"Isa kang Batang 90's kung naadik ka sa kalalaro ng Family Computer."
↑↓↑↓← →← → B A.
Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.
Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.
Dahil nga sikat ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap na magkaroon ng hi-tech na laruang ito. Nakikilaro lang ako noon sa dati kong bespren na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon ay gagalingan ko sa eskuwelahan basta't bibilihan nila ako ng pangarap kong jackpot. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming mapera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Mabuti nalang noong nakatanggap ako ng medalya para sa ikalawang karangalan noong ako ay nasa ika-limang baytang ng elementarya ay pinadalahan ako ng pera ng aking lolo at lola kong nasa sa Hong Kong para makasabay sa uso.
Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Sa awa ni Bro, nagkasya ang one thousand five hundred pesotas na regalo sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang tatak ng nabinili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao noon. Basta ang naaalala ko ay isa siyang japeyks mula sa China at napakalayo ng itsura sa Nintendo. Sabi ko ay okay na ‘yun kaysa sa wala. Kasama naming bumili ang pinsan kong si Bambie noon. Iyak siya nang iyak at hindi mapatahan dahil naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan.
Pag-uwi namin sa bahay ay mas sikat pa ako kay Cachupoy.
Ang lahat ng mga kalaro, mga pinsan, mga kapatid, mga tito, mga tita, at mga kapitbahay ay naki-uzi sa bago kong gadget. Masarap ang feeling kapag alam mong "part of the club" ka na. Kasama na kami ng utol kong si Pot na tinatanaw ng mga bata sa mga bintana ng mga may-ari ng Family Computer.

Kapag may pasok sa eskuwela ay may oras sa paglalaro pero kapag weekends at bakasyon, wantusawa ang pagpindot sa joystick. Kahit na kami ay malipasan ng gutom basta't kasama namin sina Mario at Luigi ay busog na. Kahit na sa hapon na maligo basta't masagip ko lang si Princess kay King Kuppa.
Ano ang mga paborito niyong laro sa NES?
Ako, napakarami kaya kung iisa-isahin ko ay magiging nobela ang kuwento kong ito. Ilan sa mga nagkaroon ako ng bala ay ang Pacman, Galaga, Exerion, Ice Climber, Excite Bike, Battle City, Popeye. Ito ang mga larong walang katapusan. Paulit-ulit lang ang mga stages pero pabilis nang pabilis hanggang sa ikaw ay ma-game over. Nakakasawa pero hindi kami nagsasawa.

Tapos siyempre, ang Super Mario Bros. Parts one and three lang ang paborito ko dahil ang pangit ng part two. Sa part one ay kayang-kaya kong maka-hundred lives. Sa "World 3" ito ginagawa, sa hagdan bago pumuntang flagpole. Dapat ay maunahan mo 'yung mga pagong tapos maiuntog mo ang isa sa kanila sa hagdan hanggang sa maging 1UP na siya.
Ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Super Mario Bros. 3. Sang-ayon din naman siguro kayo sa akin kung sasabihin kong ito ay ang isa sa mga pinakamagandang video games na nagawa para sa sangkatauhan. Maraming kapangyarihan si Mario dito katulad ng buntot na ginagamit niya sa paglipad. Nagiging palaka, oso, demonyo, at parrot din siya. Katulad ng ibang laro sa NES ay mga daya rin ito. Inalam ko kung paano mahanap ang hidden treasure box na naglalaman ng magical flute na magdadala sa iyo sa iba't ibang worlds. Talagang nauubos ang buong araw ko kapag ito na ang aking nilalaro.
Napag-uusapan lang din ang mga daya, hindi na ako magugulat kung malalaman kong alam niyo rin kung paano mapapalabas ang lahat ng weapons sa Gradius nang walang kahirap-hirap. Alam din ng lahat ng Batang 90'skung paano makakakuha ng thirty lives sa Contra.
Kailangan lang na sauluhin ang "cheat" at kabisaduhin ang tamang "timing" sa pagpindot. Ang totoo, ang tawag sa dayang ito ay "Konami Code" dahil mas madalas na ginagamit ito sa mga larong ginawa ng Konami. Nang sumikat ito sa mga gamers ay ginamit na rin siya ng mga ibang manufacturers.

Kung sa tingin mo ay alam mo nga ito, look again: ↑↑↓↓← →← →B A.
Akala mo ay tama ang taytol ano?
Akala mo ay tama ang taytol ano?
Well if you think you really knew, look twice: ↑↑↓↓← →← →B A B A select start
Haha! Ang cool. may parehas tayo na post. ngaun ko lang nabasa tong sayo eh. ayus.. mas marami kang nasabing games... haha! di ko sinadya magkamali sa codes, dapat doble tlga ung AB AB.. pero sau BA BA. haha! sayang wala na kong family com para matry ulit un. Nice post! :))
ReplyDeletesarap balik-balikan ang mga gadgets noong nineties. kahit nga yung mobile phone ko ngayon, nilagyan ko ng mga old skul nintendo games. kung alam mo ang emulators, magandang applications ito. \m/
ReplyDeleteHehehe castlevania one of the best sama mo na din zelda kaso kailangan orig para mag save hehe
ReplyDeletedouble dragon at contra!
ReplyDeletetwin bee! tapos 500 in 1 yung tape/bala hehe.., na
ReplyDeletekakamiss tlga!
Hi there, I enjoy reading all of your article post.
ReplyDeleteI wanted to write a little comment to support
you.
http://pemasaraninternet.webs.com/seo
Also visit my webpage pemasaran internet