Wednesday, July 7, 2010

Panic at the Disco




"Isa kang Batang Nineties kung nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco."

Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang "Disconnection Notice" ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang "Alapaap" ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.

Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: "There is no escaping, there is no replacing all that you hold.....Turn off the lights now, turn off the lights now....Dressed so swell, they're dancing at the gates of hell 'cause there's nowhere to go...". Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.

Una kong narining sa mga "crosslines" (Ito 'yung mga obsolete na six-digit telephone numbers ng PLDT na pinamumugaran ng mga taong walang magawa sa buhay. Para siyang sinaunang conference call na mala-chatroom ang dating.) ang balitang nangyari sa Ozone. May mga nagkukuwentuhan kasi na mga admins ng room  tungkol sa isang crossliner na namatay daw sa disco. After ilang hours ay dumami ng dumami ang mga nagkuwento na may kaibigan, klasmeyts, at kamag-anak silang biktima rin ng tragedy. Noong una ay 'di ko masyadong pinansin ang kuwentuhan dahil mas abala kami ng utol kong si Pot na makahanap ng ka-phone pal sa crossline. Noong pinakita na ang mga flash reports sa teevee ay nanlumo ako sa mga ipinakitang bangkay na natusta sa loob ng establishment na nasunog.

Ang Ozone Disco na operated ng Westwood Entertainment Company, Inc. ay isa sa mga pinakasikat na gimikan ng aming panahon. Nasa highschool ako (1991) nang palitan nito ang dating Birdland na namayagpag naman noong dekada otsenta. Located siya sa tapat ng rotonda ng Timog Avenue kung saan nakatayo ang monumento ng Boy Scouts of the Philippines Memorial. Hindi ako kailanman nakapunta dito dahil isa akong rocker noong kasikatan nito. Mas madalas kasi akong tumambay sa Club Dredd, Yosh Cafe, at iba pang underground places kung saaan kami tumutugtog ng banda kong Demo From Mars. Kahit na isa akong metal sa puso, sa salita, at sa gawa ay may mga mangilan-ngilan pa rin akong konyotic friends from Uste at St. John's na nagungulit na dayuhin ang dance floor nito. Kahit sabihan nila akong "KJ" ay hindi ako sumasama dahil hindi ako marunong humataw tulad ng UMD.

Ayon sa mga reports, nagsimula ang sunog bandang 12:30 A.M. ng March 18, 1996 sa booth ng DJ o discjockey ng disco-han. Sa kuwento ng mga survivors, akala daw nila ay kasama sa pakulo ang mala-firecracker na nakita nila na sinundan ng usok na akala naman nila ay galing sa fog machine. Nalaman nalang ng mga nandoon na hindi ito gimik nang may sumigaw ng "Sunog!". Mabilis na nilamon ng apoy ang lugar dahil sa acoustic foam installation at mga decorative na lkartong agayan ng itlog na ginamit sa kisame. Ilang saglit lang ay bumagsak naman ang mga light fixtures ng ceiling at ang buong mezzanine na naging dahilan upang mag-panic at magkaroon ng stampede ang mga nasa loob ng disco. Tumagal ang sunog ng apat na oras na kumitil sa buhay ng 160 katao at nag-iwan din ng mahigit 300 na kataong sugatan.

Nang matapos ang sunog ay tumambad sa mga bumbero ang tustadong mga labi ng nasawi. Kung titingnan mo daw, parang nag-uunahan silang lahat na makalabas sa pinto ng main entrance. Hindi na makilala ang mga  katawan ng mga nakulong sa loob kaya't mga palatandaang suot na alahas at iba pang personal belongings ang ginamit para matukoy ang mga bangkay. Sa mga susunod na investigations nalang malalaman na walang fire exit ang Ozone dahil natakpan na ang existing nito ng katabing establishment.

End of school year nang maganap ang trahedya kaya halos lahat ng nasawi ay mga estudyante. Ang masama pa nito, dahil mga minors na sabik pa sa party ang mga nagpunta dito, ang karamihan sa kanila ay 'di nagpaalam sa kanilang mga magulang. Ang karamihan sa kanila ay tumawag lang o nagpadala ng beeper messages sa kanilang parents noong nandun na sila sa gimikan. Sabi ng mga mga humawak sa kaso, isa sa mga dahilan ito kung bakit maraming unclaimed remains dahil hindi alam ng pamilya nila na kasama ang kanilang mahal sa buhay sa nangyari.

