Mukha ang nagiging basehan ng karamihan sa kanilang sapantaha o impresyong ibinibigay sa ibang tao. Kung isa ka sa mga nakasalo sa kagandanhang isinabog ni Bro mula sa kalangitan, ang madalas na impresyon sa iyo ay mabait. Kung maganda o pogi ang mukha mo katulad ko, madalas ay maganda rin ang tingin sa pagkatao mo. Pero kung saksakan ka ng panget, ikaw na ang humusga o magtanong sa sarili mo kung bakit wala ka sa mga circles ng iba sa g+.
Maraming klase ng mukha. May mukhang mayaman na dukha naman sa totoong buhay - napapanood mo ito sa mga lecheserye kung saan bida ang mistisang starlet na ang role ay basurera sa Payatas, 'di ba? May mukhang kontrabidang hindi naman makabasag-pinggan. May mukhang napakabait pero manyak. May mukhang astig pero malambot. May mukhang 'di mapakali dahil natatae. Itong huli ang madalas kong maranasan.
May mukhang tanga lang dahil walang maisip na palabok para sa entry na ito.
Maraming klase ng mukha. May mukhang mayaman na dukha naman sa totoong buhay - napapanood mo ito sa mga lecheserye kung saan bida ang mistisang starlet na ang role ay basurera sa Payatas, 'di ba? May mukhang kontrabidang hindi naman makabasag-pinggan. May mukhang napakabait pero manyak. May mukhang astig pero malambot. May mukhang 'di mapakali dahil natatae. Itong huli ang madalas kong maranasan.
May mukhang tanga lang dahil walang maisip na palabok para sa entry na ito.
Noong kasagsagan ng pagpapalabas ng mga may kuwentang videos sa MTV, may napansin akong pagkakahawig sa "formula" na ginamit ng ilan sa mga paborito kong banyagang musikero para i-promote ng kanilang mga singles. Ano pa nga ba, ang pagtutok ng camera sa kanilang mga mukha!
GARDEN OF EDEN (1992) - Guns N' Roses
Ito ang video ng gangsengroses na ayaw na ayaw ni ermats. Kahit na sinayaw at ni-lipsynch ni mader ang "Sweet Child O' Mine" noon sa kanilang Christmas party, 'di niya nagustuhan ang single na ito ng GN'R. Pang-adik daw kasi ang mukha ni Axl Rose at mukhang tanga 'yung mga pinaggagawa niya at ng kanyang mga kasama sa banda. Lalo na 'yung part na dinilaan ni idol 'yung mic (tapos ngumiti pa) sa mala-manyak na pamamaraan. Ayaw niya rin ang buhok ni Slash na parang naging inspirasyon ni Sideshow Bob ng The Simpsons. Kung papanoorin mo ang vid, talaga namang mahihilo ka sa pagkagalawgaw ni Axl. Isama mo pa ang bouncing ball na inilagay para magmukhang videoke ang dating (kahit na hindi naman mahabol-habol dahil sa bilis ng lyrics ng kanta). Ang totoo, may dalawang versions ang video nito - 'yung isa ay wala 'yung bolang tumatalon-talon pero meron namang mga nagliliparang mga papel katulad ng nakikita niyo sa Pinoy Henyo. Kahit na alin sa dalawa, pang-adik pa rin ang dating. Kaya nga gustung-gusto ko ito!
NUMB (1993) - U2
Ano kaya ang pakiramdam ng isang manhid na tao? Wala siguro kaya nga tinawag na manhid eh. Katulad kaya ng naramdaman ko sa aking etits nang turukan ito ng anesthesia ang nararamdaman ni The Edge habang ginagawa nila ang video na ito? Para sa akin, isa ang vid na ito sa mga pinakamagaling na video na nagawa sa balat ng lupa. Hindi mo babalaking pindutin ang remote control dahil aabangan mo mangyayari sa mukha ng malufet na gitarista ng U2. Peyborit ko ang mga eksenang dilidilaan siya ng dalawang bebot, sinasampal-sampal siya ng bata, tinatali ang kanyang mukha ng lubid, sinasayawan ng belly dancer, at higit sa lahat ay ang paggapang ng dalawang paa sa kanyang mga pisngi. Paborito rin ito ni ermats sa mga kinabubwisitan niyang mga vids sa MTV.
