Sunday, January 5, 2014

FREE E-BOOK DOWNLOAD: Dekada NoBenta - Mga Kuwentong Karanasan ng Isang Batang 90's Volume 1



Bilang pasasalamat sa mga ka-dekads na walang-sawang tumatambay sa NoBenta, iniaalay ko sa inyo ang PDF file ng unang volume ng mga sanaysay ng mga karanasan noong Dekada NoBenta. Maaari niyo nang balik-balikan ang mga alaala gamit ang inyong mga gadgets kahit na walang internet.

Heto ang listahan ng mga unang kuwento kong nailimbag.

Isa kang Batang 90's kung:

1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanood ang "Montreal Screw Job" na nangyari sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.

2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.

3. alam mong si Dino Ignacio ang utak ng "Bert is Evil".

4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.

5. alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget.

6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa "Ang Dating Doon".

7. isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine.

8. nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi.

9. nakapanood ka ng kahit isa sa mga milyung-milyong massacre films ni Carlo J. Caparas.

10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.

11. nakaboto ka sa kauna-unahang SK Elections noong 1992.

12. nakita mo ang pag-usbong ng Megamall, Galleria, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA.

13. alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng "backmasking".

14. alam mong mas napalapit si Erap sa masa dahil sa kanyang "carabao English".

15. isa ka sa mga unang nanabik noong pumutok ang balitang magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads.

16. nakadalo ka sa mga astig na konsyerto tulad ng "MTV Alternative Nation Tour".

17. alam mong si Tito Sotto ang utak sa "Alapaap Controversy".

18. naadik ka sa kalalaro ng Family Computer.

19. may mga kanta kang paborito noon na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinagsasawaang pakinggan.

20. hanggang ngayon ay kabisado mo pa ang mga lyrics ng mga kantang sumikat sa Tate noong 90's.

21. may mga alam kang albums na produced ng Tone Def Records.

25. napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang "Rubber Shoes".

26. isa ka sa mga unang nakatikim ng instant pancit canton.

27. alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield.

28. nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa.

29. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.

30. isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda.



Maraming Salamat sa inyong lahat!

Kung maaaliw kayo sa pagbabalik-tanaw sa Dekada NoBenta gamit ang librong ito, hinihiling ko lang na inyong ibahagi ang kopya nito sa inyong mga kakilalang kabilang sa ating henerasyon. Mas marami tayo, mas masaya!

Himihingi nga pala ako ng paumanhin sa mga tunay na may-ari ng ilang mga larawang ginamit ko dito sa pagbabalik-tanaw. Pasensya na kung ginamit ko ang inyong mga litrato nang lingid sa inyong kaalaman o wala niyong pahintulot. Ang totoo, kayo ang mga mas nakapagbigay ng mga masasayang alaala ng Dekada NoBenta. Mas maraming salamat sa inyo!

 

3 comments:

  1. Salamat sir! Dami q throwbak dito... Mabuhay k!!! Ur da man!

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat. Dahil dito bumabata ako ulit hebe

    ReplyDelete