Tuesday, March 23, 2010

Rated XX: Atras Abante


"Isa kang Batang Nineties kung na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex."
Kapag nagkukuwento ako sa aking mga kakilala ng mga kung anu-anong trabahong pinasok ko noong bata ako ay bata pa, walang gustong maniwala. Wala daw sa itsura ko ang nagbebenta ng sigarilyo at Storck sa sementeryo tuwing araw ng mga patay. Naglako na rin ako ng banana cue, kamote cue, at maruya sa Manggahan. Nagtinda na rin kami ng kwek-kwek, fishball, kikiam, at squidball sa tapat ng bahay namin. Kahit yung pagtatrabaho ko sa Jollibee, nahihirapan silang maniwala. Katulad ko lang si pareng Drake (friendster ko dito sa blogosphere) na ayaw paniwalaan.

Lalo naman yung kuwento ko sa pagiging newspaper boy. Hindi ito katulad sa Amerika na may bisikleta 'yung bata at ibabato lang ang nakarolyong diyaryo sa tapat ng bahay ng mga parokyano. Kasama ko sa hirap na ito ang utol kong si Pot. Naging idol namin ang pinsan kong si Badds at mga tropa namin sa Angst Society dahil nabibili nila ang mga gusto nila (tulad ng Swatch at Levi's 501) sa pamamagitan lang ng pagtitinda ng diyaryo. Napakamura lang ng bigayan noon - parang sampung sentmos kapag tabloid at trenta sentimos naman kapag broadsheet. TEMPO, PEOPLE'S JOURNAL, at MANILA BULLETIN ang kadalasang bitbit namin dahil iyon ang mabenta. Natigil lang ang pagkakayod naming mag-utol nang minsang bentahan ni Pot ang mga pasahero ng service na minamaneho ni erpats. Akala kasi ni utol ay magiging proud si erpats sa ginawa niya. Pag-uwi ni papa kinagabihan, pinagalitan kami at sinabihang huwag na magbenta. 'Di niya yata nagustuhan ang mga kantsaw na inabot niya mula sa mga kasamahan. Simula noon, tagabasa nalang kami ng diyaryo. 


Pero 'di dito nagtatapos ang aking kuwento. Palabok lang iyan sa diyaryong 'di namin naabutan noong batang kalye pa kami - ang ABANTE. Katulad ng sikat na People's Journal, ang Abante ay meron ding ABANTE TONITE. Late eighties sila unang naglathala, May 1988 to be exact. Hindi sila sikat noon pero biglang naging matunog ang kanilang pangalan lalo na sa mga kalalakihan nang madiskubre na ng bansang Pinas ang column ni XEREX XAVIERA (July 1988 nagsimula ang column). 

BABALA: Ang mga susunod na mababasa ay maglalaman ng mga maseselang kuwento kung ikaw ay isang inosente o ignorante. 

Kung iisipin mo pa lang ang initials niyang XX ay talagang mapapaisip ka. At kung makita mo pa ang "Parental Guidance" sa header ng kanyang pahina ay talagang ikaw ay mahahalina. Ayon sa alamat at ilang tsismis na aking nakalap, pseudonym lang naman ang pangalan ng columnist na ito. Para lang siyang si Bob Ong na ayaw magpakilala sa totoong buhay. Hindi rin natin alam kung lalaki ba siya o babae. Nakuha niya lang daw ang alyas mula kay Xaviera Hollander na sumulat ng best-selling stateside novel na "The Happy Hooker.

Nagsimula ang column niya bilang isang "sex advice" page kung saan may nagpapadala ng sulat kunwari tungkol sa isang problema sa pakikipagrelasyon at sekswal na buhay. Sasagutin naman ni XX ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo. Nakuha nito ang atensiyon ng mga kasambahay, drivers, security guards, mga teenagers, at iba't iba pang mambabasa (parang radio show lang ni Joe D' Mango ang dating ng pagsikat niya). Dahil dumami ang mga parokyano ay napalitan ng mga "tunay na tao" ang dating mga "fictitious senders". Nang lumaon, ito ay nag-evolve at napasama sa kategoryang erotic literary column. Kung dati ay mahaba ang mga payo kaysa sa kuwento, napalitan ito ng detalyadong kuwento tungkol sa sexual exploits at experiences ng mga letter-senders mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay. Ang tema at istruktura nito ay katulad ng sa nobela ni Hollander na nagkukuwento naman ng exploits at experiences sa iba't ibang lalaki bilang isang pokpok. 

May mga kuwentong nakakatawa. Mayroon ding nakakaiyak. May pang-MMK ang dating at meron namang "wala lang, talagang dala lang ng libog". Madalas ay kuwento tungkol sa unang tikim at karanasan. Kadalasan ay heterosexual at minsan naman ay homo. May mga kuwentong pangkaraniwan, at meron din namang mga pambihira.

Sa totoo lang, dati ay hindi suggestive para sa atin ang mga salitang "sumabog ang bulkan", "basa ang bukid", "rurok", at iba pang mga "mabulaklak" na pananalita. Si Xerex ang nagpatindi ng imahinasyon ng bawat kalalakihang Pinoy noong Dekada NoBenta. Naaalala ko tuloy ang isa kong klasmeyt noong highschool na nangungulekta ng bawat istorya ng kinababaliwan niyang column. Ipinakita niya sa akin 'yung collection niya na nakatago sa isang atache case na siya lang ang nakakalam ng code!

Dahil kay XX, lumabas din ang ibang erotic na tabloid tulad ng Tik-Tik, Remate, at Bulgar.

