Saturday, November 14, 2009

Kaming Mga Gamol

"Isa kang Batang 90's kung nakita mo ang pag-usbong ng Megamall, Galleria, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA."

Patingin-tingin, 'di naman makabili
Patingin-tingin, 'di makapanood ng sine
Walang ibang pera kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi

~ "Esem", Yano 


Sabi ng mga matatanda, ang mga taong ipinanganak na may nunal sa paa ay magiging lakwatsero paglaki. Tiningnan ko ang sa akin, wala naman pero tumanda akong mahilig gumala.

Lumaki ako sa Manggahan, tapat ng Kampo Crame. Kahit na sabihin mang kami ang mga unang  napeperwisyo sa tuwing may mga kudetang nagaganap, masasabi kong masarap tumira sa lugar namin dahil malapit sa sibilisasyon.

Humigit-kumulang dalawang kilometro lang ang layo ng Cubao at Greenhills mula sa amin kaya naman kapag bakante at walang ginagawa sa bahay ay doon ang aking puntahan. Bata pa lang ako ay natuto na akong gumala sa kung saan-saan. Nasa ika-limang baytang ng elementarya noong una kong marating, kasama ang aking mga barkada, ang noo'y hindi na ganun ka-sikat at hindi na rin ganun ka-sosing Greenhills. Ganun pa man, kahit na bulok na ang naabutan kong Virra Mall At Shoppesville noon, sikat pa rin ang lugar na ito sa mga baratilyo. Merong "short cut" malapit sa eskuwelahang pinapasukan ko patungo dito. Ang siste nga lang ay delikado itong daanan dahil isa itong sapa na punung-puno ng mga basura at mga naglulutangang tae. Tatalun-talon ka sa mga bato (na parang katulad sa Takeshi's Castle) upang makatawid ka mula Barangay West Crame papunta sa isang lugar malapit sa Club Filipino. Kahit na may peligrong malunod kami sa dagat ng tae ay dito pa rin kami dumadaan dahil nakakatipid kami ng dalawang sakay ng jeepney.

Kung Cubao naman ang pag-uusapan, mas gusto ko itong dayuhin noong aking kabataan dahil mas maraming puwedeng puntahan dito hindi katulad sa Greenhills. Meron ditong mga sinehan tulad ng Quezon Theater, Act, Coronet, Sampaguita, at New Frontier. Matatagpuan din sa Araneta Center ang mga malls tulad ng Rustan's, Ali Mall, SM Cubao, at Farmers Plaza kung saan may mga palaruan ng mga video games.  Ang mga "arcades" ang madalas na dinarayo naming mga bugoy doon.

Maraming mga masasayang alaalang iniwan sa akin ang mga lugar na ito. Nawala na lamang sila sa listahan ng mga paborito kong galaan simula nang magsulputan ang mga dambuhalang malls sa kahabaan ng Highway 54 noong mga unang taon ng Dekada NoBenta.
Robinsons Galleria, 1990

Robinsons Galleria. Ito ay ang pamilihang pagmamay-ari ni John Gokongwei (JG Summit Holdings at Robinsons Land Corporation) na itinayo noong 1990. Natatandaan kong dito nakatirik noon ang "Payanig sa Pasig" bago ito nalipat sa kinatatayuan ngayon ng isang home depot sa Ortigas.

Nasa ikalawang taon ng hayskul noong una kong marating ang paraisong ito. Nabighani at talagang napanganga ako sa itsura. Bukod sa malamig ang lugar dahil sa bagong aircon ay talagang napakalaki ng pagkakaiba sa mga kinalakihan kong malls sa QC at San Juan. Dito ka talaga puwedeng magpalamig sa tuwing mainit ang panahon.

Isang sakay lang ito ng jeepney mula sa St. John's Academy kaya naman kapag may natitirang pera galing sa tinipid na baon ay dito kami dumidiretso ng mga kabarkada kong sina Ryan Clemente at Noel Tugnao. Laos na ang Family Computer, "Street Fighter II" na ang kinahihiligan ng bawat kabataan noong mga panahong iyon. Marami man ang pumipila para sa larong ito, walang problema dahil maraming arcades sa Galle - sa itaas, sa food court, at sa basement. Wantusawa basta meron lang pambili ng Php2.50 na token.

