Masarap makinig ng musika, lalo na kung may saysay ang sinasabi nito. Kaya nga hanggang ngayon ay mga kanta mula Dekada Nobenta pa rin ang laman ng music library ko. Hindi ko sinasabing walang kuwenta ang mga pinapatugtog ngayon sa mga jejemon radio stations. May mangilan-ngilang (na mabibilang mo lang sa mga daliri ng iyong paa) musikero ang may katuturan pero mas nilalamon pa rin ng mga "wala lang" ang listahan ng mga binibentang pirated CD's sa Quiapo at Recto.
Noong kapanahunan namin ay may tambalan ng musikerong gumulat, nagmulat sa mga isyu, at nagbigay-saya sa sambayanang Pinoy - ang tandem nina DONG ABAY at ERIC GANCIO na mas kilala sa pangalang YANO.
1992 nagkakilala ang dalawa sa UP Diliman kung saan sila ay parehong mga iskolar ng bayan at pareho ring mga miyembro ng grupong Patatag, isang progressive choral ensemble. Nang hindi magtugma ang kani-kanilang mga pananaw at mga inaasahan para sa grupo, nagdesisyon si Eric na humiwalay at magsulat nalang ng kanyang mga sariling kanta. Yinaya niya si Dong ngunit hindi pa ito sigurado noog mga panahong iyon kung sasama sa kanya. January 1993, isang buwan matapos ang pag-alis ni Eric sa Patatag, pumunta si Dong sa bahay ni Gancio upang ipahayag ang kanyang interes sa musical adventure na gusto nilang tahakin.
Ayon sa kuwento, noong araw na 'yun matapos nilang isantabi ang kani-kanilang pagkakaiba, kumuha kaagad sila ng yellow pad at panulat upang gumawa ng kanta. Matapos nilag pigain ang kanilang mga utak ay naisatitik din nila noong araw na 'yun ang kanilang unang kanta, ang "Kumusta Na". Naging seryoso sila sa paggawa ng kanilang sariling awit at pagtuklas ng sariling tunog kaya naman pagsapit ng April 1993 ay 'di na nila namalayang mayroon na silang nabuong 25 na kanta (kabilang dito ang lahat ng napapaloob sa kanilang magiging pangalawang album sa hinaharap).
June 1993, naimbitahan sila sa kaarawan ni Joey Ayala, sa pamamagitan ni Onie Badiang (cousin-in-law ni Eric na magiging session bassist sa lahat ng Yano albums) ng Bagong Lumad. Nang kantahin ng duo ang "Kumusta Na", nagustuhan ito ni Sir Joey at inimbita silang i-record ang kanilang kanta sa kanyang home studio. Ang demo tape na nagawa sa recording na iyon ay dinala nila sa yumaong LA105.9 (s.l.n.) at ipinatugtog sa segment nitong "Alternative Filipino Hour" kung saan mga kanta mula sa mga bagitong banda ang ibinibida. Pumatok ang kanta sa mga rockers kaya nanatili ito sa No.1 spot sa lingguhang "Alternative Filipino Countdown" sa loob ng dalawang Linggo. Ito ang naging daan upang sila ay mabigyan ng magandang pagkakataong makapaglabas ng kanilang self-titled debut album noong 1994. Kasama nila sa grupo ang session drummer na si Noe Favilla ng Grupong Pendong.
Noong una kong marinig ang kanta nilang "Kumusta Na" sa LA105.9, naging isa na ako sa mga tagahanga nila dahil nagustuhan ko ang liriko nilang nagtatanong sa atin kung ano na nga ba ang buhay ng mga Pinoy matapos ang 1986 EDSA Revolution. Dumadaloy pa sa aking mga dugo noon ang pagiging subersibo kaya naman nagustuhan ko ang Yano. Para sa akin, wala silang takot isiwalat at ipamukha sa mamamayan ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay. Ang kaibahan nga lang, nagagawa nila ito sa pamamaraang may katatawanan kahit na sobrang seryoso ang tinutumbok.
