heto yung madalas gawing cover ng mga notebooks ng kabataan noon
Naaalala niyo pa ba ang palabas ng Shitty Siete na "T.G.I.S." noong Dekada No Benta (taken from my entry "Seattle's Best Love Story")? Suwerte mo ngayon dahil nagkaroon na ako ng konting sipag para gumawa ng entry sa mga inaabangang palabas ng mga kabataan tuwing sabado noong panahon ko.
Noong nag-aaral pa ako ng college sa uste, mayroon akong classmate na ayaw sumama sa lakad ng tropa kapag hapon ng Sabado. Madalas niyang sabihin na may lakad sila o may pupuntahang importanteng bagay kaya hindi na namin sila pinipilit. Ang kaso minsan, nadulas ang kanyang dila at sinabi niyang "T.G.I.S. ngayon eh. Maganda na 'yung episode na ipapalabas mamaya.". Paksyet, ano daw?! Ang madalas ko dating marinig sa teacher kong si Ms. Dueñas noong highschool ay "T.G.I.F" o "Thank God It's Friday". Tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya at ang sinagot sa akin ay "Hindi mo alam ang Thank God It's Sabado, 'Yung palabas sa channel 7?".
Nakanamputs, parang kasalanan ko pang hindi ko alam na mayroong isang teevee series na nagpapauso ng acronym na hindi man lang ginawang "Saturday" ang "S" para magtunog konyotic!

Ang mga programs na may temang "coming of age" ay patok sa lahat ng kabataan dahil nakikita nila ang sarili nila sa mga episodes na ipinapalabas. Usual ang mga kuwento tungkol sa sexual maturity, acceptance, love triangle at kung anu-ano pang experiences na nagaganap during transition from childhood to adolescence. Early nineties nang simulang i-hypnotize ng ABS-CBN ang mga classmates kong babae noong highschool sa pamamagitan ng pagpapalabas ng "Beverly Hills 90210 (October 4, 1990)" . Noong mid-nineties naman, matapos maipalabas ang pelikulang "Singles" sa Tate, ay sinubaybayan naman ng mga kabataan ang "Friends (September 22, 1994)".
Nakita ng GMA7 na maganda ang market ng mga ganitong palabas kaya hindi nila sinayang ang panahon at nag-produce sila ng local version na hango sa tema ng mga sikat na foreign youth oriented programs. On August 12, 1995, ipinalabas ang pilot episode ng TGIS at naging maganda naman ang pagtanggap ng mga masa pati na rin ng mga rich kids na tinedyers. Dito nagkaroon ng pangalan ang mga artistang sila Red "Kiko (sa palabas)" Sternberg, Michael "Micky" Flores, Onemig "JM" Bondoc, Raven "Cris" Villanueva, Rica "Mitch" Peralejo, at Ciara "Rain" Sotto. At sino ba naman ang makakalimot sa malufet na tambalang kape't gatas nina Bobby "Joaquin / Wacks" Andrews at Angelu "Peachy" de Leon? Pati yata 'yung lola ko ay kinikilig kapag napapanood sila sa punyetang teevee na ayaw ipalipat ang channel kapag Sabado. Kung napansin niyo ang first batch ng cast, sina Rica at Angelu ay galing sa Ang TV na palabas naman sa kalabang network.
