ROBERT "BOB" ROSS
(October 29, 1942 - July 4, 1995)
"Isa kang Batang Nineties (at Eighties) kung namangha ka sa talento ni Bob Ross"
Noong ako ay bata pa, mayroong isang canvas painting sa bahay ng mga lola ko sa Adamson Crame ang madalas kong titigan dahil sa sobrang ganda ng pagkakagawa. Parang tunay 'yung tanawin na bundok, ilog, sinag ng araw, mga ulap, at mga puno kaya kapag nakikita ko ito, ang pakiramdam ko ay nandoon ako mismo sa lugar na iyon. Ganun yata talaga ang imahinasyon kapag nasa pre-school stage ka pa lang, "carried away" kaagad sa mga nakikita.
Nasa unang baytang ng elementarya nang mapanood ko sa RPN 9 ang isang nagpipintang lalaking balbas-sarado at may kakaibang buhok. Bigla kong naalala ang nakasabit sa dingding ng bahay nila lola - kahawig ng nasa teevee kaya mula sa pagkakatayo habang hawak ang pihitan ng channel ay napaupo ako sa aming sofa. Nanood ako ng may konting pag-aalinlangan dahil baka may cartoons na sa Channel 7. Hindi ko namalayan, natapos ko na pala ang buong programa. Taena, ang ganda ng nagawa niya.
Simula noon ay itinuring ko na siyang maestro kahit na hindi ko naman talaga alam ang kanyang pangalan. Magaling na akong magkulay ng mga coloring books na binibili ni ermats para sa aming magkakapatid noon. Palagi na rin akong napupuri ni Mrs. Lanas dahil walang lampas sa kulay ng bandila ng Pinas na aming madalas na iginuguhit sa aming Grade 1 pad kapag siya ay pumupunta sa kabilang seksyon para maningil ng binibentang yema. Ganun pa man, mukhang tae pa rin ang aking gawa sa tuwing nakikita ko ang "finished product" ni idol.
Siya ang ginawa kong inspirasyon upang makagawa ng mga tatawagin kong obra balang-araw. Nagpabili ako ng water color para makapagsanay pero mas nagmukhang buris ang kalokohan ko sa oslo paper. Sa awa ni Bro, nauwi nalang ang galing ko sa pagbakat gamit ang onion skin paper o kaya naman ay kokomban na pinahiran ng kerosene! Ang akala ko pa naman ay magiging isang sikat na pintor ako pagdating ng panahon.
Si Bob Ross ay isang retiradong US Air Force officer na naging tanyag sa buong mundo dahil sa kanyang programang "The Joy of Painting" na unang lumabas noong January 11, 1983 sa bansa ni Uncle Sam. Ang kanyang show na nagtuturo ng "wet-on-wet oil painting" technique, isang paraan kung saan hindi na kailangang patuyuin ang naunang pintura sa canvas bago patungan ng panibago, ay tumagal ng lampas isang dekada. Nagkaroon ito ng 31 seasons o 403 episodes kung saan ang kahulihan ay ipinalabas noong May 17, 1994, isang taon bago siya pumanaw. Sa totoo lang, mas lamang ang mga Batang 80's sa pagkakakilala sa kanya ngunit sigurado akong naabutan sila ng mga kabataang katulad ko ng Dekada NoBenta. Sa katunayan, bago siya kuhain ni Bro ay nakagawa pa siya ng mga promotional ads sa MTV na magpapakilala sana sa kanya sa bagong henerasyon ng manonood.
Sa unang panood ay mukhang nakakaantok ang palabas dahil sa wala kang makikita kundi ang kanyang easel, canvas, mga pintura, brushes, knives, at ang itim na background. Ngunit habang tumatakbo ang show at nakikita ang nalilikhang larawan ay hindi mo na magagawang kumurap. Para kasing isang magic show na tumatagal lamang ng kalahating oras!
Nakakarelax ang trenta minutos na kasama si Bob. Ang kanyang mga tanawin na ipinipinta ay hango sa mga nakita niya sa Alaska kung saan siya nadestino noong nasa serbisyo pa. Nakakagaan ng pakiramdam ang napakalumanay niyang boses na ginagamit sa pagkukwento ng kanyang mga karanasan habang nagpipinta. Ayon sa kanya, ipinangako niya sa sariling hindi na sisigaw kapag iniwan na niya ang katungkulan bilang opisyal sa air force.
Punung-puno ng positibong enerhiya ang palabas kaya isang "therapy" na maitutuing ang pagtuktok sa kanya. Kilala si Bob sa mga catch phrases tulad ng "happy little trees", "happy little clouds", at "happy little bushes". Nagpapakita rin siya ng mga wildlife footage na karaniwan ay kuha sa kanyang bakuran. Paminsan-minsan ay nagdadala siya ng mga maliliit na hayop sa show tulad ng batang usa at ang squirrel na si Peapod.

July 4, 1995 ay pumanaw si Bob Ross sa batang edad na 52 taon dahil sa lymphoma. Sa kanyang itinagal sa mundo ay nakagawa siya (ayon sa kanya) ng humigit kumulang sa 30,000 na mga obra. Ang lahat ng kanyang mga naipinta sa show ay ipinapamigay niya at napupunta sa mga auction houses, at ang kinikita ay napupunta naman sa mga charities. Ngapala, tatlong kopya ng larawan ang kanyang ipinipinta kada episode - ang una ay ang nasa off-screen na kinokopyahan, ang pangalawa ay ang ipinapakita sa teevee, at ang pangatlo ay isa pang kopya matapos ang show. Kung kukuwentahin, nasa 1,200 ang kanyang ipinamigay sa network. Nasaan na kaya 'yung natitirang 28,800 na ginawa niya sa likod ng camera?
Ang kanyang talento ay ang nagluklok sa kanya upang maging isang alamat at bahagi ng pop culture. Noong ika-70 niyang kaarawan ay ginawaan siya ng doodle ni pareng Googs. May mga cultural references din siya sa mga shows tulad ng "Family Guy", "Conan O'Brien", "Peep Show", "Chuck", at "The Boondocks".
Wala man na siya ngayon ay may isang bagay tayong natutunan mula sa kanya - "We don't make mistakes, we just have happy accidents.".
napanood ko rin ito.. ehe.. actually nagdownload ako.. kasi natuwa naman ako sa kanyang obra... parang napakagaan ng kanyang mga kamay at sa isang iglap isang magandang painting na ang nabuo...
ReplyDelete:D
Іf уou desire tο іncгеasе youг knowledge simply keeρ
ReplyDeletevisiting this web sitе and be upԁated with the latest neωs update posted hеrе.
Also νisit my weblog; fotografos bodas valencia
Ρeculіaг article, јust what I wanted to fіnd.
ReplyDeleteMy homеpagе: fotografos bodas alcoy
Napaka sarap balikan ang alaala noong panahon, lagi ko inaabangan ang show nya yun nga lang may kaagaw ako sa remote ng tv kapag natataon na show na nya.
ReplyDeleteI couldn't refrain from commenting. Exceptionally well written!
ReplyDeleteFeel free to surf to my homepage; scabble