Friday, April 5, 2013

Grunge is Dead: The End of Music


KURT DONALD COBAIN
(February 20, 1967 - April 5, 1994)

"Isa kang Batang Nineties kung naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana."

Kung magbibigay ako ng isang salita para tukuyin Dekada NoBenta, ang maiisip ko ay ang “Generation X”. Tinatawag ding “13th Generation”, ito ay ang mga taong ipinanganak mula 1961 to 1981 na iniuugnay sa administrasyon nina Ronald Reagan at George H.W. Bush ni Uncle Sam. Ang paniniwalang-politikal ng ating dekada ay apektado ng mga pangyayari tulad ng Vietnam War, Cold War , Pagbagsak ng Berlin Wall, at People Power Revolution ng EDSA. Tayo rin ang unang nakatikim ng video games, MTV, at ng Internet. Sa musika naman ay sikat ang heavy metal, punk rock , gangsta rap, at hip-hop. Pero ang lumamon sa airwaves noong nineties ay ang GRUNGE music na ang naging pinaka-icon ay si KURT DONALD COBAIN.

Hindi ko na ikukuwento kung paano sumikat at pinatay ng kasikatan ang itinuring na “spokesperson” ng Gen X. Nandiyan naman si pareng Wiki at si pareng Google. Isa pa, ayokong magkamali sa mga impormasyon tungkol sa aking idolong itinuring na "demi-god". Sigurado naman ako na walang Batang Nineties ang hindi nakakakilala sa “flagship band of Gen X” na NIRVANA. Susugurin ko na papuntang Cebu ang bandang Cueshe(t) kung sasabihin pa rin nilang hindi nila kilala ang trio na tinutukoy ng Weezer sa “Heart Song” (‘Di raw kasi nila kilala ang Silverchair na paborito ng lola ko). Paksyet sila kung ide-deny nila ang pinakamalufet na Grunge band na yumanig sa buong mundo noong panahon namin.

Naikuwento ko na sa entry kong ‘Pag-Ibig Ko’y Metal” kung paano ko nakilala ang grupo nila Kurt, Krist Novoselic, at Dave Grohl. Medyo mahilig na ako sa Guns N’ Roses at Metallica that time. Pero nang marinig ko sa show ni Triggerman sa 97.1 LSFM na “Top Twenty at 12” ang sigaw ng frontman, nagising ako sa katotohanan na kailangan kong magtayo ng banda at ganung klaseng tunog ang gusto kong gayahin. “Smells Like Teen Spirit” ang naging anthem naming mga kabataan noon. Hindi ko maintindihan kung ano ‘yung sinisigaw niya pero ito ay "raw power, pure energy, and angst-driven". Ito ang tunog na naging outlet ng mga kabataan na “galit sa mundo”. Dahil sa tindi ng kanilang pangalawang album na “Nevermind”, naging mainstream ang underground music. Nabigyan din ng break ang mga bandang tulad ng Pearl Jam, Soundgarden, at Alice in Chains na galing lahat sa Seattle, Washington na kung saan din sila naka-base.

Sa Pilipinas, lahat ng bata ay gustong matutong mag-gitara. Gustong magtayo ng sariling kombo. Bago pa man mabigyan ng break ang Eraserheads, namayagpag sa LA105.9 ang mga bandang The Youth, Advent Call, Tame the Tikbalang, at marami pang iba. Ang Pinoy Alternative Scene ay bunga na rin ng Seattle Sound Movement na nangyayari sa Tate.

Wala kang maitatapon na kanta mula Nevermind mula Side A hanggang Side B. Oo, cassette tape pa ang uso noon. Sa liriko at musika, lahat ay panalo. Dito mo makikita ang pagiging henyo ni Mighty KC. Madilim ang mensahe at medyo nakaka-high na rock songs na sobrang “pop” kung pakikinggan. Parang matagal mo na siyang narinig dahil ang daling sabayan kahit na maingay. Ang daming nakuhang awards ng album na nito sa 1992 MTV Awards na para sa akin ay ang “best awards night of all time”. “Lithium” ang kinanta nila pero nag-intro sila ng “Rape Me”. Sa bandang huli, itinapon ni Krist sa ere ‘yung bass guitar niya kaso ‘di niya nasalo kay tumama sa mukha niya – bagsak sa sahig! Tapos inagaw ni Dave ‘yung mic mula kay Kurdt para isigaw ang “Hi Axl!” on air. Medyo kaaway kasi ng GN’R ang Nirvana at banda ng asawa ni Kurt na si Courtney Love (Hole). Matapos ko silang mapanood ng live, pinilit namin ng banda ko na araling tugtugin ang “Teen Spirit”, “”Breed”, “Drain You”, at “Polly”. Ang sarap nilang gitarahin kahit sa mga inuman sa kanto. ‘Di mo makakailang madali lang tugtugin ang mga ito dahil “power chords” lang ang gamit. ‘Di rin madalas ang leads. Tapos “verse chorus verse” lang ang formula. Mga istilo na si Kurdt lang ang mahusay gumamit. Pinilit gayahin ng ibang banda pero hindi umubra!

Noong Christmas party namin noong high school ako, pinahirapan ko ang kaklase kong si Lizabelle Papa na maghanap ng debut album nila Kurdt na “Bleach”. Ninety pesos na ang halaga ng tape noon at ang “Exchange Gift” namin ay worth One hundred. Sabi ko, discount na ‘yung sampu bast bumili siya ng copy sa SM Sta. Mesa. Para siyang anak ni Santa Claus dahil natupad ang wish ko. Narinig ko ang una nilang “pop song” na “About A Girl”. Compared sa Nevermind, mas dark at mas raw ang tunog nila dito. Sa tita ko naman, pilit kong pinapahanap ‘yung signature fan shirt na “Happy Face”. Ito ‘yung binabanggit ni Punk Zappa sa album ng Eheads – “...hindi ‘yung kulay yellow ha...’yung red!

Pangatlong album, “Incesticide” – compilation ng rarities at B-sides. Nagulat ako sa album sleeve kasi anim ang members sa pektyur. Hanggang ngayon ay ‘di ko alam ang kuwento nito. Dito namin nakuha ang pangalan ng banda namin, “Aneurysm” na isa sa mga hits ng record. Dito rin kasama ang “Molly’s Lips” na madalas naming i-cover sa mga konsiyerto. Makikita mo sa album art ang creativity ni Cobain pagdating sa sining dahil painting na gawa niya ang ginamit dito.
In Utero” ang last studio album ng trio. Naaalala ko pa kung paano ko nabili ito sa mismong araw ng paglabas nito sa Pinas. Sinama ako ni ermats sa SM Cubao para bumili ng damit. Pagdating doon ay sinabi kong huwag nalang damit, mas gusto ko ‘yung cassette tape. Kilala niya si Kurdt dahil paborito niya rin ang “Teen Spirit" kaya binilihan niya ako. ‘Di naman siya nagsisi dahil naging paborito nila ni erpats mula sa album na ito ang “All Apologies” na paborito na rin yata ngayon sa mga videoke bars. Ang totoo, “I Hate Myself and Want to Die” ang title ng album na ito pero ‘di yata pumayag ang Geffen kaya naging taytol nalang ito ng isang single sa “Beavis and Butt-head Experience” album.

1993, tumugtog sila sa “MTV Unplugged”. Medyo pinapauso ng network ang acoustic set ng mga sikat na banda. Kaya nang nakita ko ito sa sked sa teevee, inabangan ko talaga (kasama ang utol kong si Pot na kabanda ko rin). Alanganing oras kung ipalabas ito at kung ‘di ako nagkakamali, parang ala-una ng madaling-araw ng Miyerkules. May replay ng Linggo pero siyempre gusto naming mauna. Ang pangit lang dati, pinuputol ang airing dahil thirty minutes lang. Buti at lumabas ang CD version. Dalawa lang ang “hits” na tinugtog nila dito, ang “Come As You Are” at “All Apologies”. Binigay lang sa akin ng tropa kong si Paloyo ang kopya ko nito na nanggaling naman sa isang adik na nagsangla sa kanya.

Medyo malalim si Kurt sa lahat. Kung napanod o nabasa niyo ang “About A Son”, “Never Fade Away”, at iba pang dokyu tungkol sa kanya, ayaw niya ng publicity. Ayaw niyang inuusisa ang kanyang pribadong buhay dahil para sa kanya, pag-aari niya iyon at ng mga mahal niya sa buhay. Bukod dito, lagi pa niyang iniinda ang mga stomach pains niya. Dahil sa sobrang stress sa media at sa nararamdaman, droga ang kanyang naging panandaliang solusyon. Nababawasan daw ang sakit kapag gumagamit siya nito. Lumaon ay naging suicidal na siya.

March 4, 1994, napanood ko sa MTV News na nagtangka si Kurt na magpakamatay habang sila ay nasa kanilang European Tour. Nang mabasa ko sa diyaryo ang balita, alam kong 'di natatapos 'yun doon. Ilang beses siyang dinala sa rehab pero ilang beses din siyang nakatakas. Matapos ang isang buwan, April 8, 1994, ay natagpuan ang bangkay niya sa kanilang bahay sa Lake Washington ng isang electrician. Shotgun suicide ang ikinamatay niya at ayon sa autopsy, April 5 niya tinapos ang kanyang buhay.
Tandang-tanda ko ang mga sandaling ibinalita sa MTV ang pagkamatay ni idol. 'Di ako makapaniwala at ayokong maniwala. Pero wala na akong magawa kundi tanggapin ang katotohanan na wala na siya. Buong araw ang tribute ng Music Television. Kahit ang mga radio stations, ganun din ang ginawa. Kinabukasan, nabasa ko na rin sa People's Journal at Tempo ang 'di detalyadong pagkamatay niya. Pagdating ng Linggo, laman ng entertainment section ng mga newspapers tulad ng Manila Bulletin at Inquirer ang tribute sa Rock Icon of the Decade. Kahit ang mga songhits na Hot Hits, Musika, Rock 'N Rhythm, at Smash! ay si Kurdt ang laman. Kinolekta kong lahat iyon. Hiniram pa nga ng misis ko na gf ko pa lang noon ang mga articles dahil gagamitin niya sa school project. Bigla ring na-sold out ang mga cassette at CD's ng Nirvana sa Odyssey Record Bars. Sa iba't ibang lugar naman sa States ay mga kabataang 'di matanggap ang nangyari kaya nagpakamatay din. Ang mga counseling hotlines ay tungkol kay KC ang idinudulog.

Buong mundo ay nagluksa sa pagsali ni Kurdt sa bandwagon nila Jim Morrison, Janis Joplin, at Jimi Hendrix. Nawalan talaga tayo ng isang pundasyon ng musika.
Sa ngayon, maraming kuro-kuro at iba't ibang paniniwala sa kayang pagkamatay. May kinalaman daw dito ang asawa niyang si Courtney at hindi ito suicide kundi homicide. May mga sightings din daw na katulad ng kay Elvis. Buhay pa daw talaga at isang "cover up" lang ito tulad ng sa pelikulang "Eraser". Kailangan lang niyang gawin ito para matakasan ang makulit na media.

Ang last words niya sa kanyang suicide note ay "...it's better to burn out than to fade away" na galing sa kanta ni Neil Young. Para sa akin, kahit wala na siya, "HE IS DESTINED TO NEVER FADE AWAY".





16 comments:

  1. Idol ko din yan si Kurt Cobain. Dahil sa kanya, natuto akong mag gitara, mag banda at kumanta ng wala sa tono. hahaha!

    Binigyan ko siya ng tribute sa blog ko. 15th death anniversary nya nun last year eh. Check mo dito.

    Mabuhay si Kurt Cobain at ang Grunge!!! =)

    ReplyDelete
  2. Una, salamat sa ex-link parekoy. Actually, sa tribute mo naaalala ko ang death anniversary niya.

    Mabuhay talaga si Kurt! (pero huwag na nating hagilapin 'yung abo niya dahil naitapon na sa Wishkah River)

    ReplyDelete
  3. Perry The PlatypusMay 29, 2010 at 1:34 AM

    Wow.. Ngayon ko lang narinig about gaanong kalaki ang impluwensiya ni Kurt sa kabataan noon.. Eh noong nangyari yun, eh wala pa akong isang buwan sa mundong ito.

    Kung na sa iyo pa ang mga songhits,newspaper at magazines about kay Kurt, siguro malaki na ang value niya.

    ReplyDelete
  4. sayang 'di mo siya naabutan. pero may cd's and videos naman para makilala mo pa siya. yup, malaki na ang values ng mga memorabilia niya. kaya nga tinatago talaga ang mga yun eh.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  5. Perry The PlatypusMay 29, 2010 at 5:32 PM

    Buti ka pa meron pa.. Meron ding copy niyan ang lola ko, malas lang dahil noong dumating ang bagsik ni Ondoy sa mga bahay namin, nasama yun. Noong makita ko yung copy, binasa ko yun bago itapon ng lola ko. Mabaho na nga yung amoy ng papel, medyo putik na.
    Pati yung mga collection niya ng Reader's Digest at National Geographic from 196?. Kahit nga yung headlines about Ninoy's assination, hindi rin pinatawad.

    ReplyDelete
  6. wow, lola mo yung may-ari ng collection? rakenrol \m/

    sayang naman yung mga yun. lintek talaga si ondoy, walang pinatawad. kahit kami, may mga pictures na nabasa.

    ReplyDelete
  7. Not really, sa tito ko yun. Tinambak lang sa bahay ng lola ko..

    ReplyDelete
  8. sayang pa rin ang mga copies na 'yun! buti nalang 'yung sakin ay 'di kinain ng putik at baha!

    ReplyDelete
  9. tama pre.. di mawawala ang tugtugang ginawa nila pareng kurt.. Unang apat na cassette tape ko ay sa nirvana, nevermind, inutero, incesticide then bleach.. nahuli yung bleach dahil di ko mahanap nun.. yung buong set ng albums nila ang most treasured cassette tape sa collection ko.. si kurt ang nagbukas ng aking mundo sa musika, natutong maggitara at ma adik sa musika at kung saan saan pa.. haha mabuhay ang grunge music.. mabuhay ang legacy na iniwan satin ni KC.. Sabi ng iba addict daw yung idol ko, putang ina nila wala akong pakialam!

    ReplyDelete
  10. wow parekoy, buti ka pa ay nasa iyo pa ang apat na albums nila. nakumpleto ko rin ito pero nawala sa mga hiraman. hindi pa kasi ako ganun kaingat sa mga bagy na 'di ko akalaing magiging collector's item pagdating ng panahon.

    paksyet ang mga nagsasabing adik ang idol natin. wala rin akong pakialam!

    pre, saudi ka rin pala? rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  11. hahaha. akala ko ako nalang ang nakikinig sa nirvana. meron pa pala. kabisado ko ang mga kanta nila lalo na ang nevermind album at unplugged. noong grade 4 palang ako kinakanta ko na ang teen spirit pero d pa ako masyadong naimpluwensyahan ng nirvana. naging patay na patay lang ako sa nirvana noong namatay na sya. lahat ng album kinokolekta ko. alam nyo ba kung bakit sa wishka river itinapon ang abo ni kurt? Kc kinuha yan sa album na from the muddy bank of the wishka.

    ReplyDelete
  12. Ganda talaga ng mga kanta noong 90s!
    Hindi tulad ngayon... Sina Justin Bieber, Hanna Montana and MOST OF ALL... Rebecca Black(eeew!)...

    ReplyDelete
  13. gustuhin ko man na magbasa lang sa blog mo pero heto nag comment na ako hehehe............. MABUHAY ANG GRUNGE!!!!!!!!

    ReplyDelete
  14. May naiwan pa siya kay Courtney Love, si Frances Cobain yung nagiisang anak nila!

    ReplyDelete
  15. In day to day use, the phone can access Exchange accounts -- a feature that could almost
    singlehandedly make these devices impossible to ignore for serious business
    users regardless of their politics. Beneath are two
    screenshots: around the leading you see the camera lens and flash took
    sharp, detailed images with none of the edges
    were as razor sharp like you would get with paint. Several diplomats said Rice provided no evidence for the
    farmacia on line to get an extra feeling of quality.


    Visit my blog post coscinadipollo.blogspot.com

    ReplyDelete
  16. may mga panahon na hinahanap ko ang nirvana, ang aking perfect happiness. pero ayoko mga suicide, di ko pa time.. haha idol astig...

    ReplyDelete