"Isa kang Batang 90's kung minsan ay pinangarap mong makausap ang ilang bigating tao noong Dekada NoBenta katulad ni Ely Buendia."
Ang tambayan kong puro kuwentong wala namang kuwenta ay may isang pahina na naglalaman ng mga hebigat interviews sa mga bigating nilalang na may kinalaman sa Dekada NoBenta. Kung sakaling bago ka lang dito sa aking pook-sapot, matatagpuan mo ang kawingan ng "Sampu't Sari" doon sa bandang kanan sa itaas ng iyong panginain. Koleksyon ito ng mga panayam na ginawa ko sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga sulatroniko kung saan nagbibigay ako sa aking panauhin ng sampung katanungang konektado sa 90's.
Ano kaya ang mga kuwentong-karanasan ng mga celebrities noong Nineties? Madalas natin silang makita sa teevee noon, mabasa sa dyaryo, at mapakinggan sa radyo, ngunit sigurado akong may iba pa silang mga mas interesanteng istorya sa buhay noong kapanahunan natin.
Paano kaya ilalarawan ni Senator BBM sa itsura ng ating bansa noong bumalik siya sa Pinas noong 1991 matapos ang limang taong pananatili sa Hawaii? Ano kaya ang naging epekto kay Renmin Nadela at sa Agaw Agimat ng paglipat ni Lee sa Slapshock? Alam kaya ni Glenn Jacinto ang tsismis noon na namatay na daw siya? Nasubukan na kayang kantahin sa videoke ni Bong Espiritu ang signature song nilang "Sikat na si Pedro"?
Noong pinaplano ko pa lang ang konsepto ng pakulo kong ito, tatlo sa mga iniidolo ko ang unang pumasok sa aking isipan. Una ay si Jessica Zafra na tunay na nagbigay sa akin ng inspirasyon upang magsulat ng mga sanaysay. Pangalawa ay si Lourd De Veyra na wala na yatang aastig pa sa talas ng pananalita at puna sa mga bagay-bagay. Pangatlo ay ang nag-iisang si Ely Buendia.
Kapag sinabing 90's, Alternatibong Pinoy ang una kong naiisip. Kapag musika noong Dekada NoBenta ang kuwentuhan ay ang grupo ng Eraserheads ang nasa unahan ng aking listahan. At kapag Eheads na ang usapan ay si Eleandre ang pinaka-angat para sa akin kumpara kila Lemon, Buddy, at Marcus. Pare-pareho silang magagaling pero si Ely talaga ang paborito at idol ko. Bilib ako sa husay niyang gumawa ng mga kanta. Hindi ko man nagawang maging katulad niya ay pangarap kong magmana sa kanyang talento ang aking mga anak.
Mahirap kayang makipag-usap kay Ely? Hihikain kaya ako kung pipilitin kong sumabay hanggang kanto ng kanyang isipan? Kung mabibigyan ako ng pagkakataong siya'y makapanayam, hindi ako basta-basta magtatanong sa kanya ng mga bagay na hindi sinaliksik dahil ayokong mapahiya.
Unang ibabato ko sa kanya ang katanungang kung totoo ba ang tsismis ni pareng WikiPilipinas na ang trahedya ng Ozone Disco ay ang inspirasyon sa kantang "Disconnection Notice" ng ginawa niya para sa Pupil. Kung totoo man ito, mayroon kaya siyang mga kakilalang nasawi sa sunog na naganap doon? Ayon sa Schizo Archives na may database ng timeline ng Eheads, ang grupo ni Pareng E ay nakatugtog sa nasunog na bahay-yugyugan noong November 7, 1993. Ano kaya ang naaalala niya sa itsura ng lugar na iyon at ano kaya ang naging reaksyon ng mga mananayaw sa kanilang kombo-kombo na humataw sa dance floor gamit ang mga instrumentong pangmusika?
