sinubukan
kong gawin ito sa casette tape ng “Divine
Intervention” album ng Slayer pero wala naman akong narinig na mensahe ng kampon ng kadiliman, kundi puro "gibberish" o garalgal lang na pagsasalita at nakakahilong tunog ng mga instrumento. Kapag
may iniisip kang maririnig, may maririnig ka talaga. Kaso kahit na anong gawin ko, wala talaga. Ayun, kinain ng patay-gutom naming karaoke ang bala. Mabuti nalang ay recorded copy lang ito ng aking koleksyong binili ko pa sa Musikland sa Ali Mall, Cubao.
Salamat sa grupong nagpasikat sa usaping ito at nakilala ang mga tropang nakasuot ng itim na t-shirt sa pagiging satanista. Paksyet na malagket, napakahirap pumasok sa Robinson’s Galleria at Megamall nang sabay-sabay dahil haharangin kayo ng mga mamang sekyu. Baka raw manggulo lang kami sa skating rink at sa food court.
Mabuhay ang mga hipokrito dahil mas pinasikat nila ang mga banda ng bayan. Wala namang gung-gong na makikinig nang pabaligtad kaya dinedma lang ng mga kabataan ang gusto nilang iparating.
Balik tayo sa "Fruitcake". Nabasa ko sa blog ni Ambi Dextrose (ang kanang kamay ni Punk Zappa) ang panayam niya kay Robin Rivera tungkol sa usapin at ang kanyang pahayag ay "While we were working on Fruitcake, I remember there was a religious group that once again brought the issue of backmasking to the media, accusing us of intentionally putting blasphemous statements in our recordings. And since the mass media machinery is always on the lookout for controversy (no matter how stupid or inane it may be) to boost sales/viewership, the group got its 5 minutes of fame. Our response was to reverse the lines "Merry Christmas Everybody, Happy New Year Too" in the start of the album, and dare them to find anything demonic in it. Our point was that if they still found something blasphemous about it, they were either paranoid, deluded, or stupid. For the record, we never intentionally put any "backmasked" blasphemous messages in any of our recordings. I hope this puts this issue to rest.".
Evil tel dna evil.
Evol evil.
totoong hindi kayo pinapasok sa galle? gagong gwardiya yun a.
ReplyDelete- tenco
Eh paano ba naman kami papapasukin kung ganito ang itsura namin?!!
ReplyDeletehttp://no-benta.blogspot.com/2009/08/pag-ibig-koy-metal.html
hahahahaha!
ReplyDelete- tenco
Grabe talaga sila. Basta Eheads,Yano,Rivermaya, satanista agad.. Grabe talaga ang init ng mga grupo laban sa kanila..
ReplyDeleteNaalala ko tuloy nung when I backmasked Lady GaGa's Paparazzi.
Its worse than those bands, sobrang linaw ng pagkadikta.
Pati yung jingle ni Manny Villar (2 versions) at yung kay Noynoy Aquino pinatulan ko narin pero wala akong narinig anything satanic but I heard kids na nagmumura ng P*t4n6 1Na (sorry for being jejemonish today) and about the death of Nida Blanca(weird) and other gibberish weird stuff. Kay Noynoy naman, backmasked name lang niya.. Paulit-ulit na ng mga sinasabi ng mga tao at ni Baby James na "ONION". NOYNOY=ONION
hahaha. pinatawa mo ako sa pagpatol mo sa backmasking ha. pamatay yung kay noynoy! ewan ko, tapos na yung time na naniwala ako na may mga naririnig na satanic phrases kapag binaliktad ang mga kanta. try mo ang backward reading naman. sampol:
ReplyDeletenaive = evian
lived = devil
nasa bayabasan = nasa bayabasan
rakenrol! \m/
"Natatawa ako (hihihihi) sa yo" >> literally pag binaligtad:
ReplyDelete"Oy As, Oka Awatatan" (eh komo backmasked, gibberish talaga ang dating at medyo bizarre), kaya tuloy ginawang alegasyon ng religious (daw) group na (O Yes, O Our Satan). bagaman katunog, i'm sticking with "OY AS, OKA AWATATAN" objectively. kasi yun lang talaga yun eh.
ang tawag daw sa ganun ay "Observer-Expectancy Effect" siguradong andaming free time nitong mga fundies (religious fundamentalists) para pag-ukulan pa ng panahon ang mga 'trivial' na alegasyon.
ang sinomang enthusiast sa audio (tape looping and reverse play included) di basta maloloko ng mga 'banal-banalan'. kung "satanic" sa pandinig ng 'religious kuno' ang "Banal na Aso" i guess, mali. ang totoo lang eh GUILTY sila dahil ine-expose lang naman sa awitin ang hipokrisiya ng mga nag-aanyong 'religious', pero may totoong kulay din.