Itinuturing na isa sa mga haligi ng Pinoy punk / hardcore scene, ang PHILIPPINE VIOLATORS ay nabuo noong Marso 1984 sa pamumuno ng magkapatid na BONG ESPIRITU (vocals) at Jesus "Senor Rotten" Espiritu (guitars). Kasama nila sa orihinal na grupo sina Seymour Estavillo (bass) at Noel Banares (drums).
Sa ilalim ng indie punk label na Twisted Red Cross o mas kilala sa tawag na TRC ay lumabas ang kanilang debut album na "Philippine Violators At Large". Dahil sa angas ng kanilang tugtugan ay nabigyan sila ng pagkilala at nagkaroon ng mga tagahanga hindi lamang sa Pinas kundi na rin sa labas ng bansa tulad ng Europe, ilang bahagi ng Asya, at America.
Isang patunay dito ay ang grupong Abalienation. Laking-gulat at mas lalong tumaas ang paghanga ko sa PhilVio nang mapansin ko sa cover ng aking biniling cassette tape mula sa Musikland sa Ali Mall Cubao ay nakasuot ng t-shirt na may print ng "At Large" ang bokalista nila. Biruin mo, tagahanga ng grupong Pinoy ang hinahangaan kong stateside na punks!
Nang mawala ang TRC ay binuo ng magkapatid na Espiritu ang Rare Music Distributor (RMD) Records. Noong una ay para lamang sana ito sa mga musikang ilalabas ng PhilVio tulad ng "State of Confusion" album ngunit nang lumaon ay naging "breeding ground" ito ng mga grupo sa underground scene. Nakatulong ang RMD sa pag-produce ng mga compilation albums tulad ng "Screams From the Underground" na sumuporta sa mga independent artists.
Sa pagpasok ng Dekada NoBenta ay unti-unting nagbago ang tugtugan ng PhilVio. Gumawa na sila ng mga Tagalog na kanta at ang tunog ay hindi naging limitado sa punk at hardcore - "power pop-post punk" na mas nagustuhan ng ordinaryong masa. Nakasama sila sa compilation album na pinamunuan ni Heber Bartolome noong 1991, ang "Pinoy Bato". Dito unang narinig ang "Sikat na si Pedro", ang kantang nagpakilala sa kanilang tunog sa mainstream.
Napansin na sila ng mga record labels nang lumabas ang album na "Sikat na si Pedro". Bukod sa LA105.9 ay maririnig mo na ang kanilang mga kanta sa ibang istasyon ng radyo. Sa mga songhits at iba pang babasahin ay nagkaroon sila ng mga panayam at naging mga cover nito. Dumami ang kanilang mga guestings sa teevee at dumami ang imbitasyon sa mga konsyerto sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Ganun pa man ay hindi nakaapekto ang mainstream sa kanilang musikang pinagmulan.
Noong una ko silang marinig ay napagdesisyunan kong maging isang punkista. Hanggang ngayon, dumadaloy pa rin ito sa aking mga ugat at kung titingnan mo sa mikroskopyo ang aking dugo ay makikita mo pa rin sa aking DNA ang Philvio. Ang kanilang klase ng tugtugan at istilo ng pagsusulat ng mga makabuluhang mensahe ang dalawa sa dahilan kung bakit sumali rin ako sa banda noong panahon ng gitara.
Hindi ko makakalimutan ang isa naming gig kung saan tinugtog namin ang "Ipako sa Krus" sa isang barangay event kung saan may mga pulitiko. Sa kalagitnaan ng aming rakrakan ay biglang nawala ang tunog ng aming mga instrumento. Sabotahe. Bawal marinig ni alkalde-mayor.
Sila ang isa sa mga grupong inaabangan namin sa tuwing kami ay pumupunta sa mga konsiyerto. Literal na nagkakagulo sa islaman ang mga punks sa tuwing sila na ang nakasalang. Hindi ko rin makakalimutan ang konsyerto nila sa Pasig kung saan sa kalagitnaan ng kanilang kanta ay biglang may nagpaputok ng baril, dahilan upang matigil ang kasiyahan. Taena, pinaghuhuli ang lahat ng mga nakaitim na t-shirt. Buti nalang may natakbuhan kaming barkadang nakatira malapit sa pinagdausan.
