Sunday, November 21, 2010

Banana-Q That Tastes Like Silver




Mga ka-dekads, ang inyong mababasa ay galing sa aking imbakan ng mga drafts dito sa Blogspot.  Ito sana ang sunod na entry ko pagkatapos ng "Pag-Ibig Ko'y Metal". Hindi ko siya nai-post dati sa kadahilanang baka sumikat pa ulit ang grupong tinutukoy ko.Ngayong laos na sila, puwede ko na sigurong i-share ang kuwento ko.....

Have you ever tasted something that doesn’t taste like it?

My question reminds me of the Lady’s Choice Sandwich Spread commercial which features two school boys where one is ranting over his baon. The other boy tells him, “Isipin mo nalang, ham yan”. Then the boy replies, “Ham nga!

If there is one thing that I would consider an achievement in my entire internet life, it would be the time that I made my friends and the rest of the cyberspace believe that a band ripped off another band’s song.

I was listening to NU107 one weekend in 2005 when I heard this band played a nice catchy song. Amidst the popularity of novelty songs, one will not resist listening to this nice song from Cebu. Nakakita ako ng konting liwanag for the rise of the Philippine band scene. Matagal-tagal na rin kasing nawala ang magagandang music after ng Eraserheads era. Mabibilang mo nalang that time yung mga may matitinong kanta.

Stay” ang pinasikat ng bandang Cueshe’t. Halos kasabayan niya ang “The Day You Said Goodnight” ng Hale. Dahil sa pagsikat nila, nabuhay ang bagong generation ng alternative. Their songs were conquering radio stations and pirated CD kiosks.

Nagustuhan ko ang “Stay” and I played that song several times at our inuman sessions. Pero di mawala sa isip ko noon na parang may katunog siya. Hinalungkat ko yung mga CD’s ko. Then I remembered SILVERCHAIR. Pinarinig ko sa barkada kong sila Geline at Mark yung “THE GREATEST VIEW” from their Diorama album. Nagulat din sila. Ilang beses naming inulit-ulit yung chorus kasi katunog nga talaga.

Dun lumakas yung loob ko. Hindi ako nag-iisa. Batang dekada Nobenta kami kaya alam naming ginaya talaga. Hindi ako nagsayang ng oras, kinunsulta ko ang ibang mahilig sa banda, yung mga members ng Rakista. Nilagay ko sa topic yung nararamdaman ko sa kanta ng Cueshe’. Sa akin lang naman nagsimula yung thread na tungkol dito. Humaba ang replies; maraming na-convince, marami ring naasar na fans. Pati yung administrator ng Rakista, gumawa na ng link papunta dun sa “The Greatest Stay” sampler niya para madesisyunan ng listeners kung rip off nga.

Hanggang sa isang araw, napanood ko nalang sa Channel 2 na ipapalabas ni Boy Abunda sa “Kontrobersyal” yung tungkol sa panggagaya. Bad trip, nagkaroon pa tuloy ng free publicity. Well, ganuna talaga. Bad publicity is always a good publicity. Nagkaroon na ng mga mas curious sa kanila kaya lalo pa silang sumikat. May mga naging solid fans at nagkaroon din ng anti-Cueshe’ groups. Madalas silang nai-interview because of that issue.

Ang nakakabuwisit sa bandang yun, may narinig akong tsismis na they are claiming that they are the best band from Cebu. And the worst thing about that gossip, sinabi pa daw nila na ‘di nila kilala ang Silverchair.

Paksyet, kung nabuhay ka noong dekada nobenta at nahilig sa banda, imposibleng ‘di mo alam ang Silverchair. Yung nanay ko nga, alam kantahin yung “Abuse Me”, sila pa kaya?!



13 comments:

  1. CUESHE SUCKS! Pero nagustuhan ko din ang stay sa totoo lang. Nung mga sumunod ng kanta nila, waley na. Hindi na sila sikat sa pinas, maliliit na gigs na lang daw ang pinagkakaabalahan nila.

    -http://mangpoldo.bogspot.com

    ReplyDelete
  2. ako rin parekoy, paborito kong gitarahin at kantahin sa videoke ang "stay". ok naman sana ang cueshe kung umamin sila na rip-off ito ng "the greatest view".

    blogenroll at welkam sa tambayan ko!! \m/

    ReplyDelete
  3. gustong gusto ko ang silver chair! and yes katunog na katunog nga at matagal ko ng napansin 'yan, pero kahit nuon pa, kahit mga alternative band ang cueshe di ako naging bilib sa kanila.

    ReplyDelete
  4. Haha ikaw pala ang nagpasimula ng pagkasikat nila!!!! Yeah bad publicity but publicity nonetheless... I don't like this badn that much, yung song lang na Back To Me ang gusto ko... Saan kaya ginaya yun?

    ReplyDelete
  5. I'm from Cebu but I never liked this band, though I didn't know right away that they ripped Silverchair. Nalaman ko na lang 'yon sa NU107 (sumalangit nawa) na ginaya pala nila ng Cueshit.

    ReplyDelete
  6. hindi ko kilala ang silverchair (pasensiya na ser, late 80's kasi ako pinanganak). pero bigla akong nacurious sa pag-ripoff ng cueshe ayon sa'yo ng kanta ng silverchair.

    at totoo ngang napakalapit ng pagkakahawig para hindi mapansin ang panggagaya. pati melody at tempo, parang kopyang kopya. walastik!

    ReplyDelete
  7. aaminin ko, bumilib naman ako sa cueshet kahit papaano. pero sa paglipas ng mga araw, naitanong ko sa sarili ko kung bakit kailangang dalawa ang bokalista? di naman sila ang air supply!!

    ReplyDelete
  8. isa ako sa mga naging instrumento ni Bro para mabigyan sila ng malufet na publicity!! bwahahah

    ReplyDelete
  9. wow, nakakagulat naman na di mo gusto ang cueshet parekoy dahil cebuano ka. pero marami naman mas magagaling na banda. isa na ang urban dub...

    ReplyDelete
  10. batambata ka pa pala ser lio!

    'di naman buong kanta ang pagkahawig ng "stay" sa kanta ng silverchair. yung mga verses kasi (ayon naman sa ibang nakinig at may narinig) ay katunog naman ng "perfect" ng simple plan!! \m/

    ReplyDelete
  11. mga sir, sa jeep q lang naririnig ang cueshet na yan, but silverchair eh always yan sa eardrums q, kaya nung 1st time q marinig yang "stay" alam q na kagad na ripped off, kaso wala namang internet sa brgy. namin that time and got no time to blabber about a song that will only last a few years,..

    ReplyDelete
  12. Katulad din yan ng Orange & Lemons na ninakaw ang kantang Chandiler ng British band na Care!

    ReplyDelete
  13. sir kailangan ba air supply pangalan ng banda para dalawa vocalist...
    o kailangan sabihin na ripped off ang kanta dahil magkatunog ang churos pano pag lahat? or kailangan e down yung banda dahil sikat na sya bakit kapwa pilipino nagsisiraan standard po ba yan sa walang alam at naingit? sana mag ripped of din yung iba ng kanta yung 1st stanza lang para kakaiba...

    ReplyDelete