Dito rin sa Galleria ay madalas naming samahang pumunta ang kabarkadang si Rommel Santos sa Filbar's kung saan namimili siya ng mga "trading cards" at mga mamahaling komiks. Paborito rin naming puntahan ang shop ni Gary Lising kahit na padungaw-dungaw lang sa labas dahil hindi puwede ang mga menor de edad sa loob.

Kapag gutom na, tatlo lang ang madalas naming pagpilian. Una ay ang LA Beef Bowl (na ngayon ay mas kilala sa pangalang Yoshinoya). Pangalawa ay ang A&W Hamburger kung saan nakakabili ng pamosong rootbeer float na nagpapasabok ng aking puwet kada iinom nito. Ang huli ay ang Burger King na noong unang nagbukas ay "refillable" ang mga softdrinks.

Sikat na sikat ang lugar na ito noon kahit naman hanggang ngayon. Noong nalaman nila ermats na madalas ako dito, binalaan niya ako tungkol sa taong-ahas na kapatid daw ni Robina, ang anak ng may-ari ng Robinsons. Hindi ako natinag dahil babae lang naman ang kinakain ng halimaw na iyon at wala namang mga "dressing rooms" sa mga arcades.

SM Megamall, 1996

SM Megamall. Kung nalakihan ako sa Galle, mas nagulat ako sa ipinatayong mall ni Henry Sy. June 28, 1991, ilang buwan matapos magpasikat ang higanteng mall sa Ortigas ay nagbukas naman ang pamilihang-bayan ng kumpanyang unang nakilala bilang Shoe Mart.

Simula nang mapuntahan ko ang Mega ay naging paborito ko na ito sa lahat. Mas maraming arcades dito kumpara sa Galle, at mas maraming mapagpipiliang mga laro. Mayroon doon sa bandang food court, sa iba't ibang parte ng basement, sa ika-limang palapag, at doon sa basement sa ilalim ng bridgeway (magkatapat ang mga palaruan dito). Hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng arcades pero ang hindi ko malilimutan sa lahat ay ang huli kong nabanggit kung saan nahuli ako ni manong jaguar na nandaraya sa mga tokens na ginagamit ko. Habang kinakalikot ko ang hulugan at hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya at asar na asar na nanonood sa akin. Huling-huli niya akong gumagamit ng mga pinitpit na piso. Sa unang pagkakataon ay nakatikim ako ng hagupit ng batuta sa aking sikmura. Sarapas!

Mas naging malapit sa akin ang lugar na ito noong ako ay nagbibinata na. Dito kami unang lumabas noong nililigawan ko pa lamang ang aking magiging asawa. Ang una naming pelikulang pinanood nang magkasama ay "Halloween 4", at kumain kami sa "Tia Maria's" na nasa ikaapat na palapag ng gusali. Saksi ang mall na ito sa pang-MMK na love life namin.

Ang pinaka-dinarayo talaga sa Mega ay ang kanilang "Skating Rink". Tambayan ito ng mga magsing-irog, mga jologs, mga metal, mga hiphoppers, at kung sino pa dahil talagang napakalamig sa parteng ito ng mall. Madalas kami sa ikalawang palapag dahil tanaw mo dito ang mga inaabangan naming mga natutumba sa yelo. 

Noong nauso ang "trunk line" ay nalaman ko ang ibig sabihin ng salitang-kantong "eyeball" o EB. Ang Megamall ang isa sa madalas na pagdausan ng mga pagkikita-kita ng mga mahilig dito. Naadik kami sa mga sinaunang chat rooms pero hindi kami nagkaroon ng bayag upang makihalubilo sa mga nandoon sa tapat ng Chowking sa itaas ng skating rink.

Shangri-La Plaza, 1996

Shangri-La Plaza Mall. Hindi nagpahuli sa eksena ang bigatin ding si Robert Kuok ng Kuok Group of Companies na kilala sa buong mundo sa pagtatayo ng mga hotels at resorts, dahil noong November 21, 1991 ay binuksan naman ng kanyang grupo ang isang napaka-sosyal na mall. Ang Rustan's at Crossings ay ang kanilang mga anchor stores, at halos lahat ng mga boutiques sa loob ay branded, kaya talagang masasabi mong "pang-mayaman" ang pamilihang ito.

