Sunday, June 13, 2010

Naaalala Mo Kaya


"Isa kang Batang 90's kung napanood mo ang kauna-unahang episode ng MMK na pinamagatang 'Rubber Shoes'."


Dear (Ate) Charo,

Magandang araw sa iyo. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at nawa'y nasa kundisyon na para i-terminate ang paksyet na host ng noontime show niyong Wowowee. Itago mo nalang ako sa pangalang MaBenta dahil ayokong isipin mo na isa akong salesman kapag ginamit ko ang tunay kong pseudonym na "No Benta". Naisipan kong sumulat sa inyo sa pamamagitan ng blog kong ito dahil gusto ko lang malaman mo na isa akong tagahanga ng inyong show.

Ang buhay nating mga Pinoy ay sadyang ma-drama kaya nga bata pa lang ako ay nakikinood na ako sa teevee ng lola ko kapag ipinapalabas ang "Lovingly Yours, Helen" sa siete. Noong ako'y nasa grade six at medyo may isip na ay paborito naman naming magkakapatid ang "Kung Maibabalik Ko Lang" segment ng "Teysi ng Tahanan" o "TnT" (Bakit ba kasi ang hilig ng istasyon niyo na magpauso ng mga acronyms ng show - e.g. TSCS, SNN, PBB, PDA, at ang inyong sarili na MMK?! Sana sa susunod ay iklian niyo nalang ang title para 'di niyo na ginagawaan ng mga initials.). Nang nawala ang mga makabag-damdaming mga shows na ito ay medyo nabawasan ang ka-dramahan namin sa buhay. Kaya nga tuwang-tuwa kami nang unang ipinalabas noong May 16, 1991 ang pilot episode ng MMK. Simula noon ay 'di na kumpleto ang Thursday nights kapag hindi napapanood ang iyakan episode mula sa programa mo.



Nakakaiyak ang una niyong ipinalabas na episode kung saan bida sina Romnick Sarmenta at Vina Morales. 'Di ko makakalimutan ang kuwento ng kamukha kong si Romnick na tungkol sa isang batang social climber na may tatay na metro aide. Gusto niyang magkaroon ng pair of rubber shoes na uso sa kanilang barkadahan kaya pinipilit niya ang erpats niya na bilihan siya nito. Malungkot ang ending dahil naibigay nga ang gusto niya pero namatay naman ang tatay niya. Naalala ko pa ang commercial slash teasers na isinisingit niyo sa ibang shows bago ipalabas ang pilot. Parang inanyayahan niyo ang lahat para makita kung meron bang similarity sa tunay na buhay ng mga televiewers ang ipapalabas sa MMK. Kung mayroon man ay inanyayahan niyo rin ang lahat na magpadala ng kanilang sulat. Sakaling mapipili ang kuwento ng buhay mo ay magkakamit ka ng cash prize na three thousand pesoses.


Malamang, habang binabasa mo itong liham ko ay tumutugtog na sa iyong isipan ang "Gone" ni Jim Chappell. Napakagaling ng musical director niyo dahil sakto palagi ang pagpasok ng instrumental na ito sa mga nakakaiyak na eksena. Mas nakakaantig ang scene kapag naririnig namin ang piece na ito  habang umiiyak ang bida! Akala ko nga dati ay sariling composition ito na ginawa para mismo sa MMK. Lahat yata ng nag-aaral ng piano ay alam tugtugin ang piyesang ito, at siyempre dahil 'yan sa sikat niyong programa!

Charo, naaalala mo pa kaya 'yung sangkaterbang sulat na ipinadala ko sa inyo? Nakailang sulat ako tungkol sa pagkamatay ng aso naming si Cindy. Tapos 'yung pagkamatay ng aso naming si Poochie. Tapos 'yung sa aso naming si Ponggo. Umasa ako na maipapamahagi ko sa buong mundo ang pagmamahal naming magkakapatid at pamilya ko sa mga aso naming inalagaan kaso ni minsan ay hindi mo ako napagbigyan. Ano ba talaga ang criteria para maipalabas sa MMK?!

Ang first episode niyo ay may title na "Rubber Shoes", obviously dahil ito ang gustong makamit sa buhay ng bida. Ang mga sumunod ng episodes ay may title rin ng ibang bagay na related sa istorya. Actually, isa ito sa mga nagpaiba sa show niyo, ang mga titles na ginagamit niyo. Isa ito sa mga inaabangan naming magkakapatid kapag tapos na ang programa. Minsan ay nagpupustahan pa kami nila ermats, erpats, at ng mga utol ko kung sino ang magiging tama. Wais ang move niyo ngayon na gawing pa-contest sa text ang paghula sa title.

Ang dami naming pinagsaluhang iyakan ng mga kasama ko sa bahay. Lagi naming pinagtatawanan ni utol Pot ang pagluha at paghagulgol ni mama sa mga episodes niyo. Madalas kasi ay palihim pa siyang umiiyak at ayaw magpakita sa amin na tumutulo ang luha. Pero ang totoo, kaya kami nagtatawanan ay ayaw din naming maiyak at makitang unti-unting tumutulo ang uhog!

