Sunday, July 11, 2010

Abangan Mo sa Right Corner Pocket, Sumakay Ka Pa


Last week ay napanood ko sa teevee at nabasa sa net ang balitang na nanalo si Francisco "Django" Bustamante sa WPA World 9-Ball Championship. "Sa wakas!", sa loob-loob ko dahil ilang decades na rin niyang pinaghirapang makuha ang title. At least ngayon, hindi na siya maaalala bilang second lagi kay Efren "Bata" Reyes.

Heto na naman si Ida, naririnig ko na naman ang kanyang pamosong linya...."Time space warp, ngayon din!".

Likas na mahilig tayong mga Pinoy sa sports. Mga sports na hindi naman talaga sa'tin. Kahit na wala tayong chance manalo ng world title sa basketball dahil sa napakatatangkad nating height ay pilit pa rin nating inilalaban ang mga sarili sa whole court. Salamat nalang kay Pac-man at nakilala tayo sa boxing. Kaya naman halos lahat ng pinoy sports enthusiasts and wannabes ay nahihilig na ring  sumuntok sa mga punching bags ng gym sa kanilang kanto. Ang dami dami dami dami dami tuloy gustong magpabasag ng mukha para yumaman magkaroon ng karangalan.

Not so long ago, noong hindi pa "Pambansang Kamao" si Pacquiao, ay may isang pinoy na hingangaan ng buong mundo. Isa siyang alamat na alam ng lahat ng taong marunong humawak ng tako.  Minsan na niyang nilito ang mga kano sa paggamit ng alyas na "Cesar Morales" nang lumaban siya sa tate. Matunog na kasi ang pangalan ni "Bata" sa mundo ng bilyar that time pero hindi pa naman siya nakikita ng personal o sa pektyur man lang ng mga taong interesado sa kanya.

1999 unang na-televise ang WPA World 9-Ball Championship na ginanap sa Cardiff, Wales pero hindi ito ang first na event dahil 1990 ito official na nagsimula. Although si idol ang nakitang nanalo sa teevee, mas naunang nanalo si Nick Varner ng US. Dalawang beses kasi ang tournament noong year na 'yun pero mas tumatak sa isip ng mga manonood ang laban na naka-broadcast ng isang buong linggo.

Tandang-tanda ko pa kung paano namin sinubaybayang magkakapatid, magkakaibigan, magkakamag-anak sa StarTV ang laban ng ating "The Magician" at ni Chang Hao Ping ng China. Kahit na medyo mahaba at matagal dahil race to 17 ang match ay talaga naman naging proud ang bawat isa sa amin kasama ang lahat ng pinoy nang ipasok na ni Bata ang kahuli-hulihang bola na tumapos sa chekwa sa score na 8-17.

Kung ang mid-nineties ay ang "Panahon ng Girata", ang late nineties naman ang "Panahon ng Bilyar". Lahat ng bata ay gustong matutong humawak ng tako at maglaro ng billiards. Ito ay dahil nga sa talentong ipinakita ni Efren sa buong mundo. Gusto tuloy gayahin ng lahat ang kanyang ginagawa kapag may katunggali - ang kanyang hindi pagligo kada laro para wala raw pasma, ang kanyang hindi pagsusuot ng putiso bawat laban, at siyempre, ang kanyang pangungulangot kahit na live on air ang bawat tournament! Sana mayroon akong kamay na kasing husay ng kay idol. Siguro kung 'di rin ako nakapag-aral ay naging spotter rin ako  at  natulog literally sa mga mesang may tapete tulad niya noong bata. Galit na galit ako dati sa mga commentators ng mga laro kapag inookray ang kanyang suot na sapatos na wala raw tatak. At talagang nalungkot rin ako nang pinuna ang kanyang pagsasalita ng ingles. Bago pa man kasi maging "english destroyer" si Pac-man ay nauna na sa trono si Bata. Eh ano ba, hindi ba naiintindihan ng mga bobong tanga na hindi nga sila nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa paghahanda sa mga international sports events? Bata pa lang say nag-praktis na dahil alam nilang balang-araw ay magwawagi rin sila! Kahit na anong sabihin nig iba ay DANGAL SILA AT KARANGALAN NG ATING BANSA!

