Pearl Jam, circa 1991
Kapag ako ay umaalis ng Pilipinas papuntang China, kailangang magsuot ako ng pang-malufet na damit. Kailangang magmukha akong disente dahil ang dala-dala kong pasaporte ay may tatak na "business visa". Hindi bagay sa get-up kung naka-rubbershoes, jeans, at t-shirt lang ako. Malapit sa mga mata ng matanong na immigration officers ang mga mukhang galing sa kangkangan, este kangkungan pala.
Sabi ng iba, nakikita raw ang pagkatao sa damit na isinusuot. Ang sabi naman ng iba, kahit bihisan mo ang unggoy, mananatili itong kamag-anak ni Kiko Matsing ng Batibot. Hindi naman ako tsonggo at hindi rin ako nagmumukhang baboon sa mga get-up ko kaya ang sabi ko nalang ay "whatever"!
Noong Dekada NoBenta, nahahati ang fashion ayon sa musikang pinakikinggan ng mga tao.
Nandyan ang mga hiphoppers na kilala sa mga pantalon nilang halos sumayad na sa lupa dahil sa pausong "low-waist". Kailangan kasi nilang gayahin ang idol nilang si Marky Mark (Mark Wahlberg ngayon) na kilala noon sa pagpapakita ng garter ng kanyang mamahaling briefs; kahit na mamula ang kanilang mga itlog dahil sa pekeng Calvin Klein na mali ang spelling, okay lang.
Meron namang mga RnB-loving conio de puta RK's (rich kids, kuno) na kung pumorma ay parang walking billboards sa laki ng mga logo ng mga nakabalot sa katawan - Polo Sport, Armani Exhange, Tommy Hilfiger, at kung anu-ano pang binibili naman nila ng patago sa Greenhills at Tutuban Shopping Center. "Mayaman ako!", kahit hindi naman talaga. Hindi nila siguro kilala si Kiko Matsing.
Kilala rin ang porma ng mga mahilig kay Bunjubi na sikat na sikat sa mga....Bahala kayong mag-isip kung ano itsura nila.
May mga pormang ayon naman sa musika ng punk, metal, at thrash na laganap na laganap sa Pinas noong panahon ng gitara. Ang mga ito ay napagdaanan ko at ang mga "arrive" na ganito ay ang madalas harangin sa entrance ng mga malls tulad ng SM, Robinsons, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA. Masakit sa mata ang mga grupong "long hair" at kalbong nakasuot ng itim na t-shirt kaya hindi pinapapasok ng grupo nila manong jaguar.
Sa panahon ko rin naranasan na ang mga kabataan ay dumating sa puntong wala silang pakialam sa fashion. Ito ay repleksyon ng GRUNGE era na kinabibilangan at mas naging kilala dahil kay pareng Kurdt ng Nirvana. Ang totoo, hindi natin masasabing isang klase ng fashion ang mga nakasanayang suotin ng mga taong mahilig at gumagawa ng grunge. Ito ay isang ANTI-FASHION STATEMENT mula sa mga taong ayaw ng kasikatan. Pero dahil nga sa mainstream success ng tropang Seattle, naging "fashion" na rin ang tawag sa ganitong klase ng pananamit.
Ito ang mga panahong "cool" ang maging dugyot. Kahit na mukha o talagang amoy-mabaho ka, okay lang. Walang pakialamanan. Walang amuyan ng trip.
Ang mga pormang nagmula sa Seattle ay pilit na ginaya ng mga kabataang nakakapanood ng mga videos ng Nirvana, Pearl Jam, Soundgarden, Alice in Chains, at iba pa na ipinapalabas sa MTV. Kung dati ay sa mga boutiques nagpupunta para bumili ng mga damit, mas dinayo ang mga ukay-ukay sa Bambang noong pumutok ang grunge.
Ano ba ang tipikal na dating ng grunge?
Ang mga nausong "Tina Turner" hairstyle ng mga banda noong '80s ay biglang nawala noong Dekada NoBenta. Naisip siguro ng mga tao na mahal ang spraynet kaya itinigil na nila ang katarantaduhang 'yun. Para mas makatipid, kinalimutan na rin nilang mag-shampoo at mag-conditioner. Ang buhok namin noon ay mahahaba at nagdidikit-dikit dahil sa pawis at alikabok. Marami rin ang nagkukulay ng buhok pero hindi 'yung kasing-OA ng kay Dennis Rodman.
Isa sa mga pangkaraniwang kasuotan ng mga kabtaan noon ay ang mga loong-sleeved flannel shirts. Ito 'yung checkered na pang-itaas na madalas itali sa baywang at laging dala-dala ito kahit hindi naman madalas suotin. Paano mo nga naman susuotin eh ang init-init sa Pilipinas! Wala rin itong labahan dahil mas marumi, mas astig ang dating. Kung wala ka naman nito, puwedeng corduroy na jacket naman ang bitbitin mo. Mas mainit nga lang ito kaya dapat ay handa kang maging "aircon" ang kili-kili mo sa pagtulo ng pawis.
Ang mga t-shirts noon ay simple lang, kadalasan ay may naka-print ng pangalan o logo ng mga bandang hinahangaan mo. Marami nito sa tiangge ng Fiesta Carnival at sa mga ukay-ukay. Sikat ang Top 40 Shirts noon sa pagbebenta ng mga rock tees pero kailangan mo ng maganda-gandang budget para rito. Sa totoo lang, mas walang tatak, mas okay. Mas 'di kilala, mas "cool".
Sa pang-ibaba naman, walang tatalo sa mga punit-punit na pantalon at mga shorts na nagmula sa pinutol na pantalon. Naaalala ko noon kung paano ginawang "luma" ng barkada ko ang lonta ko sa pamamaitan ng Gillette blade. Magmumukha raw kasi akong tanga sa konsiyertong pupuntahan namin kung nakasuot ako ng bago!
