those were the bad ass hair days
Last week ay bumili ng bagong celphone ang kumpare ko dito sa Saudi at nagpatulong sa akin ng pagpapalgay ng mga mobile applications. Samahan ko na rin daw ng videos. At siyempre, hindi mawawala ang mga mp3s para puwedeng gawing walkaman ang gadget niya kapag walang magawa sa villa o sa trabaho.
P're, meron ka bang Duran Duran? Ah oo, meron ako ng "Greatest Hits" nila.
Meron ka rin bang Spandau Ballet? Meron din akong "The Best" nila. Paborito ko ang mga songs nilang "Gold" at "True".
Sabi ko na nga ba at ikaw ang dapat kong lapitan basta rock eh. Lagyan mo na rin ng BON JOVI.
Parang gumuho ang mundo ko sa pagiging rakista. Oo nga pala, rocker ako kaya malamang ay paborito ko rin ang paboritong banda ng mga <insert your answer here> noong panahon ko!!
Kung iniisip mong pinaarte ko ang name ng banda nila para sa entry na ito, nagkakamali ka dahil hindi ganyan ang way ng pag-spell ko sa pangalan ng grupo nila noong Dekada NoBenta kundi BUNJOOBI!! Actually, early eighties (1983) nang mabuo ang combo nila frontman John Francis Bongiovi Jr. a.k.a. Jon Bon Jovi, guitarist Richie Sambora at tatlo pa nilang kasama na ngayon ko lang nakilala thanks to pareng Wiki - Tico Torres, David Bryan, at Alec John Such. Hindi ko binalak alamin ang history nila pero alam kong isa sila sa mga prominent acts noong eighties at kasama sila sa mga bandang gumagamit ng spraynet para maging kaparehas ng buhok nila ang buhok ni Tina Turner. Kasama rin sila sa mga bandang may costume na matitingkad ang kulay at may choreography ang pagtugtog sa stage. Siguro naman ay alam ng mga batang nineties ang mga bandang kasama ng BJ (ang sagwa ng initials!) tulad ng Def Leppard, Warrant, Posion, Cinderella, at Skid Row. Ganun sila katindi noong panahon nila!
Ang malufet lang sa kanila ay nabuhay pa rin ang BJ sa panahon ng idol kong si Kurt Cobain. Maihahambing sa time nila Karen Carpenter nang sumulpot sila sa panahon ng classic rock. Maingay na ang grunge pero patuloy pa rin ang hair group (tingnan mo 'yung balahibo sa dibdib ni Jon, parang kapatid niya si Sergio ng Marimar) sa kanilang mga pop rock formula. Bago nila i-release ang comeback album noong 1992 ay may mga nauna na silang mga major albums tulad ng "Slippery When Wet (August 1986)" na nagpasikat sa mga kantang "You Give Love a Bad Name", "Livin' on a Prayer", "Wanted Dead or Alive", at siyempre, ang "Never Say Goodbye". Sa kanila rin ang album na "New Jersey (September 1988)" na nagpasikat naman sa mga kantang "I'll Be There for You" at "Bad Medicine".
Naaalala ko ang barkada naming si Venz na idol na idol ang kamukha niyang si BJ. Pinanood pa namin ang Young Guns II na pelikula ni Emilio Estevez dahil sa kantang "Blaze of Glory" at cameo appearance ng kanyang idol!
Ang title ng kanilang album na inilabas noong panahon ng grunge ay "Keep the Faith (November 1992)". Ito lang naman ang nagpasikat sa walang kamatayan at walang kakupas-kupas na anthem ng mga desperadong mahihilig kumanta pero wala namang hilig sa kanila ang videoke....."Bed of Roses". Dito rin nanggaling mga mga singles na "Keep the Faith" at "In These Arms". Peyborit ito ng klasmeyt kong si Mia - nalalaglag talaga ang panty niya kapag nakikita niyang humahawak na ng mic si Jon BJ para kumanta! Madalas kaming mag-asaran dahil sa mga pang-jologs na mga kanta ng pinakaayokong banda during that time.