Mataas ang rating ng TGIS kaya nag-isip ang Channel 2 na gumawa ng sariling version. Medyo dumadaan sila sa mabigat na pagsubok that time at nabansagang "Xerox Copy" era nila ang mga panahong iyon dahil wala silang mga "creative" thinkers na gagawa ng mas orig na palabas. Para matalo ang kabilang network ay ipinalabas nila ang "Gimik" noong June 15, 1996. Potah sa all-star cast ang palabas na ito. Hindi ko na babanggitin ang lahat ng original characters dahil ang dami dami dami dami dami nila. Sorry nalang sa mga nobody's dahil ang mga sikat lang ang babanggitin ko tulad nila Judy Ann "Dianne" Santos, ang pumanaw na Rico "Ricky" Yan, Patrick "Carlo" Garcia na parang paos na robot ang boses noon, G. "Gina" Toengi, Diether "Gary" Ocampo, Marvin "Joey" Agustin, ang reyna ng mga jologs na si Jolina "SC" Magdangal, ang crush kong si Mylene "Melanie" Dizon, Dominic "Eric" Ochoa, Kaye "Kakai" Abad, John Lloyd "Junie" Cruz, Kristine "Tin Tin" Hermosa, Cheska "Corrine" Garcia, Baron "Choy" Geisler, Paula "Pauline" Peralejo, at ang trying hard na si Carlos "Marco" Agassi. Bumalik din sa Dos si Rica Peralejo at pumapel sa Gimik bilang "Jersey". Bukod sa nabanggit ko ay meron pang anim na cast members na hindi ko na isinama dahil nakakapagod mag-type. Ewan ko kung paano hinati-hati at pinagkasya ang mga scenes per episode sa dami ng lintek na mga teen stars na itinodo nila pati pato't panabla. Kung papansinin niyo rin, napaka-creative ng mga names ng character nila dahil katunog ng tunay na names nila. Ang galing 'di ba (sarcastic mode)?!
Para lalong matalo ng Dos ang TGIS ay gumawa kaagad ng pelikula na hango sa series. Ipinalabas ang "Gimik: The Movie" noong taon ding iyon. It was a blockbuster bullcrap na pinilhan ng lahat ng kababaihan at kabaklaan pati na rin mga tunay na lalake.
Bilang sagot ng Siete sa sangkatutak na artista ay dinagdagan ng TGIS ang cast nila. Ipinakilala ang second batch ng kanilang palabas noong August 1997 at dito na nabilang ang love team nina Ding Dong "Iñaki" Dantes at Antoinette "Bianca" Taus, at Sunshine "Calai / Carla" Dizon and Polo "Ice" Ravales. Taena rin sa dami ang itinapat ng series na ito kaya ang babanggitin ko nalang na iba pang nadagdag ay ang mga sumikat tulad nina Anne "Emily / Em" Curtis at Maui "Bridget" Taylor. Gumawa rin ang Viva ng "TGIS the Movie" at ipinalabas that same year.
Naalarma ang Dos at dinagdagan pa nila ng mas maraming maraming maraming marami pang artista ang kanilang palabas to the point na nakakasawa nang panoorin. Kasama sa extended cast sila Alessandra "Margareth" de Rossi, ang crush ko ring si Claudine "Chloe" Barretto, Tanya "Tanya (rin)" Garcia, ang school/batchmate kong si Bernard "Scud" Palanca, Desiree "Sarah" del Velle, Jodi Sta. Maria, Nikki "Jek Jek" Valdez, at Julia "Jules" Clarete. Sorry again sa mga hindi ko nabanggit.
Naging ganun ang labanan ng dalawang sikat na show. Noong minsang napatambay ako sa bahay ng pinsan kong si Bambie, nahilo ako sa panonood niya dahil palipat-pilat siya ng channel kapag commercial. Pareho niya kasing sinusubaybayan ang dalawang shows. Paksyet to the max raised to the power of infinity. Ganun katindi ang TGIS at Gimik. 'Yun nga lang, sa dami ng characters ay gumulo ang story plot. At noo'y tumatanda na rin ng mabilis ang members ng original cast. Salamat at nagsawa rin sa wakas ang madlang noypi. Unang nawala ang Gimik na nagpalabas ng last episode nila noong February 13, 1999. That same year, on November 27, ay ipinalabas naman ng TGIS ang kanilang farewell show.