Matapos ang higit sa dalawang dekada, buhay pa rin ang PhilVio. Nag-iba man ang line-up at kahit na nasa ibang bansa si Senor Rotten ay patuloy pa rin ang tugtugan sa pamumuno ng nag-iisang SIR BONG ESPIRITU. Hindi kayang pigilan ang pusong punks ng kung anumang atake. Walang-kupas ang alamat!
Mapalad akong lubos dahil napagbigyan ako ng aking idol na siya ay makapanayam. Heto na ang kanyang kwentong-karanasan.
1. Sa dalawang dekadang itinagal ng inyong grupo sa industriya ng musika, ano ang nakita mong pagkakaiba ng underground scene noong 90’s at sa ngayon?
Noon ang underground talagang tago kumbaga kung sino lang ang involve sa Music at sa movement itself kami kami lang ang nakakaalam hangang mag evolve ito sa ere nung 90s sa pamamagitan ng LA105.9FM .Yun na ang panahon ng pagibabaw ng underground music, the so called underground were no longer an underground.

Sa ngayon pumaibabaw na to ng husto honestly i consider it as a genre nalang kumbaga isang uri o klasipikasyon nalang ng Rock Music gaya ng punk,metal,hardcore etc....
2. Ano ang masasabi mong naging malaking bagay na nakaimpluwensya upang magustuhan ng masa ang inyong klase ng tugtugan sa pagputok ng Dekada NoBenta? Paano nakaapekto ang mainstream sa inyong musika?
Kasi nung panahon ng 90s ang masang pilipino ay talagang uhaw na sa mga ganitong klase ng tugtugan sa totoo lang matagal na naming ipinaglalaban ang aming musika nun pang dekada 80 halos nawala ng lahat ang mga kasabayan namin kami nalang ng Wuds ang nagpatuloy sa pakikibaka upang buhayin ang Alternatibong Musikang Pilipino at di nga kami nagkamali nagbunga rin ang paghihirap namin Alternative Music Boom in the 90s tinanggap kami ng masa kahit di namin ito inaasahan ,napakalaking impluwensiya sa kanila ang awiting Sikat na si Pedro na nagluklok samin sa tugatog ng tagumpay. the song itself broke all barriers nawala ang diskriminasyon at ang dating underground music na minamaliit, tinatapaktapakan, ay tinitingala na magpahanggang sa kasalukuyan..
3. Kayo ang kauna-unahang grupong punk na nakapagtanghal sa Araneta Coliseum. Paano naisakatuparan ang makatugtog sa pinakamalaking entablado sa Pilipinas? Ano ang hindi mo malilimutan sa konsiyertong ito?
Sa totoo lang ni sa panaginip diko akalaing makaabot ang PHILVIO as far as Araneta Coliseum isa itong history at napakalaking achievement para samin. Diko malilimutan ang paggalang at respetong tinamasa namin habang nagaganap ang konsiyertong iyon halos lahat ng mga bandang nagperform pinagbabato ng mga audience pero pagdating sa set ng PhilVio kami lang ang grupong nakapagpayapa sa kanila. Pinakita nilang lahat ang kanilang suporta at pagmamahal samin na di mo matatawaran diko malilimutan ang mga pangyayaring yun habang akoy nabubuhay...
4. Ang awit niyong “Lahat sa Tropa” ay naisama sa pelikulang “The Rollerboys” na ipinalabas noong 1995. Tumugma ba ang liriko ng inyong kanta sa tema ng palabas? Ano ang masasabi niyo sa pagkakapili ng inyong kanta para dito?
Sa mga tv guestings? Ok naman lahat marami kaming nakilala sa industriya at naging mainit naman ang pagtanggap nila samin, nagpapaumanhin lang ako noon sa pamunuan ng Eat Bulaga dahil meron ata kaming sched sa kanila na di kami nakarating dahil sa bagyo..
