Sunday, July 18, 2010

Dekada, Pamilya, at ang OFW

ang aking mga inspirasyon sa pagiging OFW


DEKADA

Noong um-attend ako ng Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS, ay marami akong natutunan tulad ng tamang pag-iinvest ng pera, mga karapatan bilang manggawa sa ibang bansa, ang pagpili ng tamang sim card na may international roaming, ang pagbili ng medicine kits dahil bultuhan daw ang ibinibenta sa abroad, at ang pagpili ng tamang remittance centers. 

Pero higit sa lahat, ang tanging naging interesado ako ay nang tanungin kami ng isa sa mga lecturer ng “Kailan nga ba nagsimulang mangibang-bayan ang mga Pinoy?”. Sa totoo lang, napakahilig ko sa trivia pero hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na ito. Basta ang alam ko lang ay nag-aabroad ang mga noypi para makatikim ng greener pastures.

Ayon sa kuwento ni kuya, nagsimulang lumisan ang mga kababayan natin noong dekada setenta pa lang. Dahil may kakapusan sa local employment, napagpasyahan ng favorite kong presidente na payagan ang mangilan-ngilan nating kababayan na lisanin ang bansa noong panahon ng Martial Law para kumita ng pera na ipantutustos sa kani-kanilang pamilya. 

Hindi ko alam kung gaano ka-credible ang kuwento tungkol sa first three hundred na ipinadala daw ni Apo Makoy sa kahilingan ng hari ng Saudi. Basta ang nakalap ko kay pareng Googs, noong 1974 ay nagpalabas si Ferdinand Marcos ng Presidential Decree 442 o Labor Code na may layuning “to ensure the careful selection of Filipino workers for the overseas labor market to protect the good name of the Philippines abroad”. Dahil sa PD na ito ay nabuo ang tatlong ahensiya ng pamahalaan: ang National Seamen Board (NSB), Overseas Employment Development Board (OEDB), at ang Bureau of Employment Services (BES)

Pansamantagal lang sana ang option na ito ng gobyerno habang naghahanap pa ng magandang programang makapagbibigay ng magandang trabaho sa mga Pilipino. Pumasok na ang Dekada Otsenta ay unti-unti pa ring lumulubog ang ekonomiya ng bansa. Ang nagsimulang 36k na bilang ng OFW noong 1975 ay patuloy na tumaas. 1982, apat na taon bago ang EDSA Revolution, ay ipinalabas ang Executive Order No. 747 o ang kautusang bumuwag sa NSB, OEDB, at BES para mabuo naman ang Philippine Overseas Employment Agency o POEA. Nang lisanin ng yumaong dictator ang pinas, ang bilang ng OFW’s ay nasa 380k na habang ang unemployment rate naman ay nasa 12.55.

Hindi ko na kailangang isa-isahin ang statistics ng mga OFW’s sa ilalim ng mga pangulong humawak sa atin sa mga nagdaang Dekada para lang maipaliwanag ang estimate ni pareng Wiki na nasa eight million na ang population ng manggagawang Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang gusto ko lamang tumbukin rito ay simula nang gawaan ng programa ni Marcos ang pagpapapunta ng mga kababayan natin patungong abroad, WALA NI ISA MAN LANG LIDER MATAPOS NIYA ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAGSIBALIKAN ANG MGA ITO SA BAYANG INIWANAN. Hintayin nalang natin kung paano isasakatuparan ng bagong administrasyon ang kanyang mga binitiwang salita para sa mg OFWs noong siya’y nanumpa sa pagka-presidente.


PAMILYA 

Meron pa bang mas hihigit na dahilang pamilya sa pagiging isang OFW? 

WALA NAMAN NANG IBA

Aminin natin na kahit kailan ay hindi naman talaga pumasok sa ating mga kukote na makakatulong tayo sa ating bansa kapag nag-trabaho tayo abroad. Kaya natin tinitiis ang mahiwalay sa ating mahal sa buhay ay dahil iniisip natin ang kanilang kapakanan at kinabukasan. Mas pipiliin pa nating lumayo kaysa naman magkakasama kayo at pare-parehong kumakalam ang sikmura dahil walang trabahong mapagkukunan ng makakain.

Sa halos isang taon kong pagtitiis dito sa kaharian ng Saudi, madalas kong marinig ang mga hirap na dinanas ng mga matatagal na nating kababayan dito. Noong Dekada NoBenta, hirap ang komunikasyon. Hindi na iba ang kuwentong kailangan mong maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sulat. Alam na rin ng lahat na kailangan mong magtiyaga sa napakahabang pila ng phone booth para lang makatawag sa pinas. Ilang birthdays, ilang kasalan, ilang binyagan, ilang lamay, at kung anu-ano pang mahahalagang okasyon ang tiniis para lang kumita ng ipamumuhay sa pamilya. Gasgas na kung gasgas pero ‘yun ang reality noon.

