"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang pangalan ng grupong nagpasikat ng kantang 'Wannabe'."
Noong Dekada NoBenta ay napakaraming mga grupong sumulpot na parang kabute sa natuyong ebak ng kalabaw matapos ang matinding ulan. Sila ang mga tinatawag na boy bands na hindi naman talaga banda dahil bihira lang sa kanila ang marunong tumugtog ng mga instrumentong pang-musika. Karamihan sa kanila ay puro porma, ka-guwapuhan, at matinding paghawak lang ng mikropono habang nakaluhod ang alam lang.
Take That, East 17, Boyzone, Westlife, Five, Another Level, Point Break, Boyz II Men, Backstreet Boys, 98 Degrees, 'N Sync, The Moffatts, at Hanson. Ang dami dami dami dami dami dami dammit nila pero ayon nga sa Eheads, puro laos ang natira.
Kung merong mga grupo ng kalalakihan, siyempre ay hindi nagpadaig ang mga grupo ng mga kababaihan. Marami rin ang mga girl bands na nabuo noong Nineties pero isa lang ang talagang sariwa pa sa aking alaala, ang Spice Girls na nagpasikat sa kantang "Wannabe".
Mula ito sa debut album nilang "Spice" na inilabas noong November 4, 1996. Ito ang kanilang debut single na unang umere noong July 1996 sa UK kung saan pitong linggo itong nanatili sa #1 spot ng Singles Chart. January 1997 na nang marating nito ang bansa ni Uncle Sam kung saan nanatili naman ito ng apat na linggo sa #1 spot ng "Billboard Hot 100". Anim na milyong kopya lang naman ang kabuuang naibenta ng kantang ito sa buong bundo.
Maraming nagsasabi na ito ang pinasikat na kanta ng Spice Girls pero ang totoo, ang kantang ito ang nagpasikat sa kanilang grupo.
Ayon sa kuwento, naisulat nila ang "Wannabe" sa loob lamang ng tatlumpung minuto at natapos nilang i-record ito sa loob lamang ng humigit-kumulang isang oras. Wala lang daw sila sa mood kaya ganun kabilis ang naging pangyayari. Nang matapos ang kanilang album, hindi ito ang napili ng Virgin Records na maging carrier single ngunit ipinaglaban ng grupo ang kanta. Hindi naman sila nagkamali dahil ito na ang naging simula ng pagkakaroon ng mga "all-female groups" noong 90's.
Ano ba ang ibig sabihin ng zigazig-ha? Ayon sa kanila ay wala lang, isang naimbentong salita matapos ang kulitan nila sa paggawa ng liriko ng "Wannabe". Sabi naman ng ibang kritiko, ito raw ay salitang nangangahulugang "pagnanasa".
Noong una ko silang mapanood sa MTV ay talaga namang napanganga ako sa kanilang kanta dahil kakaiba ito sa panlasa ng mga tenga kong noo'y gutom na gutom sa bagong tugtugin. Pinaghalong rap, hip-hop, pop, at dance music in one. Kahit na hindi ganun kaganda ang kanilang mga boses ay may dating ang tono at ang liriko ng kanta kaya naman talagang aabangan mo ito sa teevee at radyo. Sa unang tingin ay mukha silang "freak show" dahil sa kanilang mga makukulay na kasuotan at hairstyle ngunit kapag sila ay iyong tiningnan nang matagal ay mapapansin mong may angking kagandahan ang limang miyembro nito. Tinitigan ko sila nang matagal at nasabi ko sa sarili kong malaki ang kanilang mga hinaharap. Tinitigan ko pang muli at napansin kong bakat ang mga utong ng ilan sa kanila sa music video.
Sa video ay mapapanood ang kanilang "panggugulo" sa isang bohemian party sa loob ng isang hotel. Tumatakbo sila papaloob habang nagsasayaw at sinusundan ng camera. Isang "take" lang daw ang ginawa sa music video ng kantang ito kaya makikita mong may mga sablay katulad ng mga hindi nila pagkakasabay-sabay sa pagsayaw. Mayroon pa nga raw mga bahaging may mga nababangga silang mga kagamitan. Ayon sa kanila, iyon ang gusto nilang ipakitang personalidad ng kanilang tropa.