Ito siguro ang dahilan kung bakit dinarayo ito ng mga artista noon. Dito ko nakita nang personal sina Aiko Melendez at Carmina Villaroel noong nagkaroon kami ng "filed trip" sa "Wax Museum" na nasa itaas na bahagi ng Shang.

Ito ang pinupuntahan namin madalas ng mga kabarkada kong sila Mat, Nezelle, Bryan, Harry at Geline kapag hindi namin trip maglaro ng Street Fighter. Sa Whimsy Land kami tumatambay para magpalipas-oras sa mga larong may napapanalunang mga tiket na puwede mong papalitan ng mga laruan tulad ng stuff toy. Lestsugas na matigas, sa mahal ng mga puntos ng mga laruang naka-display sa kanilang tindahan, ilang pakete lang ng Mentos ang naiuuwi ko.

May nakapagsabi sa amin noon na nandito raw ang "Quantum X", isang reality ride na katulad daw ng "Rialto" ng Enchanted Kingdom. Matagal at ilang beses namin itong hinanap pero hindi talaga namin natunton. Ewan ko lang kung meron talaga nito noon. Sayang at hindi namin natanong sa kanilang concierge.

Ilabas natin sa usapan ang Manuela at EDSA Central, para sa akin ay pinakamaganda ang pagkakagawa ng Shang sa tatlong malls na nasa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue. Nawala nalang ang kinang nito nang maging daanan nalang ng mga bumababa galing sa MRT Shaw Station. Sayang.

Ngayong nandito ako sa lupain ng mga Arabo, mas natutulala ako sa laki ng mga malls na napapasok ko. Ganun pa man, hindi pa rin magbabago ang Top 3 sa aking listahan na kinabibilangan nila Galle, Mega, at Shang!


photo credits: http://www.flickr.com/photos/intervene






19 comments:

  1. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 1:19 AM

    Yung arcade sa Robinsons Galleria, sa foodcourt. It is Zad Zone tapos nagsara ito at naging tindahan na siya ng Motorola at Samsung Mobile at yung sa taas is Dreamscape pero nagsara ito noong 2003/2004 at naging Gbox pero hindi nag-click and transformed into Tom's World adjoining the 1st Philippine Branch of Toys R' Us.

    Sa Gamol, are you referring to Glicos? Yung nasa 5th floor.
    Sa skating rink, is it Worlds of Fun or Club Synergy? Its sad nga lang na SARADO na ang skating rink sa Gamol at naging events center. Ngayon parin Timezone and WOF yung nasa baba.

    Grabe, nakakamiss talaga ang Dreamscape. I remember noong nasa Cebu pa ako nakatira tuwing Christmas season, pupunta kami ng Galle para lang sa DS.

    Pero ang dali pumunta ng Galle from Marikina kaso dadating ka doon ng basa pero de-aircon naman sa loob so okay lang.

    ReplyDelete
  2. Di ako sure kung Zad Zone na ang tawag sa kanya noong time ko. Pero malamang ay pareho tayo ng tinutukoy. Yup, DS is the best amusement park sa Robinsons. Sayang lang at nawala ito. 'Di rin naman kasi kaganda ang Toys R' Us na malaki pa naman ang expectation ko.

    Yung sa Gamol, tama ka sa Glico's. Kaso wala na rin 'yun di ba? Sayang naman at nawala na rin ang skating rink sa Gamol. tambayan pa naman naming mga jologs yun. Ang galing ng WOF at Timezone, buhay pa rin hanggang ngayon.

    'Di mo naabutan ang Whimsyland sa Shang?

    Grabe, kung magka-age tayo ay malamang na kasama ka naming tumatambay sa mga arcade!

    ReplyDelete
  3. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 2:00 AM

    Eh kung nakatira ako sa Marikina during that time. That time, Glicos Ayala Cebu was the best, sa Ayala Center Cebu then it was replaced by Timezone which until now it is operating. Sa SM Cebu naman, Bibbo and WOF ang malalakas doon.

