"Isa kang Batang 90's kung naniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons."
"Dito sa Saudi, nakakakalbo ang tubig...", ang narinig kong kuwento mula sa isang tumanda na dito.
Hindi ko alam kung mayroong sapat na batayan pero minsan ay gusto ko nang maniwala sa tubig na nakakalagas ng buhok dahil kung papansinin mo nga ang mga retiradong galing dito, puro shaggy ang buhok... shagilid nalang!
"Hala ka, lalabas diyan ang kinain mo...lalabas yung pari...lalabas yung tren...", pananakot ng mga matatanda sa mga nasugatang bata.
Nakanamputs naman, saan ba nagmula ang pauso nating mga Pinoy na mayroong sugat na nagsusuka ng kanin? Itinuro naman sa mga paaralan na magkaiba at circulatory at digestive systems.
Urban Legends - mga kuwentong pilit na pinapaniwalaan pero wala namang katotohanan. Sa madaling salita, tsismis lang na pambansang libangan nating mga Pinoy. Ang lufet ng imahinasyon ng mga ninuno natin para takutin tayo na kapag lumabas ng bahay ay may mumo o pulis na kukuha sa iyo. Kaya siguro "gullible" ang karamihan ay dahil pinalaki tayo sa kasinungalingan. Nakakatawa nga namang tingnan ang isang paslit na nanginginig habang pinapaiyak. Letsugas.
Noong Dekada NoBenta, maraming kumalat na kuwento na siya namang pinaniwalaan ng karamihan. Ang masaya nito, isa ako sa mga nauto ng mga tsismis na pinag-usapan ng mga kalahi ni Cristy Permin.
Ang Alamat ng Pregnant Kisses
Nasa ika-limang baytang ng elementary ako nang mauso ang air freshener na kung tawagin ay "kisses". Maliliit na butil ito na parang munggo, gawa sa plastik, at talagang nakakaadik ang bango. Kumalat sa lahat ng estudyante na kapag inalagaan mo nang mabuti ang mga iyo ay manganganak sila at dadami. Iyon ang sabi ng tinderong may de-tulak na toy store sa labas ng eskuwelahan namin. Nag-alaga kami ng utol kong si Pot dahil lahat ng mga bata sa iskul bukol ay meron nito. Nilagyan namin ng bulak at baby powder ang Kodak film canister na nagsilbing bahay nila.
"Uy, ang laki na ng isa mong kisses. Manganganak na yan.", pa-cute na sabi ng bebot kong klasmeyt.
"Oo nga ano, ang laki-laki na!", mas pakyut kong sagot kahit na alam kong hindi naman talaga malaki.
Manganganak na ang misis ko sa susunod na taon pero dalawampung piraso pa rin ang kisses namin ni utol. Kung buhay pa ang guro ko sa nursery, baka napingot na niya ako nang wala sa oras at ipinaalala ang pagkakaiba ng "living things" at "non-living things".
Ultimate Popper
Sino ba naman ang makakalimot kay Ultimate Warrior ng World Wrestling Federation? Naadik ang mga Pinoy sa wrestling noong kapanahunan ko. Palibhasa ay sa Channel 13 lang napapanood ang WWF noon, hindi malaman ng mga kelots kung namatay nga si Warrior sa laban nila ng "8th Wonder of the World" na si Andre the Giant. Ayon sa mga kuwento, sinubukan daw niyang buhatin ang higante para gawin ang isa sa kanyang mga signature moves na "powerslam". Masyadong mabigat ang dambuhala kaya pumutok ang mga ugat niya sa mga braso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Meron din akong narinig na kuwento sa aking kaklase na kaya raw namatay si Warrior dahil inilagay siya ni Undertaker sa kabaong at inilibing ng buhay. Isa namang bersyon pa nito ay ang patawa na nagbuhat daw si Warrior ng barbel. Hinubaran siya ni Hulk Hogan kaya hinabol niya ang kanyang trunks. Dedbol kaagad nang madaganan ang kanyang batok ng mabigat na binubuhat.
