Saturday, June 26, 2010

Take It, Take It

"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang istorya sa likod ng 'Take it! Take it' ng 1994 MFF Awards."

First of all, nagpapasalamat ako sa aking mga masugid na tagasubaybay. Kung wala kayo ay wala rin ako rito sa kinalalagyan ko ngayon. Kayo ang nagsilbing inspirasyon ko upang uminom ng gamot kontra limot para maalala  at maisulat ang mga kalokohan noong Dekada NoBenta. Sa aking asawang Supernanay din ng aming kambal na anak, sa inyo ko inaalay ang mga naisusulat ko dito. Sa buong Maykapal na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang aking nasimulan, lubos akong nagpapasalamat at ibinabalik sa Iyo ang karangalan. At sa lahat ng nakalimutan kong banggitin, salamat din sa inyo...you know who you are!

Paksyet na panimula, parang tumatanggap lang ng tropeo sa isang parangal.

Likas na sa ating mga Pinoy na subaybayan sa teevee ang gabi ng parangal kapag may nagaganap na pista ng mga pelikula. Ang "Araw ng Maynila" ay ipinagdiriwang tuwing June 24 at isa sa mga ipinagyayabang nito ay ang Manila Film Festival kung kailan mga pelikulang Pinoy lang ang ipinapalabas sa mga sinehan ng kabisera ng Pilipinas.

Maganda ang layunin ng nasabing kapistahan ngunit ito ay nabahiran ng katiwalian matapos magkaroon ng "envelop switching" sa pagpapahayag ng mga nanalo para sa mga kategoryang "Best Actor" and "Best Actress". Tinagurian na ito sa kasaysayan bilang "1994 MMF Scandal" o "MMF Fiasco".

Sa Manila Ramada Hotel, June 22, 1994, naganap ang gabi ng pagkilala DAPAT sa mga pinakamagagaling.

Nang banggitin ng mga presenters na sina Ruffa Gutierrez at Nanette Medved ang pangalan ni Gabby Concepcion na nanalo bilang "best actor" para sa pelikulang "Loretta" ay dali-daling nilapitan ng mga tauhan ng Sycip Gorres Velayo (SGV) & Co. si Atty Esperidion Laxa upang sabihin na mali ang naging pahayag at ang tunay na nanalo ay si Edu Manzano para sa pelikulang "Zacarias". Hindi nagawang umakyat sa entablado ni Atty. Laxa upang pigilan si Gabby sa kanyang nakahandang talumpati. Hinanap nalang ng abogado ang noo'y Manila Mayor na si Alfredo Lim upang ipagbigay-alam ang nangyari. Kapansin-pansin ang kasiyahan ni Ruffa na nakitang napatalon pa sa galak.

Aakyat na sana ang alkalde at abogado sa entablado ngunit naunahan nanaman sila ng happy moment ni Ruffa matapos na ipahayag ni Viveka Babajee na siya ang nanalo nilang "best actress" sa pelikula kung saan katambal niya si Gabby. Kasama ni Miss Mauritius si Gretchen Barretto at Rocky Gutierrez, ang nakababatang kapatid ni Ruffa, bilang mga presenters. Ang totoo, si Aiko Melendez ang tunay na nanalo para sa pelikulang "Maalaala Mo Kaya".

Para sa mga manonood, walang mali sa nangyari pero para kay Gretchen, isang pandaraya ang naganap. Siya ang nagsilbing whistle blower sa kinasangkutan ng dalawang anak ni Lolit Solis. Ayon kay Greta, kitang-kita ng kanyang dalawang mga mata niya na ang nanalong nakasulat sa envelope ay si Aiko. Putok na putok ang kontrobersiyang ito matapos mabuko makalipas ang ilang araw. Lahat ng mga diyaryo, mga istasyon ng radyo, at mga programang showbis sa teevee ay ang balitang ito ang laman. Dito nauso ang pamosong linya ni Viveka, ang  "Take it, take it!" na sinasambit niya habang inaabot ang sobre kay Rocky. Ilang beses ding ipinapakita sa teevee ang reaksyon ng mukha ni Gretchen sa mismong pangyayari.

Ayon sa mga kuwento, nakakapagtakang naunang umalis ang dalawang itinanghal na nanalo. Hindi man lang sila nagpa-interview at nakipag-kodak moments sa press at media.

May napanood akong balita noon na habang ipinapakita si Ruffa ay ipinapatugtog ang kantang "Miss World" ng Hole na may lirikong "I'm Miss World, watch me break and watch me burn...no one is list'ning my friend....". 

Galit na galit ang Dirty Harry ng Maynila sa pangyayaring naganap kaya pinaimbistigahan niya ito kaagad. Sinabi niyang ibinoto pa naman niya si Ruffa sa naganap na Binibining Pilipinas noong 1993. Kinabukasan, June 23, 1994 ay nagsagawa naman ng isa pang seremonya sa Manila City Hall sa paggawad ng parangal kina Aiko at Edu.