Ang Eheads ang kauna-unahang Pinoy group na nanalo sa MTV Awards sa kategoryang "Asia Viewer's Choice Award" noong 1997 para sa kanilang kantang "Ang Huling El Bimbo". Tandang-tanda ko ang todo-suportang ibinigay ng sambayanang Pilipino sa pagboto para makuha ang minimithing karangalan. Noong napanood ko ang kanilang acceptance speech, halatang hindi ito live. Ilang "takes" kaya ang ginawa para dito? Sino kaya ang nagtago ng napanalunan nilang "Moon Man Trophy"?
Noong dinalaw ng Sonic Youth, Beastie Boys, at Foo Fighters ang Pilipinas para sa "MTV Alternative Nation Tour" noong January 20, 1996, ang Eraserheads ang napiling front act. Napanood ko ang konsyertong ito pero hindi namin inabutan ang live performance ng grupo nila Ely. May nabalitaan akong binato daw sila ng mga bollocks doon sa Araneta. Totoo kaya ito? Sa tatlong mga banyagang grupo, sino kaya ng pinakapaborito niya at may nakilala kaya siya sa mga miyembro nito?
Sa mga nagawa kong akda tungkol sa grupo nila, ang blog entry ko tungkol sa "Spoliarium" ang pinakamaraming page views. Nalaman ko ang katotohanan sa likod ng kantang ito nang mapadpad ako sa blog ni Karin Araneta na dati nilang manager. Hindi ito awit tungkol sa panggagahasa kay Pepsi Paloma pero para matapos na ang isyu, tatanungin ko pa rin si Ely tungkol dito upang manggaling sa kanya mismo ang tunay na kuwento tungkol sa inuming Goldshlagger na bumangenge sa kanila. Ano kaya ang reaksyon niya sa nabasa kong komento na merong mga guro sa UP ang nagsasabing tungkol ito sa kabulastugan nina Enteng at Joey?
Kung sinusubaybayan niyo noon ang teevee series ni Mikee Cojuangco, matatandaan niyong nag-guest ang grupo nila sa isa sa mga episodes nito noong 1997. Binalak din kaya talaga nilang pumasok sa showbis katulad ng ilang mga musikero ngayon? Sa episode na aking tinutukoy ay nabanggit nila ang Bang Bang Ali (dating Alibangbang) na isang beer garden sa Cubao. Nakapasok kaya sila dito noong kanilang kabataan? Malamang sa alamang, ito ang pinaghugutan niya ng taytol ng kanyang unang pelikulang "Bang Bang Alley".
Ang awitin nilang "Alapaap" ang pinaka-kontrobersyal sa kanilang mga nagawa. Matatandaang pinaimbestigahan ito noon ni Tito Sotto sa paniniwalang ito ay tungkol sa droga. Hindi lang sila ang naapektuhan nito kundi maging ang kanilang mga kontemporaryo. Ang siste, lalong tumaas ang kanilang benta at nadagdagan ang kanilang kasikatan. Nabawasan kaya ang kanyang paghanga sa VST & Co. sa pangyayaring iyon? Bukod sa kontrobersiyang ito, may nagsasabing rip off lang ang kantang ito ng "Reach" ng Pale Fountains at "It's A Shame About Ray" ng Lemonheads. Siguradong maaasar siya kung tatanungin ko ang opinyon niya tungkol dito.
Noong 1996 ay naging sentro naman ng mga relihiyodo (daw) ang kanilang kantang "Pare Ko". Okay, alam na natin ang murang pinauso nila sa chorus pero may mga nagsasabing may demonic message daw ang awiting ito kapag pinatugtog nang pabaligtad. Itatanong ko ito sa kanya upang marinig ko ulit ang sinabi niya sa isang episode ng MGB ni Ka Noli noong January 1996 na pinamagatang "Nakatagong Maskara sa Baligtad na Musika".
Nabanggit ko na sa itaas ang pag-idolo ko kay Jessica Zafra kaya tatanungin ko rin si Ely kung paano nila siya nakilala at naging manager? Naging paborito rin kaya niya si JZ bilang manunulat kaya siya ang ginawang editor ng book version ng "Fruit Cake"?
