Saturday, August 8, 2009

Never Mind the Bollocks, Here's the 90's Best Gigs in Manila

"Isa kang Batang 90's kung nakadalo ka sa mga astig na konsyerto tulad ng 'MTV Alternative Nation Tour'."

Isa sa mga tinutugtog namin ng banda ko noong Dekada NoBenta ay ang "Bollocks sa Konsyerto" mula sa grupong Chainsaw Abortion na una naming napakinggan sa "Young Angry Bands Vol. 1" compilation album. Ito ang isa sa mga tinugtog ng grupo kong Aneurysm sa "RJ's Junior Jam" na ipinapalabas noon sa RJTV29 tuwing Linggo. Nakakatawa lang dahil napanood pala ng kaklase kong si Ryan Elefante ang gig namin at hindi niya napansing kasama ako sa tinutukoy niya noong magkakuwentuhan kami kinabukasan - "Mukhang tanga 'yung tumugtog kagabi, bollocks sa konsyerto. Ano ba yun?".

Ang salitang "bollocks" ay isang salitang nagmula sa Britanya na ang ibig sabihin ay bayag, yagbogs, itlog, o betlog. Dito sa Pinas, madalas itong gamitin sa mga konsiyerto upang tukuyin ang isang taong ubod nang kupal. Sila ang mga naniniko, nanununtok, at sadyang nananakit sa mga "slam dancing".

Mabuti nalang sa mga nadaluhan kong mga konsiyerto sa ibaba, walang mga gagong bollocks!

MTV ALTERNATIVE NATION TOUR (3 in 1 ROCK CONCERT / BAND FESTIVAL)
Foo Fighters, Beastie Boys, Sonic Youth
January 20, 1996, Araneta Coliseum


Para sa akin, ito ang "bestest concert" ng Dekada NoBenta. Ang mga bandang kasali rito ay mga bigatin sa genre ng musikang alternatibo. At take note, mga sikat pa sila noong dumalaw sila sa ating bansa!

Isa sa mga natutunan kong aral sa kaganapang ito ay ang kasabihang "Always be on time.". Akala namin ay gawang-Pinoy ang mga orasan ng mga organizers nito kaya inisip naming hindi masusunod ang alas-otso nitong oras ng pagsisimula. Imbes na pumunta nang maaga ay nagawa pang mag-ensayo ng grupo kong  Demo From Mars sa Alberto's Studio sa Annapolis, Cubao. Front act pa naman ang Eraserheads kaya naisip naming mga alas-nueve pa ang simula ng main acts.


Anak ng malagket na paksyet, nang makarating kami sa Araneta at pumila sa labas ay Foo Fighters na ang naririnig naming tumutugtog. Halos gusto na naming magsuntukan ng mga kasama ko dahil sa sisihan. Ang hirap pa naman pumasok dahil sobrang higpit ang security sa labas. Nagdarasal nalang kaming sana ay pinapatugtog lang ang album nila sa sound system.

Nang makapasok sa loob ay patapos na ang tropa ni Dave Grohl. Mga tatlong kanta nalang ang naabutan namin. Potah talaga. Mabuti nalang ay narinig ko pa ang paborito kong "Alone + Easy Target" na galing sa kanilang debut album. Mabilis ang pangyayari. Hindi ko rin masyadong napanood kung paano nakipagrarakan sila Pat Smear. Abala kasi kami sa pamamaraan sa kung paano makakapunta sa ibaba mula sa kinalalagyan namin sa general admission.

May mga rehas pero nagiba na iyon kaya puwede ka nang tumalon paibaba.  Dito namin napatunayang walang mga bollocks na nanood kundi mga tunay na music lovers. Maraming mga nag-aabang sa ibaba ipang saluhin ka sa iyong pagtalon. Noong una ay ayoko pang mag-suicide paibaba dahil lagpas sa sampung talampakan ang taas ng lulundagin. Lumakas nalang ang loob ko nang papalapit na ang mga jaguars na nanghuhuli sa mga gustong makalibre sa mas mahal na upuan!

Ang sumunod na tumugtog ay ang "Godfathers of Grunge", Sonic Youth. Kahit na sabihin ng karamihan na puro feedbacks lang ang tunog na maririnig mo sa kanila ay mga musical geniuses pa rin ang tingin ko sa kanila. Makikita mo sa entablado ang sangkatutak nilang gitarang may iba-ibang tonong ginagamit nila sa kanilang mga obra. Para sa akin, wala nang lulufet sa kanila noong gabing iyon. Mula "100%", "Drunken Butterly", "Bull in the Heather", hanggang sa finale na "The Diamond Sea", bawa't kanta ay isang bagong karanasan. Para akong na-devirginize sa gig na ito, orgasm to the highest level.

Bago natapos ang kanilang set ay may naligaw na pinalobong condom sa entablado. Kitang-kita kahit na malayo, ang tuwa sa mukha ni Thurston Moore at ng kanyang mga ka-grupo.

Panghuling tumugtog ang Beastie Boys. These white guys can really rap! Noong una, hindi rin sila tanggap masyado dito sa Pinas pero nang lumabas ang single nilang "Sabotage" ay bigla silang nagustuhan ng mga rockers. Astig din kasi ang video nitong madalas ipalabas sa MTV. Ang totoo, ito lang ang alam kong kanta mula sa kanila noong mga panahong iyon kaya 'yun lang ang inaabangan ko. Nang mapanood ko na sila ay talagang napahanga ako dahil marunong silang sumayaw, mag-rap at humawak ng instrumento. In other words, multi-talented. Okay na sana ang tugtugan ngunit nagkaroon sila ng technical difficulties na tumagal ng ilang minuto. Sa pagkakatanda ko ay nasira ang monitor speakers. Habang ginagawa ng mga technicians ay narinig silang nagsa-soundcheck gamit ang kanta ng Elastica, ang "Connection".

Bitin ang gabi pero sobra-sobra sa alaala.



MOONPOOLS AND CATERPILLARS LIVE!
August 31, 1996, CCP Complex

Sa pagkakatanda ko ay napanalunan ko lang ang ticket nito sa NU107 at nakigamit lang ako ng telepono ng barkada kong si Mathew Salas.

Mula sa Glendale, USA, bumisita ang grupong ito sa Pinas upang patikimin ng masarap na putahe sa pamamagitan ng malufet na pagtatanghal. Ang all-FilAm band na ito ay kinabibilangan nila Kimi Ward Encarnacion (vocals), Jay Jay Encarnacion (guitars), Tim DePala (bass) at Gugut Salgado (drums).

Panalo ang grupong ito. Super-kuwela ng kanilang bokalistang punung-puno ng enerhiya. Akmang-akma naman ang tunog ng mga instrumento sa kanyang makalaglag-brip na boses. Nakakatayo ng balahibo sa puwet at ng kung ano pang puwede pang parte ng katawan na puwedeng tumayo.

Sugar Hiccup ang front act sa gig na ito at masasabi kong hindi nagpatalo si Melody sa pagbirit. Halos lahat ng kanilang sikat na kanta ay tinugtog maliban sa "Five Years" na maririnig mong request ng mga nagsisigawang tao. Inaabangan ko pa naman din ito upang makita at malaman kung gaano karaming ugat ang lumalabas sa kanyang leeg sa tuwing kinakanta ito.

Ganito dapat ang lahat ng mga homecoming concerts.



FREAK SHOW - SILVERCHAIR
June 22, 1997, UP Theater

Salamat ulit sa NU107 at nabigyan ako ng suwerteng mapanood ang grupong ito. Dinaya pa namin ng pinsan kong si Badds ang DJ sa pa-contest kung saan kailangang ipakausap ang tatay o nanay mong nagsasabing pinapayagan kang manood ng gig nila. Wala sina erpats sa bahay at tiyempong nakatambay ang pinsan ko sa amin. Siya nalang ang pinakausap ko at nagpanggap na aking tatay. Nabuko kami ng DJ dahil pareho kaming boses-bata. Off-air ay sinabihan ako ng DJ na dalhin ko raw ang tunay na tatay ko kung gusto kong makuha ang mga invites. May trabaho pareho ang mga erpats namin kaya "authorization letter" lang ang dinala ko sa kanilang opisina. Noong tinubos ko ang mga tiket ay nakatanggap din ako ng nakakalokong tingin at ngiti mula sa mga DJ's na naroroon!

