Showing posts with label gadget. Show all posts
Showing posts with label gadget. Show all posts

Thursday, October 10, 2013

Nan Ha Ta



Habang tinitingnan niya ang kanilang estanteng pinaglalagyan ng kanyang mga koleksyon ay nabaling ang kanyang atensyon sa ilang mga bagay na iniregalo ng kanyang ama at ina sa ilang mga importanteng okasyon sa kanyang buhay.

Anak, pasensya ka na kung hindi orihinal na Nintendo Family Computer ang nabili ko para sa iyong pagtatapos sa elementarya.  Sabi naman ng pinagbilihan  ko ay pareho lang ang gamit niyan. Gagagana ang mga bala ng Nintendo basta gamitin mo lang iyong adaptor na kasama sa pakete.

Dad, wala pong problema sa akin kung hindi Nintendo ang tatak. Ang masaya po ay ang pag-alala niyo sa aking pagtatapos. Alay ko po sa inyong paghihirap sa trabaho ang ikalawang karangalan na aking natanggap.

Ipinagmamalaki ko, anak, ang pagkilalang ibinigay sa iyo ng inyong paaralan para sa iyong katalinuhan. ‘Yan ang anak ko, manang-mana sa akin!

Opo naman, mana ako sa iyo pati kay Mommy. I love you, Dad!

Mahal din kita anak. Mas pagbutihan mo pa ang iyong pag-aaral dahil ang makita kang ganyan ay sapat na upang mawala ang mga pagod ko trabaho. 

Makakaasa po kayo, Dad.

Turuan mo akong maglaro niyang family computer mo  kapag hindi ako abala sa trabaho ha.

Siyempre naman, Daddy!

Saturday, March 6, 2010

Beep Beep Beeper

Sa high-tech nating panahon, napakadali na ng komunikasyon. Salamat sa internet at mga wireless communications, kasing-bilis ng “speed of light” ang pag-transmit ng messages papunta sa gusto mong kausapin. ‘Di na “in” ang snail mail, dahil may e-mail naman na at SMS o text messages.

Pero bago pa man namayagpag ang mga selepono ay nauna na sa pagpapasikat ang mga PAGERS sa panlasa nating mga Pinoy. Bago pa man naghari ang mga cellular networks na Globe at Smart ay may business competition na ang EasyCall at PocketBell.

Ang pager, o “BEEPER” para sa karamihan dahil sa beeping noise nito kapag nakakatanggap ng message, ay actually ang sinaunang paraan ng text messaging. Naaalala ko pa noon na Motorola ang pinakasikat na beeper unit. Pero hindi ito tulad ng mga celfones ngayon na puwede mong bilhin basta-basta sa Greenhills dahil kailangan mong mag-subscribe sa mga paging networks. Libre na ‘yung unit basta naka-plan ka. Hindi ako sigurado kung magkano ang subscription rate noon pero parang nasa hundreds to a thousand pesos ang halaga nito monthly.

Iba’t iba ang klase ang models na lumabas sa market: mayroong voice/tone pagers na may feature na makarecieve lang ng mga voice messages; mayroong numeric pagers na numero lang ang tinatanggap (usually phone numbers na dapat mong tawagan); at alphanumeric pagers, ang pinakasumikat sa Pinas, na combined letters and numbers ang capability na tanggapin. May pagers na one-liner ang monitor at meron din namang two-liner hanggang four. At take note, isang AAA battery ang nagbibigay buhay sa mga units na ito.

Noong highschool ako ay “in na in” ang malalaking celfones na parang pangkadkad ng yelo na nilagyan ng mahabang antenna. Nakakainggit talagang tingnan ang mga peyrents ng mga sosi kong klasmeyts kahit nakakatawang makita ang dambuhalang headset na nakadikit sa tenga nila kapag tumatawag. Talagang naging status symbol nga ito ng mga mayayaman. Nasa college naman ako nang simulang maging fashion victims ang mga anak ng mayayaman. Siyempre dahil nasa kolehiyo na, kailangang maging maporma. Halos lahat ng mga “can afford” na classmates ko sa Uste ay naka-tuck ang polo shirt (‘di pa polo ang uniform nung time ko) para makita yung beepers na nakakabit sa mga sinturon nila. Accesories ito ng mga tinanawag naming “RK” o “rich kids” na proud to the max everytime na may “beep beep beep” na manggagaling sa mga borloloy nila.

Paksyet sila, feeling cool. Kunwari ay nag-message ang crush nila o nililigawan pero ang totoo ay pinapauwi na sila ng mga magulang nila! Ito ang mahirap sa beepers dati dahil binibigay ito ng mga mayayamang parents sa kanilang mga anak para may way silang mapauwi sa bahay! Buti nalang at ipinanganak akong mahirap. Hahaha.

'Yun naman talaga ang misyon sa sangkatauhan ng mga pagers - for important messages lang. Yung tipong mamamatay na yung pasyente kaya kailangan kang i-page dahil ikaw ang doktor na tagapagligtas. Pero siyempre, Pinoy tayo kaya ginamit natin itong mga ito sa pakikipaglandian. Kahit na napaka-mais at napaka-keso ng message na "good night babes, sleep tight" wala tayong hiya at pakialam na i-dictate ito sa operator na magpapadala ng message sa esmi mo.