Sa sapatos, kailanman ay hindi malalaos ang Chuck Taylor at Doc Martens. Panahon pa lang ng ating mga ninuno ay meron na nito at hanggang ngayon ay sumasabay pa rin sila sa ihip ng hangin. Sa unang album ng Eraserheads, makikita ang litrato ng Chucks na naging trademark na rin nila sa Pinas.
May mga borloloy sa katawan din ang panahon namin. Usong-uso ang mga "native" na dalang-dalang at kuwintas, lalo na 'yung mga "beads". Puwede mo ring gawing kuwintas 'yung "pine tree" na pabangong nakikita sa mga taxi at jeep. O kaya naman ay 'yung pang-decorate sa Christmas tree. Huwag kang tumawa dahil cool na cool si pareng Kurdt noong makita kong suot niya ang mga ito! Hindi rin nakaligtas ang mga "mailman" bags na madalas ay nakasukbit sa balikat. Ang mga nerdy glasses ay paborito rin ng karamihan dahil dito lang sila nagmumukhang matalino. Naglalagay rin ng eye-liners ang mga babae pati ang mga TNL. Hindi lang mga gurls ang may cutics sa kuko kundi ang mga kalalakihan din. Pero siyempre bawal ang pink, ang astiging itim at ibang dark colors lang ang puwede!
Ang porma noon ay kaugnay ng musika. Iisa lang ang bituka. Hindi kami nagsuot ng kung anu-anong paksyet sa katawan para lang maging posero tulad ng mga potang emo ngayon na emo daw pero nagpupumilit makapasok sa reunion concert ng Eheads. Alam namin ang tugtugan.
Naaalala ko 'yung isang episode ng Bubble Gang kung saan gustong maging "cool" ni Ogie. Nakita niyang astig sa kalalakihan ang magpahaba ng buhok, maglagay ng eyeliner at cutics, at magsuot ng bestida. Sinuot niya lahat kaya ayun, binugbog siya dahil nagmukhang bading!
Ang tao nga naman, gagawin ang lahat para magmukha lang cool. Hindi kailangang pumorma para lang maging maporma. Tandaan nalang natin ang sabi ng idol kong si Lourd De Veyra kasama ang Radioactive Sago, "Tangina mo! Andaming nagugutom sa mundo, fashionista ka pa rin!"!

tama nga naman haha! " dami nang nagugutom sa mundo fashionista kapaden" ^_^
ReplyDeletediko masyado alam ang porma noon dahil medjo bagito pa ako, pero isa lang ang naaalala kong porma ko noon, yung naka chakte na sapatos sabay may naka sabit na jacket sa bewang ko haha!
+ follow ^_^
ahhahah naaliw ako sa POST n ko!!
ReplyDeletewooot! woooot!
ReplyDeletenice.. naalala ko dati.. uso ang jumper... na akala mo ay miyembro ka ng streetboys...hahahahhaha...
hehehe! guilty ako sa pagiging dugyot! hanggang ngayon ganun pa rin akong pumorma. i guess it's in my blood stream. \m/
ReplyDeleteHaha.. dugyot fashion pala ang tawag sa fashion nung 90's ha? nakakaloka.. :)
ReplyDelete@xan germa: salamat po sa pagbisita at pag-follow! welcome sa aming panahon! chakte - isang alamat! \m/
ReplyDelete@mommy jes: welcome sa aking tambayan! salamat at naaaliw kita sa aking munting balik-tanaw!
@shyvixen: jumpers. ang dami nga nyan noon. kaso hindi ako nagkaroon. pero gusto ko mging dancer dati tulad ng streetboys.
ReplyDelete@crazee g: pareho tayo, hanggang ngayon ay nasa dugo ko pa rin ang pagiging dugyot! hehehe \m/
@zen: hindi naman talaga dugyot. mukha lang dugyot pero cool na cool ang pagiging dugyot! hahaha.
ReplyDeleteeh 'yung mga taong-grasa sa kalye, ser, pwede bang sabihing naka-"grunge" look? lol! at ngayon ko lang nalaman na flannel shirt pala ang tawag sa mga checkered polo na madalas kong nakikitang gamit ng mga magsasaka. seryoso, 'yung pine tree fragrance sa taxi, ginagawang kwintas 'yun? aykambilibabol!
ReplyDeletep.s. napasakamay ko na pala 'yung dekada nobenta painting ni ms. mia, ser jayson. maraming salamat ule! may dekorasyon na 'yung dingding ng apartment ko. hehe.
Nakalimutan mo yung sumusuot ng "winter bonnet" sa katanghalian. Kahit tagaktak na ang pawis basta masabi lang na "cool".
ReplyDeleteDumaan din ako sa "phase" na yan. Noong kapanahunan namin, ginagaya ang mga suot ni "Niel Young" na mukhang walang labahan at nakuha sa "surplus".
@ ser lio: 'yung mga taong grasa, masyadong grunge na ang dating nila kaya basura na ang tawag sa kanila. hehehe. nabalitaan ko nga kay mia na ipinadala na niya ang painting na napanalunan mo. sayang at hindi kayo nagkita sa personal. wag ka magpasalamat sa akin, magpasalamas tayo sa kanya! \m/
ReplyDelete@ blogusvox: honga naman, ang mga pamosong bonnet ng mga dugyot. kahit na tagaktak na ang pawis ay hindi ito huhubarin para maging astig! si ser neil young ay isa sa mga itinuturing na granddaddy of grunge. astig yung video niya kasama ang peral jam - "keep on rockin' in the free world"! \m/
ReplyDelete