Noong nasa college pa ako ay nahilig ang aming barkadahan sa paglalaro ng bilyar. During vacant time  na pinabaabot namin ng buong araw, napapatambay kami sa Orient sa P. Noval tapat ng uste. Hindi naman ako talaga mahilig sa sports pero gustung-gusto ko talagang matuto nito kaya madalas din akong napapatambay doon. Kapag wala sa mga pavillion ang tropa, asahan mong nandun sila sa sa kabilang bahay! Wala naman yatang engineering student na hindi natuto o hindi man lang nakasubok humawak ng tako. Kahit na hindi ka hasler pa paglalaro ay puwede ka namang tumira ng "lakas tyamba" na nakakalason ng mga serious na opponent! Tanda ko pa noon na napikon ang klasmeyt ko sa akin dahil sa aking mga mapanirang moves. Nilalaro ako ng mga kaibigan ko para pag-praktisan at isang ground rule na kung sino ang talo, siya ang magbabayad ng mesa. Lagi akong talo at ang tingin nila sa akin ay "free game" kaya nang manalo ako ay walkout ang borokoy dahil hindi matanggap ang nagyari!

Ang dami kong napuntahang mga bilyaran dahil sa pagsabit sa mga good influence kong mga kaibigan.  Kaya naman madalas akong umuwing may tisa sa damit at may borax sa kamay. Nakapunta ka na ba sa bilyaran sa dating Quezon Acade sa Cubao? Ito 'yung lugar na noong una'y natakot akong pasukin dahil para siyang kuta ng mga sanggalo, adik, at kung anu-ano pang masamang elemento ng lipunan na napapanood lang sa mga action films! Madalas din akong sumama sa mga bilyarang malalapit sa schools tulad ng Mapua, FEU, PUP, at kung saan-saan pa sa kahabaan ng univeristy belt. Kapag medyo sosi naman ay may mga bars na pang konyotiks na mahal ang per oras.

Sarap balikan ng panahon na feeling ko ay ang galing-galing ko. Kahit na wala naman talagang ibubuga dahil hindi naman talaga marunong. Ang sarap mag-ubos ng oras habang sinasambit mo ang "Abangan mo sa right corner pocket, sumakay ka pa!".


P.S.

Thanks to UNNIE YUPOLDO, DRAKEROBBIE, GLENTOTROANNE, MR. NIGHTCRAWLER, and JAG na nagpadala na ng picture greeting para sa aking birthday sa July 19.








20 comments:

  1. Dati uso nga ang pagbibilyar sa mga eskuwelahan. bawat kanto ay may bilyaran kasi iniidolo sila bata at bustamante. lately meron padin pero tila natatabunan na ng tech stuff.

    :D time space wArp :p hehehe. kakaaliw si ida.

    ReplyDelete
  2. Tama. Usong uso dati at hanggang ngayon din naman ang bilyar. Nataon lang na nagdominate ang mga pinoy noong 90's nung hindi pa maxadong pasmado si Efren "bata" reyes.
    Dahil sa sobrang kaadikan namin noon gumagawa kame ng sarili naming bilyar. composed of tabla na may tela, tapos lalagyan ng goma sa bawat gilid at mga jolen tapos yung dulo ng walis tambo as tako..

    ReplyDelete
  3. nakakarelate ako kay poldo. sapol, tamang kaadikan nga noong dekada nobenta 'yan at panalong panalo si bata nun. nagakpelikula pa sya with the king. LOL.

    ReplyDelete
  4. Huy diba nagpadala na ako ng pic greet?????? Hindi pa ba? email mo ko hehehe para malaman ko ung email mo, tabarejos16@yahoo.com

    ReplyDelete
  5. Komersyal lang. Buhay pa kame! Medyo namahinga lang ngayon. Ang ganda ng logo mo pare! NoBenta!