Ano ba ang ibig sabihin ng Yano? Ayon sa kanila, ang salitang ito ay nagmula sa Cebu at ng kahulugan nito ay "payak o pangkaraniwan". Sa mga life-size posters na nakita ko noon sa Musikland Cubao, may nakalagay na mga kahulugan ang pangalan ng kanilang duo. Puwedeng "yano" na pinaigsing "probinsyano". Puwede ring "ya-no" na ang ibig sabihin ay "oo at hindi". Nakuha nila ang salitang ito mula sa "Talahulugang Pilipino" habang sila ay gumagawa ng mga awitin.
Pumutok ang kanilang grupo sa buong Pinas nang ilabas ang single nilang "Banal na Aso, Santong Kabayo". Nakapukaw ito sa atensyon ng karamihan dahil na siguro sa malufet na lyrics ng kanta na tungkol sa mga rehiliyosong hipokrito. Isama mo pa ang nakakabaliw at nakakalohong "hi hi hi hi" ni Dong. Halos lahat ng radio stations noon ay ipinapatugtog ang kantang ito. Maraming may gusto at marami ring may ayaw pero kung susumahin mo lahat, ang mga reaksyon sa kantang ito ang nagbigay ng pangalan sa kanila. Sa sobrang kasikatan nga ng kanta, naisama ito sa mga kontrobersyal na sinasabing may mga demonic messages kapag pinatugtog ng pabaligtad o "backmasked".
Ang self-titled album ng Yano, kung ikukumpara sa mg albums ng Nirvana, ay ang "Nevermind" nila. Wala kang itatapon na kanta rito dahil mula Side A hanggang Side B ay papakingan mong lahat. Para kasing nailagay nila sa isang cassette tape ang masakit na katotohanang lumalamon sa ating lipunan. Kasama rito ang "Trapo" na tungkol sa mga ganid na traditional politicians. Isa sa mga paborito ko ito at ito na rin yata ang pinakapaborito ng mga aktibistang nagra-rally sa mga lansangan. Sapul din ang kantang "Mc'Jo" na tungkol sa kapitalistang fast food chains na ginagawang kabayo sa pagtatrabaho ang mga kawawang estudyanteng gustong kumita ng pera para may maipangtustos sa pag-aaral. Potah, isa ako sa mga nagtrabaho sa resto ng malaking bubuyog at talaga namang makatotohanan ang linyang "nasayang lang ang oras ko, nasayang lang pera ng nanay ko...ang bigat-bigat ng trabaho, ang gaan-gaan ng suweldo". Ang kantang "State U" ay tumutukoy sa UP Diliman kung saan sila nag-aral habang ang "Iskolar ng Bayan" naman ay tumutukoy naman sa mga estudyante ng UP. Ang huling kanta ay naging kontrobersyal din kasama ng "Alapaap" ng Eraserheads dahil sa lyrics nitong "gumagamit ka pa rin ba ng 'S'?" Panahon ng brownout noon sa Metro Manila kaya mayroon silang awit na "Kaka". Respeto sa pagkatao ng isang tao ang nilalaman ng "Tsinelas". Tinira naman nila ang mga paksyet na konyotics sa kantang "Coño Ka P're". Mahilig tayong mga Pinoy na pumunta sa mga malls kahit na walang pera basta makapagpalamig lang. Tubig lang mula sa food court ay okay na dahil lilipas rin naman ang gutom kapag ika'y nalilibang na - ang soundtrack para rito ay ang "Esem". Mayroon din silang love song na ang pamagat ay "Senti". Tungkol naman ito sa isang babaeng iniwanan ng kanyang boyfriend dahil sa bago niyang haircut. Dabest din ang "Naroon" na tungkol sa paghahanap ng kalayaan.