Ang pinakasikat na kuwento sa lahat ay ang mahigpit na pagkakatali ng kanyang mga "tassels" sa braso. Naging sanhi daw ito ng hindi pagdaloy ng dugo na naging dahilan naman ng kanyang pagkamatay.
Ang daming kuwento na wala namang kuwenta. Ganun talaga kapag sikat ang isang tao. Ayon kay pareng Googs, nagsimula ang kuwento nang mawala siya sa WWF noong 1991 dahil sa hindi nila pagkakasundo ni Vince McMahon. Matapos ang ilang buwan ay bigla siyang bumalik siya sa "Wrestlemania VIII" noong 1992 upang sagipin si Hulk Hogan kina Sid Justice at Papa Shango. Nang makita ng mga manonood ang lumabas na Warrior, napansin nilang maigsi ang buhok nito at mas payat. Naging sentro ito ng mga usapan at kumalat ang haka-hakang isang impostor ang ipinalit sa orig na wrestler.

Manananggal Terrorizes Manila
Isa sa mga pinaka-klasik na kuwento ng dekada. Ang totoo, matagal na ang kuwentong ito na nagmula pa sa mga naunang dekada. Nabulabog kami sa Mangoville noong sumiklab ang balitang may manananggal daw sa lungsod ng Maynila. Nagkataong maraming buntis noon sa lugar namin kaya naman sa lahat ng mga bahay ay may mga nakasabit na bawang para hindi makalapit ang tik-tik na ka-tandem ng halimaw. Kada gab ay may mga tomador at adiktus na rumoronda sa lugar namin upang bantayan ang aming lugar laban sa mga kampon ng kadiliman.Masyado itong pinaniwalaan ng madla kaya nakinabang ang mga tabloid sa istoryang ito. Natatandaan ko noon ang isang balitang may sumabit daw na manananggal sa malaking billboard sa Guadalupe. Meron din naman daw natagpuang walang-buhay nang manananggal na nabuhol sa mga kable ng kuryente ng Meralco.
Kapag naiisip ko ang mga nilalang na ito, ang naaalala ko ay ang pinakaunang "Shake, Rattle and Roll" kung saan nakakatakot at kapani-paniwala ang pagganap ni Irma Alegre bilang manananggal. Noong 1997, nagkaroon ng pelikula hango sa mga tsismis na ito, ang "Manananggal in Manila" kung saan si Alma Concepcion naman ang gumanap sa halimaw.
Snake Charm
Kahit na anong kuwento ang kumalat tungkol sa Galleria, hindi ako naapektuhan dahil wala namang taong-ahas sa arcades na kakain sa amin ng mga ka-tropa ko. Ayon sa kuwento, may kambal daw si Robina Gokongwei at ito ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating ahas. Dito daw nanggagaling ang yaman ng pamilya nila dahil nangingitlog ito ng ginto. Nakatira daw ito sa basement ng Robinson's Galleria at ang kinakain ay mga magagandang kababaihang nagsusukat sa mga dressing rooms na may trap doors. Kapag trip niya ang bebot na nakikita sa kanyang monitor, isang pindot lang ng buton ay napupunta na ang biktima sa kanyang lungga. Isa sa mga sinasabing muntik nang maging biktima nito noon ay si Alice Dixson. Binigyan daw siya ng mga may-ari ng malls ng isang blank check para lang manahimik.
Noong 2008 ay nagbigay si Robina ng isang talumpati sa UP School of Economics at isa sa mga nabanggit niya ay ang tungkol sa urban legend ng kanyang kakambal at ito ang kanyang sinabi:
Noong 2008 ay nagbigay si Robina ng isang talumpati sa UP School of Economics at isa sa mga nabanggit niya ay ang tungkol sa urban legend ng kanyang kakambal at ito ang kanyang sinabi:
“You were not born yet when the story of my kakambal na ahas who was half-woman, half-snake came out when we opened our second Robinsons Department Store branch in Cebu in 1985. My kakambal was supposed to be the source of our wealth as she laid golden eggs. She was supposed to be hiding under the floor of the fitting rooms, and every time a beautiful woman would enter, the floor would open and she would land right inside the mouth of my kakambal na ahas.