Sa sobrang kasikatan ni XX, binili ng Regal Films ang rights nito para gawing pelikula. Mga unang taon ng 2000 nang lumabas ang pelikula na pinagbidahan ni Aubrey Miles kasama sila Jake Roxas, Carlo Maceda, at Khalani Ferreira. 'Di ko ito napanood dahil 'di naman ako mahilig sa mga ganito pero tatlong istorya daw ito na parang "Shake, Ratlle, and Roll".

Sabi ng marami, ito daw ang dahilan kaya huminto na si XX sa pagsusulat. Ang sabi naman ng iba ay nagbagong-buhay na siya. Ang isang tsismis na medyo pinaniwalaan ko ay nagpa-convert daw sa ibang religion ang mga may-ari ng Abante kaya pinaalis si Xerex kasama si Dra. Margie Holmes na sex columnist din sa diyaryong iyon. Sabi naman ng iba, nagsusulat pa rin siya ngayon sa dyaryong Sagad.


Talagang nakuha ni Xerex ang imahinasyon at pantasya ng buong Pinas. Ito ang dahilan kung bakit siya ay naging isang household name sa larangan ng mga nakakalibog na mga kuwento. Ang kanyang paglalahad ay ang nakapagpahusay sa makamundong pagpapantasya ng mga manyak.





27 comments:

  1. Syete ka, sumakit lang ang ulo ko para hanapin ang pangalan ni Xerex sa wikipedia!yun lang pala yun!

    Hahah! Pare nagkatugma na naman tayo, naging delivery boy din ako ng dyaryo (nakalimutan kong ilagay din) kung xerex ang binabasa mo yung comics section naman sa akin!

    Grabe! Kapatid ata kita eh!hahha

    ReplyDelete
  2. @ Chingoy: malamang sa CR mo ito binabasa. hahaha

    @ Drake: kaya nga may "Control F" para 'di ka mahilo maghanap sa computer.hehehe. Malamang kapatid nga kita sa past life...sa mga Batang Yagit!

    ReplyDelete
  3. may pinoy ba na hindi nakabasa sa mga sinulat ni XX?...ang hindi aamin, maitim ang kuyukot!

    ReplyDelete
  4. Hipokrito ang hindi aamin. Kahit wala na sa diyaryo si XX, sandamakmak ang mga tribute at group sites sa net!

    Salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete
  5. Haha paborito ko ito noong Grade 3 pa ako syempre patago kasi ayokong mahataw ng sinturon...

    At nagbasa rin ako ng Xaviera Hollander noong college...

    Nice post!

    ReplyDelete
  6. Glen, ang aga mo palang namulat sa kamunduhan! Hehe.

    Maganda nga siguro yung novel ni Hollander. Makahanap nga ng kopya.

    Salamat sa pagbasa!

    ReplyDelete
  7. Xerex - ito yung palipas oras namin noon sa ROTC.

    ReplyDelete
  8. barok, salamat sa pagdaan.

    malamang ay "standing straight" si junior mo 'pag ROTC! bwahahaha

    ReplyDelete
  9. When we were on high school, way back 2003 meron pang xerex sa abante. :) funny things we're reading it on school. such a trip

    ReplyDelete
  10. binabasa ko yan ng palihim dahil mapapagalitan ako ng Nanay ko, ahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello joy im randy, 09994865052, avid reader din me ni xerex nung kabataan ko

      Delete
  11. @dave: ganun naman sa school, may mg lihim na masaya, makukulit, at malaswa! hehehe. salamat sa pagdaan

    @joy: honestly, di ko ma-imagine na nagbabasa ang babae ng mga kuwento ni xerex. hehehe. salamat at welcome sa aking tambayan! \m/

    ReplyDelete
  12. Haha, mga 7 years old ako nun nung nagbasa ako ng xerex column...I'm a nineties child!

    ReplyDelete
  13. Nababasa ko din to dati.. sa mga stocks ng dyaryo sa bahay.. ehehehehe :) May sense naman siya eh. HIndi naman puro mahalay..

    ReplyDelete
  14. nakakaaliw ang mga kwento nakakaalis ng pagod!

    ReplyDelete
  15. NAKAKAALIW TALAGA 'TO !!!
    MABUBUKSAN ANG IYONG MAHINHIN NA IMAHINASYON !!!
    HAHAHA !!!

    ReplyDelete
  16. @ADMIN
    Please balik niyo ang mga dating kwento !!! hehehe !!! maganda rin yung mga rape stories !!! nakakalibog !!! hahaha !!!

    ReplyDelete
  17. Way back on my elementary days nung nababasa ko mga storiea nya sa dyaryo..

    ReplyDelete
  18. lol... nagbabasa ako nito..at syempre palihim dahil bawal hahaha

    ReplyDelete
  19. Nagbabasa rin ako nito, kaya panay ganado...he he he...

    ReplyDelete
  20. etong c xerex ang nagpagising sa kamunduhan ko nung 90s.......hehehehehe

    ReplyDelete
  21. Batang 90's ako kya nka2relate aq s blog n2.. Hahaha' i clearly rmember na inaabangan k0ng mgtpon ng lumang dyaryo (abante) ung kptbhay nmn (i was 9 yrs. Old then) taz pu2lutin namin nung kalaro ko taz hbng binabasa namin nami2log ang aming mga mata sbay tatawa ng ubod lakas'hahahaha

    ReplyDelete
  22. Puberty ako nung na-stumble upon ko yung column ni Xerex Xaviera. Puberty+XX=unlimited jerk off sessions :)

    ReplyDelete
  23. isa ako sa naka relate hehehe isa din ako sa sumubaybay kay xerex nun... nice post ^^ galing naman ^^

    ReplyDelete
  24. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  25. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete