Paul, Kevin, and Winnie
Kapag medyo wala akong magawa ay pinapanood ko sa aking laptop ang video ng "Minsan" na kuha sa Final Set ng Eraserheads. Tuwing napapanood ko ito at naririnig ang isa sa pinakapaborito kong kanta ay 'di ko maiwasang tayuan ng buhok sa lahat ng parte ng akong katawang-lupa. Bigla kasing bumabalik sa aking mga alaala ang mga taong sila pareng Ely ang naghahari sa musikang Pinoy. Ang lyrics din ng kanta ay tumatagos sa aking buto at nagsasabing mayroong nakaraan na hindi puwedeng mawala sa isipan.
Taena sa palabok. Ang gusto ko lang tumbukin o sabihin ay likas sa ating mga nilalang ang pagbabalik-tanaw sa kahapon maging ito man ay masaya o malungkot. Katulad nalang ng pagtambay mo dito sa bahay ko; kaya ka napipilitang bumalik-balik dito ay dahil sa may mga kumikiliti sa iyong memories kapag may ibinabato ako sa inyong mga kuwentong walang kuwenta.
Kaugnay ng mga kalokohang sinasabi ko ngayon, gusto kong ibida ang isa sa mga pinakapaborito kong teevee series na ibinigay sa atin ni Bro, ang THE WONDER YEARS. Ang palabas na ito ay isang coming of age na hindi kapokpokan at katarantaduhan kundi isang youth/family-oriented program na may pinaghalong drama at humor. Hindi ito isang "T.G.I.S" o "Gimik" na ang alam lang ay magturo ng mga kajologsan para magmukhang cool.
Wala akong idea at hindi ko talaga maalala kung kailan ko unang napanood ang palabas na ito sa GMA7. Sinubukan kong kunsultahin si pareng Wiki kung nasa listahan ng mga programang ipinalabas sa ngayong Kapuso Network ang TWR, pero wala akong nakita. Ganun pa man, sigurado pa rin akong tanging Shitty Siete lang ang naging kasangkapan ni Lord para maki-uzi ang mga Pinoy sa kuwento nila KEVIN ARNOLDS, PAUL PFEIFFER, at WINNIE COOPER.
Sa totoo lang, ang malufet na teevee series na ito ay unang nai-ere sa Tate noong January 31, 1988 matapos ang coverage Superbowl XXII. Tumagal ito ng anim na seasons at ipinalabas nito ang ika-115 at last episode noong May 12, 1993.
Malamang ay re-runs nalang 'yung napanood ko nang una ko itong madiskubre sa teevee dahil nasa highschool na ako noon. Medyo pasulyap-sulyap ko lang itong nasusubaybayan dati dahil sa pagkakatanda ko ay tuwing Sabado o Linggo ito ipinapalabas kung kailan madalas ay nasa galaan ako. Bukod pa roon ay madalas na replays ang ipinapalabas (siguro ay dahil sa kulang ang advertisers). Kahit na ilang episodes lang ang napanood ko noon ay tumatak ito sa aking isipan dahil sapol na sapol ng mga kuwento ang pinagdaraanan kong puberty.
Fast forward to June 1997. Nang mag-college na ako at nauso na ang Cable TV, nabasa ko sa TV Guide na ipinapalabas araw-araw sa Star World ang TWR. Sakto dahil pang-hapon ako sa eskuwela kaya lubusan ko nang nakilala ang katauhan, kaibigan, at pamilya ni Kevin.Naging morning habit namin nila utol ang pagtutok sa bawat episode.
Kakaiba ang style ng palabas na ito. Isang balik-tanaw talaga dahil ang kada episode ay may narration (sa boses ni Daniel Stern, notable kontrabida sa "Home Alone" ) ng "present Kevin". Ang setting nito ay twenty years ago during the actual years of airing. Kung ang teevee series na ito ay ipinalabas mula 1988 hanggang 1993, ang lahat naman ng episodes nito ay may mga pangyayaring naganap mula 1968 hanggang 1973. Bukod sa mga napakagandang kuwento ay punung-puno ito ng mga trivia tungkol sa mga hippies, political issues, fashion at kung anu-ano pang bagay tungkol sa mas mga nakatatandang Dekada. Para itong time capsule na puwedeng inumin para magkaroon ng idea kung ano ang buhay ng mga lolo at lola natin o 'di kaya'y ng mga erpats at ermats natin.
