Monday, March 15, 2010

The Glowing Goldies



High school daw ang pinakamasarap sa lahat. Oo para sa karamihan dahil ito ang panahon na una kang tinubuan ng buhok sa mga kakaibang parte ng katawan mo. Isama mo pa ang first gelpren o boypren mo, siguradong nakakakilig na parang isa sa mga eksena ng lecheseryeng “First Time” ng Siete. Pambansang soundtrack ng buhay nila totoy at neneng ang kanta ni Ate Shawie na laging pinapatugtog kapag malapit na ang graduation.

Masarap kung sa masarap ang HS pero wala pa ring tatalo sa college life ko na pang-MMK ang istorya. Pero sa ibang entry ko nalang ikukuwento ang mga kalokohan ko – walang drama rito. Tungkol lang naman ito sa glory days ng USTe noong 90’s sa larangan ng basketball sa UAAP o University Athletic Association of the Philippines.

Sa curriculum ng Uste, required ang isang sem ng Gymnastics sa apat na semesters ng PE. Kahit na ano ang kunin mo sa susunod, basta dapat ay makapag-tumbling ka sa harap ng instructor nyo minsan sa buhay mo bilang Tomasino. Ang siste, first year of enrolment palang ay ito na kaagad ang napunta sa batch ko. Wala kaming choice dahil block section ang first sem kaya ‘di puwedeng mamili ng gusto. Naisip ko kaagad yung batang gymnast na babae sa commercial ng Milo.

Unang meeting ng PE101, nagulat ako sa dinatnan namin sa gym. Wala yung mga mat at ribbon na gagamitin kundi mga bass drums, snare, at cymbals ang nakalatag. Tapos binigyan kami ng kopya ng mga cheers at loyalty hymn na dapat isaulo. Laking gulat naming lahat nang i-announce sa amin ng prof na magiging part kami ng official pep squad ng Santo Tomas, ang UST YELLOW JACKETS o USTYJ. Ayos ito dahil 'di na namin kailangang maging sirkero pasa pumasa sa PE. Kailangan lang naming pumunta sa bawat basketball game ng UST GROWLING TIGERS at maging official na tagapalakpak, tagasigaw, at tagabugaw ng mga kalaban. Mga tickets ng Araneta at Ateneo ang nagsisilbing proof para sa attendance namin. Dapat ay kumpleto ang PE uniform mo na yellow na t-shirt at black na shorts.Talagang pinagmamalaki ko sa mga inuman na naging part ako nito.

Originally, UST BANGERS ang tawag sa USTYJ na sinimulan ng eight loyal followers na pinamunuan ni Michael Ismael Flores. Tatlong bass drums, apat na snare, at isang pares lang ng cymbals ang gamit nila noon. Nang makuha ng uste ang championship sa senior's basketball noong 1993, napatunayan ng mga bangers ang kanilang importance at worth as a support team. Sumunod na taon ay nag-team up sila sa SALINGGAWI DANCE TROUPE na lalong nagpatindi sa grupo. 1996 ay nagkaroon na sila ng mga babaeng members at 1997 sila nagpakilala bilang USTYJ.

Memorize ko dati lahat ng cheers tulad "Go Uste!" na adaptation ng kanta ng idol kong si Vanilla Ice - "Go Ninja" from "Teenage Mutant Ninja Turtles Movie" OST. Isa pa ang "Black Gold, Black White" na kulay ng team na binase sa kulay ng Vatican flag. At siyempre, ang "Animo Cheer" at "Loyalty Hymn".

Ang mga "Half-Time Shows" ang pinakaaabangan naming magkakabarkada dahil sa malulufet na presentations ng Salinggawi. Ang SDT ang nagbigay ng kulay sa maingay na "war drums" ng USTYJ. Panis ang mga "folk dance moves" ng ibang universities sa mga nakakahingal at nakaka-palpitate na signature acrobatic moves ng SDT. Sila lang naman ang nagpaumpisa ng mga daring moves na "hinahagis sa ere" at paggawa ng human pyramid. Ito ang nagpanalo sa kanila sa "Jollibee Chi-Cheer Kayo Challenge" ng three consecutive years simula 1994. Really a cut above the rest.