    I think I went to Whimsyland. Pero yung hindi ko malimutan na attraction sa Shang ay yung Ripley's Mini-Museum.

    ReplyDelete
  4. yup, the best din ang Ripley's. Ewan ko lang kung naabutan mo ang Wax Museum. Astig din yun.

    ReplyDelete
  5. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 9:34 PM

    Yah. Ripley's was the best. Hindi ko alam yung Wax Museum. Yun ba ung Madame Tussaud's?

    I remember playing Daytona USA,SF2,DDR and other games. Pero ngayon, I can play them at home dahil sa mga emulator.

    Kahit keyboard nga ayos lang pero bitin ang arcade experience pero hindi ako nabigo ni CDR-KING kasi affordable naman ang steering wheel,light gun at arcade stick.

    Sorry kung nagfoflood na ako ng comments in different topics.
    It's also nice to share ideas with others

    ReplyDelete
  6. perry, i really appreciate your comments. ok lang mag-flood basta huwag spam. hehehe.

    ok mga ang mga emulators ngayon. na-try mo na ba ang MAME? ok 'yun for old skul lovers!

    ReplyDelete
  7. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 11:42 PM

    I only use MAME for 80s arcade games.
    I use specific emulators for CPS1/2/3,NeoGeo,Model 2 at iba pang hardwares.. Kasi may kulang sa MAME na kaya ng mga specific emulators.

    DoA,Daytona USA,GunBlade works really fine on Model 2 Emulator.. Pwede pa iupscale to 720p and 1080i HD..

    I wasn't impressed on Street Fighter 4/Super SF4. Parang nagiba na ang lahat, gaya-gaya na sa Tekken. Mas gusto ko pa ung 2D.

    Tekken and Virtua Fighter ang nararapat na fighting game in 3D.

    ReplyDelete
  8. wow parekoy, you sure do know a lot on these emulators and arcade stuff. educate me more. gusto ko rin ng ganyan!

    ReplyDelete
  9. Perry The PlatypusMay 27, 2010 at 12:30 AM

    You need a .rom file for each game.
    Sa romhustler.net,romnation.net or coolrom.com ako usually nagdodownload ng roms.

    Kung trip mo ay Daytona,House of The Dead,Virtua Fighter - Model 2 emulator is the best solution for that
    http://nebula.emulatronia.com/descargas.php

    Kung trip mo naman ay Capcom or SNK games. Nebula,WinKawaks & FB Alpha is the best partner for that. Pwede rin ang MAME pero mas user-friendly ung mga emulators na yan.

    Noong 1st time kong subukan ang arcade emulators, grabe talaga ang inis ko doon. Pag load ko ng game sabi "INSERT COIN". Malay ko ba na ganun pala yun pero unahin mo yung button configuration bago ka maglaro. Iba ang button configurations sa isang game so be careful.

    ReplyDelete
  10. nice perry! at least ngayon ay 'di lang MAME ang alam ko. thanks talaga for these infos.

    ReplyDelete
  11. Syempre.. Pati console emulation nagagawa ko rin, from Atari 2600 to Nintendo Wii. Nung Y2k pa ako na-expose sa emulation dahil nung may nabili akong CD ng Pokemon, akala ko PC game sya ng Pokemon, un pala emulators & rom set.
    Panahon pa na dial-up pa ang internet noon, nagtitiis ako para matapos ang isang download, doon ko narin natuto gumamit ng download manager para kahit papano mapadali yung proceso. During that time, available na rin ang DSL pero for corporate lang ang target at hindi sa consumers.

    Mas ginusto ko yung mga user-friendly emulators than MAME dahil ilang arcade games na incompatible or mabagal ang process, napapagana o napapabilis nila.

    By the way, nakita mo na yung mga links na binigay ko sayo.. If you reply, dadamihan ko pa ng links of commercials from the 90s. In fact, kilala ko ang producer ng commercials na yun. Currently, he makes TV ads for Charice.

    -Perry the Platypus (nagloloko yung comment box eh).

