ang original na grupo ng Batibot
Napag-alaman sa mga makabagong pagsasaliksik na ang teevee ay nakakapagpabagal sa development ng mga bata lalo na sa mga toddlers. Imbes daw kasi na magkaroon ng "tunay" na interaction sa paligid, nalilimitahan ang mga bata sa panood ng mga palabas.
Pero bakit ganun, isa akong teevee adik simula noong nasa sinapupunan pa lang ako ni ermats pero naging mabilis naman ang pagtalino ko? Siguro ito ay dahil hindi ako lumaki sa panonood kay taklesang si Dora at mga walang kakuwenta-kuwentang Teletubbies.
Ako ay Batang Dekada NoBenta. Isang Batang BATIBOT.
Masuwerte ang henerasyon ng mga kabataang kinabibilangan ko dahil nabiyayaan kami ni Bro ng isang programang-pambata na masasabi kong may quality talaga. Hindi tulad ng mga cartoons ngayon na lantarang naririnig ang mga salitang "stupid" at kung anu-ano pang mga katarantaduhang salita, ang Batibot ay isang ehemplo na kapupulutan ng magagandang aral.
Sa totoo lang, mga Batang Eighties ang unang nakatikim sa pagbabatibot dahil una itong ipinalabas noong 1984 sa pangalang SESAME! na local version natin ng Sesame Street. Ang original na producers nito ay ang PHIILIPPINE CHILDREN'S TELEVISION FOUNDATION, INC. at CHILDREN'S TELEVISION WORKSHOP (ang lumikha Sesame Street). Isa itong English-Filipino program na ang layunin ay maging supplement sa kanilang pag-aaral. Nang maghiwalay ng landas ang CTW at PCTVF noong 1989, naging all-Pinoy ang tema ng programa at pinalitan ito ng taytol na Batibot na ang ibig sabihin ay "MALIIT NGUNIT MALAKAS AT MASIGLA". Mas naging focused ito sa pagpapalaganap ng pagmamahal at pagtangkilik sa kulturang Pinoy.
Thirty minutes lang ang original run time nito sa ere pero nang ito'y pumatok sa mga bulilit na parokyano, naging isang oras ito. Wala kang makikitang bata sa lansangan kapag alas-diyes ng umaga dahil nakatutok sila sa RPN 9 para panoorin ang tropa nila PONG PAGONG at KIKO MATSING.
Ganun din kapag pumatak na ang alas-kuwatro dahil nakalipat naman ang channels ng lahat ng teevee sa PTV4 kung saan ipinapalabas rin ang programa. Kung natutuwa ang mga pulis dahil walang magnanakaw kapag may laban si Pac-Man, ganun din ang nararamdaman ng mga magulang noong panahon ko dahil 'di na nila kailangang mag-tiger scream para papasukin ang kanilang mga anak paloob ng bahay. Automatic na 'yun basta't ipinapalabas na ang Batibot. Wala kaming pakialam kahit na ika-one million na ang replay nito.
Parang Eat! Bulaga, naging palipat-lipat ito ng istasyon - napunta sa ABS-CBN ngunit nawala rin dahil sa ATBP; at napunta rin sa GMA7.
1996 nang mabigyan ito ng parangal sa 8th Gawad CCP Award bilang isa sa TEN BEST PROGRAMS IN THE PHILIPPINES. Pero maniwala man kayo o sa hindi, kahit na kinikilala ang Batibot bilang isa sa mga influential programs na nakapagpatino sa mga batang Pinoy, naging mahina ang suporta ng paksyet na gobyerno natin dito. Taena kasi ang mga kurakot na politicians, 'di man lang makapag-invest ng matino para sa kapakanan ng mamamayan. Kung nabigyan lang sana ng pondo ang Batibot, hindi sana nawala sa eksena sila Pong at Kiko. May kuwento kasi na binawi ng CTW mula sa PCTVF dahil sila ang may original na license para dito. Nang mawala ang itinuturing na Batman and Robin ng Batibot, unti-unti na ring na nabawasan ang manonood nito hanggang sa nawala na sila sa ere noong 1998. May mga ipinalit na programa, ang BATANG BATIBOT at KOKO KWIK KWAK, pero wala ang mga ito ng charisma para makaakit ng malaking porsyento ng mga batang viewers.
Ano nga ba ang mga naaalala mo sa Batibot? Potah, magiging nobela ang entry kong ito kung iisa-isahin ko kaya bibigyan ko nalang kayo ng mga paborito ko.