HEAD OVER FEET (1996) - Alanis Morisette
Kilala mo ba ang gerl na nagpasikat sa mga kantang "Ironic", "Hand in My Pocket", at "You Oughta Know"? Kung ang sagot mo ay hindi, rekomendado kong panoorin mo ang vid na ito at magbigay ng puna. Kung ikaw ay isang Batang Nineties, wala ka masyadong magiging reaksyon sa "mukha vid" na ito dahil maganda ang kanta. Si Alanis Morisette 'yan eh, kahit na anong ipakita niya, papanoorin 'yan dahil sikat siya. Kung ako ay isang batang namumuhay sa panahon ngayon, baka ang nasabi ko lang ay "Ate, hindi ka kagandahan kaya huwag kang magpa-cute! Galingan mo naman ang pag-lipsynch!". Taena, magaling din ang nakaisip nito dahil sa unang panood mo, akala mo ay may aantayin kang mangyayari sa mukha niya. Wala namang nagyari, napansin ko lang na kamukha pala niya si Dave Grohl ng Nirvana.
NO SURPRISES (1997) - Radiohead
Magaling ka bang sumisid? Hindi 'yung sa kama ha, 'yung sa da real thing. Kaya mo bang hindi huminga ng ilang minuto habang may tubig sa mukha mo? Magaling ang naisip ni Direk Grant Gee para sa vid na ito ng bandang nagpasikat sa "Creep". "No Surprises" ang pamagat pero nagulat ako dahil noong una ko itong napanood, akala ko ay katulad lang ng vid ni Alanis na walang mangyayaring iba. Bigla mo nalang malalaman na nasa loob pala si Thom Yorke ng isang astronaut-style dome helmet na unti-unting napupuno ng tubig. Kung napanood mo 'yung pelikulang "Men of Honor" ni Cuba Gooding Jr., naiintindihan mo ang sinasabi ko. Sa eksenang nakababad na ang buong mukha ng kantatero, parang nararamdaman mo rin ang hirap sa paghinga. Biruin mo naman, nasa isang minuto ang tinagal ni Thom doon! 'Di siya gumagalaw kaya napansin kong may pagkakirat din pala ang isang mata niya katulad namin ni Randy Santiago. Bukod pa rito, sungki rin ang kanyang mga ngipin tulad ng sa akin!
O sya, hanggang dito nalang mga ka-dekads. Tandaan natin na lahat tayo ay may pagmumukha. Lahat tayo ay may itsura. Ang tae nga, may itsurang mukhang tae, tayo pa kaya?
O sya, hanggang dito nalang mga ka-dekads. Tandaan natin na lahat tayo ay may pagmumukha. Lahat tayo ay may itsura. Ang tae nga, may itsurang mukhang tae, tayo pa kaya?
Whoa.. super nostalgic. Thanks for posting this. Grade 5 ako noon, nung mauso ang MTV, super crush na crush ko si VJ Nadia Hatugalung noon. Pero hindi na kasing sikat ang MTV ngayon, natalo na siya ng MYX at ng VEVO.
ReplyDeletehindi ko makita 'tong mga astig na videos kasi blocked ang youtube sa opisina ser. tsk! nung bata pa 'ko, madalas kong napapanood sa mtv eh 'yung tanginang pacute moves ni aaron carter tsaka 'yung abutin-mo-ang-kamay-ko-ilalagay-ko-sa-puso-ko moves ng mga boy band. punyetang mga pinsan! sila kasi may control sa remote. T_T
ReplyDeleteKamukha nga ni Alanis si Dave Grohl! Para silang magkakapatid nila Anthony Kiedis. =D
ReplyDeleteBaduy na ang MTV ngayon eh - wala nang M, puro TV na lang na puno ng reality show.
O sya, hanggang dito nalang mga ka-dekads. Tandaan natin na lahat tayo ay may pagmumukha. Lahat tayo ay may itsura. Ang tae nga, may itsurang mukhang tae, tayo pa kaya? >>>> like!
ReplyDeletesalamat parekoy! \m/
ReplyDeleteah oo nga pal, kamukha nga rin siya ni keidis! hahahaha! at tama ka, puro wlang kuwentang reality shows nalang ang madals kong makita kapag napapalipat at naliligaw ako sa MTV.
ReplyDeletenaku sayang naman at walang YT dyan sa iyong opisina ser. si aaron carter ay si parang justin beiber din dati. taena nila, puro pa-cute lang naman ang alam. buti nalang at nagbinata kaya namaos ang boses at biglang nawala!
ReplyDeleteuy, crush ko rin siya dati. pumanget ang MTV kaya nga nawala siya na parang bula! \m/
ReplyDeletenice... talagang napansin mo ang mga pisikal feature nila... :D love ko yan si alanis dati.. eheheheheh.... ngayon.... pakinggan ko nalng.. wala nlng video.. ehehehehe...
ReplyDeletehttp://diarynigracia.blogspot.com
nakakatuwang napansin mo talaga ang mga facial expression nila..
ReplyDeleteang cool ng ermat mo sa pag lipsync ng sweet child of mine ah..
astig! hehe
Sana Bumalik uli ang MTV Philippines...para mag-flourish ulit ang OPM...nakaka-miss na yata :(
ReplyDelete