Sa loob ng sasakyan ay masayang nakikinig ng musikang alternatibo sa Campus Radio 97.1 WLS-FM ang matalik na magkaibigang sina Joshua at Christian nang biglang ipatugtog ang "MMMBop" ng Hanson matapos ang "Where It's At" ni Beck. Ito ang unang pagkakataong pinayagan ng kani-kanilang mga magulang ang dalawa na lumabas ng Maynila para maglibang.
Tangina 'tong LS na ito, bakit ang dalas nitong buwisit na kantang 'to? Lipat natin sa NU.
Teka Josh, nagugustuhan ko 'yan, patapusin mo nalang.
Seryoso ka o nagpapatawa?
Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...kaninang umaga ko pa naririnig sa loob ng tenga ko 'yang kantang 'yan. Maganda naman, 'di ba?
Mukha kang gago! Bumibigay ka na ba sa mga boylets na 'yan?
Hihirit pa sa sana ang kaibigan ngunit nailipat na ang istasyon ng radyo.
Sino kaya ang mas mukhang gago, eh alam mo namang nakikinig ako tapos ililipat mo!
Eh ayoko nga 'yang kantang 'yan.
Bahala ka nga sa buhay mo. Magyayaya kang gumala pero mas kupal ka naman sa kupal ng lolo ng lolo ko!
Inilabas nalang ni Christian ang dalang Game Boy at naglaro ng Super Mario Land. Ipinakita niyang nalilibang siya sa pagpindot ng teklada ng mamahaling laruang iniregalo sa kanya ng nanay na Japayuki. Hindi na niya inintindi ang ingay na lumalabas sa radyo.
P're, ano'ng una nating sasakyan pagdating sa Enchanted?
Walang narinig na imik mula sa kasamang abala sa pakikipaglaban sa kampon ni Tatanga para masagip si Princess Daisy.
Hoy, pang-asar ka ha. Parang Mmmbop lang, eh nagmamaktol ka na.
Wala pa ring imik kaya dinakma ni Joshua sa mga kamay ni Christian ang nilalaro. Bigla namang pinindot ng huli ang naka-program na buton sa radyo upang malipat ang istasyon papuntang Monster Radio RX93.1.
Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...
Bigla silang nagkatinginan at sabay na humalakhak ng malakas.
'Tian, ilabas mo na nga lang 'yung tape mo ng Nirvana para ganahan ako sa pagmamaneho.
Hinugot mula sa kanyang Yadu Dynasty bag ang "Nevermind" at binuksan ang lalagyan. Iaabot na sana ang cassette nang ito ay mahulog mula sa kamay ni Christian. Sabay na napayuko ang magkaibigan upang damputin ang album nila Kurt Cobain.
'Di pa rin tapos sa pagkanta ang magkakapatid na Hanson. Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...
Sa kanilang pagbangon mula sa pagkakayuko ay pareho silang nagulat nang malamang nasa kabilang daanan na ang kanilang kotseng sinasakyan at kasalubong ang isang trak. Mabuti na lamang ay mabilis na naikabig ni Joshua ang manibela at naapakan ang preno; naging dahilan upang makaiwas ang kotse sa pagkakabangga. Muntik nang sumalpok ang kanilang minamaneho sa pader ng isang bahay malapit sa intersekyon ng dalawang kalsada.
P're, okay ka lang ba?!
Okay lang ako Josh. Hindi ka ba nasaktan?!
Wala ito p’re, walang galos. Hindi pa tayo kukunin ni Lord kasi hindi naman tayo mga good boys!
Tarantado! Nagawa mo pang magpatawa!
Isang babae ang nakita nilang kumakaripas ng takbo mula sa bahay na muntikan na nilang salpukin. Papunta ito sa kanilang Honda.
Naku, wala bang nasaktan sa inyo?
Wala naman, miss. Salamat sa pag-aalala. Pasensya na rin at muntik na naming gibain ang pader niyo.
Sanay na kami dahil ilang beses nang may bumangga sa pader namin. Mag-ingat kayo sa lugar na ito dahil maraming nadidisgrasya dito.
Ganun ba?
Teka, sa’n ba ang punta niyong dalawa?
Sa Enchanted Kingdom.
