Tuesday, December 21, 2010

Regalo ni Kris


galing DITO ang malufet na pektyur

Pangalawang bansa na ang China sa napuntuhan ko para magtrabaho abroad. Pangalawang taon na rin akong magpa-Pasko sa bansang wala namang Christmas. Walang Simbang Gabi. Walang Noche Buena.

Walang EXCHANGE GIFTS.

MONITO MONITA para sa mga medyo jologs, SECRET SANTA naman para sa mga medyo sosi, at KRIS KRINGLE naman ang term na ginagamit ng karamihang average people. Akala ko dati ay kay queen of puta-kowts, Kris Aquino, ipinangalan ang pausong kailangang magbigay ng kung anu-anong paksyet na regalo tuwing papalapit na ang Pasko. Hindi niyo ako masisi kung bakit ganun ang naisip ko dahil wala namang ibang Kris noong Dekada NoBenta kundi siya lang. Ngayong matanda na ako, alam ko na ito'y hango sa German Cut word na "Das Christkind" meaning "The Christ-child" o traditional gift-bringer.


 Something old...something new...something taena lang.

Noong panahon ko, may mga gift stores na pumapatok kapag panahon na ng pagbibigayan. Hanggang ngayon, sila pa rin ang pinupuntahan para bilhan ng mga malulufet na pangregalo.

GIFT GATE. Sa Ali Mall, Cubao ko ito unang napuntahan. Kilala ito siyempre dahil sa pusang inang si Hello Kitty. Lahat yata ng mga mahihilig sa kulay pink na pusa ay dito nagpupunta. Kung isa kang kelots na nagpapasikat sa bebot, dito ka bibili ng mga original na pinkish na laruan at hindi sa Divi. Naaalala ko tuloy 'yung time na kinuntsaba ko 'yung gumagawa ng mga pangalan na bubunutin para sa monito monita para sakin mapunta 'yung klasmeyt kong kras na kras ko. Sabi ng bespren niya ay type niya daw yung dambuhalang unan na ulo ni Hello Kitty. Potah, ilang lunch breaks ang tiniis ko para makabili ng gusto niya. Nang ibibigay ko na 'yun sa kanya during our Christmas Party, biglang napunit yung paper bag mula sa hawakan dahil sa sobrang bigat ng taenang ulo na 'yun!

Sikat din ang GG dahil sa mamahaling Lego. Hanggang ngayon ay pangarap ko pa ring makagawa ng replica ng Eiffel Tower gamit ang mga blocks ng Lego. Meron ding mga accessories na ang nakalagay ay si Fido Dido na paborito kong i-drawing ng patago sa likod ng mga kwaderno ng mga kaklase ko dati dahil ang dali-daling gawin. Dito rin binibili 'yung sikat na sikat na pabango dati, ang Angel's Breath.

BLUE MAGIC. Sa Ali Mall Cubao ko rin unang nakita ito. Sikat ang BM kapag balentaympers dahil sa mga malulufet nilang estaffed toys at mga pekeng roses na nasa loob ng bote. Pero mas kilala sila kapag panahon ng Kris Kringles dahil parang iyon yata ang gimik nila sa buhay. I'm sure, kung sa Maynila ka nakatira, nakatanggap o nakakita ka na ng papier mache ng buhay na buhay na tae (naka-patent yata sa kanila ang novelty item na 'yun). Magandang ilagay ito sa plato habang kasama mo ang mga masisibang kumain. Meron din silang binibentang condom na nasa loob ng glass na may nakalagay na "break in case of emergency".

PAPEMELROTI. Sa Ali Mall pa rin. Ito ang pinagsama-samang pangalan nila PAtsy. PEggy, MELdy, RObert, at TIna. Sikat din ito kapag kapaskuhan dahil sa mga quality nilang figurines at stationery. Ang kakaiba sa mga binibenta nila ay ag paggamit ng mga recycled materials. 'Di ko matandaan kung ano ang pinakasikat na product nila pero ang naaalala kong mabenta ay ang mga ref magnets, calendars, at mga greeting cards.