Nakamit ng unang album ang pagiging "quadruple platinum", isang senyales na talagang nasakyan sila ng masa. Nasundan ito ng ikalawang album nilang "Bawal (1996)" ngunit halo ang mga puna ng mga kritiko at masa. Nakapaglabas pa sila ng pangatlo, ang "Tara (1997)" ngunit kalahati ng mga kantang kasama rito ay si Eric na ang kumanta dahil dumadaan sa depresyong dala ng kasikatan si Dong noong mga panahon ng recording. Hindi rin naging maganda ang pagtanggap sa huling album ng Yano. Late 90's ay napagdesisyunan ni Dong na tumiwalag at ang pangyayaring iyon ang naging katapusan ng kanilang sayang na tandem.
Napanood ko sa "People" ng Channel 2 ang dokyu tungkol sa clinical depression ni Dong. Nagkulong siya ng halos limang taon sa kanyang kuwarto. Natapos lang ang kanyang pinagdadaanan noong binisita siya ng isang pamangkin at tinanong ng (hindi ito ang saktong tanong pero parang ganito ang dating) "Hindi ba musikero ka? Dapat ay gumagawa ka ng mga kanta". Nagsulat siya ng mga panibagong kanta at binuo ang grupong Pan. Nakapaglabas sila ng album noong 2003, ang "Pamaso ng Payaso". Okay sana ang grupong ito ngunit hindi nagtuloy dahil muling nag-aral si Dong sa UP. 2005, naglabas siya ng sariling EP, ang "Sampol" na naging "Filipino" na inilabas noong sumunod na taon. Sa ngayon, siya ay nagpupursige bilang isang independent artist.
Matapos maghiwalay ng landas sina Dong at Eric, bumalik ang huli sa Davao na kanyang pinanggalingan. Nakapaglabas rin siya ng sariling EP noong 2004, ang "Sa Bandang Huli". Sa ngayon, itinuloy niya ang Yano bilang isang "one-man band". Naniniwala kasi siya na ang Yano ay hindi tungkol sa kasikatan kundi isang pilosopiya at pamamaraan ng pamumuhay. Hinihintay ko pa rin ang ikaapat n album na sinabi niyang lalabas dapat noong 2008.
Wala na yatang makakapantay sa kataas-taasan at kagalang-galangang tandem ng dalawang musikerong mas kilala sa pangalang Yano. Iba ang kanilang kombinasyon sa pagbibigay ng musikang may saysay at makatotohanang ma halong katatawanan.
Magkakaroon kaya ng reunion?
Sana.
background-inline-policy: continuous; background: none repeat scroll 0% 0% transparent; border: 0pt none ! important;" />1992 nagkakilala ang dalawa sa UP Diliman kung saan sila ay parehong mga iskolar ng bayan at pareho ring mga miyembro ng grupong Patatag, isang progressive choral ensemble. Nang hindi magtugma ang kani-kanilang mga pananaw at mga inaasahan para sa grupo, nagdesisyon si Eric na humiwalay at magsulat nalang ng kanyang mga sariling kanta. Yinaya niya si Dong ngunit hindi pa ito sigurado noog mga panahong iyon kung sasama sa kanya. January 1993, isang buwan matapos ang pag-alis ni Eric sa Patatag, pumunta si Dong sa bahay ni Gancio upang ipahayag ang kanyang interes sa musical adventure na gusto nilang tahakin.
Ayon sa kuwento, noong araw na 'yun matapos nilang isantabi ang kani-kanilang pagkakaiba, kumuha kaagad sila ng yellow pad at panulat upang gumawa ng kanta. Matapos nilag pigain ang kanilang mga utak ay naisatitik din nila noong araw na 'yun ang kanilang unang kanta, ang "Kumusta Na". Naging seryoso sila sa paggawa ng kanilang sariling awit at pagtuklas ng sariling tunog kaya naman pagsapit ng April 1993 ay 'di na nila namalayang mayroon na silang nabuong 25 na kanta (kabilang dito ang lahat ng napapaloob sa kanilang magiging pangalawang album sa hinaharap).