Dahil nga kakatapos lang ng pasukan at graduation, nagkaroon ng promo ang nasabing disco-han. Fifty percent off sa entrance fee ang mga estudyante kaya dinumog talaga ito that weekend. Kung papansinin mo ang floor plan sa itaas, sadyang maliit ang lugar at ang approved na capacity lamang nito ay para sa 35 na guests. Noong gabing 'yun, ang napabalitang dami ng party people ay lampas tatlong daan. Siyempre, hindi naman lahat ay nasa loob - labas pasok ang mga pumunta pero talagang siksikan daw na magkakapalitan kayo ng mga mukha.

Ang pinakasinisisi sa naganap ay ang kawalan ng fire exit kaya hindi nakalabas ang mga nasa loob nang magkaroon  ng panic at the disco. May mga sabi-sabi rin na ang bukas ng pintuan ng entrance ay paloob kaya lalong na-trap ang mga kabataang pilit na itinutulak ang pinto papalabas. May kumalat ding sabi-sabi na hinarangan daw ng guard ng Ozone ang pinto dahil ang akala nito ay may riot at baka hindi magsibayad ang mga taong gustong lumabas.

Sa dami rin ng mga bangkay ay napabalitaan pang nag-away-away ang mga puneraryang dumating sa eksena. Nakakalungkot isipin pero alam naman natin kasi na sila lang ang natutuwa kapag may namamatay!

Ilang araw matapos ang masaklap na pangyayari, nagkaroon ng criminal charges laban kila Hermilo Ocampo, president at asawa niyang si Raquel Ocampo; ang mag-inang Rosita at Sonny Ku; Ramon Ng, treasurer; at Alfredo Chua. Ang nakasuhan lang ay sina Hermilo at Ramon sa hatol na reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple injuries. Kahit na apat na taong pagkakulong ang ibinigay sa kanila ay hindi sila kailanman nag-serve nito dahil nakapag-piyansa silang dalawa. Pinagmulta rin silang anim ng Php25 million pesos bilang kabayaran pero kaunti lang nito ang naibigay nila dahil sa nai-file nilang bancruptcy.

May mga kaso ring inihain laban  sa twelve officials ng Quezon City pero naging mabagal ang pag-usad nito. Ito ay ang isa sa mga  hinaing ng mga kamag-anakan ng mga nasawi sa Ozone bukod pa sa mababang parusa nakamit ng mga may-ari ng disco-han. Dahil dito ay nabuo ang Justice for Ozone Victims Foundation, Inc. (JOVFI)  na pinamumunuan ni Joseph Stephen Santos. Noong nasa Pinas ako ay nakita ko minsan habang nag-aasikaso ng mga dokumento sa Quezon City Hall ang mga survivors ng Ozone. Habambuhay nilang titiisin at papasanin ang markang naiwan sa kanilang mga balat na dulot ng mga third degree burns. Makita mo lang ang mga itsura nila ay parang napaso ka na rin ng naglalagablab na apoy.

Ang Ozone ay nanatiling nakatiwangwang sa dati nitong lugar. Hanggang ngayon ay wala pa ring umuokupa nito at nagsisilbing memorial nalang sa mga nasawi. Kapag malapit na ang Todos Los Santos, madalas itong ma-feature sa teevee dahil sa umano'y pagpaparamdam ng mga hindi matahimik na mga kaluluwa. May mga witnesses na nagsasabing nakakarinig sila ng disco music sa disoras ng gabi. May mga video at photo clippings din ng mga animo'y kaluluwa. Isa ito sa mga dinadayo ng mga paranormal experts sumunod sa Balete Drive.

May mga taong naniniwala na "na-predict" ng weekend edition ng Inquirer Newspaper ang mangyayari sa Ozone. Tinawag nilang "I.T.S. o Incidentally Trapped on Sunday" ang coincidence na hango sa isang article na lumabas sa entertainment page ng pahayagan noong October 1993, tatlong taon bago lumiyab na parang impiyerno ang Ozone.

Ang isa pang maaaring maitanong mo ay "Ano ang title ng song na tumutugtog habang nasusunog ang disco?". May mga sabi-sabi (hindi ko alam kung gaano katotoo) na ang pinapatugtog noong mga oras na 'yun ay ang kanta ni Jaydee na "Plastic Dreams (Remix)" na may original version sa ibaba (courtesy of Rah's comment):




Sana ay makamit na ng mga biktima ang katarungan at sumalangit nawa ang mga hindi matahimik na kaluluwa ng mga nasawi.