Akala ko ay natapos na pero sinundan ito ng parang bagong chapter na based din sa original na series. Kung nagkaroon ng "G-Mik" ang Dos, nagkaroon naman ng "Growing Up" ang Siete. Awa ng Diyos, pareho silang hindi nagtagal sa ere.
Sa totoo lang, napakatindi ng impact nito sa kabataan. Sa sobrang tindi ay wala akong maalalang episode na minsan kong napilitang panoorin. Siguro ay dahil mas trip kong manood ng "The Wonder Years" bago sumikat ang dalawang local youth-oriented na palabas. Kaya siguro sobrang biased ako sa panggagaya ng mga local networks natin.
Ang magandang nangyari lang sa TGIS at Gimik ay nakapag-produce ang mga ito ng mga award-winning actors na namamayagpag sa mundo ng showbiz ngayon. Special mention ko dito ang dati kong gf na si Mylene Dizon!

COMMERCIAL / EXTRA / SINGIT
Sinasalubong ko ng masayang-masayang-masayang-masaya ang buwan ng Hulyo. Dati, isa ito sa mga pinakaayoko dahil ito ang month ng aking birthday. Ayoko ito sa kadahilanang bukod sa madadagdagan ang edad ko ay ayoko ng binabati ako "happy birthday p're!" sabay banat ng "sa'n ang inuman?". Kuripot akong tao. Hindi dahil ayokong gumastos kundi dahil napakarami kong kaibigan. "Friendliest" yata ako noong pre-school! Kaya mahirap mag-budget kapag ang friends mo sa FB ay umaabot ng libo.
First time kong magdiriwang ng kaarawan na malayo sa mga mahal sa buhay. Yes, emo mode ulit ito. Kung dati ay binabago ko ang date ng aking birthday sa profiles ko sa mga social networking sites para walang makaalala, ngayon ay ako na ang nagsusumigaw na bertdey ko sa darating JULY 19. Yes folks, sa ikatlong Monday ng July ay magiging thirty-two years na ang edad ko - wala na sa kalendaryo! At most, kahit wala na ako doon ay meron naman na akong loving wife na Supernanay ng aking mga anak na Wonder Twins. Alam na ng buong Saudi na magpapakanton ako sa special day ko. Sana ay maraming makaalala sa akin sa Pilipinas dahil naglagay na rin naman ako ng "event" sa aking FB account.
Since walang nangahas na magparamdam na regaluhan ako ng pangarap kong Chuck Taylor shoes na tribute para kay Kurt Cobain, iba nalang ang hihilingin ko sa buhay. This time, nagmamakaawa na ako sa inyong lahat para lang sumaya ako kahit papaano. Naiinggit kasi ako sa uso sa mga bloggers kapag malapit na ang birthday. Susubukan ko lang naman (at sana ay may mag-aksaya ng oras). Kung merong MMS ang celfones, meron namang picture messages ang blogosphere. Kung clueless ka kung ano ito, click mo itong link ni Stone Cold Angel para maintindihan mo ang sinasabi ko.
O 'di ba ang dali lang naman? Kaya kung sino man ang interesado na mapangiti ako ngayong birthday ko, gamitin na ang kamera at ipadala ang inyong litrato sa aking email: negativejay@yahoo.com. May deadline po ito dahil demanding ako. Hehehe. Sana ay maipadala niyo on or before July 17, 2010.
Maraming maraming salamat powh. Bow!
adbans happy birthday! bawal ang alak sa saudi kaya iingitin ka na lang namin ng iba mong mga ka blogger!
ReplyDeleteat sya nga pala pag nagbakasyon ka sa P-Nas dapat sumali ka sa Panahon Ko 'To! siguro masasagot mo lahat na trivia sa 90's.
GB! kampai parekoy!
Natapos din ang pamamayagpag ng mga shows na yan. Di ako makapanood ng ibang palabas dahil yan ang pinapanood ng ate ko sa bahay. laro nalang ng patintero sa labas ang ginagawa ko. :D
ReplyDeleteadvanced happy birthday.
