Hindi ako marunong sumayaw. Parehong kaliwa ang mga paa ko pagdating sa pag-indak. Okay lang dahil ayon naman sa manifesto ng Hay! Men!, bukod sa walang abs ang mga tunay na lalaki ay hindi sumasayaw ang mga TNL.
Sa totoo lang, pinangarap kong maging isang malufet na dancer noong bata pa ako pero hanggang folk dancing lang ang kinaya ng powers ko. At take note, hanggang grade two lang yata ako nakasali sa mga school presentations namin. Ngayon ko lang naisip ang ibig sabihin ni teacher kapag nagpipilit akong makasali sa dance troupe - "Jayson, you dance gracefully pero kumpleto na ang line up namin. Why don't you try the declamation group?". Potah, 'di man lang ako sinabihan na sumali nalang sa grupo ng mga songers!
Sabi ng mga kaibigan kong babae, nalalaglag daw ang panty nila sa mga gwapings na magaling magsayaw. Sayang dahil kapogian lang ang nasalo ko nang magsabog ang Diyos ng mga biyaya galing kalangitan. Kahit na naniniwala akong pogi points ang pagtugtog ng gitara sumasang-ayon din ako na lamang ng konting paligo ang pagsasayaw. Ang paksyet na tanong nga lang, 'di ka ba naaalibadbaran sa mga lalaking sumasayaw ng MACARENA?
Sa kasagsagan ng Alternatibong Musikang Pinoy noong Dekada NoBenta, biglang sumulpot ang isang kantang kinabaliwan hindi lang nating mga Pilipino kundi pati na rin ng buong mundo. Taena lang dahil hindi ko maintindihan 'yung lyrics ng kanta ng duo na LOS DEL RIO, mas madali ko pang nade-decipher ang kinakanta ng mga satanistang death metal bands na pinapakinggan ko. Ang paulit-ulit ko lang naiintindihan sa kanila ay ang "Macarena". Actually, nang una ko itong marinig sa mga jologs kong kapitbahay ay naalala ko bigla ang kanta ni Chimo Bayo na "Así Me Gusta A Mí (X-ta sí, X-ta no)" at ang kanta ni Shirley Ellis na "Name Game" o "The Banana Song". Para kasing tongue twister ang mga kantang ito. Coincidentally, pare-pareho silang one-hit wonder.
Nang makita ko sa MTV ang video ng kantang ito, natawa ako ng sobra dahil nakita ko ang itsura nina ANTONIO ROMERO MONGE at RAFAEL RUIZ PEDRIGONES. Oldies na parang kasing-tanda na sina Tom Jones at Engelbert Humperdinck noong mga panahong iyon. Pero huwag ka, sa gitna ng naka-amerikanang duo na bumibirit sa oldies ding mikropono ay may malufet at sexy na babaeng sumasayaw! Ayon sa isang interview sa kanila, tatlong dekada na silang kumakanta bago nila nasungkit ang katanyagan at ito ay dahil daw sa infectious grooves at hypnotic ('di ba irritating dapat ang correct adjective?) lyrics ng Macarena. Kumita rin daw ang kanta dahil sa may spiritual attachment ang title nito na ang ibig sabihin ay "Mother of God".
Ayon sa kasaysayan nila, ang chrorus ng kanta ay nasambit ni Romero spontaneously nang makita niya ang galing ng flamenco dancer na si Diana Patricia Cubillán Herrera sa isa nilang gig sa Venezuela noong 1992. "Dale a tu cuerpo alegría, Ma'dalena, que tu cuerpo e' pa' darle alegría y cosa' güena'" ("Give your body some joy, Magdalene, 'cause your body is for giving joy and good things too"). Kung mapapansin niyo, Ma'dalena ang unang ginamit sa lyrics at ito ay dahil naisip niya si Mary Magdalene na sa Andalusian culture ay tumutukoy sa mga babaeng sassy at sensuous. Double entendre - kahit na matanda na ay matulis pa rin tulad ni Rico J. Puno!
Noong taong din 'yun ay ini-record nila ang kanta at ini-release noong 1993 bilang isang rumba. "Macarena" ang naging taytol nito bilang paggunita sa "La Macarena" na lugar na pinanggalingan nila sa Seville, Spain. Bumenta ito sa kanilang teritoryo pero mas bumenta ito nang i-remix ng THE BAYSIDE BOYS noong mid-1996 at gawing isang dance song. Mula sa original lyrics nitong Spanish ay hinaluan ito ng English verses na babae ang kumakanta. Maririnig mo na sa version na ito yung "Ahhhahh..." na parang dumadahak lang. Dito na nagsimula ang dance craze na sumakop sa buong mundo.
Unang rinig ko pa lang sa kantang ito ay natawa na ako. Nang makita ko ang mga kumanta ay mas natawa ako. Nang makita ko na ang dance moves, humalakhak na ako. Akala ko kasi ay joke kaya ako tawa ng tawa pero noong madalas ko na itong makita at marinigay nabuwisit na ako ng sobra. Mantakin mo naman, sa lahat ng mga jologs na radio stations ay pinapatugtog ito. Bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy ay mas kabisado pa ito kaysa sa Lupang Hinirang! Sa teevee shows, sa mga aerobic sessions at PE classes, sa mga karaoke bars, sa rallies, sa birthday parties, sa company presentations, sa school affairs, sa family reunions, sa paliga ng basketball, sa receptions ng kasalan, sa burol, sa kama, at sa kung anu-ano pang paksyet, walang kawala. Simple lang naman ang steps ng sayaw nito pero talagang hirap ang katawan kong matutunan ito:
Beat 1: Put your right arm straight in front of you with your palm down.