    - Tenco

    ReplyDelete
  6. tama ka dyan parekoy, pinapatay ng techie stuff ang mga tunay na laro. kahit ang mga larong pambata na kinalakihan namin - patintero, taguan, syato, holen, at teks, ay parang wala na. :(

    ReplyDelete
  7. pareho tayo parekoy, gumawa rin kami ng lamesa na jolens ang gamit! tapos gumawa rin kami ng pool. ayun, naadik sa pustahan!

    ReplyDelete
  8. yup, naaalala ko 'yung pelikula na yan - "Pakners"! pinanood namin dahil adik na adik kami kay bata. \m/

    ReplyDelete
  9. natanggap ko na idol! salamat salamat salamat!

    ReplyDelete
  10. naknang....bakit naman ang tagal niyo mamahinga mga parekoy?! hindi naman kayo mga polar bears na kailangang mag-hibernate ng matagal! bumalik na kayo sa blogosphere please! para naman makumpleto ang fridays ko.

    courtesy of my friend RC 'yang logo. \m/

    ReplyDelete
  11. Magbabasa muna kame ng mga blog mo para makahugot ng pampagana!

    - Tenco

    ReplyDelete
  12. sana nga ay ganahan kayo sa walng kakuwenta-kuwenta kong mga entries!

    parekoy, huwag niyo akong baligtarin dahil kayo ang mga idol ko!!

    ReplyDelete
  13. oh my gash, balbas! oo nga pala. sorry parekoy kung hindi pa ako nakakapag-padala ng pic greeting... alam mo na, medyo busy. kailan ba ang deadline?

    hindi na rin ako nagtaka kung bakit hindi na nanalo si bata... nirarayuma na! hahaha. dati, sinubukan kong mag-bilyar. kaso, di ko talaga nahiligan eh. hehe. turuan mo nga ako...

    ReplyDelete
  14. oh my, momay! salamat sa poging-pogi mong picture greeting parekoy!

    'di rin naman ako magaling magbilyar pero nasasarapan at nawiwili akong maglaro talaga nito. kapag yumaman kami, bibili ako ng sarili kong mesa!

    ReplyDelete
  15. Napapangiti ako habang binabasa ko tong post na to. dami din kasi namin na bilyaran memories ng barkada-- inuman at bolahan at ligawan.. Nung huling bisita ko sa skul namin, wala na yung bilyarang hide-out namin... ngayon internet cafe na siya...

    ReplyDelete
  16. AngBabaengLakwatseraJuly 20, 2010 at 3:57 AM

    Napa reminisce tuloy ako. Dati madalas ako manalo sa bilyaran kapag may amats na me. Kahit hilong talilong na sa kalasingan, laging tyamba mga tira ko, shoot! Madalas ako mapadpad sa malapit sa FEU kahit sa Intramuros ako nagaaral nung panahon na yon.. hihihi..

    ReplyDelete
  17. una, salamat at napalakwatsa ka dito sa tambayan ko!

    ganun din ako. kapag may ispiritu na ng alak ay mas malakas akong nakakatyamba sa mga panirang tira! wow, san ka sa intramuros?

    ReplyDelete
  18. bilyaran sa recto ,madalas ako d2 lalo na pag cut ang class .minsan sa may bomber yung bagong bukas na bilyaran d2 ...d2 kami nahuli ng mami ko kasama ang bff pathy ko ...ka babaeng tao daw namin nasa loob kami ng bilyaran ...sarap gunitain ang 90 talaga .. kakamiss balik balikan ..

    ReplyDelete
  19. Ranthambore National Park is very interesting and enjoyable place for those people who have interested to see wild animals and also have interest in photography. Because Ranthambore national park is one and only place situated in rajasthan with epic wildlife sanctuary

    ReplyDelete