June 1993, naimbitahan sila sa kaarawan ni Joey Ayala, sa pamamagitan ni Onie Badiang (cousin-in-law ni Eric na magiging session bassist sa lahat ng Yano albums) ng Bagong Lumad. Nang kantahin ng duo ang "Kumusta Na", nagustuhan ito ni Sir Joey at inimbita silang i-record ang kanilang kanta sa kanyang home studio. Ang demo tape na nagawa sa recording na iyon ay dinala nila sa yumaong LA105.9 (s.l.n.) at ipinatugtog sa segment nitong "Alternative Filipino Hour" kung saan mga kanta mula sa mga bagitong banda ang ibinibida. Pumatok ang kanta sa mga rockers kaya nanatili ito sa No.1 spot sa lingguhang "Alternative Filipino Countdown" sa loob ng dalawang Linggo. Ito ang naging daan upang sila ay mabigyan ng magandang pagkakataong makapaglabas ng kanilang self-titled debut album noong 1994. Kasama nila sa grupo ang session drummer na si Noe Favilla ng Grupong Pendong.
Noong una kong marinig ang kanta nilang "Kumusta Na" sa LA105.9, naging isa na ako sa mga tagahanga nila dahil nagustuhan ko ang liriko nilang nagtatanong sa atin kung ano na nga ba ang buhay ng mga Pinoy matapos ang 1986 EDSA Revolution. Dumadaloy pa sa aking mga dugo noon ang pagiging subersibo kaya naman nagustuhan ko ang Yano. Para sa akin, wala silang takot isiwalat at ipamukha sa mamamayan ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay. Ang kaibahan nga lang, nagagawa nila ito sa pamamaraang may katatawanan kahit na sobrang seryoso ang tinutumbok.
Ano ba ang ibig sabihin ng Yano? Ayon sa kanila, ang salitang ito ay nagmula sa Cebu at ng kahulugan nito ay "payak o pangkaraniwan". Sa mga life-size posters na nakita ko noon sa Musikland Cubao, may nakalagay na mga kahulugan ang pangalan ng kanilang duo. Puwedeng "yano" na pinaigsing "probinsyano". Puwede ring "ya-no" na ang ibig sabihin ay "oo at hindi". Nakuha nila ang salitang ito mula sa "Talahulugang Pilipino" habang sila ay gumagawa ng mga awitin.
Pumutok ang kanilang grupo sa buong Pinas nang ilabas ang single nilang "Banal na Aso, Santong Kabayo". Nakapukaw ito sa atensyon ng karamihan dahil na siguro sa malufet na lyrics ng kanta na tungkol sa mga rehiliyosong hipokrito. Isama mo pa ang nakakabaliw at nakakalohong "hi hi hi hi" ni Dong. Halos lahat ng radio stations noon ay ipinapatugtog ang kantang ito. Maraming may gusto at marami ring may ayaw pero kung susumahin mo lahat, ang mga reaksyon sa kantang ito ang nagbigay ng pangalan sa kanila. Sa sobrang kasikatan nga ng kanta, naisama ito sa mga kontrobersyal na sinasabing may mga demonic messages kapag pinatugtog ng pabaligtad o "backmasked".
