Noong Ako ay Bata Pa



Madalas sabihin ng mga matatanda na minsan lang tayo daraan sa pagiging bata.

Ang lahat ng mga panahong iyon kahit na may mga pagkakataong hindi masaya ay masayang balik-balikan. Nakaukit ang mga matatamis na alaala at ito'y mahirap burahin.

Ngayong may edad ka na at may sariling responsibilidad na dapat gampanan, minsan ay sumasagi sa iyong isipan na dati, ang problema mo lang sa buhay ay ang paglalaro sa labas ng bahay kasama ang iyong mga kaibigan. Ngayong alam mo na ang tama at mali, minsan ay naiisip mong sana ay nanatili ka nalang inosente.

Sa tuwing napapahinto ka at naaalala ang nakaraan, bigla mong nasasabi sa iyong sarili ang "..ang sarap talaga maging bata!". Mabuti nalang at hindi tayo ang "King of Pop" dahil si Michael Jackson lang ang walang kabataan.

Ang mga kwentong walang kwentang inyong mababasa sa pahinang ito ay mula sa isang Batang 90's na ipinanganak noong 1978 at namuhay din sa mga panahong nauso ang istilo ng pananamit ng mga Bagets; lalaki pa si Ricky Martin ng tinitiliang Menudo; inaabangan ng lahat ang teleseryeng "Mga Batang Yagit"; at nagsisimula pa lang magpatawa si Jimmy Santos.

NOONG AKO AY BATA PA...


...natae ako sa eskwelahan 
...nagbaba-bye ako kapag nakakakita ng eroplano
...naranasan kong pumirma sa slambook 
...gusto ko na'ng tumanda
...namamasyal kami sa Fiesta Carnival 
...superhero ko si peksman. 
...kumakain ako ng kaning binudburan ng asukal
...'di ko pa alam ang sun dance ni Sarah
...naglalaro kami ng styrosnow
...gusto kong tumalino 
...tropa ko si Giripit at si Giripat
...masayang-masaya ako kapag may field trip
...namimitas at kumakain kami ng alatiris 
...kabisado ko ang "All Things Bright and Beautiful"
...kinakarir ko ang mga school projects sa Hekasi  
...naglalaro kami ng teks 
...naglalaro kami ng sumpitan 
...mas gusto ko ang mga classic kung-fu films
...idol ko si Joey ng Royal Tru Orange
...ang pagkakaintindi ko ay taun-taong namamatay at muling nabubuhay si Papa Jesus
...paborito namin ang Sunny Orange
...inaabangan namin ang hallowen special ng "Magandang Gabi, Bayan"





3 comments:

  1. tol, ganda ng site mo. napapunta ako dito dahil nag hahanap ako ng Iaxe album. lumaki din ako nung dekada 90 at lumaki sa mga musika ng bandang eraserheads, rivermaya, yano, the youth, alamid, PNE, Siakol...at marami pang iba. may mga collection kaba ng iba pang banda nung dekada 90?

    ReplyDelete
  2. nakakaiyak balikan ang nakaraan. batang 90s din ako. uso pa dati ang song hits. pinag iipunan ko ang stationery. naniwala ako na nanganganak ang mga kisses pg binalot mo sa bulak.

    ReplyDelete
  3. terima kasih informasinya semoga bermanfaat untuk semuanya gaes
    http://batubatajepara.com

    ReplyDelete