"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine."
Para sa isang katulad kong mahilig sa musika, hindi tutuloy sa pag-ikot ang umikot ang mundo kung walang musika dahil ako ay mabibingi ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa ingay kaysa ang mamatay sa katahimikan.
Sa pagpunta ko dito sa Saudi, ang baon ko lang ay isang seleponong may 2GB micro SD card na sapat upang paglagyan ng humigit-kumulang tatlong-daang MP3s ng mga paborito kong kanta. Hindi ko na nadala ang gitara kong tinitipa sa tuwing nakikipag-jamming kila Ely Buendia, Kurt Cobain, at Billy Corgan sa bahay namin.
Tatlong buwan pa lang ako dito sa Gitnang Silangan ay unti-unti nang nawawala ang mga kalyo kong inipon mula sa pag-finger sa fret ng gitara. Naririnig ko na rin sa banyo na mas nanawala na sa tono ang dati ko nang sintunadong boses. Wala na kasing ensayo. Hindi tulad noong nasa Pinas pa ako, may malakas na sound system, may gitarang nakahain at bukod sa lahat ay may maaasahang Promac Videoke player na nambubulabog sa mga kapitbahay.
Ang videoke ay nagmula sa mga salitang "kara" na ang ibig sabihin ay "wala", at "okesutora" o "orkestra". Sa tunog pa lang, iisipin mo nang sa bansa ni Takeshi ito nagmula. Ang totoo, tama ang hinala mo ngunit kahit na sa lugar nila ito nanggaling, tayong mga Pinoy pa rin ang alam sa kasaysayan na nagpasimula ng pambansang libangan ng mga sunog-baga doon sa inyong kanto.
Pasalamatan natin ang mga sinaunang Japayuki's na nangibang-bansa noong mga huling taon ng Dekada Sesenta. Likas na ang pagiging "magulang", maabilidad at pagiging "wa-is" sa ating mga Pinoy kaya hindi na tayo magugulat kung malalaman nating may mga kababayan tayo noon na nag-record ng musikang walang kasamang kumakanta gamit ang mga cassette tapes. Ito ang ginamit ng mga solo entertainers na gustong kumita ng mas malaki hindi kasama ang mga kombo-kombo. Nauso ang ganitong istilo at tinawag nilang "minus one" ang mga tapes na ginagamit sa pagtatanghal.
Naging laganap ito sa Japan kaya noong 1971 ay nagkaroon din ng ganitong ideya ang tambolerong si Daisuke Inoue. Madalas siyang magtanghal sa mga tradisyunal na okasyon kung saan mas pinipili ng mga panauhin ang kumanta gamit ang kanyang mga paupahang pre-recorded tapes na tinawag niyang "karaoke". Pinaaarkilahan niya ang mga ito ng 100yens kada isang kanta.
Sa Pilipinas, nakapag-imbento si Roberto Del Rosario noong 1975 ng isang sing-along system na tinawag din niyang "minus one". Mula dito ay naimbento naman niya ang mga "multiplex tapes" na puwede mong patugtugin nang may kumakanta at puwede ring wala. Konting galaw lang sa mixer ng radyo, inuman na!
Mautak ang kababayan natin dahil nai-patent ito sa kanyang pangalan noong 80's. Sigurado akong naabutan ng mga Batang 90's ang kasikatan ng mga naimbento niya. Okay na sana ang lahat ngunit nagkaroon ng paghahabol ang mga kalahi ni Yamashita at sinabi nilang sila ang nakaimbento nito. Marami ang naging pagdinig sa korte ngunit sa huli ay ang kalahi pa rin ang nagwagi nang ibigay ang karapatan kay Del Rosario noong 1986. Habang ginagawa niya ang pagpapaganda sa pag-aaring imbesyon, naisahan naman siya ng kumpanyang "Miyata" na pumirata sa kanyang gawa. Sa Japan siya bumibili ng mga piyesa kaya madaling nakopya ng mga Hapon ang kanyang pinaghirapan. Nagkaroon ng demandahan mula 1993 hanggang 1996 kung saan nanalong muli ang kababayan natin.
Kahit na si Bert ang may karapatan sa pundasyon ng mga videoke ngayon, si Inoue pa rin ang kinikilalang imbentor nito. Noong 1999, kinilala siya ng Time Magazine bilang isa sa "The Most Influential Asians of the Century" para sa kanyang kontribusyon sa pagkakalikha ng videoke. Tumanggap din siya noong 2004 sa Harvard University para sa "Ig Nobel Peace Prize". Ang siste nga lang, siguradong mas napuno ang bulsa ng kababayan natin kaysa sa kanya!
At iyon ang alamat ng karaoke.

Katulad ng Nintendo Family Computer, ang mga kapitbahay kong may kamag-anak na Japayuki ang mga hindi nahuhuli sa karaoke machines. Sangkatutak ang bala nila ng Betamax at VHS player ang nakikita kong ginagamit nila sa mga okasyon. Dito ko nga unang narinig ang bersyong Hapon ng "Ikaw Pa Rin" na akala nating lahat ay orig na kanta ni Ted Ito.
Nang nalaos ang mga cartridges na bala, lumabas naman ang napakalaking Laser Discs noong mid-'90s. Kaso hindi ito masyadong pumatok kaya napalitan ng VCD format. Heto na ang mga panahong humahaba na ang kantahan naming magbabarkada kasama ang ispirito ni San Miguel!
Sa mga bahay madalas matatagpuan ang mga videoke players pero may ibang mga lugar tulad ng mga bars na ginamit ang ito upang humakot ng mga parokyananong mahilig gumamit ng miktinig.
Mas tumindi ang evolution ng karaoke patungong videoke nang lumabas na ang mga MIDI players na kayang magbasa ng ga-libong kanta. Talagang halos mamatay ako sa inggit nang nakita ko sa palabas na "People" ng Channel 2 ang mapakagarang mansyon ni April Boy na may malaking jologs videoke machine sa kanyang entertainment room. Taena, napakamahal pa kaya ng isang set ng videoke machine noong mga panahong iyon. Sa pagkakatanda ko, aabot ka ng halos 50kpesotas para dito.
Isa sa mga naiisip ko kapag kumakanta sa videoke ay ang mga orig na kumanta ng mga nilalaman nito. Kapag kinanta ba ng mismong kantatero ang orig song niya sa videoke ay isandaang porsyento kaagad ang kanyang makukuhang puntos?
Nang matapos ang dekada at pumasok ang Bagong Milenyo, naging bahagi na ito ng bawat sala ng pamilyang Pilipino. Hindi ka na "in" kung wala kayong player na may songbook na ihahain sa inyong mga bisita.
Kasama ako sa mga taong masasabi kong adik sa videoke. Ganun pa man, kahit na nakikipagbabaran ako ng hanggang madaling-araw, hindi ko ko madalas kantahin ang mga nakahanay sa sarili kong listahan ng "Top 5 Favorite Videoke Songs" nating mga Pinoy:
1. My Way
2. Closer You and I
3. I'll Always Love You
4. Dancing Queen
5. Hotel California
Ang Top 1 ang sinasabing"nakamamatay na kanta" ni Frank Sinatra. Marami nang natigok matapos itong kantahin. Kadalasan daw ay ang "score" at pag-aagawan na nauuwi sa asaran ang dahilan ng pagpapatayan. Urban legend man o nagkataon lang, isa lang ang totoo - si Roberto Del Rosario lang ang makakabirit ng "I did it my wee-e-ey...".
No comments:
Post a Comment