"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga unang nanabik noong pumutok ang balitang magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads."
Isang taon na pala mula nang yanigin ng Eraserheads ang Pinas sa kanilang "Reunion Concert" na ginanap sa Bonifacio Global City Open Grounds. Ginulat ng Pinoy Fab Four ang masa nang sila ay magsama-samang muli upang tugtugin ang kanilang mga klasik hits sa isang hindi malilimutang gabi.
Hindi ko na matandaan ang eksktong detalye kung paano ko nalaman ang balita tungkol sa isa sa mga pinakamalaking gig na magaganap sa industriya ng musikang Pinoy noong nakaraang taon. Sa pagkakaalala ko ay naghahanap lang ako ng litrato nila Ely para sa desktop ng aking kompyuter at aksidenteng napadpad ako sa pook-sapot ng Philmusic kung saan may isang forum tungkol dito. Nang mabasa ko ito ay parang gusto kong sumigaw at maglulundag nang wagas dahil sa kasiyahan. Hindi ko na namalayang nagpadala na pala ako ng sangkatutak na mga text messages sa aking mga kaibigan, kamag-anak, kakilala, at mga kaaway. Sa wakas, mangyayari na ang inaasam ng isang Eheads fan.
Ang internet ang unang lugar na pinuntahan ng karamihan upang kumalap ng impormasyon tungkol sa konsiyerto. Ayon sa Philmusic, libre daw ito para sa mga masugid na tagahanga ngunit kailangang magparehistro sa "Red Nation" na isang pahina sa pook-sapot ng Marlboro Philippines. Ilang beses kong binalik-baliikan ang sinasabing site ngunit lagi namang "down" ang "server" dahil sa dami ng mga "clicks". Nang makapasok sa RN ay biglang bumulaga sa akin ang mukha ng isang lalaking nanalo sa isa nilang pakontes.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon at dali-dali akong nagparehistro. Medyo pahirapan ang proseso nila dahil kailangan pang magpadala ng "scanned copy" ng iyong ID upang mapatunayang hindi ka isang menor-de-edad.
Makalipas ang ilang araw ay may natanggap akong isang text message na nagsasabing opisyal na daw ang aking pagkakarehistro sa Red Nation. Siyempre, sa tuwa ko ay bumisita akong muli sa kanilang site upang tingnan ko ano na ba ang pinakabagong impormasyon tungkol sa gig. Wala akong nakita doon kundi 'yung mukha pa rin ng lalaking nanalo sa kanilang pakulo.
Sobrang pinanabik ng gig na ito ang sambayanang Pinoy kaya naman maraming mga haka-haka ang kumalat tungkol dito. Kesyo bibigyan daw ng Marlboro ng tigsa-sampung milyong pesotas ang bawa't miyembro ng Eheads para sa isang gig na tatagal lamang ng apatnapu't limang minuto. Marami ang nagsasabing sa CCP Complex daw ito magaganap. Sabi naman ng iba ay hindi raw kailangang magparehistro dahil ang tiket daw sa konsyerto ay 'yung isandaang pisong papel na may "UP Centennial commemorative seal". Medyo nataranta ako noong makakita ako sa internet ng isang litratong nagpapakita ng tiket nito. Potah, malaman-laman ko ay peke pala!
Ilang araw bago dumating ang petsa ng konsiyerto ay lumabas na rin sa radyo, sa teevee, sa mga pahayagan, at sa internet ang katotohanan. Marlboro nga pala dapat ang major sponsor nito ngunit sila ay bumitiw dahil sa pakikialam ng Department of Health. Nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ang dalawang panig tungkol sa isyu ng paninigarilyo. Kung sila raw ang magiging sponsor ay maeengganyong manigarilyo ang mga dadalo rito. Hindi ko maintindihan ang kababawan ng mga tao sa DOH. Bakit ang mga kumpanya ng alak, pinapayagan nilang magtanghal ng mga rakrakan?
Awa ng Diyos, matutuloy pa rin ang reunion at magaganap ito sa Taguig sa pamumuno ng Radiohead Production. Ang siste ng lang, hindi na ito libre - eight hundred petot para sa general admission at one thousand three hundred naman ang bayad kung gusto mo sa bandang harapan.

Sabado, Eheads Day. All roads lead to BGC Open Grounds.
Nagpaalam ako sa trabaho kung puwede akong umuwi nang maaga dahil ala-sais ng gabi ang gig. Sa Cavite pa ako manggagaling kaya ayokong abutan ng matinding trapik sa Coastal Road. Nauna na ang mga kasama ko sa lugar – ang asawa ko ngayon na noo'y nobya ko pa lang at ang kapatid niyang si Sarah, at ang kaibigan kong si Frankie kasama ang kaibigan niyang si Jeff.

Doon pa lang sa terminal ng mga bus sa Ayala papuntang Global City ay sandamakmak na ng mga makikitang papunta sa konsyerto. Makikita at maririnig mo sa mga nakapila ang pananabik sa gabing magaganap.
Pamatay ang trapik, sobrang buhol-buhol kaya naglakad na nga lang ako noong natatanaw kong malapit na ako sa lugar. Hindi ka naman maliligaw dahil may mga tarpaulin na magtuturo papuntang concert venue. Ang siste nga lang, magdadalawang-isip ka dahil walang “s” ang "Eraserhead" nito. Nakarating naman ako nang matiwasay, tanga lang talaga ang inutusang magpagawa ng signage.

Nang dumating ako sa gate ay nagwawala na ang mga kasama ko dahil halos ala-sais na. Nagmamadali kaming pumila at nagpakapkap sa mahigpit na mga sekyu. Bawal ang mga bote ng tubig. Bawal ang mga pabango. Bawal ang mga matutulis na bagay. Kahit ang tigsi-singkwenta pesotas kong sinturong may malufet na buckle ay hindi pinaligtas ng mga dambuhala at astiging bouncers. Ang daming bawal kahit na wala naman akong natatanaw na mga bollocks.
Pagpasok sa general patronage area ay nalaman naming hindi matatanaw ang entablado. Mabuti nalang at may mga widescreen monitors sa kung saan-saan. Kaunti lang din ang bilang ng mga nakita kong dumalo. Siguro dahil na rin sa hindi inaasahang anunsyo na may bayad na ang gig. Ayon sa tala, nasa 20k ang mga taong naroon.
Ala-sais na ay hindi pa rin nagsisimula. Naghihintay pa siguro ng mga hahabol na manonood. Pumuwesto kami sa pinaka-pagitan ng general admission at front area. Tumingin-tingin sa paligid sa pag-asang baka may makitang kakilala. Wala akong nakita, malamang ay nandoon sila sa harapan. Nakita ko sa widescreen si tukayong Jay ng Kamikazee, si college schoolmate Aiza, ang idol kong si Jessica Zafra, ang ex-GF ni Ely na si Agot Isidro. Napakaraming bigating kilala ko na hindi naman ako kakilala.
Ano kaya ang unang kanta nilang tutugtugin? Ang hula ko ay “Pop Machine”, para tamaan ang mga gaya-gaya sa kanila.

Mga bandang ala-siete ay biglang may lumabas na timer sa widescreen. Dalawampung minuto.
Biglang nagwala ang mga nandoon. Nagsimula nang magsigawan.
Matapos ang sampung minuto ay mas tumindi ang tilian.
Noong sampung segundo nalang ang natitira, yumayanig na ang buong Bonifacio na akala mo ay may lindol.
Biglang umangat ang apat na inaabangan ng masa. Nakakakilabot, tumayo ang balahibo ko hanggang sa kuyukot. Tumunog ang drums ni Lemon. Pumasok ang bassline ni Buddy. Nakakaiyak. Lalong nagwala ang lahat nang kumanta si Ely ng “May isang umaga…” . Paksyet na malagket, “Alapaap”!

Pagkatapos ng intro ay nagkakantahan na ang lahat. Naghihiyawan. Nagtatalunan. Hindi namin kinaya ni Sheila ang init kaya lumipat kami ng puwesto, doon sa “lover’s lane”. Nakakatuwa ang mga nakita namin dito - mga diehard fans na mag-aasawa na. Siguro noong kasikatan ng Eraserheads, mag-syota palang ang mga iyon. May mga nakita pa nga kaming buntis. Meron ding mga lolo at lola na magka-holding hands pa.
Dito, medyo napanood at narinig ko nang maayos sila Ely. Kilala naman natin ang Eheads na paminsan-minsan ay pumipiyok at sumasablay sa pagtugtog pero noong gabing iyon, parang plakado lahat ng kanilang tugtugan. Sa “With A Smile” ko lang narinig na medyo kinapos si Ely, doon sa mataas na tono sa huling bahagi ng kanta.
Matapos ang “Lightyears” ay nagkaroon ng pahinga. May timer ulit na ipinakita sa wide screen.
Labing-lima ang tinugtog nila sa unang set at masaya ako dahil kasama sa listahan ang dalawa sa pinakapaborito ko mula sa kanila, ang “Kama Supra” at “Shake Yer Head”.

Umihi muna kami. Uminom ng mamahaling tubig. Gutom na rin kami kaya kumain. Mabuti nalang ay merong pamatay-gutom na tigli-limang pisong hotdog.
Maya-maya ay natapos na ang timer pero hindi pa rin lumalabas sa entablado ang apat.
Nabigla ang lahat nang lumabas ang kapatid na babae ni Ely at si Buddy. Sinabi nilang nakaramdam ng matinding pananakit ng dibdib si Ely at kinailangang dalahin sa ospital. Huminto at nanahimik ang buong lugar na animo'y may dumaan na anghel. Inanyayahan ang lahat na magdasal para sa kaligtasan ng bokalista. Matapos noon ay humingi ng paumanhin ang mga producers sa hindi natapos na reunion.

Kung marami ang nagulat sa nangyari, mas nagulat ako sa reaksyon ng mga nandoon. Walang nagreklamo at sumigaw na ibalik ang kanilang mga ibinayad. Walang nagbatuhan. Hindi nagkagulo. Magkahalong kasiyahan at pag-aalala ang baon pauwi ng mga nakadalo.
Ang reunion ng Eraserheads ay isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng musikang Pinoy. Sila ang kinalakihan ng mga Batang 90's at nagsilbing "soundtrack" ng Dekada NoBenta, kaya naman hindi ito pinalampas ng mga tunay na tagahanga. Isa itong pagkakataong hindi kailan man mararanasan ng mga nangarap na mabuong muli ang Beatles.
umattend din ako dyan..sarap ng pakiramdam kahit hindi natapos ung concert..at hanggang ngaun nakatago pa rin ung ticket ko hehe..
ReplyDeletengaun q lng nbasa toh, astig ang reunion concert nila, namis q ang bandang yn, kya nung my part 2 cla ay ngpunta ulet aq at d sinayang ang pgkakataon.. Tnx xa pgpost nito sir..
ReplyDeleteambilis ng panahon 2008 andyan ako. then 2021 na pala wala parin sila ulit reunion, kala ko after 10yrs pede na ulit sila mag reunion.
ReplyDelete