Hindi ko pa masyadong matanggap ang Silverchair noon dahil naaalala ko sa kanila ang paborito kong Nirvana. Pero dahil libre nga, pinanood ko sila nang walang pag-aalinlangan.

Nang dumating kami sa UP ay may kung anong kakaibang pakiramdam ang pumasok sa aking katawan. Iba kasi ang itsura ng mga nadoon upang manood. Marami sa mga kabataan doon ay malilinis at magaganda ang kutis. May mga de-kotse, at ang iba naman ay naka-brace ang mga ngipin. 'Yung tipong konyo type kids na nag-date lang doon dahil crush ng nililigawan niya sila Daniel Johns, Ben Gillies, at Chris Joannou.

Sa loob ng teatro, puwede kang pumunta sa kung saang layo mula sa entablado mo gusto dahil bale-wala ang mga harang at mga bantay. Karamihan sa mga bouncers ay kakilala at nakakasama namin sa mga gigs sa UP Diliman kaya isang tango lang ay nagkakaintindihan na kami.

Dalawa ang Pinoy front acts. Ang grupong Razorback lang talaga ang nakalagay sa ticket pero isinama nila ang tropa nilang Wolfgang. Tumugtog din ang Hangar 18 na kasama ng Silverchair mula Australia.

Nasa katorseng kanta ang tinugtog ng grupo na tumagal ng lampas sa isang oras. Nakakaasar lang dahil kada tapos ng kanta ay binabanggit ni Daniel na tutugtugin nila ang electric version ng "Cemetery" pero hindi naman nangyari. Sobra-over-sagad lang yata siya sa kasabugan kaya nakalimutan. Nagkaroon din sila ng technical problem sa speakers dahil napakalikot ni Daniel habang tumugtog. Takbo rito, takbo roon. Aaminin ko, talagang napanganga ako sa talento ng mga kaedaran kong noo'y mga nineteeners.

Pagkatapos nilang tugtugin ang hit song na "Tomorrow" ay kumnata-kanta si Daniel ng "Man-nil-la, tastes like vanilla, someone tried to kill her, 'coz she stole my pillar!". Biglang banat ng "That was a song called Manila, about this girl I picked up round the corner for 15 dollars.".

Pag-uwi naman ay naging masugid na tagahanga na ako ng Silverchair.



RAGE AGAINST THE MACHINE
July 19, 1997, Cuneta Astrodome

Ito ang malufet na regalo ni Zach Dela Rocha at ng kanyang grupo sa aking beerday noong 1997.

Tulad ng dati ay sa bleachers lang ang binili kong ticket dahil mahal para sa isang estudyante ang presyo ng ticketa ng mga foreign acts.

Parang sa Silverchair, Wolfgang lang dapat ang front act pero biglang kasama rin ang Razorback sa rakrakan.

Nang mamatay ang ilaw ng astrodome ay nagsimulang magiba ang mga rehas. Halos kasing-taas ng ng tinalon ko sa Araneta ang tinalon ko sa Cuneta upang makarating sa mas malapit na upuan mula sa entablado. Wala na akong kabog sa dibdib dahil nagawa ko na ito dati. Nagulat ako pagdating ko sa ibaba dahil nakita ko sa aking tabi ang klasmeyt kong si Ryan na nakuwento ko kanina sa itaas.

Rakrakan to the max ang mga dumalo. Talagang mukhang magulo dahil sa mosh pit pero walang bollocks. May mga nakatabi akong crew ng ABS-CBN at narinig kong sinabi ng isa na "Kaya pala nababaliw ang mga bata sa kanila dahil ang gagaling eh".

Inabangan kong lahat ang mga guitar solos ni Tom Morello upang makita kung paano niya ginagawa ang mga pamatay na leads pero sa tuwing gagawin niya ang mga iyon ay may umiilaw na malaking spotlight sa kanyang likod niya. Kahit naka-antipara ka ay hindi mo makikita ang ginagawa niyang pagromansa sa gitara dahil silaw lang ang aabutin mo.

Cool na cool ang laser pointers noong tinugtog nila ang "Bullet in the Head"

Literal na wasak na wasak ang Cuneta Astrodome nang matapos ang konsiyerto. Dalawang upuan yata ang nasira ko dahil sa kakatalon.


Maraming mga banyagang grupo ang bumisita dito sa atin noong Dekada NoBenta. Ang nakakatuwa dito ay kasikatan pa nila ang panahon ng kanilang pagpunta. Hindi tulad ngayong pilit na ibinebenta ng mga producers na gustong kumita ng pera ang mga laos na musikero galing abroad.

Ilan sa mga konsiyertong hindi ko nadaluhan noon ay ang mga sumusunod:

Metallica - Hiniram ng pinsan kong si Bambie ang inipon kong 300 pesotas na ipinangbayad niya sa kanilang graduation. Hindi ko na napanood ang mga idolo ko, hindi pa ako nabayaran.

Pearl Jam - Mahal ang ticket. Walang perang pambili,

Cranberries - Walang perang pambili ng ticket.

Bon Jovi - Mas gusto ko ang GN'R kaya hindi ko trip ang banda ni Jon


Kailan kaya uli magkakaroon ng mga ganitong pagkakataon? Gary V., sana'y maulit muli.




15 comments:

  1. Wow nice blog! Brings back memories. Starving college student din ako nung nineties kaya talagang di ka kakain para makaipong ng pambili ng tickets. Napanood ku ring ang Alternative Nation Tour sa Araneta. Sa ibaba ako sa harap ng stage he he. Nabato pa ako ng piso sa tenga, tangna namaga. Galing ng Foo Fighters. Guitarist nila si Pat Smear kaya parang napanood ku na rin ang 1/2 ng Nirvana he he. Tapos nung Beastie Boys naman nawalan ng kuryente. NAg overload yata kaya nag laro muna sa stage mge Beasties. Nung sonic yout naman may bonus kami sa harap ng stage na silip sa puting panty ni Kim Gordon buong set nila he he. Yung baby nila si Coco nasa stage din naka headphone lang para di maingaya.

    Napanood ku rin ang Moonpools. Bumili pa ako ng tshirt kaya lang na-arbor.

    Yung Metallica at Pearl Jam napanood ku rin. Nung Metallica sa malayo kami. Singliit lang ng posporo yung mga nasa stage pero sobrang lakas ng sound. Yung s aPearl Jam naman sa harap din ako ng stage. Tuwang tuwa ako pag natatalsikan ako ng laway ni Eddie Vedder he he.

    Isa pang di ko malilimutan ay ang Bistro sa Amoranto. Mga locals lang pero 12 hours ang tugtugan. Astig!

    ReplyDelete
  2. silver chair
    pearl jam
    range against the machine
    michael jackson...
    parang marami pang sumunod na MASAYANG tugtugan dun... sana maalala ko pero na-post ko na ata mga tikets ko sa rakista.com at sa rockista.com etc....

    yan ang mga hinde ko napanood...

    sa "band festival" aaminin ko na, habang tumutogtog ang eheads ay paikot ikot kaming grupo na parang mga militanyeng nangangampanyang ibagsak ang rehas malamang sa kalasingan at kakulitan madami kaming nahikayat "ibagsak!" alam na alam namin na kayang ibagsak ng sangkaterbang kabataang gustong masulit ang gastos kahit na 100 lang ang tiket ang usapan... doon... dun tayo magkikita pagbagsak ng bakot sa pizza hut banner... yun! sapol! basag ang alulod ko kahit naka-combat shoes ako... at ang karamihan may galos sa likod hahahaha.. enjoy tanggal amats sa init ng mga kababaihan... pati si francis m. nakikitalon sa bestie... yun ang trip ko talaga...

    sa Metallica
    malupit ang effects ganun pa din mabuhay ang 250! nakarating pa rin kami s pinakaharap....

    sa Bon Jobi unang gabi grabe sobra pa sa punk concert ang nangyari inabot kami ng stampede... langya nagbayad pa kami hinde naman napilas ang tiket namin... umulan kumidlat grabe ang lakas napahinto ang concert nagkaroon ng batuhan ng mga silyang pang-fiesta yung rattan na may sandalan... pinabalik kami kinabukasan kaso bday ko na yun d na ako sumama...

    ReplyDelete
  3. Anonymous,

    Pare, sorry kung masyado nang late yung reply ko sa comment mo. Ngayon ko lang napansin na may nagbabasa pala sa blogs ko.

