Kung may (Kurt) Cobain ang tugtugan scene noong Dekada NoBenta, meron namang Vizconde ang mga naganap na massacres sa Pilipinas. Taena, ‘di ko alam kung nako-connect ang comparison pero alam kong ganun katunog ang apelyido ng huli noong kapanahunan namin. Kung nabanggit ko sa nakaraan kong entry na synonymous ang Bobbit sa “putol-etits”, naging synonymous naman ang Vizconde sa rape at massacre.
Potah, walang TFC at PinoyTV dito sa lupain ng mga tsekwa kaya naman nagulat ako kanina nang mabasa ang breaking news sa Yahoo! na naabswelto na si Hubert Webb at ang mga kasama niyang akusado sa Vizconde Massacre. Ang malufet nito, kasabay pang nabasura ng korte ang akusasyon ni hot chikabebeng si Katrina Halili laban kay Hayden Kho! Okay, makikisawsaw ako ng bahagya sa trending na searches sa Yahoo!,Google, at sa blogosphere.
Alam kong mabibilaukan na kayo sa mga dokyu at iba pang babasahing lalabas kaugnay sa pangyayaring ito kaya naman hindi ko na babalikan ang istorya nila. Tanging mga alaala nalang ng kahapon ang aking ibabahagi sa inyo. Nadyan naman si pareng Wiki para magbigay ng ilang impormasyon sa mga gusto nating malaman.
Hubert Webb. Kapatid ni tukayong Jason na isang star player ng UAAP. Tandang-tanda ko pa ang itinataas na banner na may nakasulat na “Rape Me” kapag nagpi-free throw siya. Isa ako sa mga nakikisigaw sa crowd ng “Vizconde, Vizconde!” para dagain ang kanyang dibdib nang sa ganun ay di makalamang ang kanilang eskuwelahan laban sa aming mga Growling Tigers!
Jessica Alfaro. Ang malufet na star of the night, este, star witness pala. Nakanamputs. Siya na yata ang nagpauso ng shades during court trials. Mahilig siya sigurong makinig sa U2 kaya nakuha niya ang style ni Bono. Naaalala ko tuloy si Katrina Halili nang pumunta sa NBI para akusahan ni Dok. Alice Dixson, nice simiilarities para gumanap sa nilangaw na pelikula na hango kay Ms. Alfaro.
Ang tagal-tagal ng naging hatol ng korte. Ang daming naubos na pera ng nakakaawang si Mr. Lauro Vizconde sa mga abogado niya laban sa side ng mga suspects.
Kung maraming naubos na pera ang ama at asawa ng mga biktima, ibahin niyo si Direk Carlo J. Caparas, isang National Artist (daw) dahil malaki ang kinita niya sa pagkatay kay Kris Aquino sa pelikulang “The Vizconde Massacre: God Help Us!”. Ano na kaya ang nararamdaman ni Direk ngayong napalaya na ang grupo ng mga true-to-life kontrabida sa pelikula niya? Sa dami ng mga massacre movies na ginawa niya, minsan ay sumagi sa isip ko na baka maraming gumawa ng mga karumal-dumal na krimen noon dahil sa gusto ng ibang tao na maisa-pelikula ang mga katarantaduhan nila!
Si Kris, bakit wala pa akong nababasang mga quotable puta-kowts sa Twitter account niya? Ano kaya ang nararamdaman niya bilang gumanap kay Carmela (sumalangit nawa) ngayong wala na sa kulungan ang mga suspects? Isang malaking batok sa nalalagas na ulo ng kanyang kapatid ang nangyaring ito….can’t wait to hear her opinion.
Kung sino man ang dapat managot at dapat makakuha ng hustisya, sana nga ay nangyari na.
OJ Simpson, sana mabasa mo ito.
informed ka sa news dito sa pinas ah.
ReplyDeleteNgayon ko lang nabalitaan yung tungkol sa kapatid ni hubs na may rape me karatula pag naglalaro sya sa court. wahahah. di kasi ako fan ng basketball.
so sad na na-absuwelto ang mga inakusahan pero wala ng pede i-appeal kasi SC na ang nag-decide.
pinapakita ng decision ng supreme court kkung gaano ka inefficient ang justice dito sa pilipinas. Bad trip lang.
ReplyDeleteKung ako kay Carmela Visconde, start niya na huntingin yung mga pumatay sa kanya...
Ayos buto-buto. Parang CNN News na may halong twist ah. Salamat!
ReplyDeleteIt's truly a joyous day for a family and one sad day for a man.- Hindi ko yan quote. Nabasa ko lang sa twitter. Whether Hubert is guilty or not, the question is where is justice?
ReplyDeleteBata pa ko nung nangyari to. Pero ang pinakanaaalala ko lang talaga eh si Jessica Alfaro at ang kanyang mahiwagang shades.
ReplyDeleteBtw, I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.
http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc
Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)
tama, mahiwaga ang korek na adjective!! siguro ay nagiging invisible ang pakiramdam niya tulad ng bata sa pelikulang "big daddy".
ReplyDeletenasagutan ko na ang malufet mong pa-survey. salamat sa pagdaan.
hello mia! balitaan mo ako kapag may puta-kowts na ang queen of all paksyet media.
ReplyDeletesalamat parekoy! pero ang tingin ko, parang binaboy na tabloid entry lang ang post na ito!
ReplyDeletebad trip talaga. di ko magets ang supreme court. kung ako kay carmela, yung mga judges ang una nyang bulabugin.
ReplyDeletekailangang maging updated through net parekoy dahil yung dyaryo namin dito, noong nakaraang dalawang linggo pa!
ReplyDeletewalang sapat at matibay na ebidensiya para sabihing sina webb daw ang gumahasa. pero sa kabilang banda, andiyan naman ang pagpapatotoo ni jessica alfaro. sa totoo lang eh naguguluhan ako kung sino ang nagsasabi ng totoo. palagay nio ser?
ReplyDeleteparekoy! kumusta? tagal na nating di nakapagusap ha? i'm back. about the issue... di ako masyado makapag-comment kasi aminado ako na wala ako masyadong alam sa issue... ito na lang siguro.. sa kasong iyan, walang nanalo. kung totoong inosente sina hubert webb, nasayang ang kabataan nila sa kulungan at yung panahon na ginugol sa napakatagl na proseso ng korte, sana ay ginamit nalang para hulihin ang mga totoong salarin. kung totoo mang sila ang mga salarin... then what's new? sobrang bulok ang justice system dito at kung totoo man ang sinasabi nila na justice was served that day, i beg to disagree. i believe that justice delayed is justice denied... 15 long years man... all for nothing :(
ReplyDeletesa totoo lang ser lio, 'di ako mapalagay! mahirap ispilengin ang pangyayaring ito. sa mata ng marami, syempre ang grupo lang nila webb ang tunay na maysala. kasalanan din ito kasi ng media na masyadong nag-sensationalize ng court trials.
ReplyDeletewelcome back parekoy! tagal mo ngang nawala.
ReplyDeleteang kasong ito ang isa sa mga kasong matagal na hinintay ng marami para malaman ang desisyon. ang problema nga lang, sa loob ng mahigit isang dekada, nanaig ang paniniwalang sila webb ang mga salarin kaya ng ihain ang hato, naural lang na marami ang nagulat.