Isa ako sa mga naghinayang sa "Sticker Happy Piano" na sinunog ni Ely sa kanilang "Final Set" reunion concert. Ilang taon kaya bago niya napuno ng sticker 'yun at hindi kaya siya nanghinayang masunog ito ng ganun-ganun nalang? Nasaan na kaya ito ngayon?
Ano kaya ang mga unang pumapasok sa kanyang isipan kapag binabanggit sa kanya ang "Burger Machine" na dati nilang ginawan ng endorsement; ang "1896 Ang Pagsilang" album; ang late night musical show na "Ryan Ryan Musikahan"; ang pag-guest nila sa "The Inside Story with Loren Legarda" kung saan halatang hindi alam ng dating journalist ang kanyang sinasabi; ang hindi maganadang karanasan nila sa "Kaya ni Mister, Kaya ni Misis" sitcom; ang mga taong naghahanap ng Volume 2 ng "Pillbox" na fan magazine nila; ang "349 Fiasco" ng Pepsi na dati nilang na-endorse din at sigurado akong ang nagmamay-ari ng tansang tinutukoy sa "Ligaya"; ang nawala nang "Rock N' Rhythm" song mag; ang nag-iisang si Ed Formoso; at ang kanilang pag-extra sa pelikulang "Run Barbi Run" ni Joey De Leon?
Mahirap kayang makipag-usap kay Ely? Hihikain kaya ako kung pipilitin kong sumabay hanggang kanto ng kanyang isipan? Kung mabibigyan ako ng pagkakataong siya'y makapanayam, hindi ako basta-basta magtatanong sa kanya ng mga bagay na hindi sinaliksik dahil ayokong mapahiya.
Unang ibabato ko sa kanya ang katanungang kung totoo ba ang tsismis ni pareng WikiPilipinas na ang trahedya ng Ozone Disco ay ang inspirasyon sa kantang "Disconnection Notice" ng ginawa niya para sa Pupil. Kung totoo man ito, mayroon kaya siyang mga kakilalang nasawi sa sunog na naganap doon? Ayon sa Schizo Archives na may database ng timeline ng Eheads, ang grupo ni Pareng E ay nakatugtog sa nasunog na bahay-yugyugan noong November 7, 1993. Ano kaya ang naaalala niya sa itsura ng lugar na iyon at ano kaya ang naging reaksyon ng mga mananayaw sa kanilang kombo-kombo na humataw sa dance floor gamit ang mga instrumentong pangmusika?
Ang Eheads ang kauna-unahang Pinoy group na nanalo sa MTV Awards sa kategoryang "Asia Viewer's Choice Award" noong 1997 para sa kanilang kantang "Ang Huling El Bimbo". Tandang-tanda ko ang todo-suportang ibinigay ng sambayanang Pilipino sa pagboto para makuha ang minimithing karangalan. Noong napanood ko ang kanilang acceptance speech, halatang hindi ito live. Ilang "takes" kaya ang ginawa para dito? Sino kaya ang nagtago ng napanalunan nilang "Moon Man Trophy"?
Noong dinalaw ng Sonic Youth, Beastie Boys, at Foo Fighters ang Pilipinas para sa "MTV Alternative Nation Tour" noong January 20, 1996, ang Eraserheads ang napiling front act. Napanood ko ang konsyertong ito pero hindi namin inabutan ang live performance ng grupo nila Ely. May nabalitaan akong binato daw sila ng mga bollocks doon sa Araneta. Totoo kaya ito? Sa tatlong mga banyagang grupo, sino kaya ng pinakapaborito niya at may nakilala kaya siya sa mga miyembro nito?
Kung sinusubaybayan niyo noon ang teevee series ni Mikee Cojuangco, matatandaan niyong nag-guest ang grupo nila sa isa sa mga episodes nito noong 1997. Binalak din kaya talaga nilang pumasok sa showbis katulad ng ilang mga musikero ngayon? Sa episode na aking tinutukoy ay nabanggit nila ang Bang Bang Ali (dating Alibangbang) na isang beer garden sa Cubao. Nakapasok kaya sila dito noong kanilang kabataan? Malamang sa alamang, ito ang pinaghugutan niya ng taytol ng kanyang unang pelikulang "Bang Bang Alley".