Ang self-titled album ng Yano, kung ikukumpara sa mg albums ng Nirvana, ay ang "Nevermind" nila. Wala kang itatapon na kanta rito dahil mula Side A hanggang Side B ay papakingan mong lahat. Para kasing nailagay nila sa isang cassette tape ang masakit na katotohanang lumalamon sa ating lipunan. Kasama rito ang "Trapo" na tungkol sa mga ganid na traditional politicians. Isa sa mga paborito ko ito at ito na rin yata ang pinakapaborito ng mga aktibistang nagra-rally sa mga lansangan. Sapul din ang kantang "Mc'Jo" na tungkol sa kapitalistang fast food chains na ginagawang kabayo sa pagtatrabaho ang mga kawawang estudyanteng gustong kumita ng pera para may maipangtustos sa pag-aaral. Potah, isa ako sa mga nagtrabaho sa resto ng malaking bubuyog at talaga namang makatotohanan ang linyang "nasayang lang ang oras ko, nasayang lang pera ng nanay ko...ang bigat-bigat ng trabaho, ang gaan-gaan ng suweldo". Ang kantang "State U" ay tumutukoy sa UP Diliman kung saan sila nag-aral habang ang "Iskolar ng Bayan" naman ay tumutukoy naman sa mga estudyante ng UP. Ang huling kanta ay naging kontrobersyal din kasama ng "Alapaap" ng Eraserheads dahil sa lyrics nitong "gumagamit ka pa rin ba ng 'S'?" Panahon ng brownout noon sa Metro Manila kaya mayroon silang awit na "Kaka". Respeto sa pagkatao ng isang tao ang nilalaman ng "Tsinelas". Tinira naman nila ang mga paksyet na konyotics sa kantang "Coño Ka P're". Mahilig tayong mga Pinoy na pumunta sa mga malls kahit na walang pera basta makapagpalamig lang. Tubig lang mula sa food court ay okay na dahil lilipas rin naman ang gutom kapag ika'y nalilibang na - ang soundtrack para rito ay ang "Esem". Mayroon din silang love song na ang pamagat ay "Senti". Tungkol naman ito sa isang babaeng iniwanan ng kanyang boyfriend dahil sa bago niyang haircut. Dabest din ang "Naroon" na tungkol sa paghahanap ng kalayaan.
Nakamit ng unang album ang pagiging "quadruple platinum", isang senyales na talagang nasakyan sila ng masa. Nasundan ito ng ikalawang album nilang "Bawal (1996)" ngunit halo ang mga puna ng mga kritiko at masa. Nakapaglabas pa sila ng pangatlo, ang "Tara (1997)" ngunit kalahati ng mga kantang kasama rito ay si Eric na ang kumanta dahil dumadaan sa depresyong dala ng kasikatan si Dong noong mga panahon ng recording. Hindi rin naging maganda ang pagtanggap sa huling album ng Yano. Late 90's ay napagdesisyunan ni Dong na tumiwalag at ang pangyayaring iyon ang naging katapusan ng kanilang sayang na tandem.
Napanood ko sa "People" ng Channel 2 ang dokyu tungkol sa clinical depression ni Dong. Nagkulong siya ng halos limang taon sa kanyang kuwarto. Natapos lang ang kanyang pinagdadaanan noong binisita siya ng isang pamangkin at tinanong ng (hindi ito ang saktong tanong pero parang ganito ang dating) "Hindi ba musikero ka? Dapat ay gumagawa ka ng mga kanta". Nagsulat siya ng mga panibagong kanta at binuo ang grupong Pan. Nakapaglabas sila ng album noong 2003, ang "Pamaso ng Payaso". Okay sana ang grupong ito ngunit hindi nagtuloy dahil muling nag-aral si Dong sa UP. 2005, naglabas siya ng sariling EP, ang "Sampol" na naging "Filipino" na inilabas noong sumunod na taon. Sa ngayon, siya ay nagpupursige bilang isang independent artist.
Matapos maghiwalay ng landas sina Dong at Eric, bumalik ang huli sa Davao na kanyang pinanggalingan. Nakapaglabas rin siya ng sariling EP noong 2004, ang "Sa Bandang Huli". Sa ngayon, itinuloy niya ang Yano bilang isang "one-man band". Naniniwala kasi siya na ang Yano ay hindi tungkol sa kasikatan kundi isang pilosopiya at pamamaraan ng pamumuhay. Hinihintay ko pa rin ang ikaapat n album na sinabi niyang lalabas dapat noong 2008.
Wala na yatang makakapantay sa kataas-taasan at kagalang-galangang tandem ng dalawang musikerong mas kilala sa pangalang Yano. Iba ang kanilang kombinasyon sa pagbibigay ng musikang may saysay at makatotohanang ma halong katatawanan.
