Monday, November 29, 2010

Palos

Kapag papalapit na ang balentaympers ay abala na ang Close-Up sa kanilang preparasyon sa pagdaraos ng isang festival kung saan sabay-sabay maghahalikan ang mga couples maging hetero man, bisexual, o homo sa loob ng ilang segundo. 2004 unang tinangka ng Pilipinas na ma-break ang Guiness Record para sa mass-kissing. Matapos noon ay naging parte na ng kantonaryo (libro ng mga salitang-kanto) nating mga Pinoy ang pinausong "Lovapalooza". Naks, ang sarap pakinggan dahil kakaiba, 'di ba? Kaya nga nagagamit din ito sa ibang fairs tulad ng job-a-palooza, laptopalooza, gadget-palooza, pokpokpalooza, at kung ano pang kahindik-hindik na mga pauso.

Kung sino mang henyo ang nabigyan ng malaking bonus sa pag-iisip ng pangalan ng event para sa isang toothpaste kissing gig, malaki ang utang niya sa Dekada NoBenta.

LOLLAPALOOZA. Ito ay isang American idiomatic phrase na ang ibig sabihin ay  "an extraordinary or unusual thing, person, or event; an exceptional example or instance". Unang ginamit noong early twentieth century at nang lumaon ay naging ka double-meaning ng "large lollipop". Ito ang napiling salita (matapos marinig sa isang short film ng Three Stooges) ng vocalist PERRY FARRELL  (Jane's Addiction) na gagamitin para sa kanilang farewell concert tour.

1991 naisakatuparan ni Farell na magbuo ng isang traveling rock/culture festival para sa mga "new breed" ng mga banda sa West Coast area. Hindi tulad ng Woodstock na naganap lang sa isang location, ang Lollapalooza ay ginaganap sa iba't ibang lugar sa US at Canada. Naging successful ang kauna-unahang gig na ang line-up ay binubuo ng Jane's Addiction, Siouxsie and the Banshees, Nine Inch Nails, Living Colour, Ice-T & Body Count, Butthole Surfers, Rollins Band, Violent Femmes, Fishbone, Emergency Broadcast Network. Tinanggap ng kabataan ang pagsasama-sama ng iba't ibang grupong may kani-kaniyang genre. At dahil nga kakaiba ang gig na ito, hindi lang ito nag-present ng music - mayroon ding mga art exhibits at circus shows.  Dito unang narinig at ginamit ang term na "Alternative Nation", thanks to Mr. Farell.

Naging taunang festival na ito na inabangan ng mga adik sa musika. Potah, isa sa mga pangarap ko dati (kahit hanggang ngayon) ay ang makapag-mosh pit at crowd surf habang nakikinig sa musika ng mga iniidolo kong banda. Kung mayaman lang ako noong mga panahong iyon ay lumipad na ako ng Tate para makisaya. Sa mga taon mula  1992 hanggang 1995 ay mga alternative bands ang naging main acts dahil putok na putok noon ang grunge. Hanggang sa magazine ko lang nakikita ang performances ng mga peyborit kong banda tulad ng Alice in Chains, Soundgarden, Sonic Youth, Rage Against the Machine, Smashing Pumpkins, at Red Hot Chili Peppers. Sayang nga lang at nag-suicide si pareng Kurt kaya nawala ang Nirvana sa listahan ng main performers ng 1994.

Naalala ko pa na sa sobrang kasikatan ng Lollapalooza ay nagkaroon ng isang episode ang The Simpsons entitled "Homerpalooza". Naging isang circus freak si Homer sa isang festival na ang pangalan ay "Hullabalooza". Astig ang episode na ito dahil guest ang Smashing Pumpkins, Sonic Youth, at Cypress Hill!!

1996 ay bumitaw naman si Farell sa pagiging organizer ng festival. Ang pagiging headliner ng Metallica ay nagkaroon ng maraming speculations na "magiging mainstream" na ang gig. Sa sumunod na taon, medyo tumamlay ang rock scene kaya nag-focus nalang sila sa electronica at techno kung saan kilala naman ang The Prodigy. 1998 ay na-cancel ang nakagawiang taunang gig dahil walang makitang "bagay" na main act.

Anim na taon ring nawala ang Lollapalooza kasabay ng pagkawala ng Alternative Scene.

Nang subukan nilang i-revive ito noong 2003, maraming followers nito ang umayaw na dahil sa mahal ng presyo ng tickets. Ang dating "underground" ay naging "sellout". Kung dati ay "brought to you by Perry Farell", ang mga sumunod na festivals ay "brought to you by corporate assholes". Marami na ang nawalan ng interes sa mga pagbabagong naganap. Nawala na kasi ang tunay na essence ng nasimulang ideya.

Taena naman, ano ang ginagawa ni Lady Gaga sa Lollapalooza?!!





9 comments:

  1. ganun pala ang etimolohiya ng lovapalooza shit na 'yan. ayos!

    'yung totoo? gustung-gusto kong magbasa ng mga akda mo ser kasi marami akong natututunang kung anu-anong shit partikular sa mga kaganapan noong dekada nobenta.

    taenang shit talaga 'tong si lagy gaga! di mo alam kung kulang lang sa pansin o pinanganak nang topakin. \m/

    ReplyDelete
  2. Haha ano kayang meron sa pokpokpalooza???

    ReplyDelete
  3. ayos sa trivia. Di ko alam na dahil inspired sa lollapalooza e may epi ang simpson :D

    ReplyDelete
  4. Hmmm.. bago sakin to pareng nobenta! hehe! Ano ung picture after ng post mo? curious lang. :)

    ReplyDelete
  5. naku parekoy, naligaw lang yang pic na yan. wala akong kinalaman!!

    ReplyDelete
  6. download mo yung episode, maganda sya promise

    ReplyDelete
  7. kaw naman parekoy, eh di mga martilyo!! \m/

    ReplyDelete
  8. ser lio, isang karangalan ang mapatambay ka dito at maging interesado sa dekada nobenta! blogenroll!!

    ReplyDelete
  9. I hope gawa kayo ng topic about the Pepsi 349 scandal.
    A compilation video of commercials is available on YT! and print ad on Pinoy Nostalgia Print Ads (FB fan page). Sa fanpage na yan, marami kang makikitang Print Ads from the 1930s to the not so late 00s.

    Sa ngayon, mukhang bumawi ngayon ang hiphop after they were infamous dahil sa mga rap battles.
    Sa rock, naman parang humina na talaga and BTW, meron akong nakita na old logo ng NU107, update mo yun sa blog post mo na "Paalam sa Enyu".
    Ito yun : http://www.facebook.com/photo.php?fbid=500886721619&set=o.131624536893235 (Galing sa FB ni Cris Cruise)

    ReplyDelete