ReplyDeletebumabalik ang mga alaala ko ng gimik. si daphne pa nga kontrabida dun. hehehe. tsaka nawala si judy ann kasi nabaril sa tyan tas nabulag. hahaha
adik lang.
Hmmm something tells me sumama ka na sa panonood ni Kenneth ng teevee hehehehe
ReplyDeletei remember these days! hahaha
ReplyDeletebloghopping! care to exchange links? just give me a heads up back at my blog. thanks! :)
regards,
The Daily Blah
Hello! your blog is nominated for the Top 10 Emerging Influential Blogger 2010! Here is the entry:
ReplyDeletehttp://www.skamid.com/blogging/emerging-influential-blogger-2010/
Good luck to you and keep up the great work!
Advanced! :)
ReplyDeleteThe best talaga ang 90s. Yung mga ganitong klaseng palabas ngayon sobrang nakakasuka. Hahaha.
At andun na pala sina John Lloyd at Tin Hermosa? Pinapanud ko to nung bata ako eh.. pero more on yung TGIS. Ayoko kasi kay G nun eh.
@ master: salamat sa maagang pagbati. kahit na walang alak basta masaya, ok na! nabalitaan ko nga yang bagong show ng abs-cbn at mukhang exciting! ayokong sumali dun kasi may phobia na ako simula nang sumali ako sa mga ,gameshows sa teevee! \m/
ReplyDelete@ khantotantra: 'yang mga shows na 'yan ang kalaban natin sa panonood ng mga anime at sentai tuwing sabado! \m/
@ gillboard: wow, hindi ko alam 'yang tungkol sa nangyari kay judy ann! pero parang narinig ko na 'yan from somewhere! adik!
ReplyDelete@ glentot: nahikayat kami ni kenneth na gumawa ng fans club! lols!
@ TDB: ganda ng blog mo. kasama ka na sa bloglist ko! salamat sa pagdaan dito!
ReplyDelete@ dimaks: salamat salamat at marami pa uling salamat! it's really an honor parekoy! na-appreciate ko rin sobra ang write up. ngapala, na-add na kita sa blogroll ko!
rakenrol \m/
@ robbie: although 'di talaga ako nahilig (sobrang defensive mode) sa mga ganito noong panahon ko, i must admit na pinasaya nila ang dekada no benta. kung wala sila, wala rin itong entry na ito! hahaha. \m/
ReplyDeletealthough 'di talaga ako nahilig (sobrang defensive mode) sa mga ganito noong panahon ko, i must admit na pinasaya nila ang dekada no benta. kung wala sila, wala rin itong entry na ito! hahaha. \m/
ReplyDeleteganda ng blog mo. kasama ka na sa bloglist ko! salamat sa pagdaan dito!
ReplyDeletesalamat salamat at marami pa uling salamat! it's really an honor parekoy! na-appreciate ko rin sobra ang write up. ngapala, na-add na kita sa blogroll ko!
ReplyDeletewow, hindi ko alam 'yang tungkol sa nangyari kay judy ann! pero parang narinig ko na 'yan from somewhere! adik!
ReplyDeletenahikayat kami ni kenneth na gumawa ng fans club! lols!
ReplyDeletesalamat sa maagang pagbati. kahit na walang alak basta masaya, ok na! nabalitaan ko nga yang bagong show ng abs-cbn at mukhang exciting! ayokong sumali dun kasi may phobia na ako simula nang sumali ako sa mga gameshows sa teevee! \m/
ReplyDelete'yang mga shows na 'yan ang kalaban natin sa panonood ng mga anime at sentai tuwing sabado! \m/
ReplyDeletesalamat! linked here as well! :)
ReplyDeletesalamat po!
ReplyDeleteWala akong masabi. Kasi dekada 90 nasa buhanginan na ako at nag tatyaga sa ilalim ng mainit na araw.