72 comments:

  1. laman ng dyaryo ang balitang yan noon. grabe ang mga sunog na katawan. Tapos after ilang months, sumulpot na ang mga balitang di mapakaling kaluluwa ng mga namatay at laging laman ng mga horror stories pag undas.

    ReplyDelete
  2. naaalala ko ito. grabe talaga ang nangyari sa ozone. Nice write up nobenta. very informative.

    Gustong gusto ko yung disconnection notice na yan. Dahil may bago siyang possibleng meaning, mas naging interesting pa siya ngayon. Napakagaling tlaga magsulat ni eli.

    ReplyDelete
  3. Hanep sa research!!!! Binasa ko talaga, interesting!

    Pwede mag-request? Post ka naman minsan about mga sumikat na massacres nung 90's (kung hindi ka pa nakakapagpost hehehe).

    ReplyDelete
  4. master glentot, salamat sa pagbasa from the start till end! pinasaya mo ako sa comment mo. at dahil jan, share ko naman sa'yo ang aking entry on MASSACRE MOVIES noong Dekada NoBenta.

    ReplyDelete
  5. rah, thanks for reading. grabe talaga ang nangyari sa ozone. ang hirap panoorin sa teevee yung mga live coverage dati.

    tama ka, da best talaga si pareng ely. siya ang best pinoy lyricist para sa akin! rakenrol \m/

    ReplyDelete
  6. dami ko nang napanood sa teevee tungkol sa mga spirits sa ozone. may mga photos and videos pa napinapakita. napanood ko dati sa magandang gabi bayan 'yung story tungkol dito. kakatindig-balahibo.

    ReplyDelete
  7. galing ah~~dahil sa sunog ng naganap sa ozone disco dati eh may trauma na akong pumasok sa mga disco bar nyahaha..
    kawawa naman mga victims noh,,and tuwing naririnig ko yung kanta na pinapatugtog daw habang nasusunog daw yung discohan eh kinikilabutan pa din ako hehe..

    ReplyDelete
  8. Ang galing pala ng lyrics la ng 'Disconnection Notice'. I also thought at first it was about the Meralco thing, but seeing how it relates to Ozone, nakaka-bilib talaga si Ely.

    Ozone was a real tragedy. But on the good side, it was a real eye-opener too for Fire Safety restrictions to be implemented. Bad trip lang na hindi nanagot sina Ocampo et al.

    ReplyDelete
  9. Ngayon ko lang talaga nalaman ang buong istorya ng Ozone Disco tragedy... grabe palang talaga. Di ko kasi masyado inintindi yung mga news dati kaya yan...
    Maraming salamat sa impormasyon. Ngayon alam ko na...

    at dahil dyan aayusin ko na ang Picgreet ko hihihihi..

    ReplyDelete
  10. By the way, pinanood ko din yung video ng Plastic Dreams ni Jaydee, at creepy dahil, parang nasusunog nga yung mga sumasayaw sa disco.
    Check it out here. http://www.youtube.com/watch?v=WRAxij_VrOE

    ReplyDelete
  11. headline na headline dati 'to. mga nalitsong gimikera at gimikero. tsk tsk.

    ReplyDelete
  12. yup, dahil sa Ozone, kahit ako ay naging observant sa mga bars. Sa club Dredd nga na maliit din, talagang inalam ko kung nasaan 'yung Fire Exit na dati naman eh wala akong pakialam!

    ReplyDelete
  13. sobrang bilib din ako kay idol ely. he never ends to amaze us with his talent. galing galing talaga niya!

    naging eye-opener talaga ang ozone tragedy. i remember the time when almost all the bars in manila were suddenly inspected by the bureau of fire. too late the heroes.

    ReplyDelete
  14. 'yan talaga ang dahilan kung bakit ko ginawa ang site na ito....para sa mga picture messages! yipeee! lols

    thanks at na-appreciate mo ang infos na ikinakalat ko sa pamamagitan ng blog na ito. this is for all the gurangs like me and the babies who want to learn and experience the past. naks, may ganun?! \m/

    ReplyDelete
  15. rah, i checked the video and it's really creepy 'cause the people were dancing too. i used the link on my entry. thanks!

    ReplyDelete
  16. yup, headline na 'di nawala sa isipan ng mga pinoy. we really learned a lot form this tragedy.

    ReplyDelete
  17. nakakatakot pala ito. . . binasa ko ng buo. . ang haba pero it is worth. . . . nakakatakot talaga. . .. hindi na nga ako pupunta sa disco.