Hindi ko na matandaan kung kailan nag-concert sa Pinas ang BJ pero napanood ko sa teevee 'yung flash report nang nagka-riot sa venue dahil puro jologs ang nanood sa Rizal Stadium. Ang pagkakaalam ko nga, parang hindi lang dapat isang gabi yung concert, parang two o three nights yata. Although sa mga fanatics ay the best time of their lives na makita ang kanilang demigods, hindi ito pasok sa list ko ng 90's Best Gigs!
Okay, aaminin ko na medyo nagkakaroon ako ng "aneurhythm" kapag naririnig ko ang kantang "I'll Be There for You" lalo na sa part na "....these five words I swear to you".Gusto ko rin 'yung "Never Say Goodbye". Masarap naman siyang pakinggan lalo na kapag nag-iinuman kayo sa bar! Puwede siyang pang-senti sa kuwarto pero I'll never be caught dead listening to these songs.
Ang "Cross Road" naman ay na-release sometime in 1994 ay isang greatest hits album na may dalawang bagong kanta entitled "Someday I'll Be Saturday Night" at ang paborito ng Tito Ogie ko sa videoke.....ang monster hit na "Always". Paksyet na opening lyrics....."Romeo is bleeding but you cannot see his blood". Ayus! When I say monster hit, I really mean a big hit - naging kanta ito nila inday at nang mga sekyu at boy na manliligaw niya. Sarapas pakinggan!
"These Days (1995)" ang huling album nilang nailabas bago pumasok ang milenyo. Although sabi ng mga critics ay nagpakita sila ng maturity sa album na ito, parang wala akong matandaang hit single. Siguro nga nag-mature sila kaya hindi na natanggap ng mga sinaunang jejemons. Ewan ko kung ano 'yung mga sumunod nilang albums after ng kanilang mahabang hiatus.
Basta ang alam ko lang, hate ko pa rin si Bongiovi at ang kanyang grupo hanggang ngayon. Tinalo kasi ng "Bed of Roses" ang "November Rain" ni Axl Rose (Gangsengroses) sa No. 1 slot ng "Top 20 at 12" ng LSFM!!
Pang-videoke at pang-beerhouse lang siya ngayon, but I admit: like ko dati si Bongiovi - just the guy, not really the band (oo na, baduy na kung baduy, :p ). Pero isa ako sa mga nag-vote for November Rain noong cool pa ang LS, so naaalala ko rin ang dismaya ng araw na natanggal ang November Rain sa #1 spot. A few weeks later Yesterdays naman ang nag-#1.
ReplyDeleteNagkaroon din sila ng sikat na song(ewan ko kung sikat talaga) yung "its my life".. around 2002-2003 ok naman rock en roll talaga..
ReplyDeleteLike ko rin yung song na "never say goodbye" at "ill be there for you" senting senti talaga.. tapos parang pang beerhouse talaga ang dating nung kama ni rosana(bed of roses) hehehehe.. yun lang po bossing..
hehehe..pogi si Bon Jovi..tsaka lumabas kasi sya sa Ally McBeal..di ko lang alam kung marunong sya umarte dahil pag umaarte sya, starstruck ako..
ReplyDeleteTanging bed of roses lang ata alam kong kanta ng Bon Jovi. at ngayon ko lang nalaman na 5 pala sila. all along akala ko ay isang tao lang to. :D
ReplyDeleteayun naman pala ang dahilan. pero tingin ko mas swabe ang november rain kesa sa bed of roses. hindi talaga ako rakista ser. pero dahil may mga katropa akong mahilig talaga sa rock, medyo nasaturate din tayo nang konti.
