Monday, July 18, 2011

Beerday Ko, Birthday ng Biko


BEERDAY KO

July 19, 1978, isinilang ang isang poging-poging sanggol na bunga ng pagmamahalan ng dalawang nilalang. Itinadhana siya ni Bro upang maging tagasulat ng walang kakuwenta-kuwentang tambayan na ito. Taena, tumanda nanaman pala ako ng isang taon. Ang bilis talaga ng panahon. Noong nakaraaang taon lang ay nawala na ako sa kalendaryo, bukas naman ay 33 na ako! Huwag niyo na akong sabihan na tumatanda na ako tulad ng kawawang elepante sa Manila Zoo. Oo na, kayo na ang mga fetus at sperm cells.

Last year ay first time kong magdiwang ng kaarawan sa lupain ng mga kamelyo. Dahil nga big day ko, napilit kong kunan ng pektyur ang aking mga kasamahan sa trabaho gamit ang isang shades na pinagpasa-pasahan. Nandito ang kuwento at nasa baba ang mga itsura ng mga trippers.



Sa mundo naman ng blogosphere, muntik ng tumulo ang uhog ko sa mga picture greeting na natanggap ko sa mga ka-troops. Perstaym kong makatanggap ng ganitong klaseng pagbati kaya naman natats ako. Nandito naman ang kuwento.




Sa FB, nagpost ako ng gustong regalong matanggap - Chuck Taylor pumps na tribute edition para kay pareng Kurt Cobain. Sayang at walang nakabili para bigyan ako. Pero okay lang kung ihahabol niyo ngayong taon.


Ang dami kong drama sa buhay last year, 'no? Ngayong taon ay first time ko namang magdiriwang dito sa lupain ng mga tsekwa. Wala akong trip ngayon. Magpapainom lang ako siguro ng TSINGTAO sa mga kasama ko rito. Tama, 'yung mahal na chinese beer na nauusong bilhin ng mga potang konyotiks diyan sa Pinas. Ang mahal mahal ng isang bote samantalang dito, ang ibig sabihin lang naman nito para sa amin ay "This Shit Is Not Good, Try Another One".

May hiling akong sana lahat ng magko-comment sa entry na ito ay magbigay ng isang bagay o ano mang maiisip na may kinalaman sa Dekada NoBenta. Gusto ko kasing unang gawaan ng entries ang mga naaalala ng mga tambay dito. 'Yun lang. Pero kung gusto mong i-click ang banner ng NakNang, okay lang dahil gusto kong malaman kung may pera nga sa mga taenang nilalagay ko dito sa blog ko.

Sa totoo lang, ang hiling ko para sa aking beerday ay world peace. Dati pa naman ay ito na ang gusto kong makatamtan. Paksyet lang.



BIRTHDAY NG BetLOG KO

Okay, huwag niyo na ngang pansinin ang mga naisulat ko sa itaas dahil wala namang kinalaman sa NoBenta ang mga ito. Kaya ko lang naman ginawa ang patalastas na entry na ito ay para lang ipangalandakan ko sa buong mundo na malapit na ang 2ND BIRTHDAY ng bahay kong ito. Biruin niyo 'yun, magdadalawang taon na pala akong second rate trying hard blogger sa August 8!

Noong nakaraang taon ay may pakulo akong Trivia Challenge na naging matagumpay dahil sa tulong ng mga walang-sawang naliligaw dito. Ngayong taon ay may iba akong gagawin. Hindi ko pa masabi sa inyo ang detalye dahil nakikiusap pa ako sa mga puwedeng makasabwat na tulungan ako sa aking kaepalan. Sa awa naman ni Bro, mukhang positibo ang pagtanggap ng mga taong hinihingian ko ng malaking pabor.

O zsa zsa, padilla, hanggang dito nalang muna. Abangan nalang ang Agosto.




9 comments:

  1. hhhmmmnn.... o sige... ISA PA LANG AKONG ELEMENTARYA nung panahong NoBenta... ang tanging natatandaan ko lang eh kung paano pagtawanan ng mga tyuhin ko ang mga singers na katulad nila Loyd Umali, April Boy Regino, Renz Verano samantalang Michael Learns to Rock naman daw ang katumbas ng mga baduy na kantaterong mga ito sa amerika. .. isa pang natatandaan ko ay ang walang habas ng pagbrownout sa Maynila. yung Landlady namin, nakakatuwa, nagsusulat pa ng announcement sa puno ng kamias sa labas ng gate para ipamalita kung anong araw at oras namin mamimiss ang mga episodes ng PALIBHASA LALAKE, manilyn reynes drama specials, the diamond Star drama specials at coney reyes on cam! hehe..  usong uso rin noon ang mga Barangay Beauty Pageants at Brgy version of Little Ms. Philippines, dahil naging 4th runner up ako sa barangay namin! astig ko di ba?!


    anyway, oo na, IKAW NA! ikaw na ang lumaki at nagkaisip noong 90s... at dahil dyan - - - BDAY MO BUKAS!! Happy birthday tsong! alam mo naman ang palagi kong hiling para sayo, ang pag-stay mo na lang sa Pilipinas.. ay mali pala, ang Pagyaman ng pILIPInas para mag-stay ka na dito kasama nila te sheila at lei/Paul wonder twins!! shot shot shot! taena.. di na kasi ako nag-iinom ngayon! health buff na ko, dong!

    o sya sya! MALIGAYANG KAARAWAN ULIT, Mr. Poging Pogi... ingats!

    ReplyDelete
  2. hmmmm.... dekada nobenta is the era ng sentai. syempre bibida ang bioman at maskman. sumasabay din sila shaider.

    eto din ang dekada ng mga cartoons sa pang-umaga. Sino ang makakalimot kila sara, cedie, nelo, remi at iba pa. :p

    ReplyDelete
  3. nung isang araw pa 'ko kating-kati mag-comment pero wala akong matinong shit na masabi. ang hirap naman kasing mag-isip ng mga bagay na tumatak sakin nung dekada nobenta, ser; pano puro lang ako laro nung mga panahong 'yun. take note: walang salawal na nakikipaglaro sa kalsada. loljoke!

    kaya eto, babatiin (binabasa sa paraang malumay, hindi maragsa; lol!) na lang kita ser ng pibeerday. walang-wala ka na nga sa kalendaryo. kung meron kang tsingtao na ipapainom diyan sa tsina, pano naman ang mga repapips mo dito sa pinas na pulang kabayo lang eh solb na? hahaha! all the best, ser jayson!

    p.s. dahil wala nga akong maisip na nobenta trivia gawa nga ng wala pa 'kong masyadong isip nung mga panahong 'yun, gagayahin ko na lang si pareng khanto. panahon ng sentai at mga cartoons sa abs-cbn. teka lang, dekada nobenta ba namayagpag ang ghost fighter? o_O

    ReplyDelete
  4. hi au! parang ang hirap paniwalaan na nasa elementarya ka palang noong mga panahon ko. eh tandang-tanda mo ang mga naranasan ko eh. hehehe.

    maraming salamat sa hiling mong yumaman ang pinas. yan din ang isa kong hiling na hindi ko na kailangang banggitin dahil yan rin ang kahilingan ng lahat ng mga ofw's na tulad ko.

    at ikaw a ang health buff! syet, 'di ko ma-imagine. shot na!

    ReplyDelete
  5. salamat parekoy sa komento. nakalinya na sila red 1, green 2, blue 3, yellow 4, at pink 5!

    ReplyDelete
  6. ser lio, mukhang 'di lang ikaw ang nahirapan sa kahilingan kong magbigay ng kung anu-anong shit tungkol sa 90s. wala na kasing ibang bumate eh! hehehe.

    salamas sa pagbati. pag nagkaroon talaga akong ng pagkakataon, papainumin kita ng happy horse kasama ang iba ko pang iniidolong bloggers na tulad mo!

    batang 90's ang kalaban ng mga tarugo, este taguro brothers! \m/

    ReplyDelete
  7. sa totoo lang kapatid... wala na akong matandaan noong kabataan ko... ang alam ko lang..maglaro at matulog ng maaga... kase ngayon.. 2am gising pa ako para lang magBlog... pero maganda itong artikulo mo... parang gusto kong magpaka senti sandali hehehe :)

    ReplyDelete
  8. ako sir Nobenta dami ko naaalala nung panahong Nobenta.. patok sa pamilya namin noon yung WWF o yung wrestling (actually hanggang ngayon).. di ko malimutan lagi nameng ginagaya ng kapatid ko sila Hulk Hogan, Ultimate Warrior, atbp tapos yung nanay ko paborito naman si Shawn Michaels. May mga laruan din kami nila noon.. nagpacustomize pa nga kame sa tito ko ng ring noon para dun namen lalaruin yung mga wrestling action figures namen nun.

    Noong Nobenta ko den napanuod yung mga unang anime sa pinas.. tulad ni Voltes V, Voltron at syempre yung english dubbed na Dragon ball Z ng RPN 9... samahan pa ng mga Sentai at Power ranger.

    Kapag sa sayawan naman nung bata ako idol ko yung UMD lalo na si Wowie De Guzman..

    Mahilig kami sa video games nung kapatid ko. Nagkaroon kami ng family computer, SNES, sega at gameboy parang brick game pa ang graphics noon. Ang nanay ko naman mahilig maglaro ng brick game 13 in 1 o kung anumang in 1 (yung maraming game mode) bale may tetris, meron yung parang snake, tsaka tennis.

    Nahilig den ako sa musika noon. Lalo na yung boybands,eh pano elementary pa ako noon. Nangongolekta pa ako ng mga cassette tapes noon ginaya ko kasi yung kapitbahay ko. Backstreet boy,911, boyzone, hanson, moffatts at kung ano ano pa.

    dami ko pa naalala haha sa susunod na lng uli sir.

    ReplyDelete
  9. van, una ay welcome sa aking tambayan.. pangalawa ay salamat sa iyong "advance" na pagbati sa aking kaarawan. natutuwa ako sa mga experiences mo sa dekada nobenta. halos magkahawig ang ating mga kuwentong karanasan.

    ang sarap balik-balikan di ba? \m/

    ReplyDelete