Simulan natin sa mga caharacters. Kung may Big Bird, siyempre alam nating may Pong Pagong. Wala akong pakialam dati kahit na nakikita kong hindi gumagalaw at walang silbi ang kanang kamay niya. Pamatay ang kanyang "Haayy..." kapag siya'y malungkot at "Weeeeee.....(with matching paghaba ng leeg)" kapag siya ay super-saya sa buhay. At si Pong lang ang nakita kong puppet na may taste for fashion noon - napansin mo bang naka-Adidas na pula siya? Makakalimutan mo ba ang husky voice ni Kiko Matsing? Tulad ng kanyang counterpart na si Oscar the Grouch, bihira mo ring makita ang kanyang mga paa!
Ang mag-ateng sina GING-GING at NING-NING. Tulad nina Bert at Ernie, may eksenang laging kinukulit ni Ging-Ging ang kanyang Ate. Si MANANG BOLA na may famous catch phrase na "Perlas na bilog, huwag tutulug-tulog, sabihan kaagad sa'kin ang sagot....ba-be-bi-bo-bu...". Ang maingay na si IRMA DALDAL na alaga ni DIREK - paborito ko ang emtibi nila na may lyrics ang kanta ng "isda-da-da,,isda". Si KAPITAN BASA na yata ang isa sa mga karakters na nakaapekto kung bakit ako mahilig sa mga trivias. Ang mga malulufet na aliens na bumibisita sa mundo, naaalala niyo ba sila SITSIRITSIT at ALIBANGBANG? Paksyet, hindi 'yung mga pokpok club houses sa Cubao ang tinutukoy ko!
Si KUYA BODJIE na resident story-teller. Tanda mo pa ba ang "Alamat ng Araw at Gabi"? Eh 'yung kuwento ng "Ang Pamilya Ismid"? At siyempre malufet din ang kuwento na "Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas"! Nang nawala siya sa Batibot ay sumaydlayn siya sa mga pelikula. Kahit na kontrabida siya sa buhay ni Basha sa paborito kong pelikulang "One More Chance", parang walang epekto sa akin dahil 'yung nakaka-hypnotize na boses niya kapag nagkukuwento ang naaalala ko.
Ang akala kong ka-love team ni Kuya Bodjie na si ATE SIENNA, naaalala niyo pa ba? Napakaamo ng mukha niya kaya siya ang "dream sister" ko. Nakanamputs, sabi ng kaklase kong si Mice Aliling, isang terror na tao pala siya sa tunay na buhay. Noong nag-aaral pa kami sa USTe, bawal daw siyang tawaging "Ate Sienna". Kapag ginawa mo 'yun ay makakarinig ka sa kanya ng "Don't call me Ate 'coz I'm not your sister!". Wapak! Malamang ay ito ang dahilan at pinagsimulan ng comment joke na "Ang taray mo naman pero sa Batibot, kakaway-kaway ka!".
Isunod naman natin ang mga mala-"How'd They Do That?" na segment. Sa programa kong ito nalaman kung paano gawin ang Tinapang Bangus. Gusto ko ring matutuong mangisda ng tilapia sa fishpond tapos iihawin para kainin kasama ang kamatis. Siguro ay napanood ni pareng Ely ang episode na ipinakita ang paggawa ng lapis kaya naisama niya ang lyrics na "fieldtrip sa may pagawaan ng lapis" sa kanta nila. Eh 'yung paggawa ng sapatos, napagmasdan mo bang mabuti?
Ang isa sa mga nakatulong rin sa programa ay ang mga catchy songs na ginagamit nila. Heto ang ilan sa mga paborito ko (umpisahan mo nang alalanin ang tono at kumanta):
Alagang-alaga namin si Puti
Bakang mataba, bakang maputi
Huwag kang matakot, 'yan ay kulog
Telepono, telepono...kay daling gamitin
Kung hindi puwede minsan, subukan
Kung ang kasunod ay 'di pa rin, ulitin
Balut, penoy, baluuut....
Bili na kayo ng itlog na balut
Sapagkat itong balut ay mainam na gamot
At mabisang pampalakas ng tuhod
Ako ay kapitbahay, kapitbahy niyo
Na laging handang tumulong sa inyo
Kilala niyo ako, kilala niyo ako
Ako ay kapitbahay, kapitbahay ninyo
Alin, alin, alin ang naiba?
Isipin kung alin ang naiba
Isiping mabuti
Isipin kung alin
Isipin kung alin ang naiba
O. 'di ba bigla kang napangiti habang pilit mong inaalala ang tono ng kanta? Siyempre, hindi pwedeng mawala sa listahan ang pambansang OPENING THEME SONG na nagkaroon ng rendition ang noo'y sumisikat na banda, ang Alamid:
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla
Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla
Nakakapanghinayang ang programang humubog sa mga munting isipan ng mga kabataan ng henerasyon ko. Kahit na adiktus kami sa family computer noon ay may programa namang nagbibigay balanse sa paglalaro at "enjoyable" na pag-aaral. Sa panahon ngayon, adik na nga sa social networks, puro katarantaduhan pa ang napapanood sa teevee. Paano na kaya ang hinaharap?
Nabalitaan ko kamakailan na ibabalik sa ere ang Batibot sa pangangasiwa ng Kapatid TV. Mabuhay kayo sa inyong layunin. Isa ako sa mga susuporta sa inyong adhikaing maibalik ang "class" sa boob tube. Mas maganda nga lang kung makukuha niyo ang license para sa mga nawalang iconic characters.
Halina mga bata, tayo nang mag-Batibot!
Happy new year!!!!
ReplyDeletefavorite ko talaga ang batibot kht may sesame st. non, loyal ako sa batibot. sa katunayan, memorize ko nga lht ng mainstay songs ng show :)
ReplyDeletewahahah.
ReplyDeletenaaalala ko yung kwento ng pamilya ismid. Sila yung baboy na mapagmataas tapos nanakawan sila. grabe... brings back the memories of the real batibot. :D
Babalik na daw uli ang Batibot. ;) Paborito ko ring kanta yung...Iskargo...tayo ay kumain ng Iskargo, isda karne at gulay...hehehe Happy New Year!
ReplyDeleteIba na Batibot ng TV5. Ginagamit nila ang ORAD Virtual Studio software para daw mas makulay or mas malaman ang mundo nila.
ReplyDeleteMabuti naabutan ko pa ito. Nag-rerent pa nga kami ng VHS nito noon.
Sa Teletubbies doon ko natutunan na bading pala si Tinky Winky.
I hope nga na patuloy itong tangkilikin ng mga bagong kabataan at sana magkawebsite din sila para puntahan ito ng mga bata kung sakaling tapos na ang palabas or sa mga batang na-miss ang isang episode or hindi kaya'y mag-develop mismo ng isang laro for PC.
pasensiya na ser pero pahapyaw lang kasi ang pagkakakilala ko sa pambatang programang 'yan. siguro sa henerasyon ko eh sineskwela ang namayagpag, kasama na ang atbp, hiraya manawari at math-tinik. mas kilala ko kasi sina ana-tom at aga-tom kesa kina kuya bodjie at ate sienna. pero walang dudang ang lahat ng nabanggit eh sa batibot humugot ng inspirasyon.
ReplyDeleteibang klase talaga 'tong blog na 'to. napaka-informational! may bago na naman akong natutunan. i like!
merikrismasenahapinuyir na lang sa'yo at sa wonder twins, ser! \m/
ser lio, salamat at kahit papaano ay may naibabahagi akong bago sa'yo! sinubukan ko ring manood ng mga nabanggit mong mga pambatang palabas pero naging biased ako sa kanila dahil ang loyalty ko ay na kina Pong Pagong at Kiko Matsing!
ReplyDeletemerry christmas and a happy new year! (Kahit sobrang late na itong pagbate ko!)
parekoy, long time noisy! salamat sa bagong info nabanggit mo. pag-uwi ko ngayong bakasyon ay papanoorin ko ang bagong batibot kasama ang mga chikitings namin para maintindihan ko ang sinasabi mo.
ReplyDeletemay nabasa akong article dati na parang naging icon ng third sex ang mga teletubbies. lalo na yung purple. siya ba si tinky winky?
ibang level ang pc game na hango sa batibot. hahangaan ko ang unang makakagawa nun!
happy new year mia!
ReplyDeletetama, nakalimutan kong isama ang iskargu! pero hindi ko naman nakalimutang i-mention ang name mo sa kuwento tungkol kay ate sienna. este sienna lang pala!
curly kasi ang mga buntot nila kaya ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay mataas! ganda ng pabulang yun di ba?
ReplyDeletepareho tayo parekoy, mas loyal ako sa pagbabatibot. sana makahanap ako ng dvd copies ng mga episodes ng dating batibot para sa mga anak ko.
ReplyDeletemanigong bagong taon!
ReplyDeleteKorek na bading si Tinky Winky.
ReplyDeleteTV5 may go international this year, hindi ko alam kung magkakaroon sila sa China.
I hope nga na magkakaroon din in HD broadcast. HD ang equipment nila yun nga lang downscaled.
I hope na makagawa ng topic about the Pepsi 349.
One of the worst moments of the 90s.
malabong magkaroon nito sa china dahil maliit lng ang pinoy community dito.
ReplyDeletemay mga nadownload na akong dokyus ng pepsi 349 kaso di ko pa maumpisahan dahil medyo madetalye ang topic. ayokong madaliin.
parekoy, may utang pa nga ako sayong topic tungkol sa mga teevee commercials noong dekada nobenta di ba? :)
About the topic for TV ads, wag na yun. You may use that as a reference for future blog posts.