Hindi ko maalala ang mga titles ng mga paborito kong episodes. Sorry Charo pero nasobrahan na yata ako sa pagkain ng pork, beef, at shrimp kaya may sakit na akong kalimot. Pero ganun pa man ay masasabi ko pa ring da best ang story na bida si Jaclyn Jose kung saan isa siyang prosti sa Olongapo. Gusto na niyang magbago kaya nagpaturo siya sa isang teacher. At nang paalis sa sila papuntang Amerika magdadala sana siya ng set ng lapis sa guro pero may nakaaway siyang tambay at ito ang ipinangsaksak sa kanya. Paborito ito namin nila  Pot at pinsan kong si Bambie. Akala ko ay "Lapis" ang title nito pero nang i-search ko kay pareng Google ay iba ang lumabas na story sa ganitong title. Isa pang paborito ko ay ang episode tungkol sa ketong na ang setting ay sa Palawan. Doon namulat ang isip ko na puwede naman palang makisalimuha sa mga taong may ganitong sakit. Correct me if I am wrong, pero si Spencer yata ang bida  dito. Ayus din ang episode tungkol sa AIDS na bida naman si Fanny Serrano. Sana ay magkaroon kayo ng archives ng complete lists ng episodes niyo dahil sa 904 (as of November 1, 2008) na nagawa niyo ay imposibleng maalala pa naming lahat ang mga ito.

Sa paglipas ng Dekada No Benta, marami ring episodes akong nagustuhan at ang dalawa rito ay bida ang kamukha ko ring si John Lloyd Cruz. Hindi ko rin alam ang title pero tungkol ito sa isang adik. Pang-award ang acting dito ni Popoy. Hindi mo tuloy alam kung adik ba talaga siya sa totoong buhay. Ang galing rin ng acting niya sa "Skating Rink" na tungkol naman sa isang special child na magaling sa skating. Hinanap ko talaga ang tunay na tao ng istoryang ito sa Megamall. May maganda rin daw na episode entitled "Blusa" na bida naman si Angel Locsin kaso ay hindi ko ito napanood. Naging controversial pa nga daw ito dahil wala naman daw talagang ganung character na nag-aral sa UPLB. Totoo ba ito Charo?

Inaabangan ko rin lahat ng mga special episodes niyo magmula anniversary, Lenten, Christams, Halloween, at kung anu-ano pa. Sigurado kasi na ang bida sa mga ito ay mga big time artists tulad nila Dolphy, Ate Vi, Sharon, at Lorna T.! Napanood ko rin ang "The Movie" niyo na ipinalabas noong 1994 at pinagbidahan naman nila Aiko Melendez, Richard Gomez, at Chin-chin Gutierrez.

Charo, ang pagiging mahinahon at malumanay mo sa paglalahad ay walang kapantay. Ramdam na ramdam ng bawat manonood ang mga binibitiwan mong salita bago matapos ang palabas. Hindi ka nagpapayo pero inilalahad mo lang ang mga aral na mapupulot sa buhay ng iba. At 'yun ang isa sa mga dahilan kung bakit naging effective ka at tumagal ng 18 years (and counting) ang iyong show. Sana ay 'di kayo magbago (pero baguhin niyo na sana ang style ng transition ng camera at mga angles kapag ikaw na ang nagsasalita) at marami pa kayong mai-share na kuwento ng buhay ng iba. 'Yan ang pastime nating mga Pinoy, ang pakialaman ang buhay ng may buhay!

Hanggang dito nalang at lubos na gumagalang.


MaBenta


P.S.

Please text NOBENTA_TITLE_MMK  and send to 2366 for a chance to win nothing




29 comments:

  1. Nice. Andami mo natandaang episodes ng MMK. Korek ka nga na lagi mahaba titles ng show nila at may acronyms.

    ReplyDelete
  2. parekoy! ikaw, ano ang peyborit mong episode?

    ReplyDelete
  3. kalimitan hindi ko natatapos ang MMK kasi nakakatulog ako. nakakaantok kasi magkwento si Mam Charo.

    ReplyDelete
  4. hahaha. tama ka dyan parekoy! minsan, sa sobrang malumanay niya ay nakakatulog din ako sa antok! \m/

    ReplyDelete
  5. kasama ito sa aking all time favorite pinoy programs...

    btw, pano ko mapapadala sa 'yo ang badge ng KaffeRazzo brod? he he he

    ReplyDelete
  6. pa-send nalang po sa email ko: negativejay@yahoo.com

    ok lang po pa kung 125 x 125 ang size?

