"Isa kang Batang 90's kung naadik ka sa kalalaro ng Family Computer."
↑↓↑↓← →← → B A.
Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.
Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.
Dahil nga sikat ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap na magkaroon ng hi-tech na laruang ito. Nakikilaro lang ako noon sa dati kong bespren na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon ay gagalingan ko sa eskuwelahan basta't bibilihan nila ako ng pangarap kong jackpot. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming mapera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Mabuti nalang noong nakatanggap ako ng medalya para sa ikalawang karangalan noong ako ay nasa ika-limang baytang ng elementarya ay pinadalahan ako ng pera ng aking lolo at lola kong nasa sa Hong Kong para makasabay sa uso.
Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Sa awa ni Bro, nagkasya ang one thousand five hundred pesotas na regalo sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang tatak ng nabinili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao noon. Basta ang naaalala ko ay isa siyang japeyks mula sa China at napakalayo ng itsura sa Nintendo. Sabi ko ay okay na ‘yun kaysa sa wala. Kasama naming bumili ang pinsan kong si Bambie noon. Iyak siya nang iyak at hindi mapatahan dahil naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan.
Pag-uwi namin sa bahay ay mas sikat pa ako kay Cachupoy.