6. Nasubukan mo na bang kantahin ang “Sikat na si Pedro” sa videoke? Ano ang iyong score? Ano ang masasabi mo sa gumawa ng MIDI file nito?
Honestly, never kong kinanta ng buo ang Sikat na si Pedro sa videoke ewan ko ba ipakanta mo na sakin ang mga songs ng ibang banda wag lang ang sarili kong kanta sa videoke diko alam kung bakit pero kahit pilitin ako ng mga kasama ko sa work o mga kaibigan di ko talaga magawa. Sa mga gumawa ng MIDI file nito salamat na rin kahit iba pa rin ang nakikinabang sa mga royalties nito proud pa rin ako bilang isang artist na napasama ang aking awitin ..
7. Ang compilation na “Pinoy Bato” ay isa sa mga pinakakilalang albums ng Dekada NoBenta kung saan kasama ang inyong mga kantang “Ipako sa Krus”, “Sikat na si Pedro”, at “Para Sa’yo”. Alin sa tatlo ang sa tingin mong sumapol sa mga kaganapang bumabalot sa ating lipunan noong inilabas ang album na ito at bakit? Ano ang iyong masasabi sa pagiging klasik ng obrang ito kasama ang Wuds, The Next, Mga Anak ng Tupa, at si Heber Bartolome?
Sa tatlong awiting yan syempre sapul na sapul sa lipunan ang Ipako sa Krus at Para Sayo na talaga namang nangyayari sa ating pangkasalukuyang kabuhayan. While ang Sikat na si Pedro naman ay patungkol lamang sa mga kapwa ko banda ang buhay at kinahihinatnan ng mga musikero..
Sa totoo lang ni sa panaginip diko akalaing makaabot ang PHILVIO as far as Araneta Coliseum isa itong history at napakalaking achievement para samin. Diko malilimutan ang paggalang at respetong tinamasa namin habang nagaganap ang konsiyertong iyon halos lahat ng mga bandang nagperform pinagbabato ng mga audience pero pagdating sa set ng PhilVio kami lang ang grupong nakapagpayapa sa kanila. Pinakita nilang lahat ang kanilang suporta at pagmamahal samin na di mo matatawaran diko malilimutan ang mga pangyayaring yun habang akoy nabubuhay...
4. Ang awit niyong “Lahat sa Tropa” ay naisama sa pelikulang “The Rollerboys” na ipinalabas noong 1995. Tumugma ba ang liriko ng inyong kanta sa tema ng palabas? Ano ang masasabi niyo sa pagkakapili ng inyong kanta para dito?
Kung barkadahan at tropa ang paguusapan tugmang tugma ang awiting Lahat sa Tropa sa theme ng pelikula dahil naglalarawan ito ng samahan ng isang grupo o magkakaibigan. Sa pagkakapili naman ng aming kanta para sa pelikulang iyon natural happy kami pero at the same time malungkot dahil nagamit kami ng wala man lang nabenefit ang grupo pero diko sinisisi ang producer ng pelikula dahil alam kong wala naman silang alam sa pangyayari na kinasangkutan lang ng maling pamamalakad ng taong humahawak o nagmamanage noon sa grupo.
5. Sa inyong kasikatan noong 90’s ay dumami ang inyong mga paanyaya upang tumugtog sa mga TV shows tulad ng “Chibugan Na”. Ano ang hindi niyo malilimutang TV guesting at bakit?Sa mga tv guestings? Ok naman lahat marami kaming nakilala sa industriya at naging mainit naman ang pagtanggap nila samin, nagpapaumanhin lang ako noon sa pamunuan ng Eat Bulaga dahil meron ata kaming sched sa kanila na di kami nakarating dahil sa bagyo..
6. Nasubukan mo na bang kantahin ang “Sikat na si Pedro” sa videoke? Ano ang iyong score? Ano ang masasabi mo sa gumawa ng MIDI file nito?