Ang awitin nilang "Alapaap" ang pinaka-kontrobersyal sa kanilang mga nagawa. Matatandaang pinaimbestigahan ito noon ni Tito Sotto sa paniniwalang ito ay tungkol sa droga. Hindi lang sila ang naapektuhan nito kundi maging ang kanilang mga kontemporaryo. Ang siste, lalong tumaas ang kanilang benta at nadagdagan ang kanilang kasikatan. Nabawasan kaya ang kanyang paghanga sa VST & Co. sa pangyayaring iyon? Bukod sa kontrobersiyang ito, may nagsasabing rip off lang ang kantang ito ng "Reach" ng Pale Fountains at "It's A Shame About Ray" ng Lemonheads. Siguradong maaasar siya kung tatanungin ko ang opinyon niya tungkol dito.
Noong 1996 ay naging sentro naman ng mga relihiyodo (daw) ang kanilang kantang "Pare Ko". Okay, alam na natin ang murang pinauso nila sa chorus pero may mga nagsasabing may demonic message daw ang awiting ito kapag pinatugtog nang pabaligtad. Itatanong ko ito sa kanya upang marinig ko ulit ang sinabi niya sa isang episode ng MGB ni Ka Noli noong January 1996 na pinamagatang "Nakatagong Maskara sa Baligtad na Musika".
Nabanggit ko na sa itaas ang pag-idolo ko kay Jessica Zafra kaya tatanungin ko rin si Ely kung paano nila siya nakilala at naging manager? Naging paborito rin kaya niya si JZ bilang manunulat kaya siya ang ginawang editor ng book version ng "Fruit Cake"?
Isa ako sa mga naghinayang sa "Sticker Happy Piano" na sinunog ni Ely sa kanilang "Final Set" reunion concert. Ilang taon kaya bago niya napuno ng sticker 'yun at hindi kaya siya nanghinayang masunog ito ng ganun-ganun nalang? Nasaan na kaya ito ngayon?
Ano kaya ang mga unang pumapasok sa kanyang isipan kapag binabanggit sa kanya ang "Burger Machine" na dati nilang ginawan ng endorsement; ang "1896 Ang Pagsilang" album; ang late night musical show na "Ryan Ryan Musikahan"; ang pag-guest nila sa "The Inside Story with Loren Legarda" kung saan halatang hindi alam ng dating journalist ang kanyang sinasabi; ang hindi maganadang karanasan nila sa "Kaya ni Mister, Kaya ni Misis" sitcom; ang mga taong naghahanap ng Volume 2 ng "Pillbox" na fan magazine nila; ang "349 Fiasco" ng Pepsi na dati nilang na-endorse din at sigurado akong ang nagmamay-ari ng tansang tinutukoy sa "Ligaya"; ang nawala nang "Rock N' Rhythm" song mag; ang nag-iisang si Ed Formoso; at ang kanilang pag-extra sa pelikulang "Run Barbi Run" ni Joey De Leon?
Ang dami kong tanong. Ang totoo, sampu lang lahat ng mga ito kung susumahin.
Mapapansin kaya ako ni Pareng Ely?
Hindi siguro.
Kahit na tumalon ako sa bangin, siguradong hindi niya ako sasagipin.
Dahil hindi naman siya isang superhero at mas marami siyang ginagawa kaysa kay Darna.

aabangan ko 'yan sir!
ReplyDeletesana mapaunlakan ni Sir Ely ang interview, pansin ko naman iba na siya ngayon compared noong medyo mas bata pa siya.
ang daming pwedeng itanong sa kanya personal man o kontrobersyal, ang hirap magbitaw ng tanong lalo't hindi mo alam kung makaka-offend ka sa taong i-iinterviewin mo.
we are hoping against hope na pumayag siya. \m/