Showing posts with label saranggola blog awards. Show all posts
Showing posts with label saranggola blog awards. Show all posts

Thursday, October 10, 2013

Nan Ha Ta



Habang tinitingnan niya ang kanilang estanteng pinaglalagyan ng kanyang mga koleksyon ay nabaling ang kanyang atensyon sa ilang mga bagay na iniregalo ng kanyang ama at ina sa ilang mga importanteng okasyon sa kanyang buhay.

Anak, pasensya ka na kung hindi orihinal na Nintendo Family Computer ang nabili ko para sa iyong pagtatapos sa elementarya.  Sabi naman ng pinagbilihan  ko ay pareho lang ang gamit niyan. Gagagana ang mga bala ng Nintendo basta gamitin mo lang iyong adaptor na kasama sa pakete.

Dad, wala pong problema sa akin kung hindi Nintendo ang tatak. Ang masaya po ay ang pag-alala niyo sa aking pagtatapos. Alay ko po sa inyong paghihirap sa trabaho ang ikalawang karangalan na aking natanggap.

Ipinagmamalaki ko, anak, ang pagkilalang ibinigay sa iyo ng inyong paaralan para sa iyong katalinuhan. ‘Yan ang anak ko, manang-mana sa akin!

Opo naman, mana ako sa iyo pati kay Mommy. I love you, Dad!

Mahal din kita anak. Mas pagbutihan mo pa ang iyong pag-aaral dahil ang makita kang ganyan ay sapat na upang mawala ang mga pagod ko trabaho. 

Makakaasa po kayo, Dad.

Turuan mo akong maglaro niyang family computer mo  kapag hindi ako abala sa trabaho ha.

Siyempre naman, Daddy!

Wednesday, September 26, 2012

Keso



Sa loob ng sasakyan ay masayang nakikinig ng musikang alternatibo sa Campus Radio 97.1 WLS-FM ang matalik na magkaibigang sina Joshua at Christian nang biglang ipatugtog ang "MMMBop" ng Hanson matapos ang "Where It's At" ni Beck. Ito ang unang pagkakataong pinayagan ng kani-kanilang mga magulang ang dalawa na lumabas ng Maynila para maglibang.

Tangina 'tong LS na ito, bakit ang dalas nitong buwisit na kantang 'to? Lipat natin sa NU.

Teka Josh, nagugustuhan ko 'yan, patapusin mo nalang.

Seryoso ka o nagpapatawa?

Mmm bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du bop, ba duba dop, ba du...kaninang umaga ko pa naririnig sa loob ng tenga ko 'yang kantang 'yan. Maganda naman, 'di ba?

Mukha kang gago! Bumibigay ka na ba sa mga boylets na 'yan?

Hihirit pa sa sana ang kaibigan ngunit nailipat na ang istasyon ng radyo.

Sino kaya ang mas mukhang gago, eh alam mo namang nakikinig ako tapos ililipat mo!

Eh ayoko nga 'yang kantang 'yan.

Bahala ka nga sa buhay mo. Magyayaya kang gumala pero mas kupal ka naman sa kupal ng lolo ng lolo ko!

Inilabas nalang ni Christian ang dalang Game Boy at naglaro ng Super Mario Land. Ipinakita niyang nalilibang siya sa pagpindot ng teklada ng mamahaling laruang iniregalo sa kanya ng nanay na Japayuki. Hindi na niya inintindi ang ingay na lumalabas sa radyo.