Ang mid-90's ang pinakamatinding era ng UST Growling Tigers dahil sa 4-PEAT o ang pagkapanalo ng Senior’s basketball team ng apat na sunod mula 1993 hanggang 1997. Noong batch ko, ang mga Star Players ng uste ay sila Estong Ballesteros, Chris Cantonjos, Dale Singson, Richard Yee, Gerard Francisco, at Henry Ong. Kasama rin sa line-up ng 4-peat Team sila Rudolph Belmonte, Bal David, Dennis Espino, Rey Evangelista, Patrick Roy Fran, Edmund Reyes, Siot Tanguingcen, Lester Del Rosario, Ferdinand “Bong” Ang, Bong Hawkins, Gilbert Lao, at Gelo Velasco.

Ang “Phil Jackson” ng uste noon na nag-coach sa 4-Peat team ay walang iba kundi si Coach ARIC DEL ROSARIO (Seasons 1992-93 to 2003-04). Parang may kakaibang agimat si coach kaya napapagawa niya sa mga Tigers ang kailangan para manalo.

Ang 4-Peat na nakamit ng uste ang nagpatindi sa rivalry ng UST at De La Salle University. Sa apat kasi na championships, tatlong beses na natalo ang Archers sa Tigers. Kaya naman kapag laban ng dalawang ito, sa Araneta ginagawa dahil siguradong full-packed ang game na parang may laro ang Ginebra!


Ito ang pinakamasaya sa lahat. Ang mga asaran kapag may laban. Hating-hati ang crowd ng The Big Dome.
DLSU - "Di Lumusot Sa Uste"

Sabi La Salle: "Tuition niyo, baon lang namin!"

Sabi ng UST: " Tuition namin, kasing liit ng utak niyo!"

Idadaan ng La Salle sa pep squad at sisigaw sila ng "Go La Salle, Go Go La Salle!" Sasabayan naman namin ng "Bo La Salle, Bobo La Salle!"

Kasagsagan ng kaso ni Hubert Webb noon kaya kapag may free throw si Jason Webb ay nagsisigawan naman ng "Vizconde, Vizconde!". Gumawa naman ako ng placard na "RAPE ME" na sikat na kanta rin ng Nirvana noong time na 'yun.

Minsan umaabot talaga sa away pati yun g mga nanonood. Naka-experience pa nga ako ng instance na napunta ako mismo doon sa boundary ng DLSU at UST. Talagang asaran to the max!

Ang suwerte sa lahat kapag natatapos ang bawat laban ay ang mga tagalinis ng Araneta dahil umuulan ng piso at baryang limang piso.

Ang lufet ng experience 'di ba? Kasing lufet ng growl ng tiger na mascot!

Eh bakit ba naman ang wholesome ng title ko? Alamin ang kasagutan dito kay pareng WIKI.




7 comments:

  1. Ang sosyal sosyal mo naman sa UST ka pala graduate~ ikaw na! Tapos sabi mo nag Jollibee ka!

    Di ako naniniwala! Mayaman ka!Mayaman ka!

    ReplyDelete
  2. Haha, mayaman kami sa utang! Nakapag-aral lang ako dito pero undergrad. 'Di naman sosi sa uste. Kumbaga sa antas ng pamumuhay, nasa middle class lang ang mga tomasino.

    ReplyDelete
  3. Naks naman! USTE ka pala...

    Ako kasi from FEU... Talagang super suporta ako noong 1st year at second year ako... Busy na kasi kapag 3rd at 4th year... :)

    ReplyDelete
  4. I love watching UAAP din date pero nakagraduate nako nun! May crush kase akong player!

    Ngayon ko lang nalaman ung k Jason Webb ha, siguro nkakaawa din kht papano no? kc tlgang pinepersonal na ang atake, pra lang madistract ka tlga sa laro! Oh well ganun tlga!

    :)

    ReplyDelete
  5. @ Mangyan Adventurer: Tamaraws astig!! Pero siyempre mas astig pa rin kami...hehehe

    @mommy ek: ganun talaga ang basketbol, physical na, personalan pa!

    SALAMAT SA PAGBASA!!

    ReplyDelete
  6. Sa ibang congregation ang La Salle. ang UST ay dominican, tulad ng Letran.

    ReplyDelete
  7. Sa UST ako nag aral mula 1994 hanggang 1997, naalala ko yang kampeonatong iyan.. ang lakas ng USTe sa basketball ng panahong iyon. Hindi ko makakalimutan si Henry Ong, ang lupit sa 3 points.

    ReplyDelete