Beat 2: Put your left arm straight in front of you with your palm down.
Beat 3: Put your right arm straight in front of you with your palm up.
Beat 4: Put your left arm straight in front of you with your palm up.
Beat 5: Grab the inside of your left elbow.
Beat 6: Grab the inside of your right elbow.
Beat 7: Grab the back of your neck with your right hand.
Beat 8: Grab the back of your neck with your left hand.
Beat 9: Put you right hand on your left front pocket.
Beat 10: Put your left hand on your right front pocket.
Beat 11: Put your right hand on your right rear pocket.
Beat 12: Put your left hand on your left rear pocket.
Beat 13: Move your bottom to the left.
Beat 14: Move your bottom to the right.
Beat 15: Move your bottom to the left again.
Beat 16: Clap and turn to the right.
Ang dali lang magmukhang tange 'di ba?
Ganun pa man, pinayaman ng husto ng kantang ito ang duo (kahit na 25 percent lang ang royalties nila) dahil 11 million copies lang naman ang naibenta nito as of 1997. Matagal-tagal rin ito sa charts dahil 14 weeks ito sa #1 slot. Sa 2002 dokyu ng VH1 na "100 Greatest One-Hit Wonders", nakuha nito ang #1 slot. Number One din ito sa "40 Awesomely Bad No. 1 Songs" ng VH1 at sa "100 Worst Songs Ever" ng AOL Radio. Binalak pa nitong bumalik sa chart dahil nagkaroon rin Christmas version ang hinayupak na ito.
Dahil sa kasikatan ng kantang ito, binalak pa itong ipasok sa Guiness Book of World Records. 50,000 na katao ang sumayaw ng Macarena noong 1996 sa Yankee Stadium, New York City. Parang 'yung ginagawa lang ng mga naghahalikan ng sabay-sabay sa taenang Lovapalooza. Ginamit din itong isang diversion dance song na naglalayong pag-isahin ang mga delegates sa 1996 Democratic National Convention tuwing nawawala sa wisyo ang mga ito.
Ang daming nabaliw sa kantang ito. Hindi lang alam ng karamihan na tungkol ito sa isang babaeng hindot na nakipaglandian sa dalawang lalaki matapos na magpa-recruit sa army ang kanyang boyfriend!
Tama ang nabasa mo, walang kamalay-malay ang buong mundo (o talaga lang hindi pinakinggan ang lyrics) noong panahon ko na humahataw sila sa saliw ng musikang tungkol sa INFIDELITY o PAGTATAKSIL. At tama ba namang gamitin ang pangalan ng Ina ng Diyos? Ayos!

naalala ko nung elementary kailangan namin sumayaw ng macarena sa isang school event. haystt
ReplyDeleteang bata mo pa pala noong mga panahong 'yun, paps! nasa college na ako nang nabaliw ang mga pinoy sa kantang ito. 'di ko nasubukan ito sa school pero napipilitan ako sa mga bertdeyan at kung anu-ano pang party syet!
ReplyDeletebuset pag narinig to ng lola ko sa radio "day isayaw mo yan my premio candy" haha
ReplyDeleteHahaha..best comment :-)
DeleteWho can forget Macarena? Naalala ko sinasayaw yan ng Maneuvers sa mga variety show. Alam mo nang baduy ang isang dance craze kapag sinasayaw sa variety show.
ReplyDeleteMagdalena = "tumutukoy sa mga babaeng sassy at sensuous". In other words, babaeng maharot, hahaha. Dito sa Pilipinas, hindi lang yon ang ibig sabihin ng "Magdalena", ayon sa kanta ni Ka-Freddie.
Great post, as usual! :D
pinatawag ako ng teacher noon sa dance club dahil sa macarena na yan. Kasi binibiru ko yung girls na hihipuan ang pwets kapag dun sa part na tatalon dapat sa dance. :D pasaway na macarena
ReplyDeletehaha sinasayaw ko ito noon sa bahay eeeewwwwwwwwwwwwwwwww
ReplyDeletewow master glentot, mabuhay ka at natutunan mo! \m/
ReplyDeletehahaha....mukhang memorable nga sa'yo ang macarena...ahahhh
ReplyDeletesalamat mira!
ReplyDeleteyup, baduy na nga pag inuulit-ulit na itong sinasayaw sa teevee. lahat yata ng variety shows eh sinayaw ito! minsan nga nagkakasabay pa ang dalawang channels sa pagpapalabas!
welcome sa tambayan! sigurado akong nagsayaw ka rin para sa premyong kendi! hehehe
ReplyDeletesinayw rin nmin to...and ngenjoy nmn ako isyaw to..kc malay q b t=dati sa lyrics...grade 4 ako nang sumikat to..me tape p binili si ermat...
ReplyDeletesabagay, bata pa tayo nun. ste bata ka pa pala nun. ako rin di ko pa alam na ganun ang lyrics nun.
ReplyDeleteYAAAK! sinunod ko talaga yung easy-step guide mo sa pagsayaw ng Macarena. mukha akong tanga sa bahay! HAHAHA. :)) benta. FTW! :))
ReplyDelete