"Isa kang Batang 90's kung alam mong mas napalapit si Erap sa masa dahil sa kanyang 'carabao English'."
Noong ako ay nasa ika-tatlong taon ng hayskul sa St. John’s Acdemy, may isang librong lubos ko talagang naibigan. Sa sobrang pagmamahal ko dito ay paulit-ulit ko pa ring binabasa ang 111-pahina nito tuwing oras ng pahinga sa tanghali kahit na tinapos ko na itong basahin noon pa sa loob lamang ng ilang minuto. Ang totoo, hinihiram ko lang sa kaklase kong si Pay De Guzman ang aklat na tinutukoy ko. Natatandaan kong ito rin ang iniregalo niya sa isang ka-batch namin sa eskuwelahan kahit na alam naming magkakaibigan na meron na siyang kopya nito.
July 1994 ay lumabas sa mga pinakamalapit na bookstores ang "ERAPtion: How to Speak English Without Really Trial", isang paperback sa panulat nina Emil P. Jurado at Reli L. German. Ang mga gumuhit ng mga larawan at nagdisenyo ng pabalat ay sila Larry Alcala, Roddy Ragodon, Hugo Yonzon, at Noel Rosales.
Koleksyon ito ng mga biro sa pagsasalita ng Ingles ng noo'y bise-presidenteng si Joseph Estrada. Kung mayroon nang text messages noong mga panahong iyon, malamang sa alamang ay mga "Erap Jokes" mula sa librong ito ang magiging ang laman ng mga celphone niyo.
Sa pagkakatanda ko, sumikat ang librong ito at isa sa mga naging "bestsellers" sa National Bookstore. May nabasa akong isang artikulo tungkol dito at sinasabing ang mga nakuhang bayad ni Erap mula rito ay napunta sa "Erap Para sa Mahirap Foundation". Hindi ko lang alam kung gaano ito katotoo. Sayang dahil hindi ako nagkaroon ng orig na kopya nito dati. Isa na itong "collector’s item" sa ngayon at maniwala man kayo o hindi, may nakita akong nagbebenta nito sa internet sa halagang tatlong libong pesotas.
Ang eskuwelahang pinapasukan ko noong hayskul ay istrikto sa paggamit ng wikang Ingles. Hindi ka na magugulat kung makakarinig ka ng mga batang nakapila sa kantina ng “Manong, one order of pancit please.”. Aaminin ko, kaya ko nagustuhan ang Eraptions dahil isa ako sa mga masang nahihirapan noon na maging “spokening dollar”. Kapag binabasa ko ito ay naaalala ko ang mga unang taon ko sa SJA - galing ako sa isang public school kaya naman nagulantang ako nang lumipat sa isang private school na hinahasa ang mga mag-aaral na mahalin ang wikang Ingles kahit na pinagsabihan na sila ni Rizal na ang mga gumagamit nito ay mas masahol pa sa hayop at malansang isda. Masasabi kong ako ang pinaka-engot sa aming barkadahan pagdating sa signaturang ito. Literal na medyo nanginginig ang tumbong ko sa tuwing oras na ng pagtuturo ni Mr. Aguila, ang guro namin sa Balarila sa Ingles!
Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si Erap na mailimbag at ilabas ang librong ito gayong puro patama ito sa kanya. Kahit na nakakatawa ay nagmukha siya talagang tanga o bobo sa mga biro. Ang alam ko pa nga ay inindorso niya pa ang librong ito sa masa. Sa kasikatan ng mga Erap jokes ay biglang bumalik ang mga biro naman sa katangan ni Alma Moreno. Pinaglaruan silang dalawa at nagkaroon ng mga kuwentong katulad ng sa "Battle of the Brainless" na pinauso ng Tropang Trumpo.
Kung akala natin ay bobo si Erap, nagkamali tayong lahat. Isa siyang henyo dahil isa ang librong ito sa mga bagay na ginamit niya upang mas makuha ang simpatya ng masa. Iyon ang gusto ng dating aktor, ang maging "punching bag" ng mga edukado at mayayaman upang kampihan ng mga mahihirap na malaki ang porsyento sa Pinas. Nakakita ng tagapagtanggol ang mga inaapi sa katauhan ni Estrada.
Ano ang panama ng talas sa pagsasalita ng Ingles ng mga kandidatong tumakbo noong 1998 sa "landslide victory" ni Erap sa pagka-presidente?
Malaki ang naging pakinabang ng librong ito sa mga pagkakataong kailangan kong bumida sa pagpapatawa. Naging baon ko ito sa mga inuman, tambayan, at kung ano pang simpleng kuwentuhan. Ang pinakamagandang naging gamit ng Eraption para sa akin ay noong dumidiga pa lang ako sa aking magiging nobyang asawa ko na ngayon. Kasama kong tumatambay ang mga kabarkada kong sila Nezelle, Mat, Bobot, Harry, Geline, at Bryan sa labas ng kanilang bahay upang makipagkuwentuhan sa kanya. Makita ko lang ang matatamis na ngiti ni Yayeng sa tuwing naririnig ang aking mga dalang mais na Erap jokes ay masaya at kumpleto na ang araw ko.
Kung hindi dahil kay Erap, malamang ay hindi kami nagkatuluyan ng aking labs.
Heto ang ilan sa mga naaalala kong patawa mula sa libro. Hindi ito ang eksaktong mga salita pero halos ganito ang kuwento.
Sa Isang Resto
Guest: Ano ba ang difference ng potato at mashed potato?
Erap: Ito, potato (habang itinuturo ang kanyang puting wrist band). Ito, mashed potato ( habang itinuturo ang mas maputing kulay ng kanyang manggas).
Sa Sinehan
Lumabas minsan si Erap at ang nagbibinatahng si Jinggoy.
Attendant: Sir, I’m sorry, hindi pa po puwede ang anak niyo na manood ng pelikulang ito.
Erap: Bakit naman?
Attendant: Sir, 18 and above po ang palabas na ito.
Erap: Ganun ba, hindi mo naman kaagad sinabi eh.Inutusan si Jinggoy.
Erap: Anak, magtawag ka pa ng sixteen na kasama para makapasok tayo!
Sa Isang Beach Resort
Nagising si Erap sa kanyang siyesta at nagulat nang malamang iniwanan siya ng mga kaibigan upang mamangka.
Erap: (Sumisigaw at kumakaway sa mga kasama) Hoy, balikan niyo ako! Sasama ako sa inyo!
Bodyguard: Sir, hindi na nila kayo maririnig dahil malayo na sila.
Erap: Oo nga pala. Iabot mo sa akin ang antipara!
Nang makuha ay ginamit niya ito at sinigawang muli ang mga kasama.
Eh ‘di malapit na!
Eh ‘di malapit na!
Sa Beach Pa Rin
Erap: Hindi na nila talaga ako binalikan.
Bodyguard: Sir, mag-babe watching nalang tayo!
Tinging-tingin sila. Tumambay ang dalawa malapit sa mga banyagang turista at nakakita sila ng mga naggagandahang babaeng nagbibilad sa araw. Sa hindi kalayuan ay may narinig silang mga puting nagkokomento sa mga seksi.
Tinging-tingin sila. Tumambay ang dalawa malapit sa mga banyagang turista at nakakita sila ng mga naggagandahang babaeng nagbibilad sa araw. Sa hindi kalayuan ay may narinig silang mga puting nagkokomento sa mga seksi.
Kano 1: Awesome!
Kano 2: Bodacious!
Kano 3: Cool!
Nag-isip kaagad si Erap ng masasabi upang hindi mapahiya.
Nag-isip kaagad si Erap ng masasabi upang hindi mapahiya.
Erap: Subterranean!
Bumulong ang alalay sa amo nang marinig ang komento nito.
Bumulong ang alalay sa amo nang marinig ang komento nito.
Bodyguard: Sir, ano ang ibig sabihin ng sinabi niyo kanina? Ang lalim ng bokabularyo niyo ha!
Erap: Hindi ko rin alam eh. Basta, sarap tirahin niyan!
Si Erap Kausap ang Isang Tomboy
Woman: You know, I'm a lesbian.
Erap: Ano ba ang lesbian?
Woman: I love making love with a sexy girl, undress her, kiss and embrace her.
Erap: Hehehe, ako rin lesbian din pala ako katulad mo.
Si Erap sa Isang Zoo
Minsan ay pumasyal si Erap sa Australia. Paglabas niya sa zoo ay may sumalubong sa kanyang isang mamamahayag na Pinoy.
Press 1: Sir, ano ang paborito niyong hayop na nakita sa loob?
Erap: Lahat ay maganda, pero paborito ko ay ang danggerus.
Press 1: Sir, baka kangaroos ang ibig niyong sabihin?
Erap: Marunong ka pa doon sa nakalagay na karatula! Ang sabi doon ay “Don’t feed the animals, it’s dangerous!
Sa Zoo Pa Rin
Tour Guide: Sir, this is what you call an octopus.
Erap: That’s cool! I didn’t know that they have eight testicles!
Kung sa biruan lang ang usapan, sigurado akong pinasaya ni Erap ang sambayanan. Hindi lang pang-aksyon kundi pang-komedya rin ang bida!
Kung sa biruan lang ang usapan, sigurado akong pinasaya ni Erap ang sambayanan. Hindi lang pang-aksyon kundi pang-komedya rin ang bida!
Ikaw, ano ang paborito mong Erap joke na naitatago?
ohmaygosh, Johnite ka din! :) hehe.
ReplyDeleteLet's sing a song for ol' St. John's..
ReplyDeleteSi Erap at ilang miyembro ng PSG kumain sa isang sikat na restaurant.
ReplyDeletepagkatapos kumain , kinuha na yung bill...
Erap: Bakit ang laki ng bill namin?
Waiter: Eh sir dahil po sa 'ambiance'.
Erap: (Galit na tinanong yung mga PSG) Sino ka inyo ang kumain ng ambiance?
Question: paano malalaman kung si erap ang gumamit ng computer?
ReplyDeleteAnswer: may liquid paper yung monitor.
I want to buy this book. Mayron pa to sa national book store?
ReplyDeleteI'm Sonja McDonell, 23, Swiss Airlines Stewardess with current 13 oversea towns, very tender with much fantasies in my wonderful job. I search lesbian girls in the Philippines.
ReplyDeleteSonjamcdonell@yahoo.com