Wednesday, November 10, 2010

Paalam sa Enyu



Ang radyo ang isa sa mga bagay na hindi puwedeng mawala sa aking buhay dahil ang musika ay isa sa mga malaking bahaging bumubuo ng aking katawang tao. Noong hindi pa uso ang celfone na may radyo, laptop na may music streaming, at kung anu-ano pang paksyet na may kinalaman sa musika, ang karaoke machine namin ay ang bespren ko dahil hindi ito napapagod sa kakapatugtog ng mga paborito kong kanta.

Sa mga Batang Nineties na ang pag-ibig ay metal, imposibleng hindi nakapihit ang lipatan sa pinakadulong kanan ng kanilang mga radyo. Ang totoo, may iba't ibang klase ng rockers noong panahon ko - may posero at mayroon din namang mga jologs kaya ganun din ang klase ng mga istasyon sa radyo. Para naman sa mga tama lang na may alam sa musika tulad ko, NU107.5 lang ang katapat. Maraming nagsasabi dati na medyo coniotic ang station na ito pero para sa akin ay sila lang naman ang nagbalik ng pagiging "class" ng rock music noong mga panahong nagigiba na ang Pinoy Underground Scene ng panahon ng gitara.


Kahit na November 1, 1987 unang nag-air ang station, isa ito sa mga naging parte ng buhay ko noong nineties. Malamang lahat ng mga napapatambay dito sa bahay ko ay ganun din ang naging epekto ng NU 107 sa kanila.

Hindi ko na isusulat ang history ng bahay ng bato. Naisulat na siya ng iba. Ang tanging silbi lang ng post na ito ay bigyang-pugay at pasalamatan ang nagbigay ng sountrack ng buhay ko.

Salamat sa NU dahil nakilala ko ang mga bandang ayaw ipatugtog sa radyo. "Cow....not a cow. Radio. Not Radio!". Maingay daw. Kakaiba sa panlasa. Taena nila. Buti nalang ay nandyan kayo.

Salamat sa mga talkshows na nagpasaya sa akin at nagbigay ng mga bagong kalokohan at kaalaman. Kung 'di dahil sa inyo ay 'di ko nakilala ang iniidolo kong si Jessica Zafra. Walang NoBenta kung wala siya. Kahit na napunta siya sa ibang station, sa inyo pa rin siya nagsimula.

Salamat sa mga premiere night tickets, t-shirts, at kung anu-ano pang mga freebies. Sa NU ko lang naramdaman na hindi jologs ang pagsali sa mga pakontes sa radyo. Proud ako kapag nalalaman ng mga klasmeyts ko na nanalo ako sa pakulo niyo. Salamat sa concert tickets ng Silverchair at Moonpools & Caterpillars na dalawa sa best gigs ng 90's.

Salamat sa Remote Control Weekend. Sa inyo ko lang naire-request at naririnig ang "Drown" at live version ng "Mayonaise" ng The Smashing Pumpkins

Salamat sa Rock Awards at naparangalan niyo ang mga grupong patuloy na nagsisikap na bigyan tayo ng mga malulufet na kanta. Aaminin kong kailanman ay 'di ako nakapunta sa event na ito pero isa ito sa mga pinakaaabangan ko kada taon.

Salamat sa In the Raw at kay Francis Brew. Tatlong beses akong nakatambay sa booth niyo dahil sa show na ito noong nasa Philcomcen pa kayo. Salamat at kahit na hindi kami nabigyan ng break ay nabigyan naman kami ng pagkakataon na mapatugtog ang mga kanta namin sa radyo. Isang napakalaking karangalan ang makatabi si Mike Villegas at bigyan ng puna ang kanta naming "Whining". Salamat at naging featured band din ang Demo From Mars noong pangalawang dalaw namin sa station. At maraming salamat dahil napatugtog ulit ang demo songs namin matapos ang isang dekada. Salamat sa papuri, master!

Marami pang dapat ipagpasalamat pero hindi ko kayang banggiting lahat. Mananatili nalang sa aking mga alaala.

Taena. Syang. Wala na ang Home of NU Rock.

Sayang at wala ako sa Pilipinas noong huling gabi ng NU. Isa sana ako sa mga pumunta doon para magtirik ng kandila upang magbigay respeto.

Wala palang himala. Tama si Ate Guy.

November 8, 2010, alas-dose ng hatinggabi, ito ang petsang hindi malilimutan ng mga rakista ng bayan.

"It's a minute before 12. NU107 is DWNU FM at 107 dot 5 megahertz in Pasig, once the loudest and proudest member of the KBP. This has been NU107, the Philippines' one and only Home of NU Rock. This is NU107. We are signing off."

Paano na ang musika? Magigising nalang ba tayo na puro basura ang naririnig sa radyo? 





20 comments:

  1. aww.. wala na talaga?? kaya pala hanap ako ng hanap nung isang gabi.. kala ko di lang msagap ng radyo ko dahil putol na antena nito.. aww.. kalunkot.. tsk tsk

    ReplyDelete
  2. sabi sa isang friend ko na nagpost din about this radio show, magbabalik sila pero new format na.

    Nakakalungkot ang mga gantung pangyayari, yung tipong after a long road, it needs to end.

    ReplyDelete
  3. dumaan dito. kahit na naimbento na ang kung ano-ano. hinahanap -hanap pa rin nating ang radyo. dito sa abudhabi nakikinig kami pag friday sa DZMM via TFC. teleradyo na.