Magkakaroon kaya ng reunion?
Sana.
gusto ko yung song na nilagay mo... mas trip ko to kesa sa banal na doggy song.
ReplyDeletedi ko clinoclose yung blog mo, uulitin ko ng uulitin para ma-lss
ganito rin sana ang ilalagay kong article. naunahan mo lang ako hahaha. naabutan ko sila kung paano nag simula ang tandem at noong nagbigay ng demo tape sa LA 105. Ang tawag pa nga dati eh 'Rock of the World"
ReplyDeleteNa-miss ko din ang Yano. Nung isang araw, pinatugtog ng kapitbahay (sa napakalakas niyang radyo) 'yung 'Tsinelas', so napaisip ako kung ano na ang nangyari sa Yano. Thank you, sinagot mo yung iniisip ko. ^_^
ReplyDeleteNagustuhan ko rin yung music nila - I agree, maganda lahat ng kanta sa lumang album, wala kang itatapon. Mapapa-isip ka at matatawa sa lyrics, at talagang wala silang kapantay o katulad. Sobrang unique. Hindi ko lang maamin noon na nakikinig ako sa Yano kasi although maraming may gusto sa kanila, marami ring may ayaw (at saka napaka religious ng aking mother, galit siya sa rock). Favorite ko yung 'Tsinelas', 'Trapo', 'Senti' at saka 'Conyo Ka Pre'.
Sayang nga talaga sila. Pero mabuti na rin siguro na tumigil sila at naging "legend". At least hindi sila naging baduy through the years, tulad ng ilang banda from the '90s na nagpaka-sell-out.
so sila pala ang nag-compose nung infamous "banal na aso, santong kabayo"? lufet nga! naririnig at nababasa ko ang mga pangalan nila sa teevee, radyo, at dyaryo pero dahil mukang wala pa ata akong kamuwang-muwang noon sa mundo ng musika, hindi ko masyadong pamilyar sa mga kanta nila.
ReplyDeletepinakinggan ko 'tong "kumusta ka?". astig ng beat. tas astig pa ng lyrics. \m/
sarap ulit-ulitin 'di ba? ang kulet ng lyrics tapos catchy ang tunog ng gitara
ReplyDeletewelcome sa tambayan ko! pwede ka pa naman gumawa ng entry mo sa yano. mas maraming "tribut", mas maganda 'di ba? tama, "rock of the world"! pero tinawag din silang "local action (LA) on environment". \m/
ReplyDeletehi miranda, long time no see. :)
ReplyDeletebakit nga ba marami ring may ayaw sa yano noon? promdi daw kasi ang dating. wala akong pakialm noong kug anong gusto nilang sabihin basta para sakin, totoo ang mga sinasabi nila.
tama, buti nalang hindi sila nalaos dahil hindi naman sila ganun kasikat. pero san na sila ngayon? ISANG ALAMAT
ser lio, wala na sigurong mas babangis pa sa kanilang tandem.
ReplyDeletepwede mong pakinggan ang mga kanta ngayon ni dong abay para makahabol ka sa na-miss mo noong bata ka pa. 'yun nga lang, hindi talaga kumpleto ang yano kung wala rin si eric gancio, \m/
6yrs old pa lang ako, pinapatugtog na ng tatay ko ang casette ng yano sa luma naming radyo. high school nung naging ipaborito ko ang banda kahit na alam kong disband na ito at si Sir Dong lang ang kilala ko. lahat ng kanta nila pinapakinggan ko. College na ako ngayon, saka ko lang nalaman ang Pan, Filipino ni Sir Dong at ang tungkol kay Sir Eric. sobrang nahiwagaan ako kung bakit sila nag disband. Nang nanuod ako ng isang gig ni Sir Dong, wala siyang inawit na kahit isang kanta ng yano. Ang galing ng blog mo. :) Di ko man alam ang buong katotohanan sa kanila, pareho kong mahal si Sir Dong at Sir Eric. Saludo! :))
ReplyDelete