ReplyDeleteok lang po yan. kaya ko nga po ginawa ang blog na ito ay para magsilbing time machine sa mga taong nakalimot o di naka-experience ng dekada nobenta! \m/
ReplyDeletedapat manalo ka sa top 10 influential bloggers na yan. u deserve it tol
ReplyDeleteit's good to be back parekoy. matagal din akong absent sa blogging world ah. at bakit memorize mo pa ang pangalan ng mga characters nila? haha. grabe, ang tanda mo na talaga parekoy! ako, mas gusto ko ang gimik, kapamilya ako eh. pero ang talagang naabutan ko ay yung g-mik, yun kasi talaga ang henerasyon ko eh. wahahahaha. oh, peace na tayo. grabe ka parekoy, demanding? gusto ko pang magpapayat bago magbigay ng picture greeting eh para pogi... hehe. pero sige na nga, tutal matanda ka na. wala na sa kalendaryo ang edad mo! wahahaha. peace :P
ReplyDeletewow paps, masyado mo nang pinapataba ang puso ko sa cholesterol comments mo! :) salamat salamat talaga. pero mahirap manalo 'dun dahil kailangang blogger din ang mag-nonominate through posting an entry. masaya na ako sa mangilan-ngilang nagsasama ng blog na' 'to! salamat ulit idol.
ReplyDeletegrabe parekoy, kumusta naman ang pamumundok at pagtatago sa kuweba ng mt. hibuk-hibuk? buti naman at nagkaroon ka ng time na maisingit ulit ang pagsusulat. miss ka na ng mga readers mo!
ReplyDeletewow, salamat naman at nadagdagana na ang list ng mga magpapadala ng picure greeting. kahit 'wag ka na magpapogi parekoy. ipapanakot ko lang naman sa mga giant surots dito sa amin. hehehe. peace tayo! \m/
pards, naabutan ko yung mga palabas nato.. he he he. natawa ako dun sa tgis.. thanks god its sabado-saturday!.. ha ha ha.
ReplyDeletenaku parekoy, isa lang ang ibig sabihin kung naabutan mo ang show na ito....ok, hindi ko na sasabihing may kinalaman ito sa edad mo! hehehe. \m/
ReplyDeleteayos blog mo ,ang ganda
ReplyDeletesalamat parekoy! dalaw ka ulit! \m/
ReplyDeletebgla ko tuloy naalala ang tym n super adik din ako s GIMIK n yan kakatuwa nmn, mukhang hindi mo kabisado eh..hehe..ilang character n lng ntatandaan ko s kanila...i enjoy reading ur write ups...kip it up...
ReplyDeletegaling mo pre!! aus un line mo ah, mukhang madadala mo lahat ng readers me kasama na ako dun. anyways, un lang!!
ReplyDeletesalamat po! dalaw kayo ulit dito sa aming tambayan! \m/
ReplyDeletenaku, hindi naman po halata na hindi ko sila kabisado :)
ReplyDeletesalamat po sa pag-appreciate! \m/
aNG GaLing nman.. Eheheheh... Dalaw ulit ako dito.. Tambay na to to the highest level!! hahaha
ReplyDeleteHaha! Natawa naman akong basahin ito! Kumpleto sa dates at asa college pa pala ako nung nauso ang mga ito. Mabuti na lang at may pasok kami noon sa Uste kapag sabado(tues to sat pa pasok noon sa main bldg) at diko nakikitang pinapanood ito ng pinsan ko.
ReplyDeleteAt mas lalo rin akong natawa dahil crush din ng hubby ko ang exgf mong si Mylene! =)
TGIS ang pinapanood ko.. =) nakaka miss din sila hahaha
ReplyDeleteMr. Blogger nakalimutan mo yata bangitin si Donna Cruz sa TGIS. Pati si Joyce Jimenez Andon din ah. =)
ReplyDelete