Tuesday, June 22, 2010

Palibhasa Gwapings



"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang pangalan ng trio nila Mark, Eric at Jomari."


Kapag tinitingnan ko ang mga litrato ng kambal naming mga anak na sina Les Paul and Lei Xander, hindi mawala sa isip ko na balang araw ay maraming silang paiiyaking babae. Paano ba naman ay nagmana sila sa kanilang napakagandang Supernanay kaya sila lumalaking mga gwapings!

Not so long ago, siyempre noong Dekada Nobenta (1991 to be exact), may tatlong binatilyo ang sumulpot sa "Palibhasa Lalaki" na isang sikat na palabas sa Dos. Ang tatlong bugoy ay walang iba kundi sila Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso. Sila ay nadiskubre ng yumaong Douglas Quijano na kilalang talent manager na nagpasikat rin sa mga artistang tulad nila Richard Gomez, Joey Marquez, at Janice De Belen.

Maganda ang naging pagtanggap sa kanila ng masa, lalo na ng mga kababaihan, kaya nakilala sila bilang isang trio ng mga poging binatilyo. Nabigyan sila ng bansag na "The Gwapings" dahil sa angkin nilang kaguwapuhan sa harap ng camera. Lahat yata ng mga showbis magazines at entertainment sections ng mga dyaryo noon ay sila ang laman dahil halos lahat ng mga Pinoy ay gustong malaman ang kani-kanilang buhay. Saksi ako sa kanilang pagsikat dahil nakita ko kung paano kolektahin ng mga pinsan kong sila Bambie, Ate Irene at Ate Yeye ang mga babasahin na sila ang laman. Nalalaglag ang mga panty nila kapag nakikita nila ang tatlo! Nakikipag-away pa nga sila sa aming mag-pipinsang lalaki kapag nililipat ang channel ng teevee kapag ang trio ang ipinapalabas.

Patok na patok sila hindi lang sa mga chikas kundi pati na rin sa mga kelots. Natatandaan ko noong nasa high school pa ako ay binasagang "The Kutings" ng mga klasmeyts namin ang grupo namin nila Noel Tugnao at Ryan Clemente dahil feeling guwapings kami at mga bansot noong mga panahong iyon! Sa tingin ko ay hindi naman ako nag-trying hard dahil alam ko namang kamukha ko talaga si Mark noong kabataan ko. May mga litrato pa nga akong ginagaya ko ang mga posing niya. Peyborit ko ang isang picture ko na may suot akong sunglasses na kahawig ng sa kanya. Sayang at ipinanakot ni erpats sa daga kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa inyo. Kahit na walang nagsabi na kamukha ko siya ay marami namang nagtanong kung saan ko nabili ang shades na kahawig na kahawig ng gamit ni idol.

Naging fanatic din ako ng Bench dahil sa kanilang tatlo. Pinagsisikapan ko dating mag-ipon ng pera para lang makabili ng damit na ini-endorse nila. Kahit na atakihin na ako ng ulcer, basta't maisuot ko lang ang katulad ng mga damit nila. Feeling ko kasi ay guwapo na rin ako kapag iyon ang suot ko! Noong JS Prom namin ay ginaya ko pa ang style nila na nakita ko sa isang kalendaryo sa bahay ng lola ko. Nakahiram ako ng mga medyo katulad na damit at ramdam kong  bagay sa akin 'yung suot ko dahil parang may "moment of silence" nang dumating ako sa venue ng prom namin. Kitang-kita kong nagbubulungan ang mga ka-batch ko at biglang sabay-sabay na nagtatawanan!

Sigurado rin akong naaalala ng bawat Batang Nineties ang pinausong band-aid na may design na Mickey Mouse. Lahat yata ng kabataan noon ay naglalagay nito sa braso kahit na walang sugat basta masabi lang na cool sila. Hindi ako sigurado kung sino sa kanilang tatlo ang unang nagpakita nito sa teevee pero parang si Jomari ang nagdala ng ganitong trademark.

Nabigyan ang tatlo ng sarili nilang show noong 1992 entitled "Gwapings: Live" na ipinalabas sa GMA-7. Inaabanagan ito ng mga kabataan sa teevee at dinudumog din sa studio ng Kapuso na noo'y Rainbow Netwok pa ang tawag.

Hindi lang sila sa mga babasahin at teevee namayagpag kundi maging sa mga pelikula rin. Noong October 8, 1992, ipinalabas ang "Gwapings: The First Adventure". Ito ang kanilang first major film na written and directed by Jose Javier Reyes. Ang pinaghalong comedy, adventure, at horror  na ito ay walang kuwentang teen movie pero pumatok sa takilya at pinagkakitaan ng producer. Nagkaroon pa nga ito ng sequel after a year, ang "Gwapings Dos".

Sa gitna ng kasikatan ay napagpasyahan ni Tito Dougs na magdagdag ng isa panghmiyembro ng Gwapings. Nagulat ang madlang noypi nang isama sa kanilang grupo ang bagitong si Jao Mapa. Halo ang naging reaksyon -  maraming violent pero meron din namang natuwa. Ang malungkot lang, sa panahon ng pagsali niya ay nababalot na ng kontrobersiya ang original members tungkol sa kanilang mga buhay pag-ibig. 

Nang magsimula na ang tatlong magkaroon ng mga individual projects, si Mark ang pinakasumikat sa kanila dahil sa sweet na tambalan niya kay Claudine Barreto. Pero bigla rin siyang nawala nang medyo nalulong sa masamang bisyo. Sa pagkawala niya ay nawala rin si Eric sa eksena habang si Jao ay nagtuloy nalang sa pag-aaral sa kolehiyo. Naiwan si Jomari na mas nanatiling matagal sa showbiz sa kanilang apat.