Sabi ng matatanda, masuwerte daw kaming mga younger generation dito dahil naimbento na noong mid-nineties ang celphones, email, messenger, at iba pang mga hi-tech na pamamaraan upang makontak ang mga mahal sa buhay. Isang pindot lang ay “message sent” na. Napakahalaga daw kasi ang communication sa isang pamilya – totoo ito at one hundred percent akong sumasang-ayon. Ang malungkot lang na nangyayari sa ngayon ay simula ng tumaas ang technology at naging mas madali ang pakikipag-ugnayan ay mas marami ang nalalayo sa isa’t isa.

Kung dati ay marami ang naghihintay sa mga dinadalang snail mail ng mga kartero, mas marami na ngayon ang parang hindi na nakaka-miss sa simpleng “hi” na narereceive na text message. Ang iba naman ay mas pinipili pang makipag-chat sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya. Mas gugustuhin pa nilang “naka-invisible mode” kaysa makipagkuwentuhan sa mahal nila. Hindi ko naman sinasabing lahat pero ang resulta, mas maraming nagpapakahirap sa abroad ang umuuwing wasak ang pamilya.


ANG OFW

Ang sakripisyo ay isang bagay na kasama sa kontratang pinirmahan ng bawat OFW para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kani-kanilang mga pamilya. Maaaring hindi ito nakasaad sa papel pero ito ay isang bagay na dapat harapin. Responsibilidad ng mga nasa abroad at pamilyang nasa pinas  na patatagin ang samahan kahit na malayo sa isa’t isa.

Ano pa ang silbi ng pagpunta sa ibang bansa kung wala ka namang pinagsisikapan?

Kaya natutuwa ako sa Pinoy Expats/OFW Blog AwardsPEBA na ang theme sa kanilang taunang pagpaparangal ay “Strengthening OFW Families: Stronger Homes for Stronger Nation”. Isa itong maliwanag na indikasyon na may mga taong naniniwala pa sa kahalagahan ng pagbuo ng isang tahanan. Tinatawagan ko ang lahat ng OFWs at ang kanilang mag-anak, kaibigan, at mga kamag-anak na suportahan natin ang adhikaing minimithi ng lahat – ang magkaroon ng isang masaya at matatag na pamilya.


Please support B'LOG ANG MUNDOS's official entry to the 2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Read the complete entry TAHANAN NG MGA OFWs. A similar supporting entry is also available at THE WONDER TWINS.






27 comments:

  1. Well said bossing..

    at isa lang ang hinihiling ko..
    malamang nasabi ko na ata dito yun...

    na ako nalang sana ang last generation sa pamilya namin na OFW..

    sana!..

    cheers bossing ilang oras nalang beer day mo na hehe!

    ReplyDelete
  2. Dahil dyan, inonominate kita sa PEBA! Sana manalo ka pre! Boboto ako para sa iyo!naks!

    Ingat

    ReplyDelete
  3. ang cute ng kambal mo ser! at pareho pang lalake. jackpot!

    pinag-iisipan ko rin kung mag-aabroad ako pagkatapos ng tatlong hanggang limang taong experience sa auditing firm na pinagtatrabahuhan ko. kakarampot lang kasi ang sweldo rito kumpara sa pwede mong kitain sa ibang bansa. ang lagay eh mag-iipon lang habang bata pa at pagkatapos eh uuwi rin ako sa pinas pag nakapag-ipon na.

    mabuhay ka ser! mabuhay ang mga ofw!

    ReplyDelete
  4. tama, swerte ang new gens sa technology. no more waiting sa mga mensahe kaya siguro di na uso ang kwentong mga naghanap na ng ibang pamilya ang nasa pinas kasi walang communication sa isat-isa.

    ReplyDelete
  5. nice entry. ako matagal na akong pinipilit na mag abroad, pero iniisip ko pa lang mahirap mapalayo sa pamilya. hindi man kalakihan ang sweldo, at kuntento naman basta importante magkakasama. \m/ rakenrol lang!

    ReplyDelete
  6. sadyang nakakalungkot pag intangible ka sa mga mahal mo...tama ka komunikasyon ang mahalaga para mapreserba ang matatag na pamilya...

    ReplyDelete
  7. mahusay ang pagsalaysay mo pards!, wala nga sa kontrata at di nakalista, pero ito ang dapat isa-alang alang ng mga nag abroad. sakripisyo sa magandang kinabukasan ng pamilya! matatag!

