Tungkol sa Dekada


Dekada NoBenta. Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.

Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng "beeper message" sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraserheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong "kisses" kapag inalagaan mo ito ng mabuti?

Sa isang Batang 90's na tulad ko, ang mga "pagbabalik-tanaw" ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga tulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayan na ito.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. 'Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng "Macarena" na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.

Hangga't nandito ka tambayan namin ay paulit-ulit mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".


Ano ang naaalala mo sa Dekada NoBenta?

Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy? Ang sumusunod na listahan (in no particular order) ay ilan lang sa mga nagawan ko na ng entry dito sa NoBenta.

Isa kang ganap na Batang Nineties kung:


1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanood ang "Montreal Screw Job" na nangyari sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.

2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.

3. alam mong si Dino Ignacio ang utak ng "Bert is Evil".

4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.

5. alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget.

6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa "Ang Dating Doon".

7. isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine.

8. nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi.

9. nakapanood ka ng kahit isa sa mga milyung-milyong massacre films ni Carlo J. Caparas.

10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.

11. nakaboto ka sa kauna-unahang SK Elections noong 1992.

12. nakita mo ang pag-usbong ng Megamall, Galleria, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA.

13. alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng "backmasking".

14. alam mong mas napalapit si Erap sa masa dahil sa kanyang "carabao English".

15. isa ka sa mga unang nanabik noong pumutok ang balitang magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads.

16. nakadalo ka sa mga astig na konsyerto tulad ng "MTV Alternative Nation Tour".

17. alam mong si Tito Sotto ang utak sa "Alapaap Controversy".

18. naadik ka sa kalalaro ng Family Computer.

19. may mga kanta kang paborito noon na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinagsasawaang pakinggan.

20. hanggang ngayon ay kabisado mo pa ang mga lyrics ng mga kantang sumikat sa Tate noong 90's.

21. may mga alam kang albums na produced ng Tone Def Records.

25. napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang "Rubber Shoes".

26. isa ka sa mga unang nakatikim ng instant pancit canton.

27. alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield.

28. nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa.

29. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.

30. isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda.

31. isa ka sa mga nakipila sa labas ng ABS-CBN para sumali sa "Pera o Bayong".

32. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida sa ilang music videos ng Aerosmith.

33. alam mong hindi original ng TGIS ang kantang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg.

34. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng kantang "Multong Bakla".

35. mahilig kang manood ng "Headbanger's Ball" ng sinaunang MTV sa Channel 23.

36. naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana.

37. inaabangan mo kung ano ang mga bagong laruang ipapakita sa "Uncle Bob's Lucky Seven Club".

38. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex.

39. bilib ka sa 4-peat ng "Growling Tigers" kahit na 'di ka taga-uste.

40. mayroon kang nakasukbit na beeper sa baywang mo.

41. naniniwala kang isang alamat ang kasaysayan ng Zagu.

42. alam mong "Kung walang knowledge, walang power".

43. bumili kayo ng matinding antenna para makasagap ng sinaunang UHF Channel.

44. alam mong tugtugin sa gitara ang "Plush (kahit intro lang)" ng Stone Temple Pilots.

45. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds at Winnie Cooper.

46. habit mo ang pagba-Batibot.

47. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay Culkin noong totoy pa siya.

48. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate kapag Pasko at balentaympers.

49. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino talaga ang pumatay sa mga Vizconde.

50. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan ng kanyang asawa.

51. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng event na may "palooza" sa hulihan.

52. alam mong rip-off ang kantang "Stay" ng Cueshet mula sa "The Greatest View" ng Silverchair.

53. nagluksa ka ng mawala sa ere ang NU107.

54. naka-attend ka ng "grand eyeball" ng mga crossliners.

55. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas.

56. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon noong July 16, 1990.

57. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.

58. nakikanta ka sa "Bed of Roses" ni bunjubi.

59. elibs ka sa galing ni "The Magician" sa paglalaro ng bilyar.

60. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco.

61. namimili ka sa kung ano ang panonoorin, "TGIS" o "Gimik".

62. alam mo ang istorya sa likod ng "Take it! Take it!" ng 1994 MFF Awards.

63. nalaman mong cool pala ang maging bobo nang makilala mo sina "Beavis and Butt-Head".

64. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms na "TF" at "ST" na isang genre ng pelikula.

65. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers. 

66. alam mo ang mga pamatay na awitin ng Yano.

67. nabalitaan mo kung paano nilait ni Claire Dane ang Pinas.

68. nangolekta ka rin ng mga tansan ng Pepsi para maksali sa "Number Fever".

99. nakarinig ka ng mga bumibirit ng "Zombie" sa videoke 

100. napanood mo ang interview ni Kris Aquino kay Bongbong Marcos sa "Actually...'Yun Na!" 

111. alam mo ang lahat ng mga kantang kabilang sa "90's Music Comes Alive" compilation album. 

112. kilala mo ang alamat na si Karl Roy.  