    ReplyDelete
  18. wow, salamat paps at hindi ka nag-skip read! :) sorry kung medyo mahaba. pinapaigsi ko pero 'yan talaga ang lumabas sa tawas. \m/

    ReplyDelete
  19. I think may nangyari din kagabi pero thank God na walang masyadong masamang nangyari...

    I think may nasunog na bar sa Malate kagabi :(

    ReplyDelete
  20. naku ganun ba? anong name ng bar na yan? sana walang nadisgrasya.

    ReplyDelete
  21. Konti sana ang nasawi o naiwasan sana ang trahedyang iyon kung masigasig lang sana ang mga taohan ng munisipyong mag inspeksyon sa mga establesimento.

    ReplyDelete
  22. tama po. malaki talaga ang kinalaman ng mga tao sa city government. dapat din silang managot sa mga nangyari sa ozone.

    ReplyDelete
  23. Naaalala ko to nung bata pa ako kasi napanuod ko sa Calvento Files ata. Hahahaha. (Off-topic bigla kong na-miss ang show na yun)

    Nakaka-dismaya din ang pangyayari na to dahil isipin mo halos puro fresh grads ang nabawian ng buhay sa trahedyang un. :(

    ReplyDelete
  24. nabasa ko na sa net 'yung nasunog na bar sa malate (july 8) - BED. fortunately, wala naman daw nasawi.

    ReplyDelete
  25. calvento files - isa sa mga paborito ng mga pinoy noong dekada nobenta! ang tanda ko na talaga. hehehe.

    'yan ang nakakalungkot sa ozone, halos fresh grads ang mga nasawi. :(

    thanks nga pala sa picture greeting for my birthday!! \m/

    ReplyDelete
  26. Perry The PlatypusJuly 15, 2010 at 10:16 PM

    Well, that establishment really is a total mess due to lack of fire exits.
    It is also a coincidence na nagkaroon ako ng Chicken Pox during that time. Thanks for posting this, dahil sa post na ito it gave me more understanding about this tragedy. Pati yung link mo sa Manila Standard. It also gave me an idea to vectorize the logo of Citynet 27 na makikita sa pages of that ad. Ngayon, nasa Wikipedia na siya.

    ReplyDelete
  27. parekoy, ang tagl mo nawala ha. it's nice to hear from you again.

    thanks at na-appreciate mo ang mala-nobela kong post on this tragedy! \m/

    ReplyDelete
  28. Grabe naalala ko ang dame ko reng kakilala na namatay dito. Kaka-sad! :(

    ReplyDelete
  29. uy, salamat sa pagdaan at pagbasa. \m/

    may your friends' souls rest in peace.

    ReplyDelete
  30. Haha.. busy ako these days kaya ngayon lang ako nakakabasa.. ibang topics naman, medyo wala na talaga sa akin memorya or hindi pa ako ipinapanganak during that time.. gawa na nga ako ng openid..

    PERRY THE PLATYPUS

    ReplyDelete
  31. hehehe. sa next topi ko, malamang maka-relate ka...\m/

    ReplyDelete
  32. napaka interesting naman nito.

    nakakatakot. dapat pala bukas ko na to binasa, baka mapanigipan ko pa yung mga nasunog. tsk.tsk.

    (i love your site!) kahit hindi ako gaano makarelate sa ilang post mo dito.hehe.

    ReplyDelete
  33. uy, salamat sa pagdaan mo dito. :)

    nakakatakot talaga ang ozone tragedy. kahit ako dati, napanaginipan ko yan.

    thanks for loving my site! daan ka lang at basa-basa for interesting trivia. \m/

    ReplyDelete
  34. alam niyo ba na HALOS LAHAT NG HIGH SCHOOL STUDENTS na NATUPOK ng SUNOG sa OZONE DISCO ay ST. AUGUSTINE INTERNATIONAL SCHOOL ng Project 8 Q.C. iilan lamang ang nakaattend ng graduation noon, at halos dito ang nakaupo sa mga upuan ay mga abo na lamang. NAKAKALUNGKOT ISIPIN, ngunit dito din ako nag-aaral sa ngayon. madaming sabi-sabi na bago talaga ang Graduation ay delikado sa mga estudyante ang lumalaba o ngacecelebrate ng maaga, dahil posibleng magkaroon ng trahedya. ngayong graduating ako, takot na ako umalis o gumala bago ang araw na aking pinakahihintay.