Ang legacy ng tatlo ay hindi na yata mapapantayan. Maraming grupo ng bagets ang ipinakilala sa masa matapos silang mawala - sumikat ang mga bago pero hindi tumagal tulad ng sa tatlo / apat.

Buti nalang hindi ako sumikat. At least hindi naman ako nalaos.





29 comments:

  1. Hindi ko maalala yung Mickey Mouse band-aids.

    Pero naaalala ko si Abby viduya. :p

    Mark Anthony was able to make a good comeback, he cleaned up well. Jao Mapa is TRYING to come back, hee hee. Si Eric Fructuoso nawala na talaga.

    ReplyDelete
  2. hindi ko alam ang mga bagay bagay na ito. sanggol pa lang ata ako nieto

    ReplyDelete
  3. we are the........ gwapingz! yan ang fave line nila.

    sikat ung movie nila. sayang lng at nakawatakwatak sila pero icons pdin ng 90's

    ReplyDelete
  4. @ miranda: yup, na-link si abby viduya a.k.a. priscilla almeda kay jomari. mark is getting a lot of projects on gma7. si jao, natapos niya yung course niya sa uste at isa na siyang paintor using the name joao mapa. si eric naman, parang nagbalik siya dati pero hindi nagtagal.

    @ mau: sino'ng pinaka-love mo sa kanila?

    ReplyDelete
  5. @ paps: 'di bale paps, gwaping ka naman na rin nang lumaki ka na!

    @ khanto: ay tama ka, madlas nga rin pala naming sabihin ng tropa ko ang "we are the...kutings!"

    ReplyDelete
  6. parekoy, ikaw yata 'yung pang-anim dahil ako na 'yung panglima! \m/

    ReplyDelete
  7. nung bata ako paborito ko rin ang gwapings. hehehe

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa naman ang post mo. 90's baby din ako at isa rin sa mga natuwa sa guwapings nun hehe. crush ko si jomari nun hehe

    ReplyDelete
  9. @ kikilabotz and OFW News: eh ngayong mga may edad na, gusto niyo pa rin ba sila? \m/

    ReplyDelete
  10. balita ko may comeback ang Gwapings,
    Kaya lang makikiuso na sila.. yung bagong look nila e parang Korean-emo
    tapos ang gimmick nila e Boy Band... joke!
    ano kayang itsura nila pag ganun.

    ReplyDelete
  11. parekoy, pwede 'yun! gaganap silang mga second rate trying hard copycats! \m/

    ReplyDelete
  12. ayaw ko talaga sa mga gwapings kasi dimating sa point na hindi na ako pinapansin ng girls na pinupormahan ko non:> halos don na lang sila nakafucos sa tatlong itlog na yon.

    ReplyDelete
  13. naku parekoy, sorry naman kung sa aming tatlong kuting at mga gwapings na-focus ang mga pinupormahan mo dati! \m/

    ReplyDelete
  14. bwahaha. ako parekoy GWAPINGS! :)

    1991? 2 years old pa lang ako nun ah. salamat na lang sa trivia. bwahahaha. ilang taon ka na ba? haha,

    ReplyDelete
  15. Nakaka-miss ang 90s kahit na musmos pa lang ako nun ay may mga ilang bagay akong naaalala. Nakakatawa naman to ang babata pa nila dyan.

    ReplyDelete
  16. @ goyo: ikaw na ang fetus! sige na matanda na ako...secret nalang ang age! dalaw-dalaw ka lang dito for your weekly dose of 90's trivia. \m/

    @ robbie: kaya ko ginawa ang site na ito para may mabasa rin ang mga tulad niyong musmos pa noong dekada namin. parekoy, paturo magpaganda ng blog design ha.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  17. ayos na yung dating gwapings kesa yung ngayong jejemon. ((=

    ReplyDelete
  18. mERoN~ BnG MSMa sA PgIgIng~ jejeMON,~ N0H? LoLs p0wH.~ MZ Ok TAlagA ANG GwpInGz~ KeSa SA kniLa LoLz! jejeje.

    salamat sa pagdaan parekoy! \m/

    ReplyDelete
  19. jkjjjjjjjjkkkkkkkkkkkkku

    ReplyDelete
  20. actually,may isa pa silang pinasikat noon na pag suot mo cool na cool ka sa girls,yun ay walang iba kundi yung cap na stinless steel ang nasa harapan at may nakasulat na "BOY LONDON"

    ReplyDelete
  21. actually dumating pa nga sa punto na nagkaroon ng mga police reports dahil pag may suot kang ganoong sombrero eh hinahablot,ganoon kasikat ang mga pinauso ng tatlong bugok na to,at dagdag trivia pa konti si eric fructuoso ay naging mainstay ng bubble gang.si jao mapa naman pinasok ang sexy bandwagon noong 90's katambal si rosanna roces sa pelikulang Matrikula.

    ReplyDelete
  22. kakapanood ko lang nung gwapings ang ku-cute nila, especially Eric Fructuoso, sayang lang toddler pa lang ako nun. kung hindi baka pati ako nakigulo na rin sa mga fans nila hahaha!!

    ReplyDelete
  23. dekada nobenta para sakin ang golden year qung saan ngsimula lahat ng mga bagay na mssbing hanggang ngaun astig pa din!! syempre ksma aq dun, nobenta y dos!! yea

    ps. kahit na si eric ung least na sumikat, sia pnkgusto qu sknla

    ReplyDelete
  24. dekada nobenta para sakin ang golden year qung saan ngsimula lahat ng mga bagay na mssbing hanggang ngaun astig pa din!! syempre ksma aq dun, nobenta y dos!! yea

    ps. kahit na si eric ung least na sumikat, sia pnkgusto qu sknla

    ReplyDelete