TICKLES. Sa Virra Mall, Greenhills ko ito unang napuntahan. Hindi ko lang matandaan kung ano ang binibenta dito. Parang bags yata. O parang stationery. Ah, 'di ko maalala. Basta sikat siya dati sa mga bebot.

BENCH at PENSHOPPE. Pag-iisahin ko nalang sila dahil pareho naman ang kanilang binibenta. Usong-usong ipang-regalo ang mga face towels nila na nagpataob sa mga Good orning towels ng lolo ko. Ilang ganun din ang natanggap ko sa mga exchange gifts dahil 'yun ang pinakamura sa mga items nila. Nasa fifty peysos lang ang isang piraso. Pwede ring bumili ng mga deo-sprays dito kapalit ng towel dahil halos magkasing-presyo lang sila dati! Meron ding mga cool na notebooks na pwedeng ipang-exchange gift.

SM. Hindi siyempre papatalo sila Tito. lahat ng something something sa Secret santa, meron sila. Panyong Aramando Caruso ang sikat na pangregalo noon. Tapos meron din silang mga nakaset na depende sa napakaliit mong budget!


Dahil wala na akong maisip na iba pang tindahan, iiwanan ko na kayo at babatiin ng MAGLIBAG SA PASKO AT MALIGO SA BAGONG TAON!!!




7 comments:

  1. naalala ko tuloy ang highschool days ko.. may GG rin sa harrison plaza. tanda ko dun kami lagi dinadala ng nanay ko dahil may diretsong byahe from cavite to vito cruz. wala na yata ngayon yun doon...

    ReplyDelete
  2. Tama ka. Gift gate ang popular para sa mga girly-girls na pagbibigyan ng gift. For stuff toys, ang Bluemangic, pede din yun sa kriskringle(variety ng mga samting-samting).

    ReplyDelete
  3. Guilty ako sa Papemelroti...

    ReplyDelete
  4. mas gusto ko pa ring mamili sa blue magic kasi mas affordable

    ReplyDelete
  5. gg morayta branch madlas kong tambayan ,feeling ko para akong nsa disneyland pag nakikita ko na yung mga items nila dun ,ilang recess at lunch break ang kinakalimutan ko makabili lang ako ng mga gusto ko sa sikat na GIFT GATE !!! at ang the best na cologne ko na ANGEL'S BREATH na kinababaliwan ko ,hanggang ngayon hinahanap ko pa sya sa mga mall kung saan pwede mabili ..any idea kung saan ko sya pwede mabili ? deds na deds talaga ako sa cologne na yun !!!

    ReplyDelete
  6. Solid yung Gift Gate at Blue Magic. Pero pinaka peborit ko yung Papemelroti. Ilang nililigawan ko ang nabilhan ko sa Blue Magic at Gift Gate. Sosyal na manliligaw ka dati pag ang hawak mo eh Gift Gate na paper bag. Elem days pa yun. Yung Blue Magic eh signiture manliligaw ka pag may istap tois kang bitbit. Swet na swet ka nun kase may pangalan pa yung mga istap tois.

    Pero yung Papemelroti eh personal na tambayan ko sya since grade 4 hanggang ngayon. Kundi sa arcade,sinehan,bookstore o kumakain sa fast food eh nasa Papemelroti ako. Mahilig kasi ako sa mga antigong eskaparate,mga recycled paper thingy's,pang scrap book (walang kokontra) at mga wood posters nila. Actually unang nadiscover ng erpat ko to tapos binili nya sa halagang 300 yung 2 posters na Ringling Brother's Circus ata yun. Solid yun kasi binibili sa kanya ng kumpare nya sa halagang 30k bawat isa. Bangong bango pa ako sa amoy ng barnis at lumang kahoy kaya ansarap tumambay. Bago ako umalis eh lagi akong may bitbit na something galing dun. Pangarap ko nga ma-meet si Kuya Robert eh. Parang Uncle Bob sya sa paningin ko pagdating sa mga antiques. Hehe.

    Sana may bagong post ka ser. Ansarap maging nostalgic habang nag-iisnow sa labas at tirik ang araw sa 3am. Haha! Galeng galeng!

    ReplyDelete