ReplyDeletePara sa iyong topic na "Paalam sa Enyu", I have their first logo.
Ito yun : http://img209.imageshack.us/img209/5417/14876650088672161953179.jpg
Pic of 349 bottle caps :
http://img14.imageshack.us/img14/9801/14876815591265121751655.jpg
I hope these can help. BTW, blocked ba ang social networking sites like Facebook,Twitter and YouTube sa area mo?
Ser! May comeback ang Batibot dito sa TV5 nga lang at maikli lang ata siya. :D
ReplyDeletesalamat parekoy sa mga images. na-update ko na yung entry ko tungkol sa NU107! \m/
ReplyDeleteblocked ang mga social networks sa China. :(
napanood ko na siya finally! buti nalang at may ipapanood na ako sa aming mga chikitings!
ReplyDeleteAng saklap naman. Mabuti pa ang tita kong nasa Beijing, todamax mag-Facebook. Kailagan mo ng super-"PROXY" para makapasok ka sa mga SNS na yan.
ReplyDeleteFreegate is an example for a Proxy software.
syempre parekoy, may paraan para sa lahat. pinoy pa! anchorfree ang solusyon sa problema kong 'yan! \m/
ReplyDeletenakakamiss nga yang Batibot na yan at ang mga tulang iyan hehe!
ReplyDeletebatang batibot din ako. :) naalala ko rin nung college ako sa PWU, may klasmeyt kaming humahangos papasok sa classroom at excited na nagsabing, "Si Kuya Bodjie nasa bookstore!" Siguro, mga lima kaming magka-kaklase na tumakbo pababa at pumunta ng bookstore para makita ng personal si Kuya Bodjie. Mabait sya kasi di sya nainis sa min kahit para kaming mga engot na sinusundan-sundan sya sabay tawag ng "Kuya Bodjieeee!!" :))
ReplyDeleteEh di..............
ReplyDeleteBalut, penoy, baluuut.
Bili na kayo ng itlog na balut !
sapagkat itong balut, ay mainam na gamot sa mga taong laging nanlalambot....
at saka naman
Tinapang bangus, tinapang bangus, masarap ang tinapang bangus!
la,la,la,la la,la,la, la ,la masarap ang tinapang banus
nttandaan q ito....pang educational tlg..sarap mging batang 90s
ReplyDeleteyup, educatonal talaga! kaya nga tumalino ako g ganito. hehehe. \m/
ReplyDeletenyaha! naging batang batibot din ako!
ReplyDeleteat maniniwala ka bang lumabas na ako sa batibot noon? wala lang nag costume lang akong eroplano tapos sasayaw sayaw kami dun sa background habang may nakanta wahaha! yung isa naman diko na maalala costume ko hehe.. diko na din maalala kung napunta ba saken ang TF ko noon o sa nanay ko ^_^
parekoy, welcome sa aking tambayan! hanglufet mo dahil pinangarap ko dating maging cast ng batibot kahit extra lang. ikaw na! hehehe
ReplyDeleteHi NoBenta, My name is Richard, and out of the blue I tpe-searched: Batibot tilapia kamatis and found several discussion forums containing the key words! Ako po yung batang tilapia. I was 9 years old then, it was shot in Malabon sa gawaan ng Rufina Patis, the shoot took all day to finish kaya nagulat ako na parang 2 minutes lang pala yung final product. Yung kasama ko doon, si Andrew Laurel (RIP) familiy friend siya, hindi ko siya totoong kuya, at lalong hindi ama. :)
DeletePahabol...ako din po yung kumanta ng Tayakad - Unahan, unahan, unahan tayo. Si Nonong Pedero ang composer. Dalawa kaming pinakanta, wala masyado sa tono yung kasama ko pero may hitsura siya. I remeber that to make it sound like there's a group of boys singing, pina record nang ilang beses at pinagpatong patong para magtunog madami kaming dalawa. Thanks for this post, I'm now 40 and I never realized that the tilapia segment became quite popular among kids! Salamat.
That would be a great news kung may remake man. Kaya lang I don't think na mmaibabalik pa niya ang dating ningning ng batibot... Ako ay isang batang batibot.. :)
ReplyDeleteomg! sobrang gusto ko ng post mo... gusto ko yung planeta pakaskas..hehe. thanks for sharing
ReplyDeletehahahha darn!!napakanta ako sa tinapang bangus heheheh
ReplyDeletemeron pa ako kinakanta kapag nglilinis ako ng bangus??? tila bangbangus tila bangbangus masarap at masustansya??paulit ulit lng k knakanta?? dito ko sa batibot narinig?20yrs ago
ReplyDelete