Lahat tayo ay may puppy love. Hindi natin makakalimutan ang first kiss. Nandyan lagi ang iyong bestfriend. Siguradong nagkaroon ka rin ng academic struggles sa schools. Kung isa ka namang henyong nakaka-perfect score sa mga exams, siguradong isa kang nerd na palaging binu-bully. May mga sibling rivalries sa loob ng pamilya pero magkakakampi kayong magkakapatid kapag may umaagrabyado na sa inyo sa labas. May tatay kang moody dahil pressured sa trabaho. May nanay kang kinaiiritahan dahil sa kakapangaral sa ikabubuti mo.
Bago pa man maipalabas ng mga copycats ang mga napapanood ngayon sa ibang series, naipalabas na ito ng TWR.
Pinaka-memorable sa akin ang episode na "Loosiers". Naranasan mo na bang maglaro ng agawan-base kung saan may dalawang team captains na mamimili ng members? Naranasan mo na bang ikaw 'yung pinakahuling mapipili dahil ang tingin nila sa'yo ay lampa? Parang ganun ang eksena nito pero ang kaibahan nga lang ay basketball ang laro. Ramdam na ramdam ko ang pagiging loser ko sa sports habang pinapanood ko ito. Ilang beses akong nagpaturo sa mga barkada ko ng basketball pero walang epek. Despite ng pagiging huli lagi, nandyan pa rin ang suporta ng mga kaibigan lalo na ng best friend mo. Taena 'yung pagpasok ng kantang "You've Got a Friend" sa ending ng episode, nakakaiyak!!
Marami-rami rin itong nakuhang awards tulad ng Nielsen Top Thirty, Peabody Awards, at Emmy. Si FRED SAVAGE naman gumanap kay Kevin ay ang pinakabatang (sa edad na 13) na-nominate para sa award na "Outstanding Lead Actor for a Comedy Series" sa Emmy noong 1988. Ang show ding ito ang naging isa sa mga dahilan para mapasama si Fred sa "VH1's 100 Greatest Kid Stars (Rank #27)".
Sa ngayon, ang TWR ay isa sa mga most-requested series na pini-petition ng mga fans for an official DVD Box release. Hindi ito maisakatuparan dahil sa lufet ng mga kantang nasa complete season episodes. In short, music licensing ang naging balakid sa pangarap ng mga fans na katulad ko. May inilabas na dalawang VHS copies noong 1988 entitled "The Best of The Wonders Years" at "The Christmas Wonder Years" pero wala ang original music nito sa mga kopya.
Tunay ngang masarap balik-balikan ang mga nakaraan. Minsan, dito mo lang nadarama at nabibigyang-importansya ang mga araw na lumipas. Ika nga ni Kevin sa last episode:
"Growing up happens in a heartbeat. One day you're in diapers, the next day you're gone. But the memories of childhood stay with you for the long haul. I remember a place, a town, a house, like a lot of houses. A yard like a lot of other yards. On a street like a lot of other streets. And the thing is, after all these years, I still look back...with wonder."
PAHABOL:
PAHABOL:
Mga ka-dekads, last entry ko muna ito for this month. Uwi muna ako ng Pinas para magbakasyon kasama ang aking pamilya. Subukan niyo munang mag-backread!! See you after a month!
Hopefully ay magawan ng dvd copy yang series para mapanood din namin, parang naabutan ko na hindi yang tv series na yan. :D
ReplyDeleteHmm hindi ko nabalitaan itong series na ito... What about yung Saved by the Bell? not sure kung 90s un pero isa yun sa mga naalala kong magandang teen oriented na series...
ReplyDeleteMukhang maganda ang palabasa na ito base sa review mo sir. Sana nga mapanood din naming mga nasa bagong henerasyon. Sigurado namang makakarelate pa din kami.
ReplyDeleteJayson, magpakita ka naman. :) Nakakaaliw ang wonder years! Oo nag pala nasabi ko ba sa yo na kami ang unang gumawa ng Eraserheads the reunion...tapos inatake si Ely kaya di natapos yung concert? :)
ReplyDeletesana nga parekoy. sana. nakahanap na ako ng mga download sites nito at yun nalang ang pinagtatyagaan!
ReplyDelete'di ko sure kung napanood ko ang "saved by the bell". parang hindi. parang oo. pwede!
ReplyDeletesiguradong makaka-relate kayo kahit na medyo oldies na ang series na ito
ReplyDeletepunta ka sa birthday party ng mga nak ko mia. sowi kung medyo busy. basta try nating mag-set ng get-together
ReplyDelete