    ReplyDelete
  12. nice to hear from you again. 'di ko mahanap yung cahannel ni quickbrownfox sa YT. pwede mo bang ibigay yung link mismo? yung mga rom sites, napuntahan ko na sila. thanks for that. may alam ka bang emulator for run and gun? ayaw kasi gumana sa mame.

    btw, you seem so knowledgeable pagdating sa mga ganito. baka gusto mo magsulat for my other blog. sa b'log ang mundo (http://myofwdiaries.blogspot.com). anyhing goes kasi doon kaya pwede kang maging team member if you like. email mo lang ako para ma-invite kita. negativejay@yahoo.com

    ReplyDelete
  13. Perry The PlatypusMay 29, 2010 at 6:39 AM

    I appreciate that.. Thanks pero if you are confused sa sinulat ko, meron namang mga tutorials sa YT or ibang sites.

    Here is the site to the quickbrownfox videos (marami yun, tignan mo nalang ang comment ni pcvirushater about the ad time para ads nalang ang makita mo doon)
    Ito na (it has 6 parts so hindi ka mabibitin):
    http://www.youtube.com/watch?v=oJ-cqwx-xKY
    http://www.youtube.com/watch?v=zlNx_oT-zCk

    The others :
    http://www.youtube.com/watch?v=4L6RMJufEYU
    http://www.youtube.com/watch?v=Lg6bJkgtzz8

    Tignan mo narin yung channel ni tdo888/NZC50th sa YT

    ReplyDelete
  14. thanks perry, check ko later sa bahay pag-uwi!

    ReplyDelete
  15. Perry The PlatypusMay 29, 2010 at 5:47 PM

    Meron akong ad na hinahanap sa YT, pero ngayon hindi parin natutupad.

    Kung naalala mo yung commercial ng Promil or Progress ni Shaira Luna, ung nagtutugtog ba yun? Nakita ko pa kasi yung print ad niya, hindi ko lang matandaan kung nasaan?
    Bilib kami sa talino niya pero nagiba na ang views ko sa kanya dahil hindi niya na tinapos yung medicine course niya at nag-freelance photography nalang siya. Depression at big expectations ang nagdulot sa kanya nito according to her interview.

    Papayagan ka tdo888/NZC50th na i-feature ng ads niya sa blog mo, sabi niya "It is for posterity's sake". Ang galing niya gumawa ng ads eh. Sige maghahanap pa ako para marami ka pang ideas.

    ReplyDelete
  16. yup, naaalala ko si shaira. sayang naman yung bata. well ganun talaga kapag sobra ang expectations from you. mape-pressure ka talaga. too bad...tsk tsk tsk

    naka-subscribe na ako sa mga recommended channels mo. check ko nalang later yung mga uploads nila

    ReplyDelete
  17. Dreamscape nga ang okay noon sa galleria, after makapamasko ay doon ang takbo para sa games and excitement, wala na to ngayon, nakakasad, pero may tom's world na kapalit at toys r us.

    ReplyDelete
  18. mas gusto ko pa nga noong odyssey ang tom's world. sayang talaga ang dreamscape dahil 'di na-enjoy ng mga mas bata sa atin!

    ReplyDelete
  19. Rhino's Arcade yung sa Gale dati. Classmate ko may ari nun kaya free2play kami that time. Minsan naman sa bahay nila kami naglalaro para walang istorbo. Hehe. Tinapos namin yunh Aliens vs Predetors,Uncanny X-Men at Gun Blade. Solid yung Daytona kasi di pa uso ang frifting eh may drift na sila. Actually yun ang technique para sulit yung 3 piso mong token eh. Hehe. Tapos yung Marvel Superheroes naman eh yung 99 hit combo ni Wolverine. Walang kupas,hanggang X-men vs Streetfighter eh carry over. Lumaban pa ako dati sa Game Master arcade sa 4th flr ng Gale,2nd year high school ako nun. Premyo ko bilang 2nd place eh 300pcs na token saka isang case ng coke in can. Pero astig na yun dati kasi bragging rights sa school yun eh. Hahaha!

    Those were the days pare! Hindi kayang tumbasan ng Ipad,Iphone,DOTA or Hyden Kho scandal. Taob pa din sya sa Anjenette Abayari Scandal sa betamax. Hataw!

    ReplyDelete