Mabuti pa ay tumuloy muna kayo sa loob. Pagbubuksan ko kayo ng softdrinks. Magpahinga na rin muna kayo bago muling magbyahe.
Sa amo ng mukha at ganda ng hubog ng katawan ng binibini ay hindi na nagdalawang-isip at sabay na sumagot ang magkaibigan.
Sige!
Ipinarada nila ang kotse sa tapat ng gate at sumunod sa nag-anyaya. Pumasok sila sa isang bahay na sa unang tingin pa lang ay masasabing may-kaya ang mga nakatira.
Maupo muna kayo.
Ate, luto na ang ulam. Ay, may mga bisita ka pala.
Mga dayo sila galing Maynila. Muntik nang bumangga ‘yung sasakyan nila sa pader natin. Si Jenny nga pala, ang nakababata kong kapatid.
Hi, ako nga pala si Josh but you can call me Joshua for long.
Hi, Christian here. Nice to meet you.
Tricia nga pala. Tamang-tama pala ang timing niyo, luto na ang Kaldereta ni Jen. Dito na kayo kumain.
Paborito ‘yan ni ‘Tian, siguradong hindi ka niyan tatanggihan.
Ayus, ibenta ba ang barkada?
Sa hapag-kainan ay para silang matagal nang magkakakilala. Matinik sa babae ang dalawa kaya mabilis nilang nabola ang magkapatid. Nalaman nilang parehong nasa abroad ang mga magulang nina Jenny at nagtatrabaho bilang mga kasambahay sa Italy. Hagikgikan, tawanan, at asaran. Kung anu-ano pa ang mga napagkuwentuhan nila tungkol sa mga buhay-buhay.
Kanina pa ako sinisenyasan ni Josh. Nahihiyang magtanong kung umiinom daw ba kayo.
Oo naman. Paano ka mabubuhay kung hindi ka iinom ng tubig!
Hay, si Jen nagpapatawa… Ano ba tingin niyo sa amin, si Maria Clara?
Eh ‘di pwede pala tayong makipagtunggali kay San Miguel? ‘Tian, huwag ka na munang sumakay sa Space Shuttle. Dito muna tayo sa mga bago nating friends!
Sure, Ginebra San Miguel ba o San Mig Lights? Doon tayo nila Jen sa likod ng bahay, may swimming pool. Pahihiramin nalang naming kayo ng panligo. Marunong ba kayong lumangoy?
Si Josh, langoy-aso lang ang alam pero magaling ‘yan sa sisiran lalo na kapag gabi!
Nagkindatan ang magkaibigan nang pumanhik ng kuwarto ang mag-ate para ihanda ang mga gamit.
P’re, jackpot ‘to!
Oo nga Josh, para tayong tumama sa lotto!
Matapos ang ilang minuto ay bumaba sina Tricia at Jenny na nakasuot ng two-piece bathing suit. Nagulat ang magkaibigan sa nakita at halatang-halata ang kanilang pananabik. Biglang naalala ni Christian ang “Andrew Ford Medina” ni Andrew E. habang si Joshua naman ay napakanta sa kanyang isipan ng “Sabado Nights” ng Rizal Underground.
Hoy, titigan niyo nalang ba kami ni ate at maglalaway?!
Oo nga, nakita niyo na ang katawan namin ni Jen kaya kayo naman ang magbihis!
Inihagis ng magkapatid ang tig-isang Speedo – kulay asul kay Josh at pula naman kay Christian. Dali-daling pumunta sa banyo ang magkaibigan para magpalit.
Paglabas nila sa likod ng bahay ay nakababad na sina Tricia sa tubig. Nakita nilang may mga bote na ng San Mig Light na kanilang iinumin. May pulutang Piatos at Pom-Poms sa mesa. Mayroon ding dalawang kaha ng pulang Marlboro.
Tumakbo sila at tumalon sa swimming pool. Nagtampisaw. Nagharutan. Lalong napalapit ang loob ng mag-ate sa magkaibigan. Si Tricia ay pumares kay Christian habang si Jenny naman ay kay Joshua. Makalipas ang ilang sandali ay umahon na sila upang simulan ang inuman.
Ang ganda ng bahay niyo. Kanina pa namin pinag-uusapan ni Josh na parang rest house ang dating ng tirahan niyo.
Salamat, dito na kami lumaki ni ate. Pinaghirapan nila tatay ang bahay na ito. Matagal na rin silang nag-aabroad.
Ang nanay ko rin, OFW sa Japan. Si Josh, ipinanganak na mayaman ‘yan kaya balewala sa kanya ang luho.
Teka, bakit nga ba kayo muntikang bumangga sa pader? Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras.
Dahil sa kaepalan ni Josh.
Epal ka diyan, aminin mong dahil sa bakya mong kanta!
Maganda naman ang Mmmbop, ‘di ba Trish?
Si Jen, madalas kong naririnig na kinakanta ‘yan. Eh ano naman ang kinalaman ng Hanson sa muntik niyo nang pagkadedo?
Mahabang istorya, baka hindi ka maniwala pero to make the long story short, muntikan na kaming mamatay dahil sa Mmmbop. Gawa ng demonyo. Gawa ni Satanas. Lahat ng makikinig sa kanila ay makakaranas ng masama!
Ang cute kaya ng mga batang ‘yun. Paano mo naman nasabing kampon sila ng kadiliman? Crush kaya namin ni ate ‘yung bokalista nila.
Napanood daw kasi nitong si Josh sa MTV na kahit na ang satanistang si Marilyn Manson ay naaalibadbaran sa Hanson. Gustung-gusto kasi sila ng masa. Sa tingin niya, mas evil ang magkakapatid. The devil works in very uncanny ways.
Kapag nagbabyahe kami, trip kong pakinggan ang “Overdrive” ng Eraserheads. Love ko si Ely. Kahit si Jen, madalas isalpak sa karaoke namin ang “Cutterpillow” tuwing umaga. Sarap pakinggan ng mga kanta nila.
Eh ang Eheads napabalitang may satanic messages ang mga kanta. Napanood niyo ba sa MGB ‘yung episode ng backmasking? Kapag pinatugtog mo ng pabaligtad ang “Pare Ko” ay may maririnig kang mga hidden messages. Pati ang “Banal na Aso” ng Yano, ganun din daw. Hindi ba, ‘Tian?
Aysus, nasa isip lang nakikinig ‘yun. Atsaka bakit mo naman pakikinggan ng pabaliktad? Eh ‘di makikinig nalang ako ng Slayer kung gusto kong makarinig ng satanic na kanta!
Sa gitna ng kuwentuhan ay nagpaalam si Jenny na may kukunin lang sa kanyang kuwarto. Pagbalik ay may dala-dala siyang camera at sabik na niyaya ang tatlo para kuhaan ng litrato.
Ate, picture-picture! Josh, Christian, puwesto na kayo.
Teka, Jen, sila ‘Tian nalang muna. Hindi ako nagpapakuha ng tatlo. Masama daw ‘yun.
‘Langya ka Josh, pinapahiya mo naman ako kina Trish at Jen. Naniniwala ka pa rin ba sa mga pamahiin ng lola mo? Panahon na ng internet ngayon. I-search mo sa AltaVista kung totoo ‘yang pinaniniwalaan mo! Hahaha!
Oo nga Josh, sumama ka na sa amin ni Christian. Naduduwag ka ba?
Sige na, sige na. Basta hindi ako pupuwesto sa gitna.
Ang arte mo naman ‘tol. Ako na ang pupuwesto sa gitna niyo ni Trish.
One, two….say cheese!
Iba’t ibang mga poses ang sumunod – may seryoso, may pangmagsing-irog, at mas marami ang wacky. Gusto pa sana nilang magpakuha ngunit naubos na ang 32 shots na Kodak film ng kanilang Minolta na camera.
Malalim na ang gabi. Naubos na nila ang mga kaha ng yosi at nabuksan na ang lahat ng bote ng isang case na serbesa kaya minabuti na nilang magpahinga. Si Josh ay kasamang dumiretso si Jenny sa isang kuwarto sa ikalawang palapag habang si Tricia ay inakay ang lulugu-lugong si Christian patungo sa kuwarto ng kanilang mga magulang sa ikatlong palapag.