Nang makita ng kanilang recording company ang kinalabasan ng video ay agad silang sinabihan na gumawa ng "alternate video" na gagamitin sa ibang bansa. Hindi nagustuhan ng Virgin ang mga pinaggagawa nila, lalo na at may kasamang mga matatanda sa video. Hindi raw angkop ang "showgirl" na pananamit ni Geri Halliwell, at hinding-hindi rin nakalusot ang bakat na utong ni Melanie Brown. Tumanggi ulit ang grupo sa gustong mangyari ng kumpanya, at katulad ng dati ay tama sila sa naging desisyon dahil kahit na halo ang reaksyon ng mga manonood ay mas nakilala ang Spice Girls dahil sa video nito. Naging mabilis sa kanilang inaasahan ang "exposure" nila sa teevee.
Aaminin ko, napapakanta ako sa kanila noon nang hindi ko namamalayan. Last song syndrome. Wala akong magagawa dahil halos sa lahat ng mga istasyon ng radyo ay sila ang iyong maririnig. Kahit ang barkada kong si Mat ay mayroong kasyet tape ng album nila kay naman napagti-tripan namin sila sa inuman sessions. Bukod sa madalas silang marinig sa mga handaan ay patok na patok itong kalaban ng "Katawan" ng Hagibis sa mga Christmas parties. Maganda sa una pero habang tumatagal at nakakaburaot nang marinig. Hindi ko alam kung talagang sabik lang ang mga tao noon o talagang wala lang mapagtiyagaan. Katatapos lang mawala sa eksena ng "Macarena" ay lumabas naman ang "Wannabe" na halos kasabayan ng "MmmBop" kaya nangamba akong baka katapusan na ng musika.
Ganun pa man, naniniwala akong malaki ang naging kontribusyon ng kantang ito sa pagiging bahagi ng Spice Girls sa kasaysayan ng musika. Isa sila sa mga nagbigay-kulay sa ating mga alaala noong Dekada NoBenta.
Sino ba naman ang makakalimot kila Victoria "Posh Spice" Beckham, Melanie "Scary Spice" Brown, Emma "Baby Spice" Bunton, Melanie "Sporty Spice" Chisholm, at Geri "Ginger Spice" Halliwell? Hindi na siguro sila kilala ng mga kabataan pero sigurado akong kilala sila ng mga kabaklaan dahil isa ang grupo nila sa mga itinuturing na "gay icons". Naalala ko tuloy ang urban legend noon na inamin daw nila sa show ni Oprah na hindi naman sila mga tunay na babae kundi mga bading sa totoong buhay. Hindi naman kami naniwala sa tsismis dahil alam naming pang-porn ang kanilang mga alindog, lalo na si Baby Spice na mukhang palaban sa "role playing". At wala pa ring tatalo sa bakat na utong ni Scary Spice siyempre.
Hindi ko puwedeng ikumpara ang kanilang pananamit sa mga kabataang mahilig sa porma ng Grunge pero napahanga pa rin nila ako dahil maraming kabataan ang nakiuso at gumaya sa kanilang istilo kahit na mukha silang mga "hospitality girls".
Nauso noong mid-90's ang slogan na "Girl Power" dahil sa Spice Girls. Maniwala man kayo o hindi, pasok na ito sa Oxford English Dictionary. Ang katagang ito ay unang ginamit sa isang fanzine ng Bikini Kill na kasama sa Riot grrrl feminist punk rock movement ng Amerika kaya marami ang hindi sumang-ayon na gamitin ito ng Spice Girls. Wala nang nagawa ang underground sa kapangyarihan ng mainstream.
Nabanggit ko na kanina na maraming all-female groups ang nabuo noong Dekada NoBenta pero ang Spice Girls lang talaga ang naaalala ko nang pinakamalufet. Sabi nila, nauulit lang ang kasaysayan pero sa kaso nila, mukhang mahihirapan ang ibang wannabe's.

Wow, I love the Spice Girls! Hit sila noon sa mga youngsters na nakakasama ko sa school. Naalala ko si Jolina Magdangal ay isa ding fashion trendsetter, maybe sa Spice Girls na rin galing ang ideya. Si Posh ang so far still nasa limelight, bilang supportive na asawa ni David Beckham. Ginger Spice ang pinakasikat for me. Nice post!
ReplyDeletenyhahaha masasabi ko na hindi lang sila nakilala dahil sa mga kanta nila kundi dahil na rin sa mga fashion statement nila.
ReplyDeleteMay pagkakataon sa buhay ko na nasabi ko na gusto ko sila, napanood ko nga din ang movie nila ahahaha.
si victoria ang nakakatakot na girl noon para sa akin... muka syang bakla, tapos may issue pa nga daw na di sila tunay na babae....
ReplyDeletepero buti din na nag-end ang group na hindi laos.