KURT DONALD COBAIN
(February 20, 1967 - April 5, 1994)
"Isa kang Batang Nineties kung naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana."
Kung magbibigay ako ng isang salita para tukuyin Dekada NoBenta, ang maiisip ko ay ang “Generation X”. Tinatawag ding “13th Generation”, ito ay ang mga taong ipinanganak mula 1961 to 1981 na iniuugnay sa administrasyon nina Ronald Reagan at George H.W. Bush ni Uncle Sam. Ang paniniwalang-politikal ng ating dekada ay apektado ng mga pangyayari tulad ng Vietnam War, Cold War , Pagbagsak ng Berlin Wall, at People Power Revolution ng EDSA. Tayo rin ang unang nakatikim ng video games, MTV, at ng Internet. Sa musika naman ay sikat ang heavy metal, punk rock , gangsta rap, at hip-hop. Pero ang lumamon sa airwaves noong nineties ay ang GRUNGE music na ang naging pinaka-icon ay si KURT DONALD COBAIN.
Hindi ko na ikukuwento kung paano sumikat at pinatay ng kasikatan ang itinuring na “spokesperson” ng Gen X. Nandiyan naman si pareng Wiki at si pareng Google. Isa pa, ayokong magkamali sa mga impormasyon tungkol sa aking idolong itinuring na "demi-god". Sigurado naman ako na walang Batang Nineties ang hindi nakakakilala sa “flagship band of Gen X” na NIRVANA. Susugurin ko na papuntang Cebu ang bandang Cueshe(t) kung sasabihin pa rin nilang hindi nila kilala ang trio na tinutukoy ng Weezer sa “Heart Song” (‘Di raw kasi nila kilala ang Silverchair na paborito ng lola ko). Paksyet sila kung ide-deny nila ang pinakamalufet na Grunge band na yumanig sa buong mundo noong panahon namin.