    ReplyDelete
  7. teka lang parekoy... ilang taon ka na ba talaga at naabutan mo pa talaga ang lovingly yours helen? haha. naririnig ko lang kasi yun sa nanay ko eh. haha. grabe, di ka naman masyadong fan ng mmk? at ang dami mong asong napatay.. este namatay ha. hehe. sige, sumulat ka pa ng marami at baka sakaling maka-tsamba ka at ikaw naman ang susunod na ma-feature sa mmk. wahaha. ayos :P

    ReplyDelete
  8. parekoy, long time no see. apir naman dyan! 'di naman halata mukha ko ang edad ko kaya huwag mo na itanong. marami pa akong napatay na asko pero ok lang yun kasi pinakain na namin sila sa mga sunog-baga.

    marami pa rin akong bagong sulat na ipinapadala kay charo. this time, ang mga higanteng surot at domesticated cockroaches naman ang topic. sana mai-feature na sa MMK!

    \m/

    ReplyDelete
  9. parte na talaga ng bawat tahanang pinoy ang "Maalaala Mo Kaya..."

    ReplyDelete
  10. yup, parte sila ng buhay natin. mahirap itanggi na hindi ka nakapanood nito kahit minsan. hangga't ma-drama ang buhay ng bawat pinoy, hindi na matitibag ang pundayong ito! \m/

    ReplyDelete
  11. Ang kulet lang hahaha...makikiraan lang po..tabi-tabi po ;-)

    ReplyDelete
  12. parekoy, salamat sa pagdaan sa mumunti kong punso. teka, nagbaligtad ka ba ng t-shirt at nag-alay ng pagkain? baka namatanda na kita! \m/

    ReplyDelete
  13. hindi ako masiyado nanonood ng drama. . . ah mali di pala ako talaga nanonood ng drama. pero napanood ko yung kay angel locsin pinanood ko un kase kakalipat nya lang sa dos nun. . .

    gusto ko ung blusa. -)

    ReplyDelete
  14. papa, 'di na ako magugulat sa sinabi mo na hindi ka nanonood ng drama. 'di naman kasi obvious sa pagkatao mo na emo ka. hehehe

    ikaw ang pambansang joke blog na sinusubaybayan ko. pero paano nga kaya kung isang araw ay magising ka nalang at na-realize mo na ayaw mo ona magpatawa? \m/

    ReplyDelete
  15. waw si Ate Charo. hahaha.

    ---nasa blogroll ko tong blog mo na to pati yung isa. finallow ko din to, dami mo kasi blog..hehe. ingats!

    ReplyDelete
  16. parekoy! salamat sa pagbisita, pagbasa, pag-follow, at pag-add sa blogroll mo!

    na-add na rin kita sa blogrolls ko.

    rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  17. gusto ko yung kay fanny serrano. maganda rin yung kay maja at vilma.

    pero recently lang naging memorable sakin yung kay gretchen at jomari. kung san inaabuso ni jomari mga anak ni gretchen... c",)

    ReplyDelete
  18. labs, eh kung ipadala kaya natin ang love story ng buhay natin na pang-mmk? panalo siguro tayo! :)

    ReplyDelete
  19. di ko makakalimutan ang first episode ng MMK kasi memorable sa akin nag mga panahon na yan. nasa batangas pa ako niyan. tagal na non.

    ReplyDelete
  20. parekoy, salamat at welcome sa aking lungga. sobrang memorable talaga ng first episode. \m/

    ReplyDelete
  21. This is the print ad of the 1st episode :
    http://www.facebook.com/photo.php?pid=75150&id=101650229888632#!/photo.php?pid=75152&id=101650229888632&fbid=111059798947675

    ReplyDelete
  22. galing mo talaga Nobenta....and yes its Jim Chapell song "Gone" is always on target....nice observation...

    ReplyDelete
  23. gus2 qng episode ung kay roderick paulate..ung gumanap cyang aeta..

    ReplyDelete
  24. sana guamawa ka ng blog about sa mga pagkain noong 90's tulad ng chocolate na sergs at pritos ring.. waheheh

    ReplyDelete
  25. favorite ko ung episode ni Lito Pimentel.. Ung magnanakaw sya ng alahas ng mga bangkay sa sementeryo tapos pinutol nya ung daliri ng isang bangkay dahil di maalis ung singsing.. Minulto sya t naging daliri ung kinakain nyang hotdog.. *trauma*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nalaman nyo na po ba yung Title nung kay Lito Pimentel?

      Delete
  26. alam ko sobrang late na ng reply ko.. pero may nakakaalala pa ba sa inyo ng episode ni Juday, rosaryo ata ang title nun? Basta yung nilulukuban sya ng masamang ispiritu as in 360 spin ang ulo at sumusuka ng green gooey slime!! creeepppyyyy!!! :)

    ReplyDelete
  27. Nkakainis dahil sa sobrang nkaka touch yung kwento mapapaiyak pa tlga dahil sa sobrang antok mo, ung luha dahil inaantok bigla nlng magtutuloy tuloy sa pag iyak dahil nkakarelate ka ng sobra o tlgang napiga ang iyong damdamin dahil sa mga paghihirap ng mga tauhan sa kwento.

    ReplyDelete
  28. gusto ko sana mapanood yung rubber shoes ni Romnick and Vina. sana may makatulong. thank you po!

    ReplyDelete