ReplyDeleteang galeng. para akong bumabalik sa time machine. punumpuno ng trivia ang blog post na 'to. \m/
a het bongiovi din kuya nobenta! hahaha
ReplyDeletehi mira! may tama ka - madalas siyang kantahin sa videoke at berrhouses! bakit ba ang daming nagka-crush kay jon bon jovi? talaga bang may kakaibang dating ang may carpet sa dibdib? \m/
ReplyDeleteGo Bonjovi! Hahaha! nangaasar lang.. Hate mo pa si Bon Jovi nian sa dami ng trivia na binigay mo. Adik lang pre. :D
ReplyDeletewaahhhhh ma'am leah!! nakakagulat naman ang iyong revelation! alam kong mahilig ka rin sa rock pero i never imagined you liking jon bon jovi! hehehe. para kang yung classmate kong si mia na starstrucked kapag nakikita siya. marami siyang movies dati right?
ReplyDeletehehehe. mukhang bata ka pa nga khanto. marami siyang hits. madalas ipatugtog tuwing sunday. pati na rin sa hapon bago mag rush hour. naririnig ko kasi madalas pa rin ang "never say goodbye" at "i'll be there for you" sa mga buses at jeepneys noong nasa pinas pa ako!
ReplyDeletenice lio! thanks at mas gusto mo ang november rain. die hard fan pa rin ako ni axl kahit na hindi ko gusto yung latest album nila. magandang maging diverse ang nalalaman sa music! \m/
ReplyDeletetambay ka lang dito kung gusto mong maranasang mag-time travel. salamat!
anghet him too! :)) pero di na much. medyo matanda na ako to bash his band!
ReplyDeletemaraming magandang trvia pa sa banda nila kaso pag dinagdagan ko pa yan ay magmukha na akong fanatic! go bunjuvi! \m/
ReplyDeleteHay naku, Jayson... pinatawa mo ko ng todo. Yes, I was a fan and I still am. Pero mas marami kang alam na trivia ha. Yes, I was also one of those people who watched their concert here. So what if they're baduy. Baduy sells. Syet! I miss you!!!
ReplyDeleteYou have to admit, it's really the girls who fall for these guys!!! :P
ReplyDeleteAt saka kung hate mo siya...hay naku...di kita titigilan...wahahaha
ReplyDeletehaha. mia! ikaw ang naalala ko kaagad habang ginagawa ko ang entry na ito. promise!
ReplyDeletenandun ka pala nung concert nila?! parang 'di ko natandaan. eh ano ba kung mas marami akong alam na trivia? mas die-hard fan ka pa rin. kahit naman ako, die-hard pa rin kina axl rose.
ReplyDeletemas magaling pa rin ang gangenrose kesa sa bunjoobi!! hehehe
miss you too my friend. buhay pa ba yung wood carving project natin sa home economics? yung "gnr axl"?
'di ko na siya hate....nasa playlist ko na siya dito sa office desktop ko!!! waaahhh....
ReplyDeletehahaha naaalala ko to, masugid din ako na tagapakinig ni trigger man dati! ngayon, alam mo ba na parang naging DWKC na ang format ng LS. jolos na.
ReplyDeleteaww, si trigger man! dumating sa point na minumura na siya ng mga listeners! oo nga, nabalitaan kong jologs na masyado ang LS!
ReplyDeletepards! di mo gusto ha..pero kabisado ang history! ha ha ha!
ReplyDeletenagustuhan ko din yan bonjovi band, pero naglaho para sakin.nung time kasi na nagconcert yan sa araneta, isang kanta palang tumigil na. kasi may tumulong ulan sa stage.. ayun, nagkagulo, nagalit at nag aangal ang mga manonood.nasira rin yung camera na dala ko dahil sa kaguluhan...anyway! gusto ko parin yung kanta nilang november rain!
parekoy! 'di man halatang hate ko sila 'di ba? \m/
ReplyDeleteAy eto hindi talaga ako naging familiar sa mga hair bands. Hahaha. Nung bata kasi ako, more one bubblegum pop ang mga pinakinggan ko. Hahaha. High school lang ako nahilig sa rock. Pero familiar sakin ang mga pangalan ng mga bands na nabanggit mo, kaso di ko pa ata naririnig mga kanta nila except for BON JOVI. Hehehe.
ReplyDeletehehehehair bands, the best sila dati kahit hanggang ngayon. depende sa listener (dapat gurang na). bon jovi was a great group, there's no doubt about it. rockon! \m/
ReplyDelete