Honestly, never kong kinanta ng buo ang Sikat na si Pedro sa videoke ewan ko ba ipakanta mo na sakin ang mga songs ng ibang banda wag lang ang sarili kong kanta sa videoke diko alam kung bakit pero kahit pilitin ako ng mga kasama ko sa work o mga kaibigan di ko talaga magawa. Sa mga gumawa ng MIDI file nito salamat na rin kahit iba pa rin ang nakikinabang sa mga royalties nito proud pa rin ako bilang isang artist na napasama ang aking awitin ..
7. Ang compilation na “Pinoy Bato” ay isa sa mga pinakakilalang albums ng Dekada NoBenta kung saan kasama ang inyong mga kantang “Ipako sa Krus”, “Sikat na si Pedro”, at “Para Sa’yo”. Alin sa tatlo ang sa tingin mong sumapol sa mga kaganapang bumabalot sa ating lipunan noong inilabas ang album na ito at bakit? Ano ang iyong masasabi sa pagiging klasik ng obrang ito kasama ang Wuds, The Next, Mga Anak ng Tupa, at si Heber Bartolome?
Sa tatlong awiting yan syempre sapul na sapul sa lipunan ang Ipako sa Krus at Para Sayo na talaga namang nangyayari sa ating pangkasalukuyang kabuhayan. While ang Sikat na si Pedro naman ay patungkol lamang sa mga kapwa ko banda ang buhay at kinahihinatnan ng mga musikero..
Ang masasabi ko sa klasik album na ito isa siya sa nagsilbing ugat upang mabuhay ang musika ng pinoy bato kasama rin ang mga bandang Wuds,The Next, Mga Anak ng Tupa na katulad namin na nagbukas ng pinto para sa mga bandang pinoy nung Dekada 90...
8. Marami ang hindi nakakaalam na may bersyon kayo ng awiting “Luha”. Ano ang masasabi mo sa orihinal na awit ng Sakada at bersyon na pinasikat ng Aegis noong mga huling taon ng Dekada NoBenta?
Kailangan ko pa bang sagutin to mahirap ikumpara ang dalawang bersyon dahil bawat grupo ay may kanikanilang galing at sariling bersyon ayokong manggaling sakin ang komento dahil parepareho lang po kaming artist...
9. Naniniwala ka ba sa sinasabi ng karamihan ngayon na “OPM is dead”? Sa tingin mo ba ay muling sisigla ang industriya ng musika tulad noong Dekda NoBenta?
OPM is not dead may struggle lang dahil pilit pa rin nating inaangat ito sa mga foreign music at artist pero di ito nawawala anjan pa rin. Sa obserbasyon ko medyo masigla naman ang eksena ngayon di nga lang singlakas noon pero ganun talaga sabay sa pagikot ng mundo nagiiba ang lahat at nagiiba na rin ang mga pangyayari.

10. Sabihin kung ano ang unang naiisip sa tuwing marririnig ang mga sumusunod na grupo:
A. The Youth Multong Bakla
B. Yano Dong Abay
C. Askals Underground
D. Tribal Fish Si Toks at si Bullet
E. Advent Call Karl Roy
F. Wuds Icons
G. Bad Omen the good boys of punk
H. Dahong Palay Andrue
I. Siakol Tunay na katropa
J. The Jerks who started it all, punk rock in the Philippines
Mensahe sa lahat ng Batang 90's:
Mensahe? Just keep on rockin, hanggang may buhay ipagpatuloy lang ang pagtangkilik at pakikinig sa musikang dekada 90 na atin ng minahal laging tandaan walang katulad ang dekada 90 dito nagmula ang mga makabuluhang awiting pinoy,ang mga masasayang alalaala ng panahong ito ay ating buhayin sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga konsyerto at sa mga bandang patuloy pa ring nageexist sa eksena, hanggat naryan kayo di rin sila mawawala sama sama tayo mga kapatiiiddd!!!
SIR, MARAMING SALAMAT AT MABUHAY KA! OI! OI! OI!

You guys forgot something the real people make this happen (ROTTEN YOUTH)
ReplyDeleteAyos... Salamat tol sana marami pang makabasa nito Hindi lang tayong mga batang 90s kundi pati ang mga kabataan sa kasakukuyan upang malaman nila kung gaano kahalaga ang musikang pilipino.
ReplyDelete