113. nasaksihan mo ang unang pagsulpot ng mga pirated CD's.

114. alam mong may kumalat na "Bongbong Marcos Urban Legend".

115. naniwala ka sa "Trespassing: 3-in-1 Reunion Concert" ng Eheads, Rivermaya, at Yano.

116. kilala mo ang nag-iisang rakistang doktor ng radyo.

117. kilala mo ang mga bida sa "Cebu Boarding House Scandal".

118. nalungkot at natuwa ka sa "In Love and War" album nina Ely at Francism. 

119. pinangarap mong Talunin si Takeshi para masakop ang kanyang kaharian. 

120.alam mong ang "Mayonaise" ay isang kanta mula sa The Smashing Pumpkins.  

121.  tinamaan ka sa lakas ng Siakol.  

122. kilala mo si Kevin Kosme. 

123. pinangarap mong maging miyembro ng Bioman. 

124. sinagupa mo ang bagsik ng habagat para lang mapanood ang konsiyerto ng The Smashing Pumpkins sa Araneta.  

125.  inakala mong may kaugnayan ang "Spoliarium" ng Eraserheads sa rape case ni Pepsi Paloma.

126. alam mong may milagro daw na naganap sa Agoo.

127. naalibadbaran ka sa magkakapatid na Hanson.  

128. alam mong ginawaan ni Weird Al ng parodya ang Teen Spirit nila Cobain. 

129. alam mo ang signature song ng Rage Against the Machine.  

130. isa ka sa mga unang nakagamit ng mga kung anu-anong social media sa internet.

131. alam mo ang mga 'hidden images' sa 'Use Your Illusion' album cover ng Guns N' Roses. 

132. alam mo ang compilation album na "Pinoy Bato". 

133. natakyut ka sa mga Teletubbies. 

134. kilala mo ang bokalista ng grupong nagpasikat kay Pedro.

135. namangha ka sa talento ni Bob Ross. 

136. alam mong Nike sneakers ang suot ng mga nagpakamatay na miyembro ng kultong Heaven's Gate.  

137. natatandaan mo pa ang convicted rapist Mayor Sanchez na may pamatay na hairstyle.

138. naalala mo pa ang mga taglines ng mga pelikula noong panahon natin.

139. natatandaan mo pa ang ilang mga batang naging cover ng mga music albums noong Dekada NoBenta.

140. napapaisip ka minsan kung nasaan na ang Nirvana Baby.

141. alam mo ang grupong nagpasikat kay Alicia Silverstone. 

142. narinig mong lahat ang mga versions ng 'Ikaw Pa Rin' na unang pinasikat ni Ted Ito.

143. natatandaan mo pa ang circus elections ng 1992.

144. alam mo kaagad na isang Batang 90's si Pinoy MasterChef JR Royol matapos mapanood ang kanyang panayam sa "Bottomline with Boy Abunda". 

145. kung isa ka sa mga nagulat sa anunsyong walang napiling "Best Picture" noong 1994 MMFF. 

146. alam mong ang Club Dredd ay ang mecca ng mga banda noong Dekada NoBenta.

147. alam mo kung sinu-sino ang mga kalaban ng Bioman.

148. alam mong si Sarah Balabagan ay isang OFW na masuwerteng pinalaya ng gobyerno ng UAE sa kasong pagpatay.

149. kung naitago mo ang mga laruang kinalakihan mo noong Dekada NoBenta.

150. naabutan mo ang mga cassette tapes at unti-unti nitong pagkawala 

151. marami kang naaalala sa tuwing nakakakita ng mga food chain newspaper ads mula sa Dekada NoBenta.

152. alam mong si Robert Javier ang bahista ng The Youth.

153. alam mo ang pangalan ng bokalista ng Teeth na nagpasikat ng "Laklak".  

154. minsan ay pinangarap mong makausap ang ilang bigating tao noong Dekada NoBenta katulad ni Ely Buendia.

155. alam mo ang pangalan ng salarin sa Hultman-Chapman Double Murder Case.

156. nasaksihan mo ang pagiging patok sa takilya ng pelikulang "Ghost" sa Pilipinas. 

157. alam mo ang tawag sa sinakyan ni Pope John Paul II sa paglilibot niya sa Maynila noong 1995 World Youth Day.

158. alam mo ang pangalan ng grupong nagpasikat ng kantang 'Wannabe'.

159. alam mong muntikan nang hindi matuloy ang konsyerto ni Pavarotti sa Maynila. 

160. alam mong walang nakaligtas sa trahedya ng Cebu Pacific Flight 387.

161. alam mong karamihan ng mga kalalakihan noong Dekada NoBenta ay mahahaba ang buhok.

162. pinangarap mong tumugtog ang GNR sa Pilipinas. 

163. nakadalo ka sa "Not in This Lifetime Tour" sa Philippine Arena. 

164. isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay patungong Philippine Arena para makita ang GN'R.

165. narining mo si Duff na magmura sa harap ng libu-libong mga Pinoy Gunners. 


Para sa mga puna at komento, SUBUKAN MO AKO: