"Isa
kang Batang 90's kung isa ka sa mga libu-libong Pinoy na naglakbay patungong Philippine Arena para makita ang GN'R."
Ayun nga, tinahak namin ang landas patungong paraiso.
Nakarating kami sa Philippine Arena bandang 3:30 ng hapon dahil wala pa ang inaasahang matinding trapik. Pagbaba pa
lang namin sa kotse ay may kakaibang saya akong naramdaman. Nagpasampal
ako sa misis ko sa magkabilang pisngi para siguraduhing hindi ako
nananaginip. Ang totoo, ito na ang katuparan ng matagal ko nang pangarap na akala ko noo'y sa panaginip ko lang mararanasan.
Mas tumindi pa ang feelings nang makita ko na ang mga kamukha ko sa labas ng venue. May mga grupo-grupo, may mga mag-jowa, may pamilyang kumpleto hanggang sa mga chikitings, at higit sa lahat ay maraming mga gurang na kaedaran ko o mas matanda pa sa akin. As expected, halos lahat sila ay mga nakaitim. Biglang nag-flashback ang aking kabataan, bigla kong naalala ang mga panahong dumadalo kami ng tropa ko sa mga tugtugan noong 90's. Ang pinagkaiba nga lang ngayon, katulad noong dumalo ako sa tugtugan ng Smashing Pumpkins, mas lamang na ang mga hindi mukhang mababaho at dugyot! Sa tinagal ba naman ng panahong hinintay natin, imposibleng pambili pa rin ng dalawang yosi lang ang kaya natin!
Masarap sanang mamili ng mga souvenirs sa official merchandise ng event pero medyo may kamahalan ang t-shirt sa halagang Php1,600. Isama mo pa ang tig-tatatlong libong jacket at Php900 na bandana. Well, tang 'ina na lang ang mura ngayon at sabi ko nga sa misis ko, hindi mahal ang mga 'yun sa mga taong nangongolekta talaga ng memorabilia. Inggit much ako sa mga rich kids (oo, as in mga bata!) na nakasabay namin. Pero okay lang, maghahanap nalang ako ng kapareho online kapag nakabalik na ako sa kaharian ni Winnie the Pooh. 'Yun nga lang, malamang ay wala akong makikitang katulad ng t-shirt na may jeepney na nakasakay silang tatlo (Axl, Slash, at Duff).
Pa-pektyur dito, pa-pektyur doon. Lahat ng mga Kodak moments sa okasyong ito ay hindi ko pinakawalan magmula sa entrance sa labas hanggang sa mga nakaparadang magagarang kotse sa harap ng arena. Minsan lang ang ganitong pagkakataon kaya malamang ay hindi na maulit. Tingin dito, tingin doon, naghahanap ng mga kakilala at mga celebrities na hindi ko katulad. Sa sobrang galak at kasabikan ay nakalimutan ko na ang usapan naming magkita-kita sa mata ng mga kaklase ko sa kolehiyo. Malamang sa alamang ay ganito rin ang kanilang mga naramdaman nang lumanding sila sa Arena.
Matapos naming kumain ni misis ng sausage, kikiam, at squid balls sa labas at maghapunan sa mga abot-kayang turo-turo sa loob ng arena ay sumabak na kami papunta sa pilahan ng Lower Box Section.
In fairness, mura ang mga lutong bahay na itinitinda doon para sa mga nagugutom at gustong magpakabusog bago ang tugtugan. Sa halagang one hundred pesoses ay meron na akong pork sisig and lechon kawali combo with rice habang si misis ay nakatikim ng minatamis na baked macaroni with matching isang slice ng pizzang super thick crust.
Teka, sino ba ang nagpauso na hindi puwedeng dalhin ang takip ng mga bottled drinks at ano ba ang dahilan? Sabi ng tindera, kailangan daw nila 'yung mga takip para sa inventory. Ginawa pa tayong mga tanga.
Isang medyo 'di okay na karanasan ay 'yung mga nagbabantay sa entrance dahil may mga dugo yata sila ng mga kundoktor ng bus. Puwede namang huwag punitin yung mismong ticket dahil memorabilia 'yun. At lintek pa sa katangahan, puwede rin namang sa likod na lang ng ticket magtatak. Wala lang, sana ay mabago ang ganitong maling sistema.
Nang marating namin ang aming upuan sa lower box, doon ko lang napagtanto na malaki nga ang Arena. Sa tantya ko ay doble ang laki nito sa Araneta. Tama lang ang naging desisyon namin ni misis na itong parte ang kunin - sa bandang gitna lang kaya medyo tanaw parin ang stage bukod sa tatlong mga giant screens. Medyo matarik, muntik nga akong madapa pababa habang nagpo-photoshoot.
Noong una, akala ko ay konti lang ang manonood dahil ang dami kasing mga bakanteng upuan. Kahit 'yung standing sa VIP area, ang konti rin ng mga tao. Pero noong lumabas na 'yung battle tank sa screen na nagsilbing timer ay unti-unti nang dumami ang crowd. Lumakas ang hiyawan. Tumindi ang kabog ng mga puso. Ang lahat ay may mga ngiting abot hanggang tenga.
Pagpatak ng 7:30pm, nagsimula nang mag-play ang intro video ng konsyerto! Nagtilian at nagsigawan ang lahat. Nagtayuan ang mga manonood. Goosebumps - tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko hanggang singit!
Heto na, welcome to the jungle!! Mayayanig na ang arena!!
Sir,sana maulit ito!This time yung pinakamahal na ang kukunin kong ticket,yung tipong ako magpupunas ng mga pawis nila!😂😂😂
ReplyDeletesir, 2 concert tayong hindi nagpang abot.. sa smashing at sa gnr! sa susunod kita kits na talaga. grabe talaga ang concert ng gnr! hanggang ngayon, may hang over pa kaming mag asawa. ��
ReplyDeleteThanks for sharing, nice post! Post really provice useful information!
ReplyDeleteHương Lâm chuyên cung cấp máy photocopy, chúng tôi cung cấp máy photocopy ricoh, toshiba, canon, sharp, đặc biệt chúng tôi có cung cấp máy photocopy màu uy tín, giá rẻ nhất.