    ReplyDelete
  35. by the way, nice ha? grabe, usapan yan lagi sa school namin bago ang graduation dahil nga takot na silang maulit ung nangyare. sabi nga ng mga head na humawak sa mga students na victims jan na andto padn ngayon, na talaga sigurong binigay sknila ng Diyos yan. pansin mo? inipon lahat. 160-162 ang namatay at karamihan dto ay HS students ng SAIS. wewwww.

    ReplyDelete
  36. una, salamat sa pagbasa at pagtambay sa aking lungga. wow, bagong kaalaman ang iyong naibahagi sa amin!

    ReplyDelete
  37. salamat ulit sa pangalawang comment. medyo makaluma na kung malalamang naniniwala tayo sa mga kasabihan kap[ag malapit na ang graduation. pero ok lang na maniwala dahil wala naman sigurong mawawala di ba?

    ReplyDelete
  38. sad to say, kailangan pa bang mangyari ang disaster na ganito para kumilos ang kinauukulan sa mga dapat nilang gawin? then after that what? wala na naman ..balik sa dati.

    ReplyDelete
  39. Nakakalungkot isipin pero tandang tanda ko pa itong pangyayaring ito...kasi graduating din ako nung time na yun. Imagine, mga ka-batch ko yung mga nasawing yun kasi nga karamihan daw ay graduating students na nagse-celebrate sa Ozone. Ang sakit isipin kung ano ang naramdaman ng mga magulang ng mga batang nasawi... :(

    ReplyDelete
  40. wala akong mga kakilalang nasawi kasama sa trahedya ng ozone pero ramdam ko ang pagkawala ng mga buhay na nasayang dahil lang sa kapabayaan ng ilang tao. :(

    ReplyDelete
  41. di ko natapos yung music video .. creepy !!

    ReplyDelete
  42. astig.. buti na-feature 'to sa facebook ng DEFINITELY FILIPINO.. i have heard about the ozone tragedy before but only now that i knew the whole story.. i think i was just nine when it happened. thanks for blogging this. mabuhay ka nobenta :D

    ReplyDelete
  43. NoBenta tnx sa blog mong 2.. di ko kasi alam kung anong tunay na story about sa ozone tragedy dahil baby pa lang ako nung mga panahon na yun.. :)

    ReplyDelete
  44. ngyon ko lang nabasa ang tunay na nagyari sa ozone disco.. Thank you Mr.Nobenta

    ReplyDelete
  45. Ngayon ko lang nalaman yung buong kwento ng ozone disco. Ang creepy.

    ReplyDelete
  46. ngayon ko lang din nlaman ito, pero nrrinig ko n dati yung ozone na yun, ito pla yon..
    Slamat s info.

    ReplyDelete
  47. nang dahil sa trahedya ng ng ozone, marami PA RIN ang HINDI natuto sa mga Fire Building code ng BFP! MARAMI rin dito ang namatay na graduating students

    ReplyDelete
  48. always i used to read smaller content which also
    clear their motive, and that is also happening with this piece of
    writing which I am reading at this time.

    My web page bankruptcy In florida

    ReplyDelete
  49. isa ang classmate qu nung highschool ang nmatay sa ozone kasma ang kapatid nya. . .nkklungkot icpin marmi buhay ang nsyang dhl sa kapabayaan ng iilang tao na gus2 lang kumita kht na marming buhay ang mgng kapalit dhl sa pagkagahaman na kumita ng pera. . .sna mkunsencya ang mga may kslanan sa nangyari sa ozone. . .

    ReplyDelete
  50. thanks for the info mr. no benta. .detailed lahat ng blogs mo including this one, may the souls of the ozone tragedy will rest in peace. .kahit 5 y/o plang ako that time, i've heard about ozone. .and about pupil's "disconnection notice" as you said in your blog was inspired by ozone tragedy. .i've NOTICED the first 5 letters: "DISCO"

    ReplyDelete
  51. Tagal ko na hinhanap sa search engines at sa mga news yung pinapatugtog ng DJ ng time na nasunog yung disco. dito ko nakita. salamat sa impormasyon.

    ReplyDelete
  52. Ayos. Hindi ko maisip gaano po kabilis yung apoy. Para hindi sila makalabas. Hindi naman sila tulog. At ang dami dami nila... Wala silang ginawa? Takbo lang??