    Ang sarap basahin ng kuwento mo. Malamang nakakasama kita sa mga gigs at konsiyerto!!

    Nasa rakista rin yung mga tickets ko noong Dekada Nobenta.

    Check mo rin pala yung Multiply Mirror nitong No Benta. Marami akong in-upload na musika ng dekada natin:

    http://negativejay.multiply.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit wala ang BUSH Concert sa Philsports Arena Pasig or ULTRA?

      Delete
  4. Kelangan naten e mga QUALITY BANDS...

    ReplyDelete
  5. Actually, napanood ko din yun MTV ALTERNATIVE NATION TOUR - 3 in 1 ROCK CONCERT. Napanalunan ko yun ticket from LA105 contest. Wala akong makasama that time at nung nagkaron, beastie boys and sonic youth na lang ang naabutan namin. bleachers din kami nun eh.

    Metallica - binulutong ako.
    Pearl Jam - nasa labas lang kami and hinintay na magpapasok pero bigo kami.

    kwento ko yun ibang adventures ko tungkol sa concert sa blog ko. =)

    ReplyDelete
  6. stone cold, 'di kaya tayo nagkabanggan sa moshpit sa araneta?

    sige parekoy, aabangan ko ang entry mo!

    ReplyDelete
  7. WTF?! i used to listen to all the bands mentioned here. i'm a 90's baby too. but i had no idea back then about live performances. hahahah... i started going to gigs after college graduation back in 2004. already a heavy metal fan then. di ko kasi trip ung pumalit sa tugtugan ng 90's. but i will forever be an eheads fan. grunge, alternative and punk too.

    silverchair, pearl jam, rage against the machines, metallica. awts naman mga yan. metallica na lang ang mukhang pwede pang bumalik dito. sayang talaga, di pa'ko marunong bumyahe nun. hahahah...

    tungkol naman sa mga foreign artists ngayon sir, sa underground tingin ko wala namang laos o sikat. death angel, arch enemy, darkest hour, shadows fall, trivium, lamb of god, testament, coheed and cambria. kahit ano'ng panahon mo sila dalhin dito, manonood at manonood pa rin mga nakakakilala sa kanila. kasi para sa mga fans, hindi sila nalalaos.

    ReplyDelete
  8. greatest concert indeed yung 3 in 1..Pag patay pa lang ilaw nag lundagan na mga fans papuntang stage..mga sikyo natakot walang pinigil...grabe slam dance ng lahat..Nahuli btw ang beastie boys( highlight for me was when thet played "root down" hindi na rin tinapos kasi twice pumalpak yung sound system ng bulok pa dati na araneta..this was the "shit "concert ever..and nothing came close!

    ReplyDelete
  9. yeah was able to attend the gig too.... napapunta na rin me sa harap pagkatapos maitumba ang harang hekhekhek kaso na-sabotage ang kanta ng beastie boys na sabotage heheheh

    ReplyDelete
  10. Hinhintay ko na lang mag concert ang demo from mars st jennifers toys

    ReplyDelete
  11. Dahil 7017 International Music Festival ngayon...

    Nagsisisi ako dahil di ko napanood ang MTV Alternative Nation Tour kasi nasa Davao ako...

    Di ko rin napanood Pearl Jam dahil thesis week namin...

    Pero napanood ko Metallica sa ULTRA ng libre dahil sa mga yung guard sa likod pinapasok kami basta bente bente lang daw "toll fee" hehe. Ayun dinumog namin sya dami namin nakalibre. Tapos akyat kami diving board sa swimming pool...may mga bonfire sa crowd ang gulo wala ng mga barrier...sinita kami ng security na may mga batuta sabay scramble kami backstage...sama ng tingin ng mga kanong bouncers samin talon kami sa bakod...sakto sa harap ng stage! sabay tugtog sila ng intro ng "one"...

    ReplyDelete
  12. How come sir wlang video or youtube footage ng concert ng RAGE AGAINST THE MACHINE s pinas nun. sophomore year ko nun at buong allowance ko ginamit pra sa bleacher ticket at pamasahe. one of the best college experience i had.

    ReplyDelete
  13. Bakit wala ung Concert ng BUSH sa ULTRA?

    ReplyDelete