    ReplyDelete
  8. Go sana manalo ka hehehe you deserve it.

    ReplyDelete
  9. feeling ko ang hirap malayo talaga...
    anyway astig mga anak niyo! tomasino! hehe :)

    ReplyDelete
  10. AngBabaengLakwatseraJuly 20, 2010 at 3:17 AM

    Bilib ako sa mga nasa ibang bansa dahil meron kayong lakas ng loob. Kudos! dahil ako takot ako umalis ng Pinas.

    ReplyDelete
  11. Kuya jay, first off belated happy birthday :)

    I can only imagine the sacrifice kaya bilib ako sa inyo e. anyway, malapit naman na kayong umuwi so ok na rin :)

    ReplyDelete
  12. salamat parekoy! alam kong ramdam mo ang entry kong ito dahil isa ka ring ofw. sana eh makauwi na tayo sa pinas at 'di na kailangang mag-abroad!

    sali ka kaya sa PEBA, tutal about ofw's naman ang mga entries mo.

    ReplyDelete
  13. nak naman master drake, napasaya mo ako sa comment mo. lalo na ako, iboboto kita sa peba. inaantay ko na nga ang malufet mong entry eh. \m/

    biogesic!

    ReplyDelete
  14. una, salamat at naligaw ka dito sa aking magilim na bahay. ilang beses na rin akong napadayo sa inyo kaso 'di pa ako naka-comment. si taympers ang nagrekomenda ng malufet mong blog.

    thanks din sa compliment sa aking mga anaksi. mana kasi sila sa nanay kaya cute!

    maganada ang naisip mong makapag-ipon. pero para sa akin, kung hanggat kaya pa namang kumita ng tama sa pinas, dun ka nalang. mas masaya ang buhay dyan kahit na minsan talagang napakahirap. :)

    salamat at mabuhay ka rin!

    ReplyDelete
  15. kaso khanto, ang iba kasi ay ginagamit sa masamang paraan ang technology. imbes na mapaganda ang samahan ay nawawasak!

    ReplyDelete
  16. salamat parekoy! kahit ako, mas gusto ko ang magkakasama. mas masaya ang bonding. dyan ka nalang sa pinas hanggat kaya pang makipag-rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  17. parekoy, communications talaga. siguro ikaw, ayaw mo na mag-japan dahil naramdaman mo na ang tama. :)

    ReplyDelete
  18. master, salamat sa compliment!

    sana nga nababasa ng lahat ng mga ofws ang "invisible items" ng mga contract papuntang abroad! \m/

    ReplyDelete
  19. idol!! pinataba mo puso ko, para akong aatakihin. salamat! \m/

    ReplyDelete
  20. mahirap talaga kung sa mahirap. believe me. :)

    proud tomasino. go uste! salamat!

    ReplyDelete
  21. patibayan lang ng loob. kahit ako dati ay takot umalis ng pinas. kaso ginawa ko dahil kailangan. \m/

    ReplyDelete
  22. hi em, thanks sa grreeting. akala ko papadala ka ng pic greet eh. hehehe.

    tama, yung bakasyon ko nalang ang iniisip ko ngayon para mas gumaan ang loob ko. :)

    ReplyDelete
  23. woaahhhh
    pwede n po ikaw maging statistician tama ba term ko haha,,
    di naman po kau nagresearch about sa numbers ng OFW churva ano hehe..
    anyways korek po kau marami pong nagtitiis n mga pinoy na mangibang bansa para sa putyur ng kanilng pamilya..
    tinitiis ang hirap para di magutom, tinitiis ang lungkot para makapag aral ang mga anak s mga magagandng skuls~~

    anyways, goodluck po at sana pakatatag po kau jan sa disyerto alam ko po gaano kalungkot mawalay sa pamilya lalo nat sa iyong wonder twins ^_^

    ingats~

    ReplyDelete
  24. static...statisticker...ah basta tama na yang sa'yo! kailangan nating i-research ang mga dahilan kung bakit may nagyayaring katulad ng sa ofws. mabisa kasing paraan ang alamin ang roots ng mga trends. naks!

    lahat ng kasamahan ko rito ay masasaya pero kapag seyosong usapan...lahat ay nag-iiyakan! maniniwala ka bang kahit na sobrang matitipuno ang mga friends ko rito ay tumutulo ang luha nila kapag pamilya na ang usapan?!

    salamat sa moral support!

    biogesic!

    ReplyDelete
  25. nakaka antig na post! love it!

    ReplyDelete
  26. thanks arlini! sana ay maiboto mo ang official entry namin for PEBA. Heto ang LINK

    \m/

    ReplyDelete
  27. AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHMMMMMMMMM

    ReplyDelete