    ReplyDelete
  53. i still remember that song, it was one of the hit nung 1996..parang trans kung tawagin, pero 'di pa uso yun, i liked that song pero di ko alam na yung pala ang song na tinugtog, kasi before that tragedy or party i went to Ozone mga bandang January ata yun, pinapatugtug na yun nun..so scary ha..pag naalala ko! at may friend ako nasama dun, emplyoyee siya dun.

    ReplyDelete
  54. nung napanuod ko ang MGB ni Noli about this case, natandaan ko yung background music hindi ko lang matandaan ang title. Now i knew it! Sa isip ko rin ito ang tugtog ng MGB dahil sa disco club nangyari ang trahedya pero ito pala yung last music na tinutugtog ng dj.d? You're not sure but thanks sa info. Yung kaibigan ng kapatid ng classmate ko, sinabi sa kin nasama din daw sa sunog. Sobrang nakakaawa ang mga biktima...

    ReplyDelete
  55. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  56. Check the ration card application status for various states. This service is provided by the PDS Portal of India by Ministry of Consumer Affairs, Food and Public

    nfsa ration card status check

    nfsa ration card status check west bengal

    ration card status check online

    ReplyDelete
  57. Shillong Meghalaya Archery Teer Result, Khanapara Assam, Juwai Teer Result, Morning Teer Result Live Update, Shillong Night Teer 2 Result List

    Shillong Meghalaya Archery

    Khanapara Assam

    Juwai Teer Result

    Morning Teer Result Live Update

    ReplyDelete
  58. life is too short to keep complraing keep compairing

    ReplyDelete
  59. I do not know if it’s just me or if perhaps everyone else experiencing issues with your site.
    It appears as if some of the text in your content are
    running off the screen. Can someone else please provide feedback
    and let me know if this is happening to them too? This might be a problem with my web browser because
    I’ve had this happen before. Many thanks, c
    satta king

    ReplyDelete
  60. charminar satta result, Charminar Satta King,charminar satta 2021, charminar satta result, charminar satta king, satta king charminar, satta charminar, charminar satta khabar, char minar satta, char minar stta chart 2018 charminar satta king, satta game, charminar satta chart, charminar satta time, charminar satta king result, charminar satta result time, charminar satta chart 2019, satta bajar, charminar satta bazar, satta charminar satta result today, 4minar satta, charminar satta chart, charminar satta king result, char minar satta, char minar satta result, char minar satta result time, satta king char minar, char minar satta Charminar Satta KIng

    ReplyDelete

  61. https://satta-kinge.in


    ADVERTISING AND MARKETING
    Equipped with more than 15 years of experience and a dedicated team of highly skilled
    professionals, Reandro Communications is a renowned and unparalleled name among the leading
    advertising and marketing companies in India. Our experts, with their thorough research on
    industry trends, detailed study of market forecasts, and high-quality business practices,
    provide efficient and effective advertising and marketing solutions to a wide range of clientele.



    184.168.116.155






    satta king online






    ReplyDelete
  62. Satta king and satta matka is one of the most popular website for all satta game result like satta matka , satta king , satta king 2022 ,cm satta .Peoples making money through our platform for checking our game result .


    ReplyDelete
  63. I hereby get the opportunity for you to earn money by playing a game with numbering in this game ( Laxmi Bazar ) you can earn lots of money that you can be a millionaire in a short period so guys click on the link and visit our site and play this game Satta Matka .

    ReplyDelete
  64. India's First Satta Site sattaking is Providing stable Satta King Free Game Satta Game Tips Matka Result Satta Free Guessing Gali Disawar Tips Sattaking Chart Delhi Satta.

    Old Taj is merely betting, as it is more generally referred to in English-speaking countries. It took India by the blast, with millions of people becoming involved in the betting craze and getting obsessed with the practice.

    ReplyDelete
  65. In India, people suppose this creates dependence among youths. Well, it can be possible to be but you should have to control yourself after winning 2 or 3 offers from it. Click Here - Satta King

    ReplyDelete
  66. Önemli giriş adreslerine buradan ulaşabilirsiniz.
    betturkey giriş
    betpark giriş
    WSK883

    ReplyDelete
  67. Sarthak financial solution offers online Demat Account opening services that are both user-friendly and reliable. Our platform is designed to help you succeed in the stock market.

    ReplyDelete
  68. Are you tired of bland online presence? Step up your game with Avllo - the Best Digital Marketing Company in town! With our expert team, we will revamp your online marketing strategy, create killer web development, and elevate your branding game. Say goodbye to mediocrity and hello to success with Avllo.
    AVLLO

    ReplyDelete