Ang nakakatawa sa eksenang ito ay ayaw isauli ni Anabelle Rama ang tropeong natanggap ng anak at kakasuhan daw niya ang pamunuan ng MMF dahil sa kahihiyang inabot ni Ruffa. Samantala, ang kampo naman ni Gabby ay nagsabing isasauli nila ang tropeong nagkakahalaga lang ng Php3,950 kapalit ng isang milyong pesotas. Kahit na  isama ang sampung libong pisong premyo, mukhang tanga ang humingi ng ganung halaga ng pera bilang damyos.


Inimbitahan ang mga sangkot sa gulo sa tanggapan ng Maynila ngunit hindi sumipot sila Nanette, Gabby at Rocky. Nakaalis na rin ng bansa si Babajee patungong Hong Kong; hindi siya napigilan sa paliparan dahil wala pa naman siyang kasong kinakaharap noong lumipad siya. Kasama ni Ruffa ang kanyang mga magulang na sina Eddie at Annabelle pati na rin ang kanyang manager na si Lolit.

Parang eksena sa pelikula ang mapapanood sa teevee. Bigla nalang sumigaw si  Ruffa ng "Ayoko na...ayoko...ano ba ito?". Kasama niya nga rin pala ang Bad Boy nating si Robin Padilla. Inaresto naman ang abogadong si Mario Reyes matapos niyang murahin ang noo'y bise-alkaldeng si Lito Atienza ng "Putang ina mo!" sa harap ng maraming tagapagbalita at awayin ang Chief of the City Hall Police Detachment na si Maj. Carlos Baltazar dahil sa proseso ni Ruffa sa pagbibigay ng sinumpaang salaysay.

Si Lolit ang itinuturing na utak ng pandaraya. Siya ang nakataggap ng pinakamaraming kutos at batok mula sa mga madlang nandoon para maki-usi. Bago siya magbigay ng salaysay ay narinig ng malakas ang sigaw na "Ipako sa krus...ipako sa krus! mula sa mga nandoon".

Ang kasong inihain sa kanila ay Violation of Sections 200, 315, and 318 of the Revised Penal Code o committing acts of grave scandal, abuse of confidence, altering the substance of anything of value, and attempting to defraud or cause damage to others.

Sabi naman ng noo'y Justice Secretary Franklin Drilon na ang parusang puwedeng maipataw sa kanila kapag napatunayang nagkasala ay "six months to one day to a maximum period of four years and two weeks imprisonment".

Nahikayat ni Lim ang mga sinehan na huwag ipalabas ang pelikula ng mga personalidad na nasa likod ng iskandalong sumira sa imahe ng MMF.

Aniya ni Lim, "Let this be a lesson to everybody - crime does not pay.".

Matapos ang ilang taon ay nawala ang isyu. Na-dismiss ang kaso nang maging alkalde si Atienza. Nakabalik na sa showbis ang karamihan sa kanila. Isa itong pelikulang halos dalawang dekada in the making. Sa kasamaang-palad ay nagpatiwakal ang isa sa mga bida nito noong June 25, 2010. Walang kinalaman ang kanyang pagbibigti sa MFF ngunit mapapansing halos malapit sa anibersaryo ng dayaan.





35 comments:

  1. nabalitaan ko ito sa showbiz news kanina. Anniversary ng take it take it!

    ReplyDelete
  2. grabe ehehe. what a story. ang gulo ng showbiz dito hehe. wala pa kong malay netong mga panahong to. kahit siguro hanggang ngayon, hindi ko pa din type showbiz heheh.

    ReplyDelete
  3. @ miranda: oh my, momay!

    @ khanto: part na ng philippine history ang famous line na 'yan!

    ReplyDelete
  4. @ devil_under_light: wala na yatang mas gugulo pa sa showbiz ng pinoy. kaya nga it's very entertaining?

    ReplyDelete
  5. Kakalungkot naman yung nagyayari kay viveka, kay ganda-gandang babae.......hindi ko man lang natikman!hehehe

    Ingat parekoy!

    ReplyDelete
  6. ayos talaga ang mga trivia mo parekoy. :D

    ReplyDelete
  7. pwede pa namang humabol sa kanya parekoy! \m/

    buti naman at bumalik ka na sa sirkulasyon. biogesic din!

    ReplyDelete
  8. @ goyo: salamat parekoy! heto kasi ang hilig ko dati pa. \m/

    ReplyDelete
  9. actually nakalimutan ko n itong MMFF scam na ito pero ipinatanda mo uli sa akin ito parekoy heheheh...

    dito ko lng din nabalitaan n nagsuicide pala si Viveka. OMG! May she RIP...

    ReplyDelete
  10. kahit ako parekoy,nagulat sa pagkamatay ni viveka. sayang siya. \m/

    ReplyDelete
  11. How can i forget this scam. ito yong panahon natin.