I have no idea who started this incredible story, but I have to tell you that some people believed it and even started staring at my legs to see if there were any signs of snakeskin. A few people still ask me about it, and I have to tell them na naging handbag na ho sa Robinsons Department Store."
AIDS to the World
May grupo yata talagang nagpapatakbo ng mga kuwentong-kutsero. Halos magkasabay na kumalat ang kuwento tungkol sa kambal ni Robina at kuwento tungkol sa isang taong may sakit na AIDS na gumagala sa Megamall para manghawa. Madalas daw itong binibiktima sa mga elevators gamit ang hiringgilyang naglalaman ng kanyang maruming dugo. Kung ikaw ang suwerteng matuturukan ng karayom, jackpot ka sa sakit na noon ay talagang kinakatakutan. May isa pa itong bersyon kung saaan nag-iiwan daw ng mga HIV-infected na karayom ang may pakana sa mga upuan sa sinehan.
Marked Money
Dawit ulit ang pangalan ng mall ng aking Tito Henry. Kumalat ang balitang mas malaki raw ang halaga ng mga perang may commemorative seal ng sentenaryo. Binibili raw ng SM ang mga pera ng doble o triple ng halaga nito. Marami ang umasa at naniwala kaya kahit wala nang panggastos ay pilit pa ring hindi winawaldas ang mga markadong papel.
Napakarami pang mga kuwentong puwedeng isali sa "That's Incredible!" ang Dekada NoBenta. Kasama rin dito ang balitang mga bading daw talaga ang Spice Girls at racist si Tommy Hilfiger dahil ayaw niya ng mga modelong Asyano lalo na ng mga Pinoy. Sa lahat ng mga kuwentong hindi kapani-paniwala, isa lang ang aking pinaniwalaan - ang "Year of the Beast". Ayon sa mga pilosopo Tasyo at mga tsismoso sa barberya, may masama raw na nangyayari tuwing ito ay magaganap. Ang unang pagkakataon ay noong 666 A.D., ang pangalawa ay noong 1332 A.D., at ang sunod na taon ay 1998.
Tama sila sa hula. Naging presidente si Erap!
takot nga kong umupo sa sinehan kasi sabi nila may nakalawit na syringe dun eh. tutusok daw sa pwet ko tapos magkaka-aids daw ako.
ReplyDeletewahaha, akala ko talaga living things ang kisses e. grabe yun, ang daming naniwala dun.
- tenco
isa ako dun! hahaha!
DeleteAKO RIN HAHAHAHA!!!:)
Deletelahat naman tayo, nauto ng mga tinderong may kariton toy store sa labas ng gate ng iskul natin...hahaha
ReplyDeleteHAHA. akala ko din nanganganak talaga yun. Parang adik lang. Andami ko pa namang binibili, pati bulak namin ubos na.
ReplyDeletetalagang nakakaadik ang kisses. sarap amuyin nito. sobrang sarap, nasinghot ng pinsan ko. buti nalang may sipon siya kaya 'di bumara...
ReplyDeleteSi Gloria Arroyo A.I.D.S.
ReplyDeleteNICE NAMAN.... AYOS NA AYOS GYUD!
ReplyDeletekaadik nga lang talaga..hehehe
ReplyDeletehahaha, yang kisses,sabi nga manganganak da,ilagay daw sa bulak,naniwala naman ako, hinintay kong manganak yung isa kasi ang laki niya, hanggang sa nainip ko, tinusok ko na ng karayom wala namang nanyari, kinagat ko, ayun... nanganak, kasi nahati siya sa dalawa.hahahaha
ReplyDeletegusto ko po ang sinulat nu about 90 dekada kaya lg pangit naman po nanira pa kayo pagdating sa dulo lolz..
ReplyDeletetotoo, grabe! dapat lagyan ng bulak ung lalagyan ng kisses para manganak! :D
ReplyDeleteung akin di qu binili. premyo qu dun sa bunutan ni manong bunot/palamig/mangga/singkamas//burger/tex/pogs/holensszzzzss/robot/mani/kornik/charon/chicha/beans/atbp. haha
ReplyDelete