Ito ang isa sa mga downsides ng paging system. Biruin mo, kailangan pang tumawag sa operator yung sender para magpadala ng message. Ang nakakatawa, may moderation ang mga puwedeng gamitin na words. Kaya kung galit ka sa taong bibigyan mo ng malutong na mura ay magagalit ka rin dun sa operator na sasabihan ka ng "sorry po pero hindi allowed ang putang ina". Sigurado ako na hindi nauso o naimbento ang "SOB o sex on beepers". No chance in hell.

Ang labo ng sistemang maghahanap ka pa ng pinakamalapit na pay phone para mag-retrieve ng message at magreply through operator. Pero gayunpaman, mas tinanggap ito ng karamihan. Lalo na sa mga radio stations dahil mas madaling bumati at magrequest ng kanta through beepers kesa tumawag sa hotlines. Kaya nga nagkaroon ng clash ang hip hoppers at metal sa LA105.9 - dahil ito sa kagagawan ng mga beeper messages na binabasa ni The Doctor.

Bukod sa EC at PB ay nakisawsaw din ang Powerpage, Jaspage, at Infopage sa industry. Kaya naman ang daming nagkaroon ng trabaho bilang operator. Sila ang original "call center agents". Sa dami nila ay naging prone sila sa mga prank calls tulad ng mga ginagawa ng The Jerky Boys na sumikat din noong Dekada No Benta. May Pinoy version ito sa katuhan ni Driver Eric. Aaminin ko, isa ako sa mga nagpagulo sa buhay ng mga operators na ito.

Ang codename na ginagamit ko ay Sumalatokekek (courtesy of my brother Pot). Pangalan pa lang ng sender ay mahaba na. Tapos ay magpapadala pa ako ng message na: "Do you know what PNEUMONOULTRAMICROSCOPICSILICOVOLCANOCONIOSIS means?" (trivia: 45-letter word ito na lung disease ang meaning). Tapos papaulit ko ito at ipapa-spell. Aabutin kami ng mga limang minuto bago matapos. Ramdam na ramdam kong binibigyan ako ng nangangamatis na middle finger habang kausap niya ako.

Nang pumasok ang kalagitnaan ng nineties ay lumabas ang mga celfones na puwede nang magtext. Naaalala niyo pa ba ang commercial ng Globe na may magsyotang pipi't bingi na nag-date? Yung nag-uusap through text? Tanong niyo sa mga kuya niyo ito dahil dito nagsimulang tumamlay ang beepers hanggang sa namatay. May lumabas na pager na may keypads para puwede na ring magreply kaso 'di na ito masyadong napansin.

Sa Pinas, obsolete na ang pagers. Ang balita ko ay call center na ang Easy Call habang yung iba ay tuluyan nang nagsara. Pero sa ibang bansa tulad ng US at UK ay tuloy pa rin ang mga pagers. Ginagamit ito sa mga lugar tulad ng ospital na bawal ang mga frequency ng celfones na nakakasira ng mga aparato.

Kaya mga bata, pasalamat tayo sa mga nakaimbento ng beepers dahil kung hindi sa kanila malamang sa alamang ay hindi naimbento ang pagtetext!




Tuesday, January 26, 2010

Brick the Record


"Isa kang Batang 90's kung naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game."

Sigurado akong nakakaranas na rin kayo ng “last song syndrome”, “earworm”, “aneurythm” o “humbug”. Kahit ayoko ang kanta ni Meatloaf na “I Would Do Anything for Love”, wala na akong magawa kapag ito ang aking unang maririnig sa umaga. Dahil sa pauli-ulit ko itong naiisip ay hindi ko na mamamalayang napapasabay na ako sa pagkanta.

Tetris Effect” daw ang dahilan sa pangyayaring ganito.

Ang lahat ng mga batang lumaki noong Dekada NoBenta ay walang mintis na naadik sa Nintendo Entertainment System o Family Computer. Hindi ako magkakamali na isa sa mga paboritong laro ng mga kabataan noon ay ang “TETRIS”. Ang totoo, hanggang ngayon ay isa ito sa mga paborito ng mga gamers. Binigyan nga ito ng taytol na “Greatest Game of All Time” ng "Electronic Gaming Monthly". Napakasimpleng laro pero nakakaadik kaya dumadating sa puntong nagkaroon na ng epekto sa mga isip ng mga taong tulad ko.