Binuksan ni Tricia ang aircon at dim light. Alam na nila ni Christian ang mangyayari dahil hindi na sila mga bata. Sa paghiga nila sa kama ay nagsimula silang maghalikan na parang mga love birds. Unti-unting nag-init ang silid. Sa kanilang paglalakbay sa pawisang katawan ng isa’t isa ay narinig nila ang mga halinghing at tinig ng pagnanasa. Namasa ang bukid. Yumanig ang buong paligid nang mas malakas pa sa lindol noong July 16, 1990. Ilang sandali pa ay sumabog nang malakas ang bulkan tulad ng naganap sa Mt. Pinatubo. Ang nanunuyong bulaklak ay muling nabuhay sa kanyang pagkakadilig.
Kinabukasan ay nagising si Tricia na wala si Christian sa tabi. Hinanap niya ito at nalamang naliligo ang ka-one night stand sa CR ng kanyang mga magulang. Kumakanta ang binata habang naliligo. Paulit-ulit niyang narinig ang chorus ng kanta.
Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...
Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...
Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...
Paglabas ni Christian sa banyo ay nakita niyang nakaupo sa kama si Tricia. Masamang tumitig ito sa kanya.
Good morning, my love!
Hindi natinag ang matalim na mga mata ni Tricia kay Christian.
Uy, good morning. Masama ba gising mo?
Christian, alam mo bang hindi ko gusto ang Mmmbop?
Pareho pala kayo ni Josh. Ayaw mo ng Mmm bop, ba duba dop, ba du bop…
Christian, alam mo bang naniniwala rin ako sa pamahiing bawal magpakuha ng litrato kung kayo ay tatlo?
Ang labo mo naman, Trish. Dapat kayong dalawa nalang ni Josh ang nagsama.
Lalong tumindi ang pagtitig ng masama ni Tricia kay Christian.
‘Tian, alam mo bang namamatay ang nasa gitna ng nagpapakuha ng tatlo?
Ha?!
Biglang umalingawngaw ang malakas na sunud-sunod na putok ng kalibre kuwarenta y singko sa buong kabahayan.
Ate….bakit mo nagawa ‘yan?!
Tricia, ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko?! Hayup ka!
Nakita nina Josh at Jenny na nakahandusay ang duguang katawan ni Christian sa sahig na may tama ng dalawang bala sa dibdib at isa sa ulo.
Tulala ang magkaibigan. Ilang segundo rin silang nakatitig sa pader na halos isang pulgada lang ang pagitan sa kanilang bumper. Hindi nakapagsalita. Nang nanumbalik ang ulirat ay kinumusta ang isa’t isa.

Ang maikling-kwentong ito ay ang aking lahok sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 4
Ang morbid hehe... pero nice story :) dahil sa Mmbop yan ha :D
ReplyDeleteAng dami kong mga nabasang entry for Sarangola Blog Awards na ganito ang ending lols
maraming salamat! kaya ikaw parekoy, nasa sa'yo kung makikinig ka sa mmmbop! \m/
DeleteAyun oh. Good luck satin ser :) Ganda ng kwento mo :)
ReplyDeleteHayop din pala ang ending mo. cheers :P
Deletekaya nga magkakasundo tayo ser! guluck sa ting lahat! \m/
DeleteGaling! Walang Kupas! Goodluck Sir NoBenta. ^__^
ReplyDeleteser, maraming salamat! good luck sating lahat! \m/
DeleteAng surprising ng turn of events! Nagsimula sa ka-cheesyhan ng mmbop at nauwi sa barilan... best of luck sa entry mo na to.
ReplyDeletemaster glentot, maraming salamat! lubos kong ikinatutuwa ang iyong palakas-loob! \m/
Deleteokay ang pagkakalikha sa kwento... maganda ung pagkakalahad niya.. from start to end.... Goodluck sa entry ^^
ReplyDeleteparekoy, salamat at goodluck sa ating lahat! salamat din sa pagtambay! \m/
Deleteakala ko mapapakanta ako ng mm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, hanggang ending .. hehe
ReplyDeleteAyos sa twist . Gudluck po sa SBA.
parekoy, kailangan ko ng luck dahil wala akong panama sa hataw mong entry. salamat! \m/
Deleteat bigla ko naalala yung matabang gameboy ko nung bata pa'ko..super mario land at dr. mario lang orig na tape ko nun, yung iba yung peke na na 100 in 1.. hehe.
ReplyDeleteok naman yung story. good luck! ;)
ang bilis ng pangyayari pero malupit na istorya.
ReplyDelete