Showing posts with label family computer. Show all posts
Showing posts with label family computer. Show all posts

Thursday, October 10, 2013

Nan Ha Ta



Habang tinitingnan niya ang kanilang estanteng pinaglalagyan ng kanyang mga koleksyon ay nabaling ang kanyang atensyon sa ilang mga bagay na iniregalo ng kanyang ama at ina sa ilang mga importanteng okasyon sa kanyang buhay.

Anak, pasensya ka na kung hindi orihinal na Nintendo Family Computer ang nabili ko para sa iyong pagtatapos sa elementarya.  Sabi naman ng pinagbilihan  ko ay pareho lang ang gamit niyan. Gagagana ang mga bala ng Nintendo basta gamitin mo lang iyong adaptor na kasama sa pakete.

Dad, wala pong problema sa akin kung hindi Nintendo ang tatak. Ang masaya po ay ang pag-alala niyo sa aking pagtatapos. Alay ko po sa inyong paghihirap sa trabaho ang ikalawang karangalan na aking natanggap.

Ipinagmamalaki ko, anak, ang pagkilalang ibinigay sa iyo ng inyong paaralan para sa iyong katalinuhan. ‘Yan ang anak ko, manang-mana sa akin!

Opo naman, mana ako sa iyo pati kay Mommy. I love you, Dad!

Mahal din kita anak. Mas pagbutihan mo pa ang iyong pag-aaral dahil ang makita kang ganyan ay sapat na upang mawala ang mga pagod ko trabaho. 

Makakaasa po kayo, Dad.

Turuan mo akong maglaro niyang family computer mo  kapag hindi ako abala sa trabaho ha.

Siyempre naman, Daddy!

Tuesday, January 26, 2010

Brick the Record


"Isa kang Batang 90's kung naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game."

Sigurado akong nakakaranas na rin kayo ng “last song syndrome”, “earworm”, “aneurythm” o “humbug”. Kahit ayoko ang kanta ni Meatloaf na “I Would Do Anything for Love”, wala na akong magawa kapag ito ang aking unang maririnig sa umaga. Dahil sa pauli-ulit ko itong naiisip ay hindi ko na mamamalayang napapasabay na ako sa pagkanta.

Tetris Effect” daw ang dahilan sa pangyayaring ganito.

Ang lahat ng mga batang lumaki noong Dekada NoBenta ay walang mintis na naadik sa Nintendo Entertainment System o Family Computer. Hindi ako magkakamali na isa sa mga paboritong laro ng mga kabataan noon ay ang “TETRIS”. Ang totoo, hanggang ngayon ay isa ito sa mga paborito ng mga gamers. Binigyan nga ito ng taytol na “Greatest Game of All Time” ng "Electronic Gaming Monthly". Napakasimpleng laro pero nakakaadik kaya dumadating sa puntong nagkaroon na ng epekto sa mga isip ng mga taong tulad ko.

Naimbento ng Russian na si Alexey Pajitnov noong June 6, 1984, ang Tetris ay galing sa pinaghalong mga salita na “Tetrominoes” o ‘yung mga iba’t ibang bricks na gawa sa apat na segments at “Tennis” na paboritong isport ng lumikha. Noong hindi pa ako nareregaluhan ng lolo at lola ko ng Famicom ay kasama ko lagi ang utol kong si Pot na tumatanaw sa computer rental sa foodcourt ng Ali Mall o  kaya naman ay sa bintana ng mga kapitbahay naming anak ng mga Japayukis. Kahit hindi namin nalalaro ay nasasabik pa rin kaming makita ang mga bricks na may hugis hango sa mga letang I, J, L, O,S, T, at Z. Astig panoorin ang manlalarong gumagawa ng isang parang mataas na gusali. Tapos mawawala ang isang horizontal line kapag nabuo. Mas maganda kung apat na sabay-sabay ang mawawala dahil ‘yun ang tinatawag na “tetris”. Nakaka-hypnotize din pakinggan ang Russian na ipinapatugtog habang naglalaro.

Saturday, August 8, 2009

↑↓↑↓← →← → B A


"Isa kang Batang 90's kung naadik ka sa kalalaro ng Family Computer."

↑↓↑↓← →← → B A.

Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.

Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.

Dahil nga sikat ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap na magkaroon ng hi-tech na laruang ito. Nakikilaro lang ako noon sa dati kong bespren na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon ay gagalingan ko sa eskuwelahan basta't bibilihan nila ako ng pangarap kong jackpot. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming mapera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Mabuti nalang noong nakatanggap ako ng medalya para sa ikalawang karangalan noong ako ay nasa ika-limang baytang ng elementarya ay pinadalahan ako ng pera ng aking lolo at lola kong nasa sa Hong Kong para makasabay sa uso.

Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Sa awa ni Bro, nagkasya ang one thousand five hundred pesotas na regalo sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang tatak ng nabinili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao noon. Basta ang naaalala ko ay isa siyang japeyks mula sa China at napakalayo ng itsura sa Nintendo. Sabi ko ay okay na ‘yun kaysa sa wala. Kasama naming bumili ang pinsan kong si Bambie noon. Iyak siya nang iyak at hindi mapatahan dahil naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan.

Pag-uwi namin sa bahay ay mas sikat pa ako kay Cachupoy.