Naimbento ng Russian na si Alexey Pajitnov noong June 6, 1984, ang Tetris ay galing sa pinaghalong mga salita na “Tetrominoes” o ‘yung mga iba’t ibang bricks na gawa sa apat na segments at “Tennis” na paboritong isport ng lumikha. Noong hindi pa ako nareregaluhan ng lolo at lola ko ng Famicom ay kasama ko lagi ang utol kong si Pot na tumatanaw sa computer rental sa foodcourt ng Ali Mall o  kaya naman ay sa bintana ng mga kapitbahay naming anak ng mga Japayukis. Kahit hindi namin nalalaro ay nasasabik pa rin kaming makita ang mga bricks na may hugis hango sa mga letang I, J, L, O,S, T, at Z. Astig panoorin ang manlalarong gumagawa ng isang parang mataas na gusali. Tapos mawawala ang isang horizontal line kapag nabuo. Mas maganda kung apat na sabay-sabay ang mawawala dahil ‘yun ang tinatawag na “tetris”. Nakaka-hypnotize din pakinggan ang Russian na ipinapatugtog habang naglalaro.

Thursday, December 17, 2009

Videokelled the Radio Star

"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine."


Para sa isang katulad kong mahilig sa musika, hindi tutuloy sa pag-ikot ang  umikot ang mundo kung walang musika dahil ako ay mabibingi ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa ingay kaysa ang mamatay sa katahimikan.

Sa pagpunta ko dito sa Saudi, ang baon ko lang ay isang seleponong may 2GB micro SD card na sapat upang paglagyan ng humigit-kumulang tatlong-daang MP3s ng mga paborito kong kanta. Hindi ko na nadala ang gitara kong tinitipa sa tuwing nakikipag-jamming kila Ely Buendia, Kurt Cobain, at Billy Corgan sa bahay namin. 

Tatlong buwan pa lang ako dito sa Gitnang Silangan ay unti-unti nang nawawala ang mga kalyo kong inipon mula sa pag-finger sa fret ng gitara. Naririnig ko na rin sa banyo na mas nanawala na sa tono ang dati ko nang sintunadong boses. Wala na kasing ensayo. Hindi tulad noong nasa Pinas pa ako, may malakas na sound system, may gitarang nakahain at bukod sa lahat ay may maaasahang Promac Videoke player na nambubulabog sa mga kapitbahay. 

Ang videoke ay nagmula sa mga salitang "kara" na ang ibig sabihin ay "wala", at "okesutora" o "orkestra". Sa tunog pa lang, iisipin mo nang sa bansa ni Takeshi ito nagmula. Ang totoo, tama ang hinala mo ngunit kahit na sa lugar nila ito nanggaling, tayong mga Pinoy pa rin ang alam sa kasaysayan na nagpasimula ng pambansang libangan ng mga sunog-baga doon sa inyong kanto.

Thursday, December 10, 2009

Ang Masarap sa Itlog


"Isa kang Batang 90's nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi."

who shines from the land of the rising sun
lookin' so pretty on the dancin' floor
i wanna be with you just a little more
turn it on like a flashlight
satisfy electric appetite
automatic lover you're my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
wa-wa-wa wakari masen
i-i-i i'm in love again
talking to my baby on the LCD
she said I need a triple A battery
user-friendly interface getting wet
dirty little treasures of a pleasure pet
scream so guilty like a suicide
smile like a child taken for a ride

ERASERHEADS, "Tamagotchi Baby"


Sa tuwing nagbubukas ako ng mga notifications sa efbee, imposibleng wala akong mababasang imbitasyong may kinalaman sa Farmville. Kahit na may pagka-adik ako sa mga social networking sites ay aaminin kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam alagaan ang mga tanim doon sa potang bukid na iyon. Pasensya nalang mga tropapips, medyo nahuli ako sa agos ng panahon.

Noong na nagbitiw na ako sa trabaho mula dati kong pinapasukan at tumatambay nalang sa bahay bago lumipad papuntang Saudi, sinubukan kong magpaturo nito sa aking misis. Matapos ang ilang pindutan sessions, napansin kong parang katulad nito ang itlog na nilalaro ko dati pero mas hamak na hi-tech nga lang.

Saturday, August 8, 2009

↑↓↑↓← →← → B A


"Isa kang Batang 90's kung naadik ka sa kalalaro ng Family Computer."

↑↓↑↓← →← → B A.

Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.

Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.

Dahil nga sikat ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap na magkaroon ng hi-tech na laruang ito. Nakikilaro lang ako noon sa dati kong bespren na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon ay gagalingan ko sa eskuwelahan basta't bibilihan nila ako ng pangarap kong jackpot. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming mapera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Mabuti nalang noong nakatanggap ako ng medalya para sa ikalawang karangalan noong ako ay nasa ika-limang baytang ng elementarya ay pinadalahan ako ng pera ng aking lolo at lola kong nasa sa Hong Kong para makasabay sa uso.

Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Sa awa ni Bro, nagkasya ang one thousand five hundred pesotas na regalo sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang tatak ng nabinili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao noon. Basta ang naaalala ko ay isa siyang japeyks mula sa China at napakalayo ng itsura sa Nintendo. Sabi ko ay okay na ‘yun kaysa sa wala. Kasama naming bumili ang pinsan kong si Bambie noon. Iyak siya nang iyak at hindi mapatahan dahil naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan.

Pag-uwi namin sa bahay ay mas sikat pa ako kay Cachupoy.