    Nice trivia.

    more power to you.

    ReplyDelete
  12. parekoy, salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking blog! \m/

    hindi makakalimutan ng mga batang nineties ang mga ganitong events na tulad nito.

    ReplyDelete
  13. I remember seeng this incident on TV... yung reaction sa mukha ni Gretchen...

    Do you have a video?

    ReplyDelete
  14. @ paps: wow idol, masyado naman akong na-tats sa comment mo. maraming salmat. tenkyu, tenkyu talaga!

    @ glentot: parekoy, hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang reaction ni gretchen nang mangyari 'yun. pinaulit-ulit 'yung video nun sa lahat ng mga showbiz programs. sayang at wala talaga akong mahanap na video sa youtube. kaya nga 'di ko masimulan dati ang entry na ito dahil baka walang maka-relate kung walang panonoorin.

    \m/\m/

    ReplyDelete
  15. bakit kaya siya nagsuicide? Siguro malunkot siyang tao.

    ReplyDelete
  16. tama parekoy. parang ang sabi sa balita ay depressed siya kaya nagpakamatay.

    salamat sa pagbasa at welcome sa aking bahay! \m/

    ReplyDelete
  17. Hmm... bata pa ako nung nangyari yung Take It Take It na scandal, pero medyo aware ako nun sa mga pangyayari dahil mahilig talaga sa showbiz ang mga magulang at ate ako.

    Ayun... at least nakaka-relate pa din. Wahahaha.

    ReplyDelete
  18. parekoy, salamat salamat at nakarating ka at pinagtiyagaang basahin ang panahon namin. kahit na mas matanda ako sa'yo eh talaga namang bilib na bilib ako sa blog mo. kaya it's really an honor na nag-comment ka dito! \m/

    ReplyDelete
  19. tama parekoy. parang ang sabi sa balita ay depressed siya kaya nagpakamatay.

    salamat sa pagbasa at welcome sa aking bahay! \m/

    ReplyDelete
  20. parekoy, salamat salamat at nakarating ka at pinagtiyagaang basahin ang panahon namin. kahit na mas matanda ako sa'yo eh talaga namang bilib na bilib ako sa blog mo. kaya it's really an honor na nag-comment ka dito! \m/

    ReplyDelete
  21. wow idol, masyado naman akong na-tats sa comment mo. maraming salmat. tenkyu, tenkyu talaga!

    ReplyDelete
  22. parekoy, hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang reaction ni gretchen nang mangyari 'yun. pinaulit-ulit 'yung video nun sa lahat ng mga showbiz programs. sayang at wala talaga akong mahanap na video sa youtube. kaya nga 'di ko masimulan dati ang entry na ito dahil baka walang maka-relate kung walang panonoorin. \m/

    ReplyDelete
  23. parekoy, salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking blog! \m/

    hindi makakalimutan ng mga batang nineties ang mga ganitong events na tulad nito.

    ReplyDelete
  24. kahit ako parekoy,nagulat sa pagkamatay ni viveka. sayang siya. \m/

    ReplyDelete
  25. salamat parekoy! heto kasi ang hilig ko dati pa. \m/

    ReplyDelete
  26. pwede pa namang humabol sa kanya parekoy! \m/

    buti naman at bumalik ka na sa sirkulasyon. biogesic din!

    ReplyDelete
  27. part na ng philippine history ang famous line na 'yan!

    ReplyDelete
  28. wala na yatang mas gugulo pa sa showbiz ng pinoy. kaya nga it's very entertaining!

    ReplyDelete
  29. Sayang si Vevika nagpakamatay. Pero marami sa mga sikat na models sa India nagpakamatay rin tulad ni Nafisa Joseph na top ten sa Miss Universe 1997 nag bigti rin. Tungkol naman sa video baka maka kita ka ng video nila Joey de Lion sa Spoof nila ng Mix Nuts, kasama nila sina vic sotto, Janine Desiderio na gumanap na Lolet Solis. Kuhangkuha ni Joey and Facial expression ni Gretchen sa scandal na to kaya tawa ng tawa talaga ako.

    ReplyDelete
  30. una, welcome sa aking munting tambayan!

    wow,thanks for the info. ano daw ang dahilan naman ng pagbigti ni nafisa joseph? interesting yung video na sinasabi mo. sana ay may mahanap ako. \m/

    ReplyDelete
  31. Salamat po sa mga articles mo. After a year and a half, nakita ko, hindi sa interested ako kay viveka (RIP)pero sa MMFF, nakikichismis lang, malamang kasi may sipon pang tumutulo sa ilong ko ng panahong ito. Kung hindi naman kasi tumutulo baka nakain ko na. Haha.. Thank you for sharing the 90's kahit musmos pa ako nito nakaka-relate ako at some point. Kailangan din balikan at igalang ang nakaraan. \m/

    ReplyDelete
  32. dami kong nakuhang detailed info. hehe. tnx

    ReplyDelete