Ilang tulog nalang, Agosto na. Ilang bloghops nalang, magbabakasyon na naman ako sa mahal kong Pilipinas (kahit na iniwanan kita kapalit ang perang kikitain ko dito sa Tsina). Ilang pagpupuyat nalang sa G+, DALAWANG TAON na ang walang kakuwenta-kuwenta kong tambayan na pinagtatyagaan niyong puntahan para basahin ang mga walang kalatuy-latoy kong mga isinusulat!
Dahil na simulan ko na noong nakaraang taon ang paggunita sa aking pagiging TH sa mundo ng pagsusulat dito sa blogosperyo, napagdesisyunan kong ituloy ngaong taon ang munti kong kaligayahan.
OO, MAY PAKULO AKO. MAY PAKONTES PASKYET AT KUNG ANU-ANO PANG MGA TAENANG KADRAMAHAN SA BUHAY.
Ang blogsary ng bahay kong ito ay magkakaroon ng isang month-long celebration katulad ng ginagawa ni Kuya Germs kapag anniversary (noon) ng GMA Supershow. Mabibilaukan ka at manunuya sa isang buwang pagdiriwang ng kaarawan ng NoBenta.
Unang Pakulo. Ngayon ko lang gagawin ang pagpapakilala sa mga iniidolo at paborito kong bloggers sa internet. Sa kani-kanilang mga lungga ako madalas nagpupunta upang maaliw, matawa, mamangha, makapulot ng inspirasyon at para mainggit. Isang kapwa-blogista ang aking ipi-feature kada linggo. May limang linggo ang Agosto kaya naman lima rin ang aking ipagmamalaki sa buong universe. Nandyan ang kaibigan kong magaling sa art na balita ko ay magbibigay pa ng papremyo para sa beerday ng bahay ko. Nandyan din si Master na napaka-wicked ng bunganga. Kasama rin ang paborito kong blogger na may titeng maugat. Taympers, kung 'di niyo ako maintindihan, basta ang sumatutal ng pakulong ito ay ang pagsulyap sa nakaraan.
Pangalawang Pakulo. Bilang paggunita naman sa Dekada NoBenta, ang inyong lingkod ay nagmakaawa sa kanyang mga blogistang hinahangaan. Pinilit ko silang magsulat ng kung anu-anong entry na may kinalaman sa nineties. Mukhang sisiw naman sa kanila dahil mga oldies naman na sila sa totoong buhay. Peace!
Pangatlong Pakulo. Bilang pasasalamas sa mga walang-sawang sumusubaybay sa regular programming ng NoBenta, ang lahat ay inaanyayahan kong sumali sa "PICTURE NG DEKADA" kung saan maaari kayong manalo ng Php1,990.00. Simple lang ang pakulong ito, kung ayaw mong maniwala, basahin mo ang mechanics sa ibaba:

MECHANICS NG "PICTURE NG DEKADA"
- Para makasali, kailangang maging member ng blog na ito. Nandun sa itaas 'yung button.
- Kailangan ding "i-like" ang NoBenta FB Fan Page. Pwede mong i-click ang LINK NA ITO o kaya naman ay i-click mo ang "like" button ng NoBenta Banner na nakikita mo sa kanan ng monitor mo. Oy, kailangan mo ito dahil dito ko ilalagay ang mga litratong isasali niyo.
- Ang mga litratong pwedeng ipanlaban ay mga kuha mo noong Dekada NoBenta (may mga palatandaan na '90s nga ito) o kaya naman ay sa ibang panahon ngunit may bagay na makikita sa litrato na may kinalaman sa Dekada NoBenta. Paalala, ikaw o kasama ka dapat sa photo. Kailangan ding obvious na nineties (at hindi na kailangang ipaliwanag pa) ang panahon kung old skul pics mo ang isasali sa pakontes. Huwag ka na sumali kung 'di mo maintindihan ang parteng ito.
- Lahat ng mga litrato ay kailangang ipadala sa aking email: negativejay@yahoo.com. Pakilagyan lang ng kahit konting caption para malaman namin ang kuwento ng iyong pektyur.
- Alam naman niyo ang limit ng size ng mga pics na puwedeng i-upload sa FB kaya 'yun ang sundin natin. Ito ay ipa-publish ko sa NoBenta FB Fan Page para husgahan ng mga ibang tao. TAMA KA, PARAMIHAN ITO NG "LIKES".
- Hanggang tatlo (3) lang na litrato ang puwedeng isali kada kalahok.
- Walang deadline ng submission pero may deadline ang pag-like: AUGUST 31, 2011, 11:59 PM.
- Ang pinakamaraming FB "likes" sa kanilang inilahok na larawan ay ang mananalo ng Php1,990.00.
- Ang mananalo ay ilalathala sa SEPTEMBER 1, 2011.
O sige! Sasali ako since wala naman akong magawa! Happy Anniversary!
ReplyDeleteastig!!! advance happy anniv!
ReplyDeletegusto ko contest kaso wala ako pics. ahahahah.
ReplyDeletehappy anniversary...
ReplyDeletesalamat parekoy!
ReplyDeleteikaw pa parekoy, kayang-kaya mong gumawa ng paraan. marami namang 90's na makikita pa rin sa ngayon! \m/
ReplyDeleteser bino! welcome sa akin tambayan! salaamat sa pagdaan at pagbati!
ReplyDeletesalamat parekoy! antayin ko ang iyong malufet na entry!
ReplyDeletepede po sumali.. :D
ReplyDeletepwedeng pwede!
ReplyDeleteNice blog thanks for postinng
ReplyDelete