Isa sa mga paborito at pinakaaabangan kong ginagawa namin tuwing Christmas Eve noong bata pa ako ay ang pagpunta sa bahay ng Tita Nelia ko sa Antipolo upang daluhan ang Family Reunion sa side nila ermats. Bukod sa masaya ang taunang pagsasama-sama ng malaki naming angkan, inaabangan naming magpipinsan ang bigayan ng mga regalo at mga perang nakasobre!
Kapag natapos na ang "mini-Christmas program" at Noche Buena, kanya-kanyang hawak na ng bote ang mga barako habang nag-aagawan sa mic para makakanta sa videoke (hindi pa ako tomador noong mga panahong 'yun kaya hindi pa ako kasali sa session nila erpats). Kami namang mga bata ay nagtutumpok-tumpok sa sala para manood ng pelikulang pambata. Ilang taon din naming naulit at hindi pinagsawaan ang musical na "Annie". Napalitan lamang ito nang magkaroon na kami ng VHS copy ng "HOME ALONE".
Released on NOVEMBER 16, 1990, ang pelikulang ito ay tungkol sa eight-year old boy na si Kevin McCallister. Nagising nalang siya isang umaga na wala ang kanyang buong pamilya sa kanilang bahay. Ang akala niya ay nagkatotoo ang kanyang sinabing sana ay wala na siyang pamilya noong pinapagalitan siya ng kanyang nanay. Ang totoo, naiwanan siyang mag-isa nang magbabakasyon ang kanilang pamilya papuntang Paris. Naging masaya sa una ang kanyang pagiging "home alone" dahil naging malaya siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Nagsimula ang adventure nang umeksena na ang dalawang magnanakaw na gustong pasukin ang kanilang tahanan.
Isang fun-filled family Christmas movie ito. One of my all-time favorites na hindi ko talaga pinagsasawaang panoorin kapag may pagkakataon. Walang batang nakapanood nito ang hindi nag-enjoy sa mga booby traps na ginawa ni Kevin para maipagtanggol ang kanilang bahay laban sa mga kawatan. Sino ba naman ang makakalimot sa mga nagliliparang nakataling paint cans, nagbabagang door knob, at marka ng plantsa sa mukha ng kontrabida. The best din ang malapokpok na paghiyaw ni Daniel Stern nang lagyan siya ng mabalahibong tarantula! Pinatawa rin kami ng malufet at witty prank na ginawa ni Kevin sa pizza delivery boy gamit ang pinapanood niyang pelikulang "Angels with Filthy Souls".
Sa ganda ng pagkakagawa nitong pelikula ay tinangkilik ito ng masa at naging "third highest grossing film of 1990". Sa maliit na budget nitong $18million, sino ang mag-aakalang kikita ito ng humigit-kumulang $476million?!! Nagkaroon ito ng sequel pero hindi nalampasan ang kinita sa una. Sa ikatlo at ikaapat nitong installment, iba na ang binida nilang bata.
Ang "Home Alone" ang nagbigay ng pangalan at nagbigay-kulay sa buhay ni MACAULAY CULKIN. Siya ang isa sa mga highest paid child actors noong panahon namin. Parang ang lahat ng mga batang lalaki ay gustong maging kasing-bibo at kasing-yaman niya. To this date, pumapangalawa siya sa listahan ng "VH1's 100 Greatest Kid Stars" at "E!'s 50 Greatest Child Stars". Marami na ang gumaya ng kanyang istilong ginawa sa Home Alone pero walang nakapantay o umabot man lang sa kalingkingan. Naaalala ko tuloy 'yung character ni Aiza Seguerra sa pelikulang "Aswang" kung saan kasama niya sina Manilyn Reynes at Alma Moreno - isang pabibong bata na mahilig sa mga pranks ang kanyang ginanapan. Ganun ka-original sila Mother Lily sa kanilang mga pino-produce na high quality paksyet films.
Hindi natapos ang career ni Macaulay after ng "Home Alone" series. Gustung-gusto ko ang love team nila ng kras na kras kong si Anna Chlumsky sa pelikulang "My Girl". Astig naman ang pagganap niyang kontrabida sa pelikulang "The Good Son" kasama si Elijah Wood. Although hindi matanggap ng mga fans ang kanyang "dark role", na-nominate siya sa MTV Movie Awards for "Best Villain". Nagbalik siya sa pagiging wholesome sa mga pelikulang "Getting Even With Dad". "Richie Rich", "The Pagemaster", at "The Nut Cracker".
Lumabas din siya sa video ni King of Pop Michael Jackson na "Black or White". Isa siya sa mga nagtanggol kay Jacko nang mademanda ang huli sa kasong pedophilia / sexual abuse on a minor. Sinabi niyang ilang beses silang nagtabi sa kama ni MJ na walang "panghihipong" nagaganap kapag pinatay na ang ilaw!
Nang medyo tumatanda na siya ay nawalan na siya ng mga projects pero nag-retire naman siyang makapal ang bulsa at wallet. Ang siste nga lang, napabalitang napariwara ang buhay niya sa paggamit ng droga at iba pang substances.
Huli ko nalang siyang nakita sa music video ng Sonic Youth, sa kantang "Sunday" kung saan mukha siyang experienced na manyak.
Nabasa ko sa back issue ng FHM na naglabas siya ng librong "Junior" na isang semi-autobiography noong 2006. Ayon sa reviews, mukhang tanga lang 'yung mga sinulat niya. Dahil sa sikat siya at maraming curious sa kanyang buhay, may mga engot namang fans ang tumangkilik nito.
May mga cameo apperances siya lately pero wala na ang charm niya para mabigyan ulit ng isang major project.
Ganun naman talaga ang showbiz, hindi ka bata habambuhay. Kaya nga ako, hindi ko sineryoso ang celebrity life. Hindi ko ginustong maging sikat na child star noong bata pa ako para hindi malaos!

Base!!!
ReplyDeleteTama ka, sa showbiz, minsan ang kasikatan biglang mawawala.
Napabalitang di nag-ipon ang fam nia mula sa profit ng work nung bata.
Naaalala ko to. Talaga nga naman nagenjoy talaga ako sa mga pelikula ni macaulay culkin. Sa katunayan dahil sa Home Alone na yan. Eh natutunan namin magkakapatid na magset up ng mga booby trap sa bahay katulad ng mga stings at mga paputok.
ReplyDeletepareho tayo parekoy, masyado kaming na-inspire ng pelikula ni macaulay para gumawa ng mga bobby traps. ano pa ang ie-expect mo sa aming apat na magkakapatid na puro barako? \m/
ReplyDeleteang balita ko pa, noong kasikatan niya ay siya ang tumayong breadwinner ng kanilang napakalaking pamilya. kaya ng mag-18 sya ay umalis na siya ng kanilang bahay at sinarili ang pera!
ReplyDeleteMerry Christmas din parekoy at maraming salamat sa pagbati!
ReplyDeleteHindi ko pa napapanood yang Home Alone na yan. hahahahaha.. kahit nga yung The Grinch hindi pa din e. Basta mga pelikula talaga mahina ako. lol.
Haha Home Alone, may memory rin akong pinapanood ko ito on Christmas morning!!!
ReplyDeletesalamat parekoy at napadpad ka rin dito!
ReplyDeletepero teka, 'di ko mapagkonek ang home alone sa the grinch. hehehe. sabagay, pampasko nga pala sila pareho!
'di ba ang sarap ulit-ulitin?
ReplyDelete