Wednesday, July 6, 2011

Brokedown Bitch




Una ko siyang nasilayan sa "Romeo + Juliet (1996)" na isang "punk" film adaptation ng isa sa mga likha ni pareng W. Shakespeare. Noong nasa highschool pa ako, hindi ko nagustuhang basahin ang sikat na sikat na dulang ito dahil hirap ako sa pag-intindi ng Old English. Nakakaantok basahin kaya lagi ko itong nakakatulugan. Dahil isa ako sa mga kabataang nabibilang sa MTV Generation, sinubukan kong panoorin ang mukhang cool movie version nito na pinagbibidahan ng kamukha kong si Leonardo Da Vinci DiCaprio at ng noo'y sumisikat na chikabebeng si CLAIRE DANES. Napa-wow ako sa ganda ni Claire at napahanga niya rin ako sa kanyang pag-arte! Ikaw ba naman ang magsaulo at magsalita ng Shakesperean dialogues, ewan ko nalang kung walang bumilib sa'yo.

Hindi ko pa siya masyadong naispatan sa "Little Women (1994)" at sa "How to Make an American Quilt (1995)" dahil mas nakatuon ang aking pansin sa ex-gf kong si Winona Ryder na kasama niya sa mga pelikulang nabanggit.

Naging darling siya ng lahat lalo na ng mga kabataang lalaki matapos ipalabas ang pelikula nila ni Leo. Isa ako sa mga nangarap na sana ay maging boyfriend niya ako - kahit isang oras lang ay payag na ako. Wala namang mawawala sa akin kung papatulan niya ako. O kaya naman ay naging sabon nalang ako na ginagamit niya sa pagligo araw-araw! Iba ang karisma niya kumpara kay Alicia Silverstone (na ex ko rin) pero pareho silang may posters at pictures na makikita mong ibinebenta sa bangketa sa Recto at Quiapo. Siguro, pati sa Amerika ay meron ding ganun dahil may kantang sumikat noong panahon ko, ang "Claire Danes Poster" na gawa ng Size 14. 

Fast forward to 1998, sa Pilipinas nai-shoot ang pelikulang "BROKEDOWN PALACE" na kung saan bida na ang role ni Claire. Kasama niya dito si Kate Beckinsale at ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na imbes na magbabakasyon sa Hawaii ay piniling pumunta sa Thailand para "mas adventure" at dahil na rin mas mataas daw ang halaga ng dollars doon. Ang siste, napagbintangan silang mga drug smugglers dahil may natagpuang heroin sa kanilang bagahe. Dito nagsimula ang kalbaryo ng buhay nila.

Hindi pinahintulutan ng gobyerno ng Thiland na makapag-shoot ang crew ng pelikula sa kanilang bansa kaya ang naging second choice ay ang Pilipinas. Malaki raw ang pagkakapareho natin sa bansang ito dahil pareho tayong mga kayumangging nasa "third world country". Potah, amoy pa lang, malayaong-malayo na pero siyempre, foreigners ang producers kaya payag ang bayan ni Juan. Ganun na nga ang nangyari, majority ng mga scenes ay sa Manila ang shooting - sa isang lumang ospital na hindi ko alam kung saan at hindi ko rin mahanap ang pangalan sa walang tulong ni pareng Googs. Okay naman ang lahat, walang problema.

Nang matapos na ang pelikula, heto na ang siste. Nagbigay ng mga pahayag si Ms. Danes sa Vogue magazine tungkol sa kanyang experience sa bansa natin. Ang sinabi niya lang naman para ilarawan ang Manila ay "ghastly and weird city". Sa Premier magazine naman ay sinabi niyang "smelled of cockroaches, with rats all over, and that there is no sewerage system, and the people do not have anything - no arms, no legs, no eyes.". Bigla akong na-turnoff sa kanya. Akala ko pa naman ay beauty and brains siya pero wala rin pa lang laman ang utak niya dahil hindi man lang siya nag-isip ng two and a half times bago nagsalita. Kahit hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng salitang "ghastly" noon ay parang ang sakit pakinggan dahil kasunod sa salitang iyon na sinabi niya ay "weird". At paksyet naman, kahit na tumama siya tungkol sa sinabi niya sa mga ipis, daga, at sewerage system natin, saan niya ba nakita 'yung mga taong walang kamay, paa, at mata? Kumpleto naman ang katawan ko ha.

May amazing story tungkol sa kanyang cockroach adventure sa kanyang suite sa isang sikat na hotel sa EDSA. Hindi niya daw mapatay ang ilaw dahil may ipis na nakabantay sa switch at kailangan niya pang tawagan 'yung room service para paalisin ang ipis. Halos kalahating oras daw siyang pinakalma dahil sigaw siya ng sigaw. Potah naman, anong magagawa niya eh sikat siya. Buti nga ay may mga kababayan tayong ipis na dumadalaw sa kanya para magpa-autograph. Bakit, sa Amerika ba ay dinalaw siya ng mga Kanong cockroaches? Paksyet, sana ay naging poster nalang si Claire para wala na siyang salita-salita.

Naging negatibo ang reaksyon natin sa nangyari. Si Kim Atienza (hindi pa siya si Kuya Kim dati) na noo'y City Councilor ng Manila ay ang nanguna sa resolusyong magba-ban kay Claire Danes at sa pagpapalabas ng kanyang mga pelikula. Ayon kay Atienza, "those are irresponsible, bigoted and sweeping statements that we cannot accept.". Matatapos lang ang pag-ban kung hihingi ng tawad si Claire sa sambayanang Noypi. Si (presidente) Erap naman ay nagbigay ng reaksyon sa pamamagitan ng pahayag na  "She should not be allowed to come here. She should not even be allowed to set foot here.". Itinuring na persona non grata ang artistang "lumait" sa ating mga Pilipino. Sa bansa nila mismo, nagbigay ng simpatya ang mga celebrities tulad nila Oprah Winfrey, Tom Hanks, at Bruce Willis sa ating bayan at sinabi nilang hindi nila nagustuhan ang komento ni Claire.

Dahil sa pagkadismayang ipinakita natin, humingi ng paumanhin ang kampo ni Danes at sinabing "Because of the subject matter of our film Brokedown Palace, the cast was exposed to the darker and more impoverished places of Manila. My comments in Premiere magazine only reflect those locations, not my attitude towards the Filipino people. They were nothing but warm, friendly, and supportive".

Ang kakaiba, hindi ito tinanggp ni Kuya Kim at sinabi niyang ang pahayag ay palusot lang ng mga Hollywood press officers at hindi totoong humihingi ng tawad. Dagdag pa niya rito ay ang sinabi niyang "We are not hard to appease, but we know if an apology is true or not. We will lift the ban only if we are satisfied.".

Matapos ang ilang buwan, napanood ko rin ang "Brokedown Palace" sa pamamagitan ng VHS tape na na inarkila ko pa sa Video City sa tapat ng UST. Maganda ang pagkakagawa ng pelikula at para sa akin, ito ay 7 out of 10 stars.  Ilang buwan lang ay namatay na ang isyu.

Ganun naman tayong mga Pinoy, kapag foreigner na ang nagsalita tungkol sa atin, panlalait na ang tawag dito. Balewala naman sa'tin kung sasabihin nating ang pangit-pangit na sa Boracay kahit na isa ito sa mga ipinagmamalaki ng Department of Tourism para makahakot ng mga dayuhan. Nasaan na ang pagkamakabayan mo...nandoon sa mapang nakatatak sa t-shirt mo. Kung ikaw ang naninira sa bayan mo, okay lang. Noong may puting nagkomento sa itsura ni Charice, diskriminasyon na ang tawag natin dito pero nang napilitang i-deactivate ng bata ang kanyang FB account dahil sa panlalait ng mga kapwa Pinoy, ang tawag natin dito ay "wala lang, ang pangit ng mukha niya sa Glee eh". Madalas, mahirap tanggapin ang katotohanan pero mas maganda na ito kaysa naman mabuhay tayo sa kasinungalingan.

Wala na akong balita kay Claire dahil hindi na ganun kaganda ang career niya. Hindi rin naman niya binalak na pumunta ulit dito sa Pilipinas. Malabong mangyari 'yun. Naibaon na sa limot ang harsh comments niya na nakasakit sa damdamin natin.

Napanood mo nga siya sa "Terminator 3: Rise of the Machines", 'di ba?






PAHABOL:
Heto nga pala ng isa sa mga tula ni R. Zamora Linmark, ang may-akda ng "Leche", bilang tugon sa isyu:

Dear Claire,
It is ghastly indeed: this city
Crowded with cockroaches and people
Who walk without legs, drive long
Chrome-plated coffins without arms,
And stare imperiously at you
Without eyes. Not to mention
Squatters sleeping on stilts,
Island panhandlers, again without arms
And legs, highway beggars,
Again without eyes and hair,
And sidewalk dwellers whose walls
Are painted with huge signs
Reminding people not to dump trash,
Piss, shit. By the way,
How was San Francisco? Are you now
Back in the East, Boston or Manhattan,
That is? I am forever still in Manila,
Writing you with much concern
Because the City Mayor has called
An emergency meeting to ban
The showing of all your movies,
Including “Les Miserables.” The papers
And glossy fashion magazines are
Christening you “UNKNOWN,” “UNCOUTH,”
“UNCULTURED,” “UNCONSCIOUS.” Word
Has it that Brooke Shields is here too,
Gambling at Heritage Casino on Roxas
Boulevard with fishermen and politicians.
Is it true? Is she with Andre?
Are they still together? But
What you said about this city
Of roaches and missing extremities
Are bold impressions I cannot hold
Against you, for first-time travelers
From First World Countries all undergo
Cultural seizures here; tics
Of the mind responsible for setting
Off a series of generalizations
And assumptions about bugs,
Blindness, and amputation. Not
Excluded from this list are Filipinos
In America, like cousin Jennifer
From Boston, Tito Bert in Wichita,
And Tita Joan in Beverly Hills. Claire,
I would like to invite you back
To Manila. Make another movie.
A romantic comedy, and not one filmed
In a psycho ward. Do it with Matt, Damon
Or MacCounaughey or Broderick, but
Preferably Dillon. Or why not
Matt Mendoza, Manila’s own
Achy-breaky heartthrob? And bring
With you, once more, your dollars,
Your talent, and this time,
Crutches, and roach spray.

4 comments:

  1. Good points. Naalala ko tong si Claire Dehins. Sikat na sikat siya non, at ang ganda ganda niya. Pero ngayon, medyo laos na. Goes to show, hindi porket sikat na, pwede na magmayabang. She got what she deserved in a way.

    ReplyDelete
  2. muka ngang nabigla si claire danes sa ating "ghastly and weird" manila nung nag-shooting sila rito. pero ang 1-million-peso question: nasan na nga ang modern-day juliet na 'to?

    p.s. andami mong hot na ex, ser. ikaw na! XD

    ReplyDelete
  3. Nice one sir, naala ko nga ang aktres nato, at yan bumalik na naman ang galit ko sa kanya, hirap nyan kagigising ko lang!

    ReplyDelete
  4. Nag-FLOP ang Brokedown Palace dahil sa PANGIT nyang komento!

    ReplyDelete