Saturday, August 8, 2009

Dekada Nobenta


Dekada NoBenta. Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.

Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng "beeper message" sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraseheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong "kisses" kapag inalagaan mo ito ng mabuti?

Sa isang Batang 90's na tulad ko, ang mga "pagbabalik-tanaw" ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga tulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayan na ito.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. 'Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng "Macarena" na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.

Habang nandito ka sa mundo ko, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".


Para sa mga puna at komento, SUBUKAN MO AKO:  










2 comments:

  1. Thanks for this site! Yeah, the 90s rocks. :D

    ReplyDelete
  2. Thanks Miranda for dropping by! the 90's really rocks!

    Promise, dadalasan ko rin ang dalaw sa site mong gen-x. part ako niyan eh!

    ReplyDelete