    ReplyDelete
  4. In a way siguro Rock is dead narin. People are tired of Rock. Isa pa, pinatay din ng NU are local rock music scene. Mas marami pang airtime ang binibigay nla sa foreign bands. Dahil sa kahirapan maexpose. Konti nalang tuloy ang rock bands na napatuloy ng art nila. In other words, masyadong naging pasosyal yung NU. Nakalimutan nila ireinvent ang sarili nila. In a way, kahit ako din napagod na sa pakikinig ng NU kahit hard core grunge rocker ako ng 90's. Mas sumikat pa tuloy mag toot toot tooot... kelangan pa bang imemorize yan. Station ng mga bopols.

    ReplyDelete
  5. hindi ko alam na galing pala rito si jessica zafra, ser. pero tulad mo, pinaka-inaabangan ko rin dito 'yung talkshows. sa huling pihit ko nun sa radyo, si ely buendia ang nakasalang sa mikropono. ang swerte ko pala.

    mabuhay ka nu! pinatunayan mong hindi kelangang sumabay sa agos para makinig ang iba! \m/

    p.s. welkam back pala ser!

    ReplyDelete
  6. Buset na buset na ako sa mga kakornihan na mga kanta ngayon.. mga english na translate sa Filipino at Nauso na rin ang mga Jpop KPOp at kung ano ano pang POP na yan!

    Ngayon pati ang mga ASTIGING radyo station wala na rin! pano na?? sus mi!!

    Pero wala na, nangyari na ang nangyari... nagpaalam na sila
    paalam NU107 \m/

    ReplyDelete
  7. ano pa kayang pop ang mauuso? a,b,c,d,e,f....zpop!!

    ganun talaga, hindi lahat ng astig at malulufet ay nagtatagal ng habambuhay. blogenroll parekoy!! \m/

    ReplyDelete
  8. ser lio, salamat sa pagwelkam!! \m/

    sarap makinig sa mga pinag-uusapan nila jessica tuwing slot nila. sa kanya ko rin nakilala sila danton remoto, ambeth ocampo, at marami pang iba!!

    ReplyDelete
  9. para sakin, nawalan lang ng creativity ang ibang artists at na-stuck nalang sa ginagawa nila kaya ayun, nagsawa ang mga tao sa tunog nila. pero rock will never die.

    toot toot toot....tama ka dyan, mas nasasakyan ng simpleng tao na ang gusto lang naman ay sumaya sa pamamagitan ng radyo! dumami tuloy ang mga bopols sa pinas!

    ReplyDelete
  10. radyo ang tanging kaibigan natin para sa musika at iba pang impormasyon lalo na kapag nasa ibang bansa. salamat parekoy sa pagdaan!! \m/

    ReplyDelete
  11. kapag nagreformat, talagang lugi na ang station. ganun ang nangyari dati sa 103.5 KLITE. nang marinig ko yung bagong format, nawalan na ako ng gana.

    ReplyDelete
  12. talagang nakakalungkot ang pagkawala ng NU107. palitan ba namn ng Win Radio. it's the end of music as we know it.

    ReplyDelete
  13. naalala ko tuloy yung sinabi ni Billy Corgan noon na kaya sila nag disband dahil sa hindi nila kayang higitan si Britney Spears.. Tska kung paanong nag hingalo ang Rock nung turn of the century dahil sa onslaught ng mga Boyband at Girl Power.... Fuck! Pop killed Rock!!!!

    ReplyDelete
  14. Do not lose hope. Babalik at babalik yan.
    Malay mo bumalik yan in 1-3 years as a HDRadio subchannel. 5 stations pa lang ang HDRadio sa Metro Manila and I am expecting DWLS-FM and DWNU/DWIN-FM to upgrade their facilities and BRING BACK NU107 and CAMPUS RADIO, kahit subchannel man lang.
    HDRadio can support up to 7 subchannels in an existing FM station.
    Kaso nga lang Win FM ang available sa analog FM while NU will be in Digital FM. Sorry kung nagiging malabo ang comment ko

    ReplyDelete
  15. paalam NU107! paalam.
    tang ina kasing justin beiber yan! isa sya sa mga dahilan kung bakit magbabago ang NU. haha.

    -- maraming salamat sir sa muling pagdalaw. akala ko nakalimutan nyo na ako.. hehehe. mageemail na ako. eto na.

    ReplyDelete
  16. I wasn't there din nung last night ng NU. Napaka nostalgic ng post na ito. :)

    ReplyDelete
  17. naaalala ko rin ang comment na yun ni master billy! grabe, biruin mong sumuko sila sa mga britneys?!

    ReplyDelete
  18. Nagulat na lang ako isang araw pagpihit ko ng knob ... pota wala na rip nu pero naniniwala pa rin ako sa reincarnation

    ReplyDelete
  19. SAD talaga madalas namin pag awayan ng erpat ko ang station sa radio, paunahan lang magbukas ang labanan namin ng tatay ko , pag sya naunang magbukas wag mong ililipat ang station kung ayaw mo mamura ,GISING NA RJ NA waaaaa nauna na nmn nagising ang erpat ko ..nadidinig ko na nmn yung gitara ni RAMON JACINTO !!! pero na appreciate ko nmn yung tugtugan ng erpat ko ,yun nga lang mas bet ko talaga yung the best radio station nung panahon ko.minsan nag try ako tumawag d2 para mag request ng song tuwang- uwa talaga ako di ko makakalimutan yung HARD TO HANDLE ng Black Crowes .. peborit ko talaga yun

    ReplyDelete
  20. nalungkot ako sa pagkawala ng NU, sa walkman ko noon, dito lang nakalagay na station... nung student ako halos lahat ng gig ng NUrock, nandoon kami ng ate ko at mga tropa ko..at umuui kami na amoy medya dahil